Posted in dubai adventures, Life, Rants, Work & Work Hard

shit happens


Kahit puno ng pressure sa paglilipat nung Linggo ng gabi, umalis naman kaming maayos na ang pakikitungo nung kapitbahay namin. Hindi naman siguro iyon dahil masaya siya na aalis na kami. Malamang nalaman niya rin kasi yung naging transakyon namin dun sa Pinay na tawagin ko na lang sa pangalang Patsy na nagpaupa sa amin. Marami akong doubts sa mga nangyari pero ayoko na lang idetalye pa kung hindi rin naman ako nakakasiguro.

Sunday ng umaga halos di na ako nakapagtrabaho sa opis pero dahil napuna yata ni opisboy namin na ibang iba ang timpla ng mukha ko at may luha na umaga pa lang, binigyan niya ako ng isang contact. Kapatid niya daw iyon at may alam siyang bakanteng kwarto na pwede naming malipatan. Dalawa ang option namin, isang Villa sa Satwa mas malapit lang sa dati naming tirahan pero wala daw AC at ang isa nga ay ang studio flat sa Deira kung saan agent ang kapatid ni opisboy. Pagkatapos ang inatupag ko naman ay alamin kung papano mate-trace ang pinagtatrabahuhan ni Patsy para mapaghandaan ko ang gagawin ko kung sakaling bumalik pa siya ng Dubai. Kung wala na siyang planong bumalik ng Dubai – bahala na sa kanya ung bestfriend ko sa taas. At sa awa ni bestfriend sa taas nakuha ko ang numero ng carlift at isang ka-trabaho niya na nakapagturo kung saan siya nagta-trabaho.

Nang mangyari kasi ang mga problema sa bahay, kinausap na namin si Patsy para pakiusapan na ibigay na lang ang deposit at aalis na kami ng katapusan dahil ayaw namin ng kahit anong problema. Pero sinabihan niya kaming magagawan naman daw niya ng paraan kaya wag kaming mag-alala. Bago magkatapusan palala ng palala ang problema sa bahay kaya tinawag tawagan namin siya pero ang sabi niya pauwi siya ng Pinas dahil namatay daw ang Tatay niya. Sinabihan niya pa kaming babalik din siya pagkatapos ng ilang araw lang, pagdating niya at ayaw na talaga namin, bayad pa muna daw kami ng para sa September at pagkatapos ng buwang iyon saka niya ibibigay ang deposit. Mukha talagang pera. Ang mga kasama ko naman parang gusto ng bumigay, magbayad daw kami pagdating kasi nagsabi naman daw na ibibigay ang deposit ng katapusan. Ako lang ang kontrabida sa bahay, ako ung laging nagsasabi na Bakit kasi ganyan! Hindi dapat ganun! Pinagsasabihan nga ako ni AteM na kalma lang daw, ang isa naman sinasabihan akong baka ilang araw pa daw magkaron na ako ng sakit sa puso. Yung isa lang ang nagsabi na.. tama lang ang ginagawa ko dun sa isang contact, takutin ko daw. Sinabihan ko kasi ung jowa ata ni Patsy un na pakisabihan na lang si Patsy na pasensiyahan na kung may plano siyang bumalik ng Dubai gagawa ako ng paraan para ma-hold siya at hindi na makapasok ng UAE at kung hindi man siya bumalik ng UAE, ipapahanap ko siya kung saan man lupalop siya sa Pinas. Sabay pagbaba ko natawa ako, eh wala naman akong kapasidad para gawin yung mga bagay na iyon.😀

Nung gabi ding yun, nakikipag-usap na ang kapit bahay naming naging maldita sa amin. Sinabihan niya na huwag na kaming magtitiwala kahit dun sa lalaki dahil kilala niya na daw ang ugali nung tao na un. Napatira daw iyon sa Villa’ng iyon pero hindi daw nagbayad at hindi daw iyon un tipong papayag na kahit isandaan ay wala siyang kikitain. Itinatanggi kasi nung lalaki na nagbigay ng pera sa kanya si Patsy. Sinabihan din ako ni maldita na gawa ako ng paraan na makapunta sa opisina ni Patsy pagkatapos ay kontakin siya dahil may kakilala siyang mataas sa Dubai Police. Bahala na kung ano ang mangyayari, sa ngayon kasi wala pa akong time para asikasuhin ang mga bagay na iyan dahil mejo nagkasakit pa ako siguro sa pagod sa paglilipat.

Dahil biglaan ang paglilipat, inabot kami ng alas-tres ng madaling araw. Awang-awa ako kay papuch at papuch ni AteM dahil silang dalawa lang ang nagbuhat ng mabibigat na gamit namin. At kahit babae ako tumulong na rin ako sa mga gamit na kahit mabigat ay alam ko naman kakayanin ko, binuhat ko na paakyat ng building. Sobrang tindi pa naman ng sakit ng ulo ko nun na tipong isang galaw lang ng nerves ko sa ulo eh parang ayaw ko ng kumilos. Pero siyempre tiniis ko na lang. Kinabukasan hanggang gabi inayos namin ang mga gamit para magmukha ng maayos ang bago naming tirahan. Mabuti naman at natapos din kapalit lang ay matinding ubo’t sipon at paminsan minsang pagsakit pa rin ng ulo.

Nakakasama lang ng loob kapag naiisip kong sobra sobra ang laki ng gastos namin. Buong sweldo ko napunta na sa lahat ng binayaran. Pero nabasa ko nga sa bahay ni MuMu ang sinabi niya sa kanyang Mudra, pera lang naman yan, kikitain pa rin naman yan! Yun na lang ang sinasabi ko sa isang kaibigan na lungkot na lungkot din dahil buong sweldo niya rin mapupunta lang sa gastusin namin. Kasi kung iisipin ko talaga mababaliw lang ako sa sama ng loob! Shit happens lang tlga!

For now all we need is a break. Sana wala munang lipatang mangyari dahil pagod na pagod na rin ako. Adjustment lang muna cguro sa pera ang kailangang gawin.

9 thoughts on “shit happens

  1. Hi Rhapsody, sana ay makapagpahinga ka na at hanggang diyan na lang ang
    lipatan na iyan. Good luck and may God bless you.

    Rhapsody: Hi colegialagirl! sana nga…. salamat sa pagbisita mo! bisitahin din kita jan sa site mo😀

    ndi ko alam kung bakit naiiyak ako pag nababasa ko mga comments ninyo😦 pero salamat tlga ng marami. sana nga tumagal naman kami dito, makapag-adjust at makapag-move on na.

  2. yup kelangan mo magbakasyon muna siguro rhapsody. hehehe. or one to three days off sa work then magrelaks relaks muna. pera lang yun mababawi mo din agad yun. hehehe.

    Rhapsody: un na nga lang ang iniisip ko.. mababawi ko rin yun… bukas Thursday na, last day of work… makakapagrelax na ako this friday and saturday! yey!

  3. buti naman at nakalipat ka na. ako rin, kapag naiisip ko rin na bullet day (balang araw) ay maglilipat din ako, nakuuuu!!! nabubuset lang ako. kung pwede ko nga lang bilhin na itong flat na ‘to para di na ako umalis. ang hirap talaga maglipat lalo na kung marami ka nang gamit. mas mahirap sa iyo kasi building pa yata ang nililipatan nyo. sana ay wala na ngang problema. ingat parati. tsaka wag ka na totoma. mahina ka palang uminom. nyahahahaaa!!

    Rhapsody: bullet day (bwahahaha) cguro ndi na tayo abroad, nsa sariling bahay na sa Pinas nagpapasarap habang kumikita ang ating mga negosyo.. hay sarap isipin nun tita dibah. ang hirap nga kasi nasa 1st floor pa kami, mabuti nga at first floor lang hehehe… nyahh ayoko na talaga hahaha kahiya hiya lang ako pa naman nagsabi na beer ang orderin namin at hindi juice…😀

  4. alam mo ateng, ganyan na ganyan ang ugali ko pagdating sa pera kasi nga kung sayo shit happens haaaayyyyy shit happens every other kada dia at kamo pati unggok ng mga pangkins ko pa ever so instead na ma-stress ang ganda ko, keri, i thought na i should look at it in a different way and just like you said, pera lang yan, ang mahirap hanapin yong pakikisama ang good people. although masaket nga noh dahil we work our damn ass para lang kumita

    Rhapsody: un na nga ang masakit dun, pinaghirapan mo tapos mawawala lang naman ng ganun ganun lang. anyways, wala na kami magagawa dun ang importante makakabangon pa naman kami😀

  5. take it slowly, pagkatapos ng ganyang hirap — may ginhawang kasunod yan, pramis🙂

    Rhapsody: sa tingin ko nga po… kasi unti unti ng may magandang pangyayari😀

  6. Tsk tsk tsk.😦 …napapailing na lang ako sa gawain ng ilang kababayan natin dyan. Hirap nyan a… hindi na nga siguro kayo makapag-concentrate sa trabaho nyo, pagod pa kayo at ubos pa ang pinaghirapan nyo.😕

    Take care, mylene.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s