Posted in dubai adventures, Life, Rants

trip trip lang


Nakakairita na dito sa bahay namin.

Madalas mag-trip ang kuryente.

Lagi kaming pinagtitripan heheh. Ito nga kasi ang problema sa mga pinapaupahang villa dito sa Dubai. Sa sobrang daming room at nakatira sa isang villa, overloaded na ang kuryente. Di na makayanan kaya ito kahapon lagpas limang beses lang namang namatay ang kuryente.

Mabuti na nga lang at biglang bigla kagabi na nakasagap ng net connection dito sa bahay. Hmmm  pakunswelo sa amin? Hehehe. Hanggang ngayon malakas pa rin ang sagap ng koneksyon kaya nakakapagblog ako ngayon sa bahay.

 Mistulang internet cafe sa bahay, dalawa kaming may sariling mundo habang nakikipagchat sa mga kaibigan at nagdadownload ng mga movies. Lalong nagmistulang internet cafe kasi walang ilaw sa amin. Literally, walang ilaw. As in ilaw o mga bombilya lang ang walang power. Pero ung mga plug meron. Kaya ang AC, refrigerator at washing machine, nagagamit pa rin namin. Kaya habang nagbablog at nakikipag chat, nakakapaglaba pa rin ako.

Multi-tasking ako ngayong araw na ito. At feel na feel namin na walang ilaw ang mga bumbilya. Ang dilim, pero ok na rin at least may AC at internet naman. Pero syempre ayaw din namin ng ganito. Delikado daw kasi ang ganito. Kaya naguumpisa na kaming maghanap hanap ng malilipatan namin.

Eto lang ang kasi ang pinakamatindi, lipat = gastos.

 

Mabuti na lang may naisuksok ako kaya may madudukot ako. Sana lang ang malipatan namin maayos at malinis.

10 thoughts on “trip trip lang

  1. sis gusto kitang gayahin..

    magsusuksok na din ako ng pagdating ng araw ei may madukot naman ako hahaha🙂

    wala natitra sa sweldo ko dito sa pinas…

    ang mahal kasi ng mga bilihin.. gasul dito 700 na oh diba🙂

    maganda ba dyan sa dubai sis?

    Rhapsody: naku sinabi mo pa.. kahit dito nagtataasan na rin lahat ng gastusin, kung iicpin lang kapag nagpadala sa pinas laki pa rin ng tulong. nakakamiss lang ang pinas kapag naman nasa ibang bansa ka nagwowork…

    pero if u want, may mga agencies sa pinas na pwede aplyan papunta dito.. try mo ung Grand Placement Agency makikita mo sa POEA! swak na swak at sulit na sulit pag napili ka dun.

  2. hahahah! before the hubby and i had fiber internet installed, we relied din on the frequencies of the servers of our neighbors. hehehe. buti na lang mabait sila at nagse-share.

    Rhapsody: originally ang plano ng mga kasama ko magpakabit ng net.. kaso di naman kami sure that time kung tatagal kami sa room na un. kaya change of plans, wag na lang daw.. mabuti nalang nga at may mga unsecured wifi noh hehehe..

  3. sa villa din kami nakatira, minsan ganyan nagti-trip din ang kuryente. pasaway buti nalang at naayos na rin. meron din kaming sagap sa bahay, sa may hagdan haha! kakangalay basta makapag-internet lang, sarap ng libre eh. pero ngayon, iba na. nagpakabit na kami kesa bumili ng gamot para sa varicose veins haha!! san nyo balak lumipat? (ehehe, nagtatanong lang naman.)🙂

    Rhapsody: Hi aling baby! taga-Dubai ka po ba? heheh buti naman un sa amin talagang pahiga higa at paupo upo pa kami sa kama. kaya oks pa naman, cguro pag nakalipat na kami ng haus at walang koneksyon saka kami magpapakabit hehehe.. wala pa kami nahahanap eh kung maari sana flat para mejo safe sa mga demolition eklavus hehehe

  4. Ganyan talaga ang buhay dito sa UAE kapatid, kung gusto mo ng tipid, kailangang magtyaga kahit di kumporatable! he..he.. Kami nga ng asawa ko eh, halos di magkasya sa kwartong inuupahan namin ngayon dito sa Abu Dhabi. Pagkamahal mahal pero pag kaliit liit…

    Rhapsody: my goodness kahit sa AbuDhabi mahal din ang kwarto!

  5. suksuk hehehe, ako wa work, kairita. konti nasuksuk. pero interesting ang kwento mo about dubai hehehe pag ka nakikipag chat ka pa sa ka-roommate mo, magtitrip talaga yan hahaha

    Rhapsody: ang isang reynang katulad mo di na talaga need magwork hehehe… waaaah pano mo nahulaan? oo nga niloloko ko kasi siya chinachat ko siya hahahaha.. nakakahawa ang tripping ng kuryente talaga

  6. Haha, okay lang talaga lahat basta may internet. Pero buti nga dyan namamatay matay lang yung kuryente, eh dito sa Pinas mahal ang singil ng kuryente. Good luck sa bagong lilipatan, sana makahanap kayo ng mas conducive sa inyo. =)

    Rhapsody: oo nga hehehe… naku po ang mahal din ng singil dito kung alam mo lang hehehe… hopefully makakita nga kami ng maayos na lilipatan. kasi ung prospect sana namin aun may nakakuha na daw😦

  7. …lola, maglilipat na naman ikaw? saan ka lilipat?
    …grabe, hirap na humanap lilipatan ngayon. (hirap na din sumagap connection, dami kaagaw.nyahahah!!!)

    Rhapsody: sa kasamaang palad ganun na nga, di kami natuloy ng paglilipat last time, pero this time lahat kami gusto ng lumipat by the end of this month. ang problema kung san kami lilipat hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s