Posted in dubai adventures, Life, Rants

taglish na hehehe


Nagulat ako at naaaliw! Kasi naman taglish na ang WordPress. Mejo nahirapan akong intindihin ung iba kasi sumobra yata sa lalim ang pagkaka-translate heheh. Good thing may mangilan-ngilang pa ring english pa, siguro pinag-iisipan pa nila kung ano ang tagalog sa mga salitang yon hehehe…

Anyway, It’s nice to blog again! Sobrang naging busy na naman ako. Bukod sa pag-absent ko nung linggo. Pagpasok ko naman ng opisina kadarating pa lang ng bossing, pangalan ko na ang unang tinawag. Oks lang naman dahil pag maraming work, madali lang ang takbo ng oras. Ang problema lang hindi na naman ako masyadong makapag-blog at bisita sa mga haybols ninyo! Sad!

Masaya pa lang mag-research ng mga impormasyon para matunton ang isang taong ayaw magpahanap! Isa sa kinabusy-han ko bukod sa trabaho ay alamin kung anong numero ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Patsy. Kasi nung nakausap ko siya nung umaga ng Lunes at itanong kung paano ko siya mapupuntahan sa trabaho niya. Ang sabi niya gagabihin na siya pag-uwi, eh since may sasakyan naman si papuch siya na lang sana ang sasadyain ko sa kumpanya para walang hassle sa kanya, wala ring hassle sa akin. Kaso ang sabi niya “Ano ako tanga para sabihin kung saan ako nagta-trabaho.”

Beyond her knowledge, alam ko na kung ano ang kumpanya niya. Salamat sa mga ibang lahi na transport service ng kumpanya niya, nalaman ko kung ano ang correct spelling ng kumpanya nila. Pagtawag ko sa 181, presto! nakuha ko ang number! Dahil ayaw niyang sagutin na ulit ang tawag ko after more than 20 times, tinawagan ko siya sa kumpanya. Natakot yata dahil bawal pala sa kanila ang personal calls. Hindi niya siguro inakalang malalaman ko ang numero ng kumpanya nila. At higit sa lahat naisip niya sigurong kung nadiskubre ko ang number sa kumpanya niya, mas malaki ang posibilidad na isang araw makita niya na lang ako sa pantry ng kumpanya nila habang nagkakape at hinihintay siya.

Ang resulta, biglang nag-set ng oras para makipagkita na sa akin malapit sa dati naming tinitirhan. Nag-abot kahit papa’no ng bayad – un nga lang maliit na halaga pa lang. Yun lang naman ang hiling namin sa kanya, magbayad ng paunti-unti kung hindi niya kaya ibigay ng buo.

10 thoughts on “taglish na hehehe

  1. Taglish na? Saan mo nakita?๐Ÿ˜ฎ

    Hanep yan ah, tinunton mo pa talaga para lang magbayad.๐Ÿ˜†

    Rhapsody: cyempre hahah.. parang gusto ko na tuloy maging detective hehehe… career change hehehe… paglogin mo pa lang makikita mo ng taglish na ang wordpress…

  2. Mapalad po tayo ngayon dahil isang pindut lang sa keyboard ng
    computer ay makikita na natin ang ating hinahanap. Parang ang mundo
    ngayon ay nasa ibabaw lamang ng iyong mga daliri. Malaking bagay
    ang pag-advance ng technology kaya nagkakaroon tayo ngayon
    ng mga ganitong biyaya sa buhay.

    Rhapsody: wow tagalog na tagalog ka rin ah… ang lalim hehehe…

  3. Heyyo, Rhapsody!

    Kaloka, napansin ko din. Harharhar! And I remember thinking the same thing. Malalim masyado yung iba, di ko tuloy maintindihan ibig sabihin! Waaaaaaaaaa!

    Have a good weekend.๐Ÿ™‚

    Rhapsody: oo nga hehe.. kagaya ng Puna. Comments pala ahihihi.. kung hindi lang natin memorize na noon pa ang mga menus at captions malamang natulala na tayo kung ano’ng gagawin.๐Ÿ˜€

  4. Eto ang aking “PUNA” ( comment?๐Ÿ˜† ) :

    Yung ‘kaibigan’ mo๐Ÿ˜› obyusli iwas-pusoy ang intensyon.
    Right… kulit-kulitin na lang hanggang sa makakumpleto, dahil wala naman syang kusang mapunan ang obligasyon nya (ang magbayad ng utang o magsauli ng hindi kanya). Buti naman natunton nyo ang lungga nya.๐Ÿ™‚

  5. oo nga rhap, eto nagstart na ulit lumuwag ang aking oras. hehehe. mya mya gagawa na ulit ako ng mga sulat at hindi lang puro komento. ehheehe.

    Rhapsody: baligtad tayo ah.. ako pag busy, walang oras sa bloghop pero nakakahanap ng oras sa pagbabl. Yet most of the time tinatamad magblog hehehe….

  6. ..korek, tagliszh na? me ganung drama?heheh!
    …grabe talaga ang dilemma mo jan ke patsy…kakagigil sya…

    Rhapsody: uu super dilemma. ndi ko nga alam kung maaawa ako sa kanya o maiinis…

  7. ‘steeg mo naman, para kang imbestigador hehe..”indi ka namin tatantanan!”

    atlis diba napagod na siya kakatago…hayun at sumuko na.

    sana magsilbing aral yan sa kanya. indi laging pasko. minsan nagma-mahal na araw rin para mabawas-bawasan ang mga kasalanan..diba?
    ๐Ÿ™‚

    Rhapsody: honga! at least dibah nabawasan na ang kasalanan niya thru paying kahit na paunti unti… bwahahaha na-imagine ko tuloy na ako si mike enriquez bwahaha!

  8. honga eh.. napansin ko rin!!! mejo napaisip ako kung ano yung pangasiwaan!!! manage lang pala… kala ko pa naman bihasa na ako sa wikang tagalog, yun pala engot pa rin ako….

    bago lang po ako dito.. naghahanap ng bagong kakulitan.. cheers!!!

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    Rhapsody: naku madaming makukulit sa WP kaya im sure mag-eenjoy ka dito sistah! nakakapraning din pala ang sobrang lalim na tagalog noh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s