Posted in dubai adventures, Random Thoughts, Rants

Mayo ( ‘rdoma )


Mayo (māy- ó) – refers to someone who acts like she owns your whole being…

goodbye Mayo!

Iba-iba talaga ang ugali ng tao. Lalo na sa ibang bansa kung saan iba-iba din ang makakasama mo sa iisang bahay. Akala ko nakatagpo na ako noon ng isang kabayang tumatalo ng sariling kabayan. Hindi pa pala grabe iyon. Dahil may mas nakatagpo pa akong mas grabe. Una pa lang, kakaiba na ang ugaling pinakita niya. Hindi siya ung tipong friendly kabayan. Laging busangot si mukha at titig ng masama. Konting galaw mo may sinasabi o di kaya bumubulong bulong ng ibang dialect. Swerte niya Tagalog at English lang ang alam naming salita. Akala mo laging may eleksyon, post ng kung ano-ano sa bawat sulok ng bahay. Reklamo dito, reklamo doon. Parang hindi niya alam kung papa’nong ngumiti at tumawa.

Nung isang araw nagwala ang dambuhalang babae. Nagkasagutan sila ng kasama namin sa bahay. Pero lahat kami dinamay niya. Kung makapagmura parang siya ang nagpaaral, nagpakain, at nagpapasweldo sa amin. Malutong pa sa chicharon ang mura at masasakit pa ang salitang binitawan niya. Halos atakihin pa siya sa panggigigil, samantalang nilayasan na siya ng nakasagutan niya. Kami ni V ang natira sa living room dahil kumakain kami nun. Abah, padaan daan pa sa harap namin ni V habang panay swear words ang sinasabi sabay tumititig ng masama. Kulang na lang humawak siya ng kutsilyo. Mabuti na lang kaka-pananghalian lang namin at busog kami kung hindi baka nilitson na namin siya pero sorry hindi ko pa rin pala kayang ma-take ang lasa niya. Malamang maanta. Pwedeng ipakain na lang sa ipis at daga. Kalmado lang kami ni V dahil wala kaming ginawang masama sa kanya. Siya ang maraming problema.

Mga kasumpa-sumpang unethical words ni Ateng:

  • Mga p*t*ng*na pala kayo
  • Mga kagaguhan niyo
  • Ka-bago bago niyo sa bahay kung makaasta kayo (Take note, bago rin siya dun pero sipsip sa landlord)
  • Akala niyo kung sino kayo pero pagdating sa bayaran wala naman kayo (dahil yata iyan sa Internet dahil nasa usapan namin ng landlord ay free internet)
  • Para kayong mga basang sisiw (Hmmmn ewan kung bakit nasabi niya yan, trip niya lang? LoL!)
  • Mga wala kayong pinag-aralan (Excuse me, degree holder kami!)
  • Gusto niyo pala ng sigawan ha, cge magsama sama pa kayong anim! (damay damay talaga? kaloka!)
  • Hindi nyo pa natitikman ang signal #2 (huh!?! may bagyo sa Dubai?)

Napakarami niyang sinabi. Halos isang oras din siyang nagbubunganga mag-isa. Nanghihinayang ako’t hindi ko nai-record. Hindi yan ang unang engkwentro. May nangyari din noon pero wala ako sa bahay nun.

Grabe talaga ang pagwawala ni Ateng, pero natatawa na lang kami sa inasal niya. Lahat ng pinagsasabi niya sa amin parang ni-describe niya lang ang sarili niya. May sandaling hindi ko napigilan ang sarili ko at sumagot na kung gusto niya ng tahimik na lugar lumipat siya ng ibang bahay yung solo niya.

Inggit yata siya dahil masaya kami samantalang siya ay laging nakamukmok at nakasimangot. Parang pasan lagi ang mundo. Kausapin mo ng maayos hindi ka kikibuin, sino ba namang kakausap pa sa kanya kung ganun siya. Maging friendly ka deadma  ka naman. Alukin mo sa isang bagay, mapapahiya ka lang. Suma-side comment pa ang lola mo! Deadma na lang ako pag ganun dahil iwas argument lang. But I now realized, panghahamon lagi ang ginagawa niya. Gusto niya talaga ng away.

Sarap tusukin ng kinakalawang na aspile si Ateng – sabay liparin siyang parang lobong unti unting umiimpis papuntang planet Mercury at malitson ng buhay.

2 thoughts on “Mayo ( ‘rdoma )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s