Posted in dubai adventures, Random Thoughts, Rants, Work & Work Hard

stupids


Para sa iyo,

Tama bang ilagay mo ang empleyado mo sa dalawa mong kumpanya na ang ibig sabihin ay magiging dalawa din ang responsibilidad niya na wala man lang pagbabago sa dokumento niya at sweldo? Matapos mong sabihin na mamili siya sa dalawang kumpanya? Nung nakapagdesisyon at hindi napili ang gusto mong piliin niya. Pinagpilitan mo pa rin dahil sabi mo naka-plano na lahat? Ano pang silbi ng paghingi mo ng opinyon niya at ng desisyon ng empleyado mo kung hindi mo naman siya papakinggan. At nung nakipagmatigasan si empleyado, iniba mo ang diskarte mo. Ang cute cute mo talaga.

At matapos na makipag-usap ng empleyado mo sa isang bob*tang babae mo nabigyan siya ng tatlong pagpipilian. Sinagot sa sulat ng empleyado si babae na parang inilalagay na siya sa isang kumpanya. Dahil ayaw lumipat sa isang kumpanya mo gumawa ulit ng sulat si empleyado.

 

Good day! Thanks for the immediate response last week.

 

It might have caused you a bit of confusion when I informed you my decision of not going for a vacation. What I have decided is to continue working in Company #1 since I believe my labour card shows that it is where I am employed. It is far more important for me to work legally and if I choose to work in a new company even under the same sponsorship and owner there would be so much things to consider. If you are determined to transfer me to Company #2 then the first thing I am requesting you is to kindly present me an offer letter stating what my status and visa would be as well the offered salary and privileges you are providing for me before I start working there. Furthermore, if you would really want me to work in Company #2 I need to be reassured that the work would only be in the same office here in *** with the same office timings.

 

Tanong lang… may mali po ba sa mga ginamit na salita? At bakit pinulahan ni bob*ta ang sulat ni empleyado? Ang mga nakasulat na iyan ay ayon lamang sa mga napag-usapan nila ng babae mong bob*ta. Hindi nagdedemand kundi dahil iyan ay napag-usapan. Ang ibang hinihiling na makuha ay dahil gusto lang makatiyak na maging legal ang lahat at maging maayos ang usapan. Pero ano nga ba ang sagot ni bob*itang babae?

i think you should really consider your words and pharses before writing a formal REQUEST letter to your boss!

meeting with you on this issue at 4pm today.

 

Oo ganyan kaigsi. Ipagmalaki ba na boss siya! At sino kaya ang nagmukhang hindi nag-iisip ng mga salitang sinusulat?

Ano nga ba ang dapat na ugali ng isang mataas (?) na tao sa kumpanya na isa daw [Psycho]logists na magtatapos na ng Masteral? Bakit parang walang utak at hindi marunong umintindi kung ano ang proper words and phrases? o pharses? Sana man lang kumunsulta muna kay pareng thesaurus bago ipadala ang sulat.

At si empleyado syempre nagpakababa muna. Dapat kontrolin ang emosyon. Kung parang gusto ng makipagsabunutan sa babae mo kailangan itali muna ang mga kamay at busalan ang bibig para hindi na makapagbitaw ng salitang iniisip ninyo ay masyadong nakakasakit ng damdamin. Kailangan ng ebidensya kung saka-sakali kaya ang sagot sa kaasar-asar na sulat ay ito:

I truly apologize if you find my letter offensive. But I want to clarify that my letter neither intends to criticize nor disrespect superiors. I am only requesting such things to legalize my documents for I don’t want to cause myself as well as the administration any troubles concerning transferring an employee to another company. With all due respect, I believe it is also an employee’s right to ask about the necessary arrangement and process related to the new job before agreeing and start working for a new industry.

I hope that meeting with you later at 4pm will clear these issues.

Dumating ang oras ng komprontasyon. Laking gulat ni empleyado hindi ang b0b*tang babae ang kumausap sa kanya kundi ikaw na lalaki ka. Oo nga’t nasa tabi-tabi lang si bob*ta pero nagpapanggap na abala sa laptop. Ano’ng ginagawa? Nagpe-facebook na naman? Ano ba ‘yan! Mabuti pa empleyado ninyo nagtatrabaho kayo pa-facebook facebook lang! Sabagay arbab (boss) nga pala kayo. Pasensya na. Ay oo nga pala nag-react pala ang bob*tang babae ng banggitin ni empleyado ang pangalan niya, siguro na-guilty akala idinidiin siya pero dahil dineadma ni empleyado ang reaksyon ng mukha niya, nanahimik ulit. Akala ni empleyado mananabunot na eh. Tapos ikaw ano sinasabi mo? Bakit gumagamit si empleyado ng mga salitang ‘employee’s right to ask.’ Ang sabi mo pa meron din kayong rights. Patawa ka masyado. Syempre ang concern dito ay yung tipong galit na galit na si bob*ta ng dahil lang sa pagtatanong tungkol sa pagiging legal ng proseso. Sabi mo, bakit ganun ang mga salita punto per punto. Eh ano bang ibang salita ang dapat gamitin, kung babaguhin eh hindi na siguro malalaman kung ano pa ang gustong alamin ni empleyado mula sa inyo mga bobo!

Tapos ano pang naging usapan? Sabi mo hindi ililipat si empleyado ng kumpanya kaya hindi na kailangan magrequest ng kung anu-ano at hindi na rin problema ang pag-aayos ng mga dokumento. Gusto mo siya gawing ilegal at gusto mo din utakan? Tapos malabo ang ipinangakong sweldong idagdag daw dahil ng kinuwestyon ni empleyado ang ipinanagko ng bob*ita mong babae ang sagot mo lalaki ka ay dahil para lang maenggayo si empleyado at pumayag. Ginagawa mo bang tanga mga empleyado mo? Hoy Pinoy yata tatlo mong empleyado, mapagbasa ng dyaryo, mapag-alam kung ano ang karapatan, matapang at palaban!

Hayaan mo nagulo mo na mundo ng mga empleyado mo mapa-Pinoy o ibang lahi kaya hintay hintay ka lang dahil unti-unti silang maglalaho na lang sa paningin mo. Masyado kang nagpapakatanga sa mga pangarap mo at nakikiayon sa kagustuhan ng isang taong di naman nakakatulong sa iyo. Hindi mo ba alam nawalan na sila lahat ng gana sa iyo? Bago ka mangarap sa ibang bagay ayusin mo muna yung mga gusot mo sa kasalukuyan. Tanga lang ang magtitiyaga sa inyo mga utak ilegal!

Nagmamahal,

Empleyado

3 thoughts on “stupids

  1. hala, stupid nga. hindi naman sa nagiging racist ako. pero wala akong respeto sa mga arabo kahit na anong yaman pa ng mga yan, at bakit kamo? puro bobo! hindi lang yun, tamad, walang pasensya, laging nagmamadali at kung umasta eh mga akala mo kung sino. pero sabagay, bansa nila yang pinagtatrabahuhan mo. pero hindi sapat yan para tanggapin na lang basta basta ang kanilang mga pang-aabuso.

    di bale mylene, igaganti kita. pag may nakita akong pasaway na emirati bukas, pipitikin ko yagbols! lol

    Rhapsody: alam mo kung arabo nga yun eh matatanggap ko pa dahil iniisip nila bansa nila talaga ito… pero pakistani sila. mga pasaway na pakistani. kung wala lang maaapektuhan na ibang pinoy inireklamo ko na ‘toh na may ibang lahi na wala pang employment visa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s