Posted in Blogging, Life, Rants, Work & Work Hard

!!!!!!!!!!!!

‘Yan nga ang title!

Nakaka HB! Para sa akin ang maglagay ka ng mahigit isang exclamation marks ay nangangahulugang galit ka o asar. Pero depende pa rin ito sa kung ano ang laman ng sinulat mo or mensahe mo. Meron kasing puno ng exclamation point dahil sobrang saya o kaya sobrang excited.

Continue reading “!!!!!!!!!!!!”

Advertisements
Posted in dubai adventures, Random Thoughts, Rants

Mayo ( ‘rdoma )

Mayo (māy- ó) – refers to someone who acts like she owns your whole being…

goodbye Mayo!

Iba-iba talaga ang ugali ng tao. Lalo na sa ibang bansa kung saan iba-iba din ang makakasama mo sa iisang bahay. Akala ko nakatagpo na ako noon ng isang kabayang tumatalo ng sariling kabayan. Hindi pa pala grabe iyon. Dahil may mas nakatagpo pa akong mas grabe. Una pa lang, kakaiba na ang ugaling pinakita niya. Hindi siya ung tipong friendly kabayan. Laging busangot si mukha at titig ng masama. Konting galaw mo may sinasabi o di kaya bumubulong bulong ng ibang dialect. Swerte niya Tagalog at English lang ang alam naming salita. Akala mo laging may eleksyon, post ng kung ano-ano sa bawat sulok ng bahay. Reklamo dito, reklamo doon. Parang hindi niya alam kung papa’nong ngumiti at tumawa.

Nung isang araw nagwala ang dambuhalang babae. Nagkasagutan sila ng kasama namin sa bahay. Continue reading “Mayo ( ‘rdoma )”

Posted in Blogging, Rants

..SPAM..

Finally, napalitan ko din ang theme ko! Yun na nga lang GREEN pa rin hahaha! Hindi ko naman paboritong kulay ito. Pink kaya ang gusto ko. Kaya lang wala namang matinong pink theme sa WP. Ang tagal ko ng gusto ang theme na ito, kaso lang may nagmamay-ari na dati kaya napilitan akong piliin ang neon green kahit sumakit sakit na ang mata ko sa sobrang bright ng kulay. :mgreen: Pero ngayon wala na yata siyang blog eh kaya ako naman gagamit ng theme na ito ha. 🙂

Lately sobrang nagtataka na ako sa mga SPAM na iyan. Ang silbi lang ba ng AKISMET talaga ay i-separate ang mga Continue reading “..SPAM..”

Posted in dubai adventures, Rants

Sablay!

Sa mga taga-Dubai na mahilig makinig ng radio on ur way going to the office or pauwi. Ano pinakikinggan nyo’ng radio station? Ako kasi virgin radio. Oops… na-libre plugging pa ah… Like ko kasi kahit papano updated din ang music.

Every morning naririnig ko ang contest nilang ‘the phrase that pays’. 2,500 dirhams ang magiging premyo masabi mo lang ang linyang dapat mong sabihin. Game kami since wala namang mawawala, hala ni-register ko ang number ko. Every morning talagang wish namin ng colleague ni papuch ko na sana kami naman ang matawag ng manalo din ng 2500.

Kaninang umaga, pinoy ang tinawagan sumablay siya dahil ‘hello’ ang pinambungad na sagot niya. Sayang! Sobrang kaming nanghinayang. Wish wish na naman kami ni colleague ni papuch na sana kami din tawagan sa ganung oras na umaga para alam namin kung tinatawagan kami.

12:30 kasalukuyang may letter na pinagagawa ang amo ko. May tumatawag sa akin landline. Iniisip ko kung eto na ba un? o baka naman hindi. Baka kliyente at mapahiya naman ako. Bulong pa ako ng “sino kaya ito?“ hanggang sa sinagot ko ang fone at sinabi kong “hello!

Sumunod na pangyayari, laking panghihinayang ko dahil iyon na un chance eh pinakawalan ko pa. Na-realize ko din na di pala live ang pagtawag nila. Recorded pala kaya kahit sa umaga ako tawagan late ko rin pala maririnig. Sayang talaga! Ayoko na isipin na andun na ung chance nawala pa. Pera na naging bato pa! Hays! 2,500 na un bawi na sa pinambili ko ng lufftuff nung Friday! Iniisip ko pa naman kaninang umaga na sana ako matawagan para mabawi ko ung pinambili ko nun! Sayang! I’m so engot!

Ang mga ka-officemate ko naman upon learning my ka-engotan nagsi-register at practice ng practice ng required phrase para manalo ng 2,500. What a lucky yet unlucky person I am…

Posted in dubai adventures, Life, Rants

taglish na hehehe

Nagulat ako at naaaliw! Kasi naman taglish na ang WordPress. Mejo nahirapan akong intindihin ung iba kasi sumobra yata sa lalim ang pagkaka-translate heheh. Good thing may mangilan-ngilang pa ring english pa, siguro pinag-iisipan pa nila kung ano ang tagalog sa mga salitang yon hehehe…

Anyway, It’s nice to blog again! Sobrang naging busy na naman ako. Bukod sa pag-absent ko nung linggo. Pagpasok ko naman ng opisina kadarating pa lang ng bossing, pangalan ko na ang unang tinawag. Oks lang naman dahil pag maraming work, madali lang ang takbo ng oras. Ang problema lang hindi na naman ako masyadong makapag-blog at bisita sa mga haybols ninyo! Sad!

Masaya pa lang mag-research ng mga impormasyon para matunton ang isang taong ayaw magpahanap! Isa sa kinabusy-han ko bukod sa trabaho ay alamin kung anong numero ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Patsy. Kasi nung nakausap ko siya nung umaga ng Lunes at itanong kung paano ko siya mapupuntahan sa trabaho niya. Ang sabi niya gagabihin na siya pag-uwi, eh since may sasakyan naman si papuch siya na lang sana ang sasadyain ko sa kumpanya para walang hassle sa kanya, wala ring hassle sa akin. Kaso ang sabi niya “Ano ako tanga para sabihin kung saan ako nagta-trabaho.”

Beyond her knowledge, alam ko na kung ano ang kumpanya niya. Salamat sa mga ibang lahi na transport service ng kumpanya niya, nalaman ko kung ano ang correct spelling ng kumpanya nila. Pagtawag ko sa 181, presto! nakuha ko ang number! Dahil ayaw niyang sagutin na ulit ang tawag ko after more than 20 times, tinawagan ko siya sa kumpanya. Natakot yata dahil bawal pala sa kanila ang personal calls. Hindi niya siguro inakalang malalaman ko ang numero ng kumpanya nila. At higit sa lahat naisip niya sigurong kung nadiskubre ko ang number sa kumpanya niya, mas malaki ang posibilidad na isang araw makita niya na lang ako sa pantry ng kumpanya nila habang nagkakape at hinihintay siya.

Ang resulta, biglang nag-set ng oras para makipagkita na sa akin malapit sa dati naming tinitirhan. Nag-abot kahit papa’no ng bayad – un nga lang maliit na halaga pa lang. Yun lang naman ang hiling namin sa kanya, magbayad ng paunti-unti kung hindi niya kaya ibigay ng buo.

Posted in dubai adventures, Life, Rants, Work & Work Hard

shit happens

Kahit puno ng pressure sa paglilipat nung Linggo ng gabi, umalis naman kaming maayos na ang pakikitungo nung kapitbahay namin. Hindi naman siguro iyon dahil masaya siya na aalis na kami. Malamang nalaman niya rin kasi yung naging transakyon namin dun sa Pinay na tawagin ko na lang sa pangalang Patsy na nagpaupa sa amin. Marami akong doubts sa mga nangyari pero ayoko na lang idetalye pa kung hindi rin naman ako nakakasiguro.

Sunday ng umaga halos di na ako nakapagtrabaho sa opis pero dahil napuna yata ni opisboy namin na ibang iba ang timpla ng mukha ko at may luha na umaga pa lang, binigyan niya ako ng isang contact. Kapatid niya daw iyon at may alam siyang bakanteng kwarto na pwede naming malipatan. Dalawa ang option namin, isang Villa sa Satwa mas malapit lang sa dati naming tirahan pero wala daw AC at ang isa nga ay ang studio flat sa Deira kung saan agent ang kapatid ni opisboy. Pagkatapos ang inatupag ko naman ay alamin kung papano mate-trace ang pinagtatrabahuhan ni Patsy para mapaghandaan ko ang gagawin ko kung sakaling bumalik pa siya ng Dubai. Kung wala na siyang planong bumalik ng Dubai – bahala na sa kanya ung bestfriend ko sa taas. At sa awa ni bestfriend sa taas nakuha ko ang numero ng carlift at isang ka-trabaho niya na nakapagturo kung saan siya nagta-trabaho.

Nang mangyari kasi ang mga problema sa bahay, kinausap na namin si Patsy para pakiusapan na ibigay na lang ang deposit at aalis na kami ng katapusan dahil ayaw namin ng kahit anong problema. Pero sinabihan niya kaming magagawan naman daw niya ng paraan kaya wag kaming mag-alala. Bago magkatapusan palala ng palala ang problema sa bahay kaya tinawag tawagan namin siya pero ang sabi niya pauwi siya ng Pinas dahil namatay daw ang Tatay niya. Sinabihan niya pa kaming babalik din siya pagkatapos ng ilang araw lang, pagdating niya at ayaw na talaga namin, bayad pa muna daw kami ng para sa September at pagkatapos ng buwang iyon saka niya ibibigay ang deposit. Mukha talagang pera. Ang mga kasama ko naman parang gusto ng bumigay, magbayad daw kami pagdating kasi nagsabi naman daw na ibibigay ang deposit ng katapusan. Ako lang ang kontrabida sa bahay, ako ung laging nagsasabi na Bakit kasi ganyan! Hindi dapat ganun! Pinagsasabihan nga ako ni AteM na kalma lang daw, ang isa naman sinasabihan akong baka ilang araw pa daw magkaron na ako ng sakit sa puso. Yung isa lang ang nagsabi na.. tama lang ang ginagawa ko dun sa isang contact, takutin ko daw. Sinabihan ko kasi ung jowa ata ni Patsy un na pakisabihan na lang si Patsy na pasensiyahan na kung may plano siyang bumalik ng Dubai gagawa ako ng paraan para ma-hold siya at hindi na makapasok ng UAE at kung hindi man siya bumalik ng UAE, ipapahanap ko siya kung saan man lupalop siya sa Pinas. Sabay pagbaba ko natawa ako, eh wala naman akong kapasidad para gawin yung mga bagay na iyon. 😀

Nung gabi ding yun, nakikipag-usap na ang kapit bahay naming naging maldita sa amin. Sinabihan niya na huwag na kaming magtitiwala kahit dun sa lalaki dahil kilala niya na daw ang ugali nung tao na un. Napatira daw iyon sa Villa’ng iyon pero hindi daw nagbayad at hindi daw iyon un tipong papayag na kahit isandaan ay wala siyang kikitain. Itinatanggi kasi nung lalaki na nagbigay ng pera sa kanya si Patsy. Sinabihan din ako ni maldita na gawa ako ng paraan na makapunta sa opisina ni Patsy pagkatapos ay kontakin siya dahil may kakilala siyang mataas sa Dubai Police. Bahala na kung ano ang mangyayari, sa ngayon kasi wala pa akong time para asikasuhin ang mga bagay na iyan dahil mejo nagkasakit pa ako siguro sa pagod sa paglilipat.

Dahil biglaan ang paglilipat, inabot kami ng alas-tres ng madaling araw. Awang-awa ako kay papuch at papuch ni AteM dahil silang dalawa lang ang nagbuhat ng mabibigat na gamit namin. At kahit babae ako tumulong na rin ako sa mga gamit na kahit mabigat ay alam ko naman kakayanin ko, binuhat ko na paakyat ng building. Sobrang tindi pa naman ng sakit ng ulo ko nun na tipong isang galaw lang ng nerves ko sa ulo eh parang ayaw ko ng kumilos. Pero siyempre tiniis ko na lang. Kinabukasan hanggang gabi inayos namin ang mga gamit para magmukha ng maayos ang bago naming tirahan. Mabuti naman at natapos din kapalit lang ay matinding ubo’t sipon at paminsan minsang pagsakit pa rin ng ulo.

Nakakasama lang ng loob kapag naiisip kong sobra sobra ang laki ng gastos namin. Buong sweldo ko napunta na sa lahat ng binayaran. Pero nabasa ko nga sa bahay ni MuMu ang sinabi niya sa kanyang Mudra, pera lang naman yan, kikitain pa rin naman yan! Yun na lang ang sinasabi ko sa isang kaibigan na lungkot na lungkot din dahil buong sweldo niya rin mapupunta lang sa gastusin namin. Kasi kung iisipin ko talaga mababaliw lang ako sa sama ng loob! Shit happens lang tlga!

For now all we need is a break. Sana wala munang lipatang mangyari dahil pagod na pagod na rin ako. Adjustment lang muna cguro sa pera ang kailangang gawin.

Posted in dubai adventures, Life, Random Thoughts, Rants

palamig

We might go out tonight. Kung saan? Still not decided where. It’s just that lately masyado kaming nate-tension sa bahay. There is (or maybe… are?) a BAD ENTITY surrounding the area and if we stay home, I might lose patience and kick her ass! If only I don’t have respect for people older than me. Considering that her already-married-and-not-Filipino (illegal?) partner here is nice to us, it’s just so sad that compared to that guy our own KABAYAN can be so selfish and rude towards her own race which is by the way from my own city back home. That I’ve learned from one guy who’s working in the same company as the Egyptian guy.

For a week or two, I kept calm and just tried to adjust on her ways of showing her irritation towards us. We don’t even have a single clue why she’s acting like that and keep on saying nasty words indirectly. Coward that she is, she is just talking cheap. She should have slapped our face with those words. She’s also banging all things that touched her hands. She’s nagging like a crazy dog! I can’t understand what we did for her to act so rude to us. Ang babait at tahimik lang naman namin.

So God forgive me if I can’t contain the hatred anymore and did to her the troubles she’s giving us. I did not confront her kasi she’s just indirectly telling us what she don’t want us to do. I did the same thing as what she is doing. If she reacts, then it means she’s guilty.

Pero minsan tinatawanan na lang namin ang ka-malditahang ginagawa nya hahahaha! Pero kainis talaga!!!! Grrrrrrrrrrrr! I don’t know if I need to be specific sa pagkukwento kasi ang daming details… waaaaaaaahh! I want to shift!

Posted in dubai adventures, Life, Rants

trip trip lang

Nakakairita na dito sa bahay namin.

Madalas mag-trip ang kuryente.

Lagi kaming pinagtitripan heheh. Ito nga kasi ang problema sa mga pinapaupahang villa dito sa Dubai. Sa sobrang daming room at nakatira sa isang villa, overloaded na ang kuryente. Di na makayanan kaya ito kahapon lagpas limang beses lang namang namatay ang kuryente.

Mabuti na nga lang at biglang bigla kagabi na nakasagap ng net connection dito sa bahay. Hmmm  pakunswelo sa amin? Hehehe. Hanggang ngayon malakas pa rin ang sagap ng koneksyon kaya nakakapagblog ako ngayon sa bahay.

 Mistulang internet cafe sa bahay, dalawa kaming may sariling mundo habang nakikipagchat sa mga kaibigan at nagdadownload ng mga movies. Lalong nagmistulang internet cafe kasi walang ilaw sa amin. Literally, walang ilaw. As in ilaw o mga bombilya lang ang walang power. Pero ung mga plug meron. Kaya ang AC, refrigerator at washing machine, nagagamit pa rin namin. Kaya habang nagbablog at nakikipag chat, nakakapaglaba pa rin ako.

Multi-tasking ako ngayong araw na ito. At feel na feel namin na walang ilaw ang mga bumbilya. Ang dilim, pero ok na rin at least may AC at internet naman. Pero syempre ayaw din namin ng ganito. Delikado daw kasi ang ganito. Kaya naguumpisa na kaming maghanap hanap ng malilipatan namin.

Eto lang ang kasi ang pinakamatindi, lipat = gastos.

 

Mabuti na lang may naisuksok ako kaya may madudukot ako. Sana lang ang malipatan namin maayos at malinis.

Posted in Rants, Work & Work Hard

give it to me baby!

What the heck this babaita CEO!!! Naiirita na naman ako sa kanya nowadays! Sorry sa sulat ko hahaha! Ayoko lang kasing maasar ng sobra kaya parang walang katuturan na naman ang lengwahe ko.

Kasi naman itong babaitang ‘toh! Last month sumagot siya sa email namin ng opismeyt ko tungkol sa pagpafollowup namin ng sweldo. Ang sagot ba naman eh wag na kaming mangungulit sa sweldo before 5th ng buwan. Kasi ang sahod daw namin ay every 5th of the month. Therefore, from now and in the future daw she should not receive any emails from us tungkol sa sweldo. Kapag ready na daw ang sweldo iinvite niya kaming pumasok sa opis niya at ibibigay niya ang sweldo. Actually simula ng siya na ang nagpapaikot ng pera ng kumpanya, lagi na lang delayed ang sweldo namin. Swerte pa nga kaming mga Pinay kasi nakukuha sa drama namin sa email at maaga kaming nabibigyan ng sweldo. Samantalang yung mga lalaking ibang lahi 15th, 24th, 26th dun palang sila nabibigyan ng sweldo. Kami kasi ayaw naming sanayin sana sila na payag kami sa ganung palakad niya na hindi agad nagpapasahod. Kaya sagana siya sa email galing sa amin. Kaso ayun na nga tuwing ika-lima daw ang sahuran. Nagreply ang opismeyt ko na simula lang ng 2007 (yan un taon na nagjoin siya sa kumpanyang ito) nagkaloko-loko ang oras ng sahuran at hindi kami aware sa pagbabago nito. Ang babaita hindi na nagreply.

Ako naman para hindi ako makunsumi binabalewala ko na lang. Makakatiis naman ako kahit idelay niya ang sahod. Nitong buwan na ito, maaga niya akong pinasahod. At nagmayabang pa. Pahingi daw ako ng 88dhs kasi ibibigay niya na ung komisyon ko eh buo ung pera na ibibigay niya sa akin. Eh kaso wala akong 88dhs nung time na un. Sabi niya sa Sunday (kahapon un) nalang daw, Thursday kasi nun eh. Tuwang tuwa naman ako kasi di ko inexpect na finally makukuha ko na ang komisyon ko na lumiit ng lumiit matapos niyang i-hocus pocus.

Sunday kahapon. Natural tinawagan ko siya sa extension niya at sinabi kong handa na ang 88dhs ko. Aba parang naamnesia. Ano daw un? Inulit ko lang ulit na handa na ung 88dhs ko. Maya maya naalala naman – busy pa daw siya maya maya daw tatawagin niya na lang ako. Aba 5:40 hindi pa rin tumatawag at hindi na ako mapalagay! Finally, tumawag ang babaita. At niremind ko na naman sa kanya yung komisyon ko. Sabi na naman busy siya at siya nalang daw ang tatawag sa akin. Hanggang sa nag-uwian wala akong nakuhang komisyon – kunsumisyon lang! Kasi na-stress yata ako. Kaya paguwi ko ng bahay, nakatulog ako ng isang oras. Di ako nakapagluto – nung nagising ako andun na ang mga karoommate ko hehehe. At saka pa lang kami nagluto.

Ngayong umaga naman paramdam ako sa opis niya. Inabot ko ang CV na pinrint niya at ask ko kung tatawagan ba for interview ang mga un. Tapos sabi niya bakit daw nawala ako kahapon. Gusto kong sabihin na kasi parang naghihintay ako sa wala at uwian na kaya un. Di naman ako babayaran sa overtime. Tapos mega kwento pa siya na sigaw daw siya ng sigaw ng Rhapsody! Rhapsody! Tapos si big boss daw sabi sa kanya wala nang tao bakit sigaw ka ng sigaw. Sabi ko na lang eh kasi naghihintay na sa akin ung kaibigan ko. Nung oras na sinasabi niya un kaninang umaga, hinihintay ko ng ang isunod niyang sabihin ay: “o cge eto na ang komisyon mo para hindi na ako nagpapalusot na kunwari hinahanap pa kita kagabi”. Niyabangan niya ako na irerelease niya na ang komisyon ko kaya patay siya sa akin aaraw-arawin ko talaga siya, twice o thrice a day akong mangungulit sa kanya hehehehe… Hanggang sa ibigay niya na sa akin. Wala ng email email, extension na lang o personal mas maganda. Kaya para di rin siya makulitan sa akin – advise ko lang sa kanya na ibigay niya na noh. 😀

Posted in Boredom, Rants

bad trip na naman

Wala na naman ako sa mood ngayong araw na ito. Kanina ko pa nga gustong umuwi pero ano naman ang idadahilan ko. Saka mahihirapan lang akong umuwi ang init pa naman. Ayokong maluto ng buhay sa tindi ng init sa labas.

Umagang-umaga inaway ko si papuch. Hindi naman sa inaway talaga sinabi ko lang kung bakit ako naasar sa kanya kahapon. at least okay na kami alam niya  na yung kinakasama ng loob ko kahapon.

Tinatamad na akong pumasok ng maaga tuwing umaga. Kasi may azar na design manager na masyadong demanding at matanong. Kaya nagpa-late ako kahit na alam kong mahigpit na ngayon pagdating sa mga lates and absences. Sumama muna ako kay papuch dun sa meeting niya. Hinintay ko lang siya sa sasakyan. Pagkatapos niyang imeet ang kliyente saka niya ako hinatid. Nakarating ako 20 minutes before 10am.

Naba-badtrip ako sa mga kasama ko. Di ko maintindihan kung bakit may pagka-selfish sila. Sarili lang nila ang iniisip nila. Two weeks ago pa ung pagka-selfish na natuklasan ko sa mga email email na no choice kaya naipasa nila sa akin. At dun ko nadiskubre na sarili lang nila ang concern nila. Ni hindi man lang nga ako pinagsabihan na dapat gumawa rin ako ng ganun kasi pare-pareho lang naman kami ng dapat na gawin. Pero wala naman akong naging reaksyon dun. In fact ayoko ngang magbigay ng ibang kahulugan tungkol dun. Yung mga kaibigan ko lang na pinagpasahan ko ng email ang pumuna kung bakit ganun. Sagot ko lang sa kanila: ewan ko . Ngayong araw na ito di ko rin alam kung bakit all of a sudden di nila ako kinikibo. Wala akong maisip na clue. Or dahil ba badtrip din sila sa amo namin? Pero bakit pati ako di pinapansin? O baka naman dahil late ako at hindi ako ang nagbukas ng opis? Ayoko na isipin yan gagawa na lang ako ng sarili kong mundo. Ayokong ma-paranoid. Basta lang sana wag naman akong dinadamay kung badtrip sila sa management. Mahirap ding ikwento pa kung ano ang kinakasama ko ng loob sa kanila ngayong araw na ito, pero huwag na lang. Kung un ang gusto nila magkanya-kanya ok fine magsama sila, mag-isa ako. Nagugulo lang utak ko kasi last week lang ok naman. At kilala ko silang dalawa kapag asar sila sa isang tao di nila papansinin o kung di maiiwasan na may mga konting tanong about work, cold ang treatment at cold nga ang treatment nila sa akin today. And I’m wondering kung ano ang ginawa ko… Ayoko na mag-isip ng masama para hindi naman ako masyadong makunsumi. Basta I’ll be here in the office pretending I am alone in this department… hehehe… Kung bakit ba naman kasi hindi na pumasok yung Kenyan eh sana siya ang kahit papa’no kausap ko paminsan-minsan.

Dahil sa mga ganitong ka-badtripan at worries ngayong araw na ito pakiramdam ko magkakasakit ako. Sana wag akong lagnatin, sana antok lang ito.

Posted in Rants, Work & Work Hard

babaita pa rin

Ayoko man paapekto sa childish na namang reply kahapon sa email ko ni madamCEO aka babaita, apektado pa rin ako. Syempre noh di kasi ako napapalagay hangga’t walang closure at linaw ang lahat. Patan nga pala yang  si babaita pati na ang big bossing ko. Iniisip ko kung tama bang sinagot ko pa ung sulat niyang mega CAPSLOCK with matching copy-paste and color-it-red ng huling linyang sinabi ko sa email ko kahapon. Nilinaw ko kasi sa kanya na walang negatibong ibig sabihin ang mga words and phrases na ginagamit ko na gaya ng lagi niyang iniisip (although inaamin ko na ung before eh may laman tlga – magreact guilty heheheh) kasi masyado siyang pessimistic. Sinasayang niya lang oras nya sa pagka-copy and paste at paghahighlight ng mga salitang feeling niya eh improper para lang makulayan niya ng pula. Medyo sarcastic na ang dating ng sagot ko sa email niya sa akin, dalawang sentences lang, sa una nag-apologize sabay sabi nga ng di ko maintindihan kung bakit na naman nabigayan niya ng ibang kahulugan ang sulat ko. Sabay sabing ang mga minarkahan niya ng pula ay walang halong kung anopa man at hindi ibig sabihin na di ko siya nirerespeto. Sabay click ng send.

Tuwing magigising ako kagabi palaging sumasagi sa isip ko kung ano na naman kaya ang sasabihin nun na reply, o baka naman ipatawag na lang ako bigla para kausapin na naman ni big bossing na mapapangasawa niya. Nagko-compose na ako sa utak ko ng mga salitang pwedeng sabihin kapag kinausap ako o pangreply kapag may sagot na naman siya sa sulat ko.

Pagpasok ko kinaumagahan (ngayon na un) nadismaya ako kasi wala naman palang reply. Binasa ko ng paulit ulit ung sagutan namin pati na rin ung palitan namin ng email nung March. Pinabasa pa sa akin ng kaopisina ko kung ano ang sinulat niya. Ganun din nagtatanong din siya kung bakit wala yung ibang confirmed niya. Pero maayos ang reply sa kanya. Naasar ako kaya naisip kong gumawa ulit ng email para sa kanya. Para maligalig siya at kausapin niya sarili niya at sabihing, “Abah! Bakit ko nga ba pinagdidiskatahan ang cute kong empleyado eh may utang pa ako sa kanya.” Kung ipatawag na naman ako pag-iisahin ko na lang ang usapan at least may idea na siya kung anu-ano ang dapat niyang sagutin sa akin kapag kinausap nila ako. Ni-forward ko ulit ang email ko sa kanya tungkol sa follow-up ng hinihintay ko. Akshuli ang hinihintay kong makuha dito para makalarga na ay ung annual pay at encashment ng two-way ticket ko.

Late na sila dumating ng opisina. Siguro nabasa niya agad kaya nagulat ako na maya-maya may sagot na siya. At ang sagot niya… ibibigay niya na daw ang cheque sa Lunes. Sana nga. Dahil kung hindi ipo-forward ko ulit ang sulat na iyon hanggang sa maasar siya at iedit ang sulat ko at lagyan ng words na sa tingin niya ay improper tapos gagawing red ang font color tapos isesend niya sa akin. Buset siya! Heheheh! Buti na lang di ko na dinidibdib lahat dahil kung hindi ipapa-salvage ko na talaga yang babaita na yan sa mga kalahi niya heheh.

Happy berthday pala today kay papuch kahit di niya naman toh mababasa heeheeheeh. Wabyu!

Posted in Rants, Work & Work Hard

comMISSION still impossible

Rant na naman ba ito? Hay! Ayoko na sana mangunsumi pero may mga pangyayari talagang nakakakunsumi. Di ko naman sobrang sineseryoso na gaya nung mga nakaraang buwan na halos ika-depress ko na yata. Sa ngayon hinahayaan ko na. Ayokong ma-stress heheh.

Nung magsabog yata ng sama ng ugali at kakuriputan nasalo lahat ni MadamCEO. Nung tinanggap namin ang trabahong ito (at wala pa siya nun dito at di pa ganoong kapangit ang kumpanya) 1percent ang komisyon na inoffer sa amin sa bawat kliyenteng magoyo namin. Ganun din nung na-increase-an ako last year (na-increse-an pala ako last year di ko naramdaman ngayon ko lang naalala kung di ko pa hinalukay mga email dati hahaha), nakasulat na naman iyon na isang porsyento for every succesful pitch given na magbayad daw agad ang mga nagpagoyong kliyente. Kung nabasa ninyo yung quote ko dati na commission impossible eh hanggang ngayon impossible pa rin kasi hindi naman nabigay eh. Kaya hanggang ngayon di ako nagsusulat tungkol sa komisyon na naging konsumisyon nga. Alangya hahaha.

Simula last week nag-eemail na ang dalawa kong colleague para i-followup ang komisyon. Ilang araw lumipas bago sumagot si babaita. Tignan daw ang comments sa in-attach wala naman in-attach. Ilang beses ni-follow up hanggang sa sumagot din kaninang umaga na may miscommunication at mali daw ang method ng pagka-calculate ng komisyon namin.

Eto yung isang linya nya: “therefore I would like to clear that the marketing department earn 1% commission on EVERY confirm project’s 25% company margin as per the company policies“ Ano pa kaya makukuha namin… barya? Ibig niya kasi sabihin kapag naka-confirm kami ang komisyon namin ay kukunin lang sa 25% nung total cost. Total cost of the project into 25% into 1% equals barya barya. Liit na liit pa naman kami sa 1% eh ano pa kaya ngayon. Nagtatawanan na nga lang kaming tatlo sa kakuriputan, kaganidan at kasamaan ng babaeng un eh. Pasalamat pa nga kami may makukuha kami dibah. Kaso lang yung ibang kliyente hindi niya naman isinama sa listahan, yun nga rin ang isa sa mga tinanong ko nung sumagot ako sa email niya. Pero di pa siya sumasagot sa email namin. At syempre ipinaglalaban namin ang sinabi na isang porsyento dapat. Kung anu man ang kalabasan okei lang kahit papano may komisyon kesa sa wala. Ang nakakahinayang ay yung sa isa kong opismeyt, imbes na maka-limang libong dirham siya sa komisyon eh nauwi sa isang libo mahigit na lang. Ako imbes na almost 2,000 dirhams eh naging 600dhs na lang huhuhu. Ang isa naman dapat ay mahigit isang libo nung nakita namin ang computation ni madamceo 260dhs na lang bwahaha!

Naantala ang pagsusulat ko dito dahil habang ginagawa ko pala ito, may narereceive na pala akong email galing sa kanya. At hindi ko talaga alam kung may galit sa akin ang babaitang ceo na yan dahil halos pare-pareho kaming tatlo ng email, iisang thought kumbaga. Ang sagot sa email nila: ‘I will discuss it later.” Samantalang ang sa akin eto:

I DO NOT APPRECIATE YOUR COMMENTS BELOW AS ALWAYS PLEASE THINK TWICE WHILE YOU ADDRESS AN EMAIL OR LETTER REPLY TO ME! (as in with exclamation ffffoint!)

(Looking forward for the immediate release of the commission and your prompt reply regarding the matter.)

Ayan nga at ni-copy paste and color it red pa niya yung huling linya ko. Ano ba masama dun? Nasaktan ba ego niya sa salitang immediate? Hello? From Feb 2006 until now un pa rin ang followup namin. At kung may na-come up man silang decision about the percentage of our commission, we are totally not informed. May sinasabi pa siyang as per company policies eh wala naman nun ah. Offer letter kaya saka yung letter sa akin nung binigyan ako ng increment where the 1% commission was stated clearly isend ko kaya sa kanya? Di ko nga alam kung bakit ako lang pinag-iinitan ng babaeng yan eh. Di rin naman siya ganun kabait sa dalawa pero mild ang pagiging devil niya kumbaga eh pa-traydor pero sa akin halos lahat na yata ng email ko sa kanya di niya nagustuhan. Bastos ba ung tono ng minarkahan nyang pula? Honestly pikon na ako sa kababawan ng utak babaeng yan!

Posted in Boredom, Rants

at wit’s end

Nakakainis ang mga taong mahirap umintindi. Walang common sense.

Gusto pa yatang isasahin ang mga letra o bagalan ang pagsasalita para maunawaaan.

Gusto pa yatang gamitan ng tagalog-english dictionary para isa-isang malaman ang ibig sabihin ng bawat salita.

Gusto pa yatang lagyan ng numero from one to ten para lang maging malinaw ang lahat.

Gusto pa yatang i-highlight ang mga salitang mahahalaga para malinaw na walang ibig sabihin ang ilang salita at ng malaman na kung ano talaga ang punto ng usapan.

Kung minsan nakakainis ka na talaga!

Pasalamat ka kahit alam mong usok na ilong ko sa galit napagttyagaan kitang unawain!

Pasalamat ka kahit alam mong sasabog na ang utak ko sa kakaunawa sa iyo nakukuha ko pa ring isa-isahing ipaliwanag sa iyo ang mga pangyayari!

Pasalamat ka kahit na kung minsan hirap na akong paikut-ikutin ang mga paliwanag ko maintidihan mo lang napapairal ko pa rin ang pasensya!

Pasalamat ka kahit ubos na ang pasensiya ko at kung minsan gusto na kitang itaboy ay hindi ko pa rin magawa dahil importante ka sa akin!

Posted in Animals, dubai adventures, Rants, takot ako

sunugin ang ipis

After more than a year heto na naman po at naka-apak na naman ang mga paa ko sa bus. Lumipat kasi ng kumpanya si papuch kaya natural na ibalik niya na ang company car na nagagamit namin. Magkakaroon naman siya ulit ng kotse sa bagong kumpanya yun nga lang ay may inaayos pa yata. Malamang kukuha sa rent-a-car, ewan ko lang. Kaya simula kahapon ng uwian ay nag-bus ako ganun din kaninang umaga. Okei din feeling ko liliit ang tyan ko nito kung saka-sakaling isang buwan akong magbu-bus. Sana lang eh hindi abutin ng sobrang tagal kasi paano kung summer na baka huminga lang ako eh pawis na pawis na ako. Paano pa kung andun na ako sa bus stop malamang lahat ng dinaanan ko eh parang binaha dahil sa pawis ko(exag naman masyado). Paminsan-minsan kapag tinamad o di kaya eh mainip sa paghihintay ng bus pwede rin namang mag-taxi. Kung bakit ba naman kasi pinagbubura ko na ang mga number ng mga contact kong carlift dati.

Anyways dahil magsu-summer na, uso na naman ang mga sunog na iyan. Nauna na ang isang illegal daw na firecracker factory sa Al Qouz area malapit lang daw sa office nila dhez, ngayong umaga naman sa Naif Area naman kaya dahil sa daming dikit dikit na shops sa lugar na yun ay mahigit 100 shops daw ang nadamay. Kapag ba nagkasunog sa isang lugar, namamatay din ang mga ipis o nakakasurvive sila?

Continue reading “sunugin ang ipis”