Posted in Animals, dubai adventures, Rants, takot ako

sunugin ang ipis


After more than a year heto na naman po at naka-apak na naman ang mga paa ko sa bus. Lumipat kasi ng kumpanya si papuch kaya natural na ibalik niya na ang company car na nagagamit namin. Magkakaroon naman siya ulit ng kotse sa bagong kumpanya yun nga lang ay may inaayos pa yata. Malamang kukuha sa rent-a-car, ewan ko lang. Kaya simula kahapon ng uwian ay nag-bus ako ganun din kaninang umaga. Okei din feeling ko liliit ang tyan ko nito kung saka-sakaling isang buwan akong magbu-bus. Sana lang eh hindi abutin ng sobrang tagal kasi paano kung summer na baka huminga lang ako eh pawis na pawis na ako. Paano pa kung andun na ako sa bus stop malamang lahat ng dinaanan ko eh parang binaha dahil sa pawis ko(exag naman masyado). Paminsan-minsan kapag tinamad o di kaya eh mainip sa paghihintay ng bus pwede rin namang mag-taxi. Kung bakit ba naman kasi pinagbubura ko na ang mga number ng mga contact kong carlift dati.

Anyways dahil magsu-summer na, uso na naman ang mga sunog na iyan. Nauna na ang isang illegal daw na firecracker factory sa Al Qouz area malapit lang daw sa office nila dhez, ngayong umaga naman sa Naif Area naman kaya dahil sa daming dikit dikit na shops sa lugar na yun ay mahigit 100 shops daw ang nadamay. Kapag ba nagkasunog sa isang lugar, namamatay din ang mga ipis o nakakasurvive sila?

Lintek kasi ang mga ipis… kinapos ako ng hininga at naiyak kagabi ng dahil sa bespren kong ipis talaga. Bata pa lang ako iyan na ang pinaka-ayokong insekto sa mundo. Hindi lang dahil sa nakakadiri, dahil sabi nila mabaho daw ang ipis pero hindi ko pa nasubukang amuyin kasi hindi ko nga matignan kahit picture nila eh amuyin pa kaya, kundi dahil takot ako sa hitsura ng mga iyan. Lumilipad man o hindi, lalo na yung kasing-size ng mga ipis sa Pinas mas lalo na siguro kung mas malalaki pa dun. Mas matitiis ko pang makakita at apakan para patayin ang mga super liliit na ipis dito sa Dubai pero ang mga malalaking ipis… HINDEEEEE. Mas malaki ako sa ipis pero hindi ko alam kung bakit iba talaga ang epekto nila sa akin. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso talaga dahil kung meron matagal na akong sumakabilang-buhay ng dahil sa mga pesteng ipis na iyan. Mabalik sa nangyari kagabi. Nagprisinta ako kay L na ako na ang magpapatuloy na magluto para makatulog na muna siya at gigisingin ko na lang kapag kakain na kami. Aantok antok na rin ako dahil sa masakit ang ulo ko at mainit pa sa kusina habang nagpiprito ng isdang gagawing sarshado, sumandal muna ako. Maya-maya pakiramdam ko kinikilabutan ako. Parang may multong nagpaparamdam. Iba talaga parang may mga kamay na hinahawakan ang ulo ko. Nakikiramdaman ako hanggang sa naisip kong pagpagin na lang ang buhok ko ng ilang ulit. Nakita ako ng kapitbahay na nakatambay sa labas ng kusina.

May ipis ka sa damit mo!” Waaaahhhhh! Ayun na nawala ang poise. Lumabas ng kusina, panay panay ang pagpag, talon at paggulo ko ng buhok ko habang sigaw ng sigaw. Tumigil ako para alamin sa kanila kung wala na ba ang peste. Sabi naman ng isa, “Ayan nasa damit mo pa!” Nakita ko nasa may bandang binti ko. At dahil nalaman kong malaking ipis at hindi yung mga super liliit na ipis, hayun na talon na naman ng talon, sigaw at pagpag hanggang sa makita ko ang isa na parang aapakan niya na ang ipis. Dali-dali akong pumasok sa kwarto, naupo sa kama habang mukhang bruhang pagpag ng pagpag ng damit at buhok. Nataranta naman si L na naalimpungatan pa at nagtaka kung ano’ng nangyayari. Sinabi ko na lang na siya na lang ulit magpatuloy ng pagluluto kasi ayoko munang lumabas. Naiiyak na kasi ako. Parang ang arte anoh, ipis lang iiyakan. Hindi ko talaga maalis sa sarili ko ang hindi matakot sa ipis eh, kaya kung isipin man ng iba na maarte ako wala akong pakialam hindi naman sila ang nakakaramdam ng pagkatakot ko. Habang nakahiga naman ako at nakatakip ng kumot ang mukha para hindi nila makitang napaiyak ako sa takot, paminsan-minsan automatic na para akong may epilepsy’ng mangingisay na lang dahil nai-imagine ko pa yung hitsura ng ipis, at naiisip kong un pala ung parang kamay na humahawak sa ulo ko… ngiiiiiiii!!!!

Napakarami kong memories tungkol sa phobia ko jan sa ipis na iyan. Pero masyado ng hahaba kung ikukwento ko pa. Naaalala ko lang ang bilin ng tatay ko: “Huwag na huwag mong sasabihin sa mga kakilala mo na takot ka sa ipis, kasi baka lalo ka nilang takutin.” Paano naman kapag ganitong pangyayari na ipis na mismo ang nagpaalam at nagpakita sa mga kakilala ko na takot ako sa kanilang mga ipis? HuhuHu!

15 thoughts on “sunugin ang ipis

  1. hay naku, kailan ba malilipol yang sangkaipisan sa mundo? talo pa nga mga yan ang social networks sa Net, ang bilis mag-multiply!😀

    Rhapsody: wish ko ngang malipol sila at mawala na sa mundo…

  2. hehe ako mas takot sa ipis na lumilipad, kc ang mga linchak parang alam kung nasan ka talaga at dun p talaga mag lalanding! kaya pag mya lumilipad lipad na ipis eh muka na din akong engot na lilipad lipad from wan place 2 anader…

    bilib nga ako sa ilang frends ko na babae, nahahawakan nila yung sungay nun ska ihahagis sakin para takutin ako!!!! waaaa ang sasama!!!!!

    Rhapsody: ang tatapang talaga ng iba makapanakot lang eh talagang hahawakan. ganyan ang gawain ng bunso kong kapatid kapag gustong gumanti sa akin sa pang-aasar ko sa kanya…

  3. ay may pahabol pala, naalala ko kc yung tanong mo.. may napanood kc ako dati, as in super astig tlga yang mga ipis, khit yung mga lugar na sinabugan ng atomic bomb eh cla lang ang nkaka survive!!!!

    Rhapsody: waaaaaaahhh so wla pala talaga akong pag-asa sa minimithi kong mawala sa mundo ang mga pesteng ‘yan! huhuhu!

  4. …hala kawawa ka naman parang nawindang ang buhay mo dahil sa pesteng ipis. pero pede mabawasan ang phobia mo sa ipis e. unti unti at matagalang process nga lang. ex. 1st step, tumingin ka sa picture ng ipis hanggang sa medyo mawala na ang takot mo. 2nd step, sa tunay na ipis ka na titingin,una sa malayuan tas pag ok na sa malapitan na. ganun kasi turo sa min nung isang prof namin before..malay mo nga naman. goodluck!!=)

    Rhapsody: ndi ko kya yan… sa commercial pa nga lang ng baygon di na ako makatingin, dala ko na toh simula pa nung bata ako kaya ang hirap ng tanggalin. at malamang kapag naging lola na ako yung magiging apo ko pa ang uutusan kong pumatay ng ipis… kawawang mga apo… bakit naman kasi ako ganito?

  5. kahit ako me normail na eeeekkk reaction sa ipis, then something kaweridong electric ang tatalaytay sa ugat ko di ko alam. minsan naiisip ko if this was just injected saken nang society until na laman ko na puro pala mikrobyo bitbit nang mga yan hehehe balak ko pa namang prituhin nun! hahahaha

    Rhapsody: nakupo piprituhin pa! ngiii talaga! mawawala kaya ang mikrobyo nila kapag pinrito? heheh

  6. ok lang ang ipis
    wag lang sila lilipad
    tsk tsk

    trayduran yun🙂

    Rhapsody: ndi siya okei para sa akin! lumipad man o hindi!

    ay salamat nga pala sa pagsilip huh! nakyuryus kasi ako sikat na sikat ka sa blogosphere! at di naman ako nagkamali pagsilip ko – disenyo pa lang ng bahay mo maganda na, tapos pati na rin mga nilalaman.

  7. hala! alam ko na ngayon! humanda ka! nyahahahahaa!!!

    Rhapsody: wahahaha! okei lang na nalaman mo ateng kasi ang layo mo naman dito ahihihihi! at okei lang na malaman ng mga nakakabasa nito kasi di naman nila ako malalapitan para bigyan ng ipis ahihihi!

  8. hala pareho din kayo ng anakiz kong nag hihisterya pag nakakakita ng ipis as in di mapakali hanggat di napapatay hehehe at korek ka mabaho ang ipis kasi one time may ipis sa bahay yung lumilipad tas nadapo sa kamay ko tapos sempre mega kawag ako ng kamay para maalis agad hehehe nakakatawa inamoy ko pa yung dinapuan at mabaho nga talaga to think na split seconds lang yun waaaa..

    Rhapsody: ang dami tlga namin pagkakapareho ng junakis mo huh! ganyan nga ako naghihisteria at naguumiyak hanggang sa mawala na sa utak ko na may dumapo o gumapang o sadyang inilagay sa akin na ipis! tapos hindi ako natutulog hanggat hindi ako sigurado na napatay na nila ang ipis at dapat as in dead na! hindi pwede sa akin kung naghihingalo dpat dedo tlga para matahimik ako.

  9. naku, nabwisit ako sa opis ng ilang araw dahil sa ipis na yan.
    dun pala sila nagtatago sa may pantry, eh tambay pa nmn ako dun lagi para magkape.
    at nung makita ng opismeyt ko one tym na nakapasok sa loob ng container ng kape yung lintek na ipis, waaaaaa. sira ang araw ko, di ako makapag kape. kainis.

    Rhapsody: mabuti hindi ako mahilig magkape eh di hindi rin saan ako nakapagkape jan heheh… matatalino din ang mga ipis ano.

  10. Galing ako sa blog ni Iya tungkol din sa ipis, hindi kaya nagpaparamdam sila sa akin? Nyahahha! Takot din ako dyan eh lalo na dun sa lumilipad, nyay!

    Rhapsody: hala ka baka nga… kaya magpajama at long sleeves ka na sabay talukbong ng blanket mamayang gabi para di ka madapuan.

  11. alam mo, nakakita ng ipis itong mga anak ko sa hotel, aba, nagsisigaw talaga. at gustong umalis na sa lalong madaling panahon, hahaha. diring diri kamo, sabi naman ni kengkoy e pets yan, ahahaha. ako mas ayaw ko ang butiki, bleeee

    Rhapsody: ahahahah nakakatawa naman si dadi kengkoy pets pala ang ipis lolz…. ayoko din sa butiki pero di ako takot kahit pa makita ko sila sa kisame…

  12. @jojie – oo nga bad yun kaya wag na wag mong gagawin sa mga kahabag habag na kagaya namin.

    @sommer – effective ba un? cge ita-try ko lam mo kasi ung powder parang di effective eh. waw! welkam sa wordpress!

    @pusa – ay oo sobra! sarap nilang lipulin tlga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s