Posted in Rants, Work & Work Hard

give it to me baby!


What the heck this babaita CEO!!! Naiirita na naman ako sa kanya nowadays! Sorry sa sulat ko hahaha! Ayoko lang kasing maasar ng sobra kaya parang walang katuturan na naman ang lengwahe ko.

Kasi naman itong babaitang ‘toh! Last month sumagot siya sa email namin ng opismeyt ko tungkol sa pagpafollowup namin ng sweldo. Ang sagot ba naman eh wag na kaming mangungulit sa sweldo before 5th ng buwan. Kasi ang sahod daw namin ay every 5th of the month. Therefore, from now and in the future daw she should not receive any emails from us tungkol sa sweldo. Kapag ready na daw ang sweldo iinvite niya kaming pumasok sa opis niya at ibibigay niya ang sweldo. Actually simula ng siya na ang nagpapaikot ng pera ng kumpanya, lagi na lang delayed ang sweldo namin. Swerte pa nga kaming mga Pinay kasi nakukuha sa drama namin sa email at maaga kaming nabibigyan ng sweldo. Samantalang yung mga lalaking ibang lahi 15th, 24th, 26th dun palang sila nabibigyan ng sweldo. Kami kasi ayaw naming sanayin sana sila na payag kami sa ganung palakad niya na hindi agad nagpapasahod. Kaya sagana siya sa email galing sa amin. Kaso ayun na nga tuwing ika-lima daw ang sahuran. Nagreply ang opismeyt ko na simula lang ng 2007 (yan un taon na nagjoin siya sa kumpanyang ito) nagkaloko-loko ang oras ng sahuran at hindi kami aware sa pagbabago nito. Ang babaita hindi na nagreply.

Ako naman para hindi ako makunsumi binabalewala ko na lang. Makakatiis naman ako kahit idelay niya ang sahod. Nitong buwan na ito, maaga niya akong pinasahod. At nagmayabang pa. Pahingi daw ako ng 88dhs kasi ibibigay niya na ung komisyon ko eh buo ung pera na ibibigay niya sa akin. Eh kaso wala akong 88dhs nung time na un. Sabi niya sa Sunday (kahapon un) nalang daw, Thursday kasi nun eh. Tuwang tuwa naman ako kasi di ko inexpect na finally makukuha ko na ang komisyon ko na lumiit ng lumiit matapos niyang i-hocus pocus.

Sunday kahapon. Natural tinawagan ko siya sa extension niya at sinabi kong handa na ang 88dhs ko. Aba parang naamnesia. Ano daw un? Inulit ko lang ulit na handa na ung 88dhs ko. Maya maya naalala naman – busy pa daw siya maya maya daw tatawagin niya na lang ako. Aba 5:40 hindi pa rin tumatawag at hindi na ako mapalagay! Finally, tumawag ang babaita. At niremind ko na naman sa kanya yung komisyon ko. Sabi na naman busy siya at siya nalang daw ang tatawag sa akin. Hanggang sa nag-uwian wala akong nakuhang komisyon – kunsumisyon lang! Kasi na-stress yata ako. Kaya paguwi ko ng bahay, nakatulog ako ng isang oras. Di ako nakapagluto – nung nagising ako andun na ang mga karoommate ko hehehe. At saka pa lang kami nagluto.

Ngayong umaga naman paramdam ako sa opis niya. Inabot ko ang CV na pinrint niya at ask ko kung tatawagan ba for interview ang mga un. Tapos sabi niya bakit daw nawala ako kahapon. Gusto kong sabihin na kasi parang naghihintay ako sa wala at uwian na kaya un. Di naman ako babayaran sa overtime. Tapos mega kwento pa siya na sigaw daw siya ng sigaw ng Rhapsody! Rhapsody! Tapos si big boss daw sabi sa kanya wala nang tao bakit sigaw ka ng sigaw. Sabi ko na lang eh kasi naghihintay na sa akin ung kaibigan ko. Nung oras na sinasabi niya un kaninang umaga, hinihintay ko ng ang isunod niyang sabihin ay: “o cge eto na ang komisyon mo para hindi na ako nagpapalusot na kunwari hinahanap pa kita kagabi”. Niyabangan niya ako na irerelease niya na ang komisyon ko kaya patay siya sa akin aaraw-arawin ko talaga siya, twice o thrice a day akong mangungulit sa kanya hehehehe… Hanggang sa ibigay niya na sa akin. Wala ng email email, extension na lang o personal mas maganda. Kaya para di rin siya makulitan sa akin – advise ko lang sa kanya na ibigay niya na noh.😀

One thought on “give it to me baby!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s