Posted in dubai adventures

Jaywalker

Sinuswerte pa rin talaga ako. Akalain mo muntik na naman akong ma-fine ng 200 dhs ng dahil sa jaywalking. Noon ay nakalusot na ako dito. Katapat lang kasi ng building na pinapasukan ko ang isang bank. Sa tuwing pupunta ako ng banko tumatawid na lang ako doon. Kung bakit kasi napakalayo ng tamang tawiran. Ilang ulit ko ng ginagawa ang magpatawid tawid na lang doon sa tapat. Ito kasi ang kaibahan.

Tamang tawiran – 15mins papunta + 15mins pabalik

Maling tawiran – 5mins balikan na

Ganyan ang oras na natitipid ko. Kaya minamabuti kong tumawid sa nakamamatay este sa bawal na tawiran. Nung araw na iyon dala-dala ko na ang chekeng idedeposito ko bago pumasok ng opisina. Continue reading “Jaywalker”

Advertisements
Posted in dubai adventures, Life, RoadTrip & Gimix

Lashing

Ang plano lang naman ay mag-dinner. Sa isang bar? Hmmmn alam mo na kung ano’ng meron kung sa bar magdi-dinner. Syempre may alak. Tinanong ako ng friend ni friend kung ano’ng drinks ang gusto ko. Syempre sinabi ko iced tea. Tinawanan lang ako at napilitan naman akong um-oo sa white wine. Matapos magpakabusog, inom ng inom. Hindi namin namalayan naka-apat na bote na pala ng wine.

Masarap kung sa masarap. Lasang beer sa una. Hindi matapang. Si ate laging pinupuno ang baso namin.

Ganun pala ang epekto nun. Hindi ko lang naman kinaya ang sarili ko. Nakailang suka. Natagalan makauwi dahil pinapahupa pa ang tama. Pero hindi talaga mawala wala. Ang ending – akayan ang nangyari. O ako lang ang inakay. Hehehe. Continue reading “Lashing”

Posted in Boredom, dubai adventures, Random Thoughts, Work & Work Hard

Parang nasa microwave lang…

August 5. Uwian. Alas kwatro ng hapon.

Aba naman! Sobrang init! Si ateng nakasabay ko sa paghihintay ng bus hindi matiis na kausapin ako para lang sabihing napakainit. Paano ba naman, damang dama mo talaga sa balat, lalo na sa mukha – ang hapdi ng init sa Dubai! Kababasa ko nga lang ang news na kahapon pala ay 47-48 degrees ang temperature.

August 6. Umaga.

Mabuti na lang today, kahit mainit pa rin hindi naman ganung katindi. Sa palagay ko nasa 41 degrees lang ngayon. Continue reading “Parang nasa microwave lang…”

Posted in dubai adventures, Random Thoughts, Rants

Mayo ( ‘rdoma )

Mayo (māy- ó) – refers to someone who acts like she owns your whole being…

goodbye Mayo!

Iba-iba talaga ang ugali ng tao. Lalo na sa ibang bansa kung saan iba-iba din ang makakasama mo sa iisang bahay. Akala ko nakatagpo na ako noon ng isang kabayang tumatalo ng sariling kabayan. Hindi pa pala grabe iyon. Dahil may mas nakatagpo pa akong mas grabe. Una pa lang, kakaiba na ang ugaling pinakita niya. Hindi siya ung tipong friendly kabayan. Laging busangot si mukha at titig ng masama. Konting galaw mo may sinasabi o di kaya bumubulong bulong ng ibang dialect. Swerte niya Tagalog at English lang ang alam naming salita. Akala mo laging may eleksyon, post ng kung ano-ano sa bawat sulok ng bahay. Reklamo dito, reklamo doon. Parang hindi niya alam kung papa’nong ngumiti at tumawa.

Nung isang araw nagwala ang dambuhalang babae. Nagkasagutan sila ng kasama namin sa bahay. Continue reading “Mayo ( ‘rdoma )”

Posted in Bloopers, dubai adventures

chewing gum experience

Pauwi ng bahay kagabi. Sumakay ng tren. Busy sa BBM. Todo volume ang sounds. Ng biglang may lumapit…

Inspector: “Give me your tickets.”

Me: “Huh?!?”

Repeat 3x (parang kanta lang)

Takang taka lang ako. Di ko alam ano’ng pinaghihingi sa akin ng inspector. Finally iniba ang words.

Inspector: “You’re chewing gum.”

Me: Nanlaki ang mata at kinabahan. Biglang naalala bawal ngumuya at lumunok uminom sa tren.

Inspector: “Okay, we’ll get down the next stop.”

Me: Super disappointed na ang mukha

Paglabas ng Karama Station. Hiningi ang labour card ko. Tapos pinagbabayad ako ng 110 Dhs. Sabi ko wala akong ipapambayad. I-claim na lang daw ang card pag may pambayad na ako sa loob ng 40 days. Hmmmn. Tinawag niya ang isang lalaking hindi ko alam kung supervisor ba iyon. Nakatingin lang at bihirang magsalita. Continue reading “chewing gum experience”

Posted in dubai adventures, Language & Culture, Life, Random Thoughts, Religions & Beliefs, Work & Work Hard

Ramdam ko ang gutom ngayong Ramadan

Di ako masaya ngayong buwan ng Ramadan. 😦

Paano ba naman, napakapangit ng sked ko! Pitong oras na pasok tapos walang breaktime!?! Ano ba namang buhay ito? Nagta-tarabaho para lang magutom? How depressing is that?!? LoL!

Mabuti sana kung noon pang time na nagda-diet ako. Kaso hindi na. Hindi ako nagda-diet. Nagpapadagdag na ako ng laman dahil pumayat ako ng sobra. Maigi pa noon sa dating kumpanya. Nakakakain kami pagkatapos maaga pa ako nakakauwi.

Pero dito hindi ko yata magawa iyon. Ang ginagawa ko nalang ay tuwing umaga pinupuno ko ng kanin at ulam ang tyan ko. Para maraming reserba. Hanggang hapon na iyan. First day ko ngayon sa trabaho ngayong Ramadan. Masusubukan kung makakaya ko. Isipin mo ang baon ko lang ay kapirasong pack ng M&M’s. Pamatid gutom daw kasi ang sweets. Hindi ko lang alam kung makaka-survive ba ako nito hanggang alas-singko.

Lahat kasi ng kasama ko sa opiz ay M ang relihiyon. Kaya kahit papa’no ni-rerespeto ko na ang tradition nila. Gumagawa na lang ako ng paraan paminsan.

Habang abala si B sa telepono, Continue reading “Ramdam ko ang gutom ngayong Ramadan”

Posted in dubai adventures

Ice skating sa Disyerto

Kinalimutan ko muna sandali ang mga alalahanin kaya’t kasama ang ka-roommate nagpunta kami sa Dubai Mall para mag Ice skate. We don’t actually know how to skate, we never tried skating before as well. For us, it looks so easy to skate. Ang galing naman kasi ng mga nakikita ko noon sa araw araw dun sa Hyatt Regency Hotel. Gusto ko talagang i-try noon pero wala namang time at kasama. Kaya kanina sinamantala ang pag ice skate sa Dubai Ice Rink. Xempre pa’t excited kami. Pag-apak na pag-apak sa loob ng rink, aun na sabi ko labas na kaya kami. Heheh.

Hindi pala ganung kadali lalo na kung first time mong gagawin. As expected kapit lang kami sa gilid, ilang ulit ng muntikang matumba hanggang sa natumba na nga… kakatawa naman pareho pa naman kaming hindi marunong. Hmmm kung may gwapong trainor lang sana eh di inubos namin ang buong dalawang oras na un. Kaso wla eh kaya 15-minutes is enough. Sayang ang 50 dhs mabuti na lang at binigay lang ang pass na iyon ng friendship ko 😀

Posted in dubai adventures, Life, Random Thoughts

Prayers can beat anything…

BAD DREAMS. Lately ‘yan ang madalas na napapanood ko sa tuwing tulog ako. Mga pangyayaring masama at pangit. Tipong magbibigay sa akin ng malaking problema na mahihirapan akong lusutan at matatagalan bago ko malagpasan. Kaya naman ang lakas lagi ng kaba ko. Madalas nga akong maagang magising. Hindi kagaya dati na kapag rest day tanghali na ako kung magising. Gabi na matulog maaga pa magising. Hay!

PRAYERS. Sabi nila ‘yan daw ang huwag na huwag kong kakalimutam. Ang humingi palagi ng tulong sa Kanya at Continue reading “Prayers can beat anything…”

Posted in dubai adventures, Life, Places, Work & Work Hard

Sa Wakas!

Sampung araw na lang iiwan ko na ang kumpanyang pinagsilbihan ko ng tatlong taon. Yehey!

Parang kailan lang nung tinawagan ako ng kumpanyang pinapasukan ko. Akay ko pa ang fren ko dahil sa takot na maligaw sa bansang bago pa lang sa paningin ko. Parang kailan lang nung paikot ikot ako sa Karama. Naliligaw at masuka suka sa mga pagkaing bago lang sa pang-amoy ko. Parang kailan lang nung bumalik ako sa Sheikh Zayed para sa final interview sa kumpanyang ito at takot na takot sa bastos na Ehipto’ng ayaw lumubay sa akin.

Parang kailan lang lumalaki at lumiliit ang pamilya ng kumpanyang ito. May mga nakakasundo at meron ding hindi. May katrabahong pasaway, merong tahimik. May mukhang model, merong parang taga-Zuhoor (cafeteria un!). Parang kailang lang ng natanggap si babaita sa aming kumpanya. Kalaunan naging gelpren ni boss. Kalaunan pa umiiyak na ako ng dahil sa kamalditahan niya. ( Prenship kuno na kami ngayon 😀 ) Continue reading “Sa Wakas!”

Posted in dubai adventures

Decks

UPPER

Sobra kong hindi na-enjoy ang dhow cruise birthday celebration ng baby ng ex-opismeyt ko. (Oooops.. but I’m glad naman dahil invited ako kaya kahit may sakit join ako!) Yun palang kasi ang ikalawa o ikatlong araw na namamaga ang tonsils ko at sobrang ubo ako ng ubo. Pumwesto pa naman kami sa upper deck which is open air at mamahamugan ang baby (ako un! :D) dahil dun nila gusto para makapag-sight seeing ng maayos.

oops sensya i look sick!Wala naman akong ginawa sa buong cruise kundi ang magpakalango sa alak tubig. Inom daw kasi dapat ng inom ng tubig sabi nila. Dumaan ang waiter, syempre gusto ko ng pineapple juice. Sabi ng mama ko uminom daw ako ng fresh pineapple juice. Kaso nung iinumin ko na sana un juice, as in dikit na un lips ko sa baso. Bigla naman akong pinigilan ng mga kasama ko. Lalo lang daw magiging makati sa lalamunan un…. hay! So aun nagtyaga na lang ako sa tubig kahit masuka suka na ako. Hindi ko na rin halos maibuka ang bibig ko para makipagkwentuhan sa kanila. Pamasid masid lang ako, ang boring! Sa food isang putahe lang ang natikman ko, maglaway man ako sa ibang foods hindi ko naman magawang kumain ng kumain dahil hindi nga ako makalunok, pati cake hindi ako nakakain ang sarap pa namang tignan huhuhu! Feeling ko nga nangayayat talaga ko LoL! Happy 1st Birthday Baby Sayhan!!! Continue reading “Decks”

Posted in Boredom, dubai adventures, Work & Work Hard

walang title pero meron

Beauty rest na naman ako ngayon. Paano kasi wala na namang pasok. Ang dahilan daw ay ‘sifting’ o baka ang ibig nyang sabihin ‘shifting’. Saan kaya? Totoo na kaya ito? Actually, noon pa ‘yang kaplanuhang ‘yan na hindi naman natutuloy. Whoaw! Would you believe noong 2007 pa pala ako nagblog about paglilipat ng office?

Last month sinabihan kaming ‘wag na muna magsesend ng office location map kahit kanino dahil lilipat na daw kami ng location. Hindi na sa Sharjah na original na plano. This time sa Al Qouz na! Waaaah! Ayoko rin dun bukod sa madadagdagan ang oras ng pagbibyahe papunta dun, palagi pang traffic papunta at pauwi. Isa pang kinakatakot ko halos karamihan dun ay warehouse, madalas may sunog. Imagine nasunugan na nga kami ng warehouse noon sa Al Qouz. Kaya sana joke lang ang sinasabing maglilipat daw ngayon kaya walang pasok.

Actually last week kasi 2 days din kaming walang pasok. Ewan ko ba sa trip ng mga boss namin pagkatapos sabihan ba namang nasasayang daw ang pasweldo nila sa aming lahat dahil dalawang araw na nga kaming walang pasok tapos maaga pa daw kami umuuwi. Since pumasok ang taon na ito, inabisuhan niya kaming hanggang 4:30PM lang ang pasok namin kaya un ang sinusunod namin. Hindi naman namin kasalanan kung umuwi man kami ng maaga or dalawang araw kaming ndi pumasok. Masunurin lang naman kami kaya sinusunod namin kung ano ang gusto niya. Pero syempre masaya kaming umuuwi ng maaga hahahah.

Ang point lang pala nya dun ay para sabihing dapat magstay na kami until 6PM. Ang isang kaopisina ko ang kausap nya tungkol dun dahil mejo nagkaasaran yata si opismeyt at babaita. Naguusap sila pero sarcastic daw ang mga tono ng paguusap nila. Hanggang sa sinabing sayang naman daw ang binabayad nila para sa amin kung ganun kami kaaga umuwi. So sabi niya ok stay kami til 6PM.

Kung makikita nyo lang ang office namin sa ngayon. Kung noon ay maganda at comfortable. Ngayon puro alikabok, walang carpet, kalat kalat na mga gamit, ndi tapos ang pagcocover ng ceiling, walang mga ilaw, gumagana ang AC pero ndi ramdam ang lamig. Irerenovate daw kais dahil gusto ni babaita ay puro glass lahat ang door at walls. Pero simula december sinira na nila ang opiz until now wala pa rin nagagawa kaya parang ang bigat sa pakiramdam tuwing papasok ng opiz bukod sa mainit na pangit at madumi pa. Don’t know kung ano’ng naisipan niya, tapos ngayon lilipat daw.

Since matagal tagal na rin kaming mejo nagkakasundo ni babaita, ako ang pumapel dahil gusto ng magsiuwi ng mga kasama ko. Tinawagan ko siya para iremind siya kunwari sa request ko. Mabait naman siya makipagusap hindi gaya nung umaga cguro nakapagpalamig na. Kaya dinugtungan ko na ng… “Babaita, pwede na ba kaming umuwi?” Syempre inglis un tanong at di pwede gamitin ang term na gurrrrl, CEO siya davah! Ask naman siya kung madilim na ba sa office, syempre sagot ako ng oo. In fairness, madilim na talaga lalo pa’t pinagbababa na namin mga blinds eh di lalong dumilim hahahaha… So aun sabi niya kung madilim na daw ok daw umuwi na kami. Pero kami lang tatlong babae ang pinayagan niya, ang mga lalaki hanggang 6PM pa dahil mga babae lang naman daw ang takot sa dilim. Pa-cute na naman ang madam, pero okies friends kami kasi ndi niya ko kinontra dun hahaha. Wawa naman mga boys, ayaw nga kong paniwalaan eh pero dare ko silang tawagan nila si babaita ayaw naman nila. Mga duwag talaga mga un.

Ok, nonsense na naman wento ko. Bored kasi ko sa bahay ako na naman kasi mag-isa kaya feeling ko kinukwentuhan ko lang friendship ko now kahit wala ako kakwentuhan. Asar naman kasi mga friends ko puro offline at busy huhuhu.

Posted in dubai adventures, Life, Random Thoughts, Work & Work Hard

Kris’

Kakalungkot situation ng iba dito sa disyerto. Dami ng nawalang ng work. Ang frend na kasabay ko ng pag-aayos noon ng papers papunta dito na halos sabayan din kaming nagkaron ng work at visa dito, ika-cancel na daw siya next month. Next month is just like few weeks. Ang bilis pa naman ng takbo ng oras. The next day you wake up you’ll just realized na last day mo na pala sa work. It could happen to everyone pero syempre we all should be positive. And pray na hindi sana mangyari un sa atin. Pero mangyayari din sa akin na mawalan ng work kasi nga noh di na ko papa-renew sa company namin.

December is really one of the toughest month for me. Magulo utak ko nun. Kasi nga dibah bakasyong grande ba naman ako na hindi sigurado kung mababawasan ba ang sweldo namin o hindi. Kasabay pa niyan si papuch magtatalong buwan na nung hindi napapasweldo. At sinabihan pa silang magsasara na daw ang kumpanya. Mygosh! Isang buhos un na parang gusto ko nalang pauwiin si papuch sa kanila. Tapos ako din uuwi na rin tatapusin ko lang contract ko.

Si bespren above gumawa ng paraan. Sobrang lungkot at gulo ng isip ko nung December. Na-overjoy naman ako nung January. Hindi naman oa na saya pero thankful talaga ko kay bespren above kasi ginawan nya ng paraan lahat. Nakuha ko nga dibah ng ayos ang sweldo ko with matching increment. Si papuch naman, tinawagan daw sila ng bossing nila at binigay na kahit ang dalawang buwang sweldo. At least isang buwan nalang ang utang sa kanya hehehehe. Tapos hindi na daw muna isasara ang kumpanya. Pababangunin muna. Wish ko lang maging ayos ang business nila para hindi rin naman maapektuhan si papuch at syempre ang mga katrabaho nya.

Wish ko din na sana matapos na ang global crisis na ito!

grabe na tlga ito! Kaninang umaga ko lang ginawa itong post na ito. Nung tanghali eto na meron na naman bad news. Ang karoommate ko naman ang isa na namang naapektuhan ng krisis na toh! Hanggang isang buwan na lang sila sa company pati daw ang amo niyang super tagal na sa company, wala na rin. Di niya alam kung nagresign o natanggal. Hay naku! Tama na sobra na, nakaka-upset na eh!

Posted in dubai adventures, Life, Work & Work Hard

tumaas na

Although may konting doubt, panatag ang loob kong tutuparin ng boss ko ang sinabing salary increment. Habang sinasabi niya sa aming dalawang Pinay ang tungkol sa bagay na ‘yan 4 days ago, unang pumasok sa isip ko ang pagte-thank you ng ilang ulit kay bespren above.

Kung sakali mang ibigay ang increment ine-expect na rin naming dalawa ni opismeyt na malamang after ilang buwan pa bago maibigay ang dagdag sahod o di kaya naman ay tapos na ang kontrata baka hindi pa rin naibigay. Dun kami nagkakamali dahil kanina pagka-abot ng sweldo may isang libong dirham ng dagdag sa sweldo naming dalawa. Thanks tlga kay bespren above!

Kaya pala magaan ang loob ko pagkasabi ni big boss nun. Hindi dahil asang-asa ako pero dahil malakas ang feeling ko na tototohanin niya. Ang nakakatuwa dun ibinigay kaagad, expected kasi naming kung may increase nga pasok pa iyon sa salary ng January.

Happy naman ako dahil mejo nabawasan ung mga isipin ko nung nakaraang mga linggo. Nagkaro’n pa nga ng kasagutan. 😀 Isang bagay na lang ang wini-wish kong sana sagutin ni bespren above at bigyan din ng magandang kasagutan.

 

Mukhang napasobra ang pagkalimot-limot ko lately. Binigay nga pala ito ni sis Ana nung November pa. Pasensiya na sis kung ngayon ko lang idi-display sa aking bahay… ‘ika nga nila “better late than never”

bbaward

Salamat ng marami… Sa tagal kong pagpost nito malamang lahat na kayo ay nabigyan ng award na ito.