Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship

Di tayo talo ‘pre!


May kaibigan ako. Mabait siya. Dalawang taon mahigit na rin kaming magkakilala. Naging magkasama sa bahay ng dalawang buwan. Mas naging malapit kami kaysa sa isang babaeng kasama namin sa bahay. Siguro dahil wala siyang kiyeme. May kayabangan at bossy pero hindi naman ako napipikon sa kanya. Siguro din mas malapit ako sa kanya dahil pinagtatanggol niya ako nung mga panahon na parang nagagalit ang isa naming kabahay dahil ako lang daw ang hindi nagluluto. Ayaw niya din naman daw masayang ang pagkaing lulutuin ko kasi nung mga panahon na iyon kahit pagbubukas ng kalan at pagsaing sa rice cooker hindi ako marunong. Kaya siya na lang daw ang sasalo sa skedyul ko ng pagluluto. Kahit na sa ngayon ay nasa Pinas siya, nakaka-chat ko pa rin siya. Nasabi ko bang tibo siya, tomboy, o babaeng lalaki? Wala akong pintas sa mga taong bading o tomboy. Alam ko hindi nila kasalanan ang magkaroon ng ganung puso. Mas gusto ko ngang kaibigan ang babaeng lalaki kasi hindi sila nakikipagkumpetensya. Handa pang ipaglaban ka pag may nang-away sa iyo. Gusto ko ding kaibigan ang mga lalaking babae ang puso. Malalandi kasi kaya masayang kasama. Kahit na maraming problema gumagaan ang buhay. Wala din akong negatibong kumento sa mga magkakarelasyong parehong babae o parehong lalaki. Malalaki na sila alam nila ang ginagawa nila. At uulitin ko, hindi nila pwedeng turuan ang puso nila kung sino ang itinitibok nito. Hindi nila kasalanan ang magkaroon ng ganung puso.

Ka-chat ko siya kahapon. Mga ilang araw ko na ring napupuna. Mejo weird siya lately. Kung noon astig siya makipag-usap sa akin at mahilig mang-utos na tawagan si ganito, si ganyan. Wala namang kaso sa akin yun kasi sanay na kami sa kaastigan niya. At ni hindi mag-aaksaya ng load yun tawagan ako dito mula Pinas. Lately nag-iba ang ihip ng hangin. Parang nagpapaka-cute pati sa pakikipag-chat. Nawala ang pagka-astig. Nagpapadala pa ng mga sweet poems. At nag-aksayang magtext at mag-long distance call. Natuklasan ko din na numero niya pala ang ilang buwan na ding nagpapamiscol sa akin. Isa pa may ipapadala daw siyang video na ginawa niya para sa akin, All this time ng Part Invention daw ang music background ng video. Bagay na bagay daw sa mga manliligaw ko. Kay E niya daw ipapadala, ang ex-gf niya dito na hanggang ngayon daw ay habol ng habol pa rin sa kanya. Feeling macho ang loko.

Madalas tanong siya ng tanong kung sino na ang bf ko. Hindi ako nagkukuwento. Mas madalas hindi ako nagkukuwento tungkol sa lovelife. Pero dahil ilang araw na ring may nararamdaman na akong kakaibang ipinapahiwatig niya, sinabi ko at kinuwentuhan ko siya. Kilala niya kasi yung bf ko pero di niya pa alam na kami na. Nung oras na iyun niya lang nalaman. Kumontra siya at kung ano-ano pang mga nakaka-offend na salita ang sinabi niya sa akin. Di naman ako nagalit, masakit lang pero syempre madami akong pagtatanggol na sinabi. Im sure naguguluhan kayo pero hayaan nyo na lang magulo ang utak ninyo sa kakaisip kung bakit kailangan ko pang ipagtanggol si boylet. Pero uunahan ko na kayo, wala namang sabit si boylet at wala ding extra baggage. Hindi lang matanggap siguro kung bakit si boylet ang napili ko. Hindi niya daw gusto si boylet para sa akin.

Pero aken lang di rin kau in d end.
Yan ang isa pa sa mga salitang sinabi niya na nakasakit ng puso ko. Sensitive pa naman akong tao. Minsan dinadaan ko sa tawa pero iba talaga kirot kapag ang nasasabihan ng hindi maganda ay yung taong mahal mo.

Pano mo naman nasabi? Tanong ko sa kanya. Ang sagot niya… wala lang. Siguro kung may maganda siyang dahilan na masasabi matatanggap ko pa pero ang sagot na wala lang? Kapag ang relasyon nagtagal ng dalawang taon at nagbabalak na kayong magpakasal, hindi na ba sasabihin ng ibang tao na napakabilis naman ng pangyayari? Pinagsabihan niya ako ng pag-isipan ko daw mabuti.

Tumagal kasi wala ka sa comfort zone u, ur in a different world ryt now weak ang emotions especially malau ka sa pamilya mo. Yan naman ang narinig kong sagot ng sinabi ko kung gaano na kami katagal. Cyempre ibang lugar yan kelangan mo in a way siya to survive the demands ng UAE emotionally. Hindi ko siya maintindihan. Madami naman akong nakilala. Mga babae at lalaking naging kaibigan. Mga lalaking sumubok na ibigay sa akin ang demands na sinasabi niya to survive in UAE emotionally. Hindi pa ba enough yang mga taong yan para maging emotionally strong ako. Inaamin ko at alam niya yun na nung una hindi ko gusto si boylet, pero nung nakilala ko siya ng lubusan naniwala ako totoo palang pwede kang madebelop sa isang tao kahit na sa una hindi mo siya gusto. Hindi ko rin alam kung kelan mo masasabi na ang isang tao ay para lang makatulong na malampasan mo ang emotional weakness mo sa ibang lugar o siya ay mahal mo talaga. Mukhang kinalimutan niyang ipaliwanag sa akin kung papano mo malalalaman yun.

Mahal mo ba talaga yun? Paikot-ikot lang kami sa ganitong tanong. Swerte naman niya sau. Sagot ko malas nga si boylet sa akin kasi sa akin pa siya nainlab, sa isang babaeng maarte, laging nang-aaway at childish (pero sweet naman lolz). Kasi nasanay kana andyan sya kaya ganun. Pinagpipilitan niya pa rin sa akin sabihing hindi ko mahal si boylet kundi kailangan ko lang siya dahil naging kumportable akong lagi siya nasa paligid ko lang. Sinabi ko namang may isa akong taga-hanga na lagi ring nandyan lang sa tabi-tabi, naghihintay, nagmamahal pa rin at pinuntahan pa ang nanay ko nung nagbakasyon siya sa Pinas pero bakit di ko naisip na pwede ko siyang mahalin? Baka di pa dumadating yung 1 great love mo… Pagdadasal ko na makita u talaga kung anu gs2 mo. Nakakapikon pero hindi ko na lang pinapahalata.

Meron daw siyang babaeng gusto ngayon pero ayaw niyang sabihin sa akin. Strange kasi madalas kinukwento niya lahat sa akin. Yung tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niya na pinapadalhan niya ng kung anu-anong damit at pagpipilit niyang magkabalikan sila ulit nung nakipagkalas na yung babae. Kinuwento niya at pinakita rin ang litrato nila ng sumunod na naging girlfriend niya sa UAE. Pero ang ayaw niyang sabihin ay kung sino ang babaeng gusto niya ngayon. Saka niya na lang daw sasabihin kapag malapit na akong ikasal. Weird noh.

Buti pala di kita nilgawan nun kung di kawawa ako agad dahil kau na pala.
Gaga di tayo talo! Yan lang ang nasabi ko. Kinabukasan nakailang online at offline siya pero di niya na ako kinakausap.

7 thoughts on “Di tayo talo ‘pre!

  1. Sabagay tama din naman sis na daanin mo sa pabiro, ako wala din akong pintas sa katulad nila.Di naman nila kasalanan yun. Ang magising nalang na ganun sila 50/50, Bi, tibo oh kong anu man tawag doon. Ako nga napakarami ng kaibigan ko puro tibo,bakla lahat sila may karelasyon babae sa babae at lalaki sa lalaki di naman ako nailang sanay na din siguro. Minsan ko na din naitanong sa sarili ko kong tibo ba ko, pero hindi pala. hehehe!!!

    Rhapsody: ayoko din kasi mailang siya kaya dinaan ko sa ganyan na lang… pero mukhang affected siya di nagpaparamdan ng ilang araw samantalang dati lagi lagi may message.

  2. At least, sis, sinabi mo agad sa kanya ganun. pero syempre medyo hurt yun kaya di ka muna pinapansin. Pero sana mabalik ang friendship diba? Wala namang masama sa mga katulad nila. masaya naman silang kasama.

    Rhapsody: oo masaya tlga ksma yan kahit astigin, di ko naman siya inaway kaya tingin ko okay pa rin naman; siya lang ang nananahimik.

  3. parang yung song ng parokya.. dis guy s inlove with u pare….

    yaan u na, at least, ganyan ka kacharming ha!

    Rhapsody: feeling kasi nun ni friend ang gwapo gwapo nya hehehe…

  4. …hmmm, parang di ako makareact..i feel for them kasi..ang mga tibo,butch,dykes o lezbos…pero di naman ako nagfefeeling expert…hehehe
    nakakahurt nga iba nyang sinabi sayo, pero paano kung ang nagsabi sayo ng mga yan e lalake?pareho ba reaction mo o mahuhurt ka din ba?
    …eto ang tanong? gwapo ba sya?hehehe!!!

    Rhapsody: mukha siyang lalaki, ndi ako marunong tumingin kung ano ba ang gwapo sa tibo. Basta ndi siya pangit, maputi siya ganun. cguro mahe-hurt din ako kung lalaki din ang nagsabi sa akin. pero kung wala naman feelings sa akin ang lalaki im sure wala din siyang masasabi. meron din kasi akong guy friend dati, nanliligaw, after 3 dates sinabi kong offlimits na ako. kilala niya si boylet til now and wala naman siyang nega reaction.

  5. ok…im a butch…well mukhang pareho kami ng situation…pagkakaiba lang nung nalasing ako naamin ko sa girl na mahal ko sya…well me asawa na sya, nasa dubai…me gf din ako, 3 1/2 yrs na kami…after ko aminin sa kanya, sabi nya friends lang kami pero ano ngyari? aun, nawala ang friendship…sayang…sayang imbes na minsan nakakasma ko sya…nakakausap at nakakatxt lahat un nawala na….hindi naman ako naghahanap ng kahit na anong kapalit galing sa kanya pero bakit ganun? sigurado ako matagal na nyang alam na me gusto ako sa kanya…marami na rin syang pinagtanungan…nahahalata naman nya sa kilos ko…ang gulo ng mundo

    sa part mo…tingin ko mahal ka talaga nya…dinaan nya sa biro ang pagtatanong para malaman kung ano ang pwede mong isagot….segurista…takot sya ma reject at d nya kayang tanggapin ang sagot mo dahil mahal ka nya…goodluck sa rel nyo ni boylet…nasa tama ka na…wag ka ng lilihis pa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s