Posted in Uncategorized

Tunganga

Magsusulat o hindi?

Susulat. Walang magawa eh.

Buburahin. Walang kwenta ang sinusulat eh.

 

Ano ba talaga gagawin ko?

Pamatay oras lang.

 

Hindi magbalanse talaga.

Nung nakaraang mga buwan losyang na ko sa kabusyhan.

Ngayon titig-monitor ang trabaho.

 

Nakakainip. Wala ng trabaho sa opiz. Wala pang lovelife haha.

Bakit napasok na naman yang lovelife nayan! LoL!

Posted in Uncategorized

Va-khaz-i’-on

Napakabilis talaga ng araw. Akalain mo yun?!? Nakaisang taon na pala ako sa kumpanyang ito! At isang taon na uli ako sa Dubai, pagkatapos ng dalawang taong pagpapahinga ko sa Pinas. Bakasyon time na! Yey!

Noon. Sa apat na taon kong pagtatrabaho sa Dubai, hindi man lang ako nakapagbakasyon. Mahirap kasing magpaalam noon at napakatagal bago aprubahan. Pauulit ulitin kang pahanapin ng murang ticket. Lumipas na ang ilang buwan at ang buwan ng bakasyon mo — hindi ka pa rin nakakaalis. Dito sa bagong kumpanya, mabilis lang. Bigyan ko lang sila ng pagpipilian, ilang araw lang okay na — pababayaran na ang ticket para hindi na mapalagpas pa.

Kaya noon minabuti na lang namin na kunin ang pera. Pero ngayon, gugustuhin ko namang umuwi at magspend ng oras kasama ang pamilya. Kahit magastos, masaya naman kami! Yey!

Doon sa dating kumpanya tuwing ikalawang taon ang libreng ticket. Pero dito, taon taon libre ang ticket. Yey ulit!

Eksaktong isang lingo na lang… makakatapak na uli ako sa Pinas! Yey!!!

Posted in Uncategorized

Minalas o Susuwertihin?

Ang alam ko ang malas ko ngayong araw na ito.

Paalis na lang kasi ako ng bahay para pumasok sa office, hindi ko pa mahanap ang NOL card (train and bus) ko. Nagmamadali pa naman ako dahil dadaan pa ako ng bank para magdeposit ng cheque na kailangang mai-deposit before 9:00 AM. Ang alam ko nilabas ko ng bag iyon dahil magpapalit ako ng gagamiting bag. Pero nung paalis na ako nawala na ang card. Binaligtad ko na ang dalawang bag. Sinilip ko na ang ilalim ng sofa. Tinignan ang bed ko. Pero wala talaga!!! 😦

Paano ako papasok? Magta-taxi? Sayang naman dahil maraming ikot pa ang gagawin nun. Bibili ng bagong card? Pero abala lang iyon at mauubos lalo ang oras ko. Ang ginawa ko na lang. Naglakad ako. 15-20 minutes kayang lakarin papasok. Magtatagal lang ako dahil pupunta pa ‘ko ng bank. 8:35 na ata ako nakaalis ng bahay. At sakto 8:59 AM naideposito ko ang cheke!

Pero may konting abala habang papunta ako ng banko. Mabagal akong naglalakad dahil hinahanap ko ang deposit slip at cheke. Maya maya naramdam ko na lang may something na bumagsak sa braso ko. Eeewness! Nakakainis naman talaga! May ipot ng kalapati sa braso ko! (Sorry sa mga kumakain) Mabuti na lang may wet wipes akong dala, kung hindi paano na lang ano ang ipampupunas ko dun LoL! Pero ang dala kong wet wipes ay…. basta secret! Bawal sabihin.  Nakakahiya lol! Talaga namang it’s my day, today!

Continue reading “Minalas o Susuwertihin?”

Posted in Uncategorized

Wala lang magawa

Napakaraming pangyayari pero madalas hindi ako nakakahanap ng panahon para mag-blog. Hayst! Noon napakasipag kong mag-blog. Pero ngayon parang tinatamad na ako. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isip ko ngayon… eto nagtatype na inihahanda ang post na ito na wala namang kakwenta-kwenta hehe. Bakit nga ba ako biglang nakaisip magtype?

Unang-una, wala pang trabahong dapat gawin. Maaga pa, mga 10AM dun ako magsisimula. Malamang kasi ang mga taong dapat kong tawagan late naman papasok.

Continue reading “Wala lang magawa”

Posted in Uncategorized

Malapit na ang tag-lamig.

Salamat naman!

Sa umaga hindi ko na kakailanganin ang tabo. Hindi dahil wala na kaming tabo. May mga tao kasing pagkaalis ng bahay ay natangay pa pati ang tabo. LoL! Favortie color ko pa naman ang kulay ng tabo — Pink!  Heheh. Balik sa sinasabi ko… hindi na kailangan ng tabo sa pagligo dahil hindi na umuusok ang tubig ng shower! Yay!!! Mas mabilis akong matatapos ng pagligo nun kesa pag gumagamit pa ng tabo.

Maraming naganap ng mga nakaraag buwan at araw. Pero tinatamad na akong isa-isahin pa. Ang importante, malapit na ang tag-lamig. Hopefully, malamig na ang ulo ng lahat dito sa disyerto.

Posted in Blogging, Uncategorized

Magba-blog o Hindi?

Magba-blog pa nga ba o hindi na….? Ano pa nga ba’ng ginagawa ko ngayon? Nagba-blog na!

Naawa na ako sa blog ko. Sa tuwing nalulungkot na lang ba ako. O di kaya naman ay nabo-bored saka ko lang siya naalala?

In fairness, mahabang panahon kong iniwan ito… mahabang panahon akong nagging malungkot at namroblema pero tiniis ko talagang hindi isulat iyon. Hindi naman kasi nakakatuwang makabasa ng puro na lang problema, di bah? Kaya minabuti kong lumayo muna pansamantagal sa blogosphere.

Pero eto ilang araw ko ng pinag-iisipang mag blog ng muli. Bahala na kung may magbasa pa o wala na. Ang mahalaga may pagsusulatan pa rin ako. Nakakatuwang hindi ko ni-delete ang blog na ito kahit papano may babalikan ako. At nakakatuwa rin na buhay na buhay ang isa kong entry at patuloy pa rin ang comments at questions na natatanggap. Pasensya na lang at hindi ko na masagot. 🙂

Posted in Uncategorized

buh-bye

Nagsimula akong magblog out of boredom sa disyerto. Nakitingin, nakitawa, nakiiyak at nakibasa ng buhay ng iba. Sobrang nawili at kulang ang araw kung ndi makagawa ng entry. Kung anu-ano’ng makabuluhan at walang kabuluhan ang laman ng aking munting blog 😀 Hanggang sa naging madalang na ang paga-updated dahil sa isang problemang naging dahilan kung bakit nawalan ako pansamantala ng ganang magsulat. Kung pinagpilitan ko, malamang puro hinanakit at galit ang laman.

Napakarami kong natutunan last year. Though I was not able to blog about it here, let me just say that everything is fine now. I am very happy, satisfied and proud of myself rin 😀 All thanks and praise to GOD. 😀

Sa ngayon, I’ve decided na iwan na ng tuluyan ang blog na ito. Ngunit hindi ko magawang ma-delete dahil naging part na ito ng buhay ko, naks! Malamang gumawa na lang ako ng panibagong blog. 😀 Kitakits sa kabila 😀

Posted in Uncategorized

nonsense

Bakit nakalimutan ko bigla ang mga bagay na nasa isip ko kanina?

Okei.. sandali po iisipin ko lang… sandali muna… wait lang! lol! ampft! I swear ang dami talagang tanong sa isip ko kanina! Ganito ba talaga ‘pag confused, talaga naman lahat na lang nalilimutan ko! Tungkol sa “Pag-ibig” un eh..!

Kainis! Ganito yata talaga pag problemado sa buhay at pag-ibig naks! Me ganun? Noon ang saya saya tapos ngayon… parang ang labo labo na. Tama na munang emo toh! Next time na lang uli ‘pag maalala ko ung mga tanong sa isip ko 😀

Posted in Uncategorized

Disappointed

Pwede bang umiyak… 😦

Sad sad sad… disappointed about something. Kelan kaya ulit ako magiging happy and satisfied. Everything seems so slow and difficult. I wish God would give me more courage, patience, guidance and wisdom to understand all things.

Posted in Uncategorized

kamusta ang blog ko?

Gosh! Tagal kong nawala. Kamusta naman ang blog na ito? Mabuti naman at hindi tuluyang nadelete. Actually gusto ko na talagang maglahong parang bula. Ayoko kasi ng drama’ng pamamaalam. Pero alam ko naman kahit iwan ko ito ng isang taon babalik pa rin ako for sure. Hindi ko na nga lang kayang magkwento yata. Bigla ko na lang naisipang buksan ito. Kasi, I feeeeeel so bored today dahil — Continue reading “kamusta ang blog ko?”

Posted in Uncategorized

ano ba ‘yan!

Naiinis ako! Grrrrr! Bakit hindi na-save ang ginawa kong entry??? Nasa’n na! Hay nawalan na ako ng gana na ulitin pa un! Kaya wag na lang… next time na lang.

Hmmm… 1:36 AM na kaya ayoko na talaga. Tutulog na ako kasi ako na lang ang gising dito. Kung anuman ang iba-blog ko sana na bigla na lang naputol putol eh andito na un sa puso at isip ko. Wag na lang i-share kasi kailangan ko na matulog!

Posted in Uncategorized

Hay Naku!

Sawang sawa na ‘ko sa hitsura ng blog ko. Magdadalawang taon na itong blog na ito sa August pero same old same old pa rin hehehe. Ang theme ganun pa rin. Nasisilaw na yata ako sa kulay. Nauuta na rin ako sa mukha kong naka-shades at shawl. Wala naman kasing bagong theme ang WordPress. Tamad din akong maghanap kung ano kapalit ng mukha ko. Gusto ko na ring ilipat ang mga links sa isang page dahil super haba na ng listahan hindi na tlaga maayos tignan!

Haay buhay blogger (naks kinarir!).

Actually testing ko lang ang QuickPress kung ok lang. Mukhang ok naman ah.

Hay 1:46AM na buhay na buhay pa rin ang mata ko. Naghihilik na un isang ka-roommate ko pero ako eto gising pa rin. Bakit ba hindi pa ko antukin. Hindi ko na nga alam kung ano pa iba-browse ko.

Actually, kinakabahan pa ako. Next week kasi may interview ako sa isang company na gusto kong mapuntahan. Sana hindi ako pumalpak sa interview. Kung minsan kasi kung ano pa un gusto kong kumpanya dun pa ko sumasablay. Wag naman po sana bespren above. Pagbigyan mo ko sa isang toh heheheh. Kasi ayaw ko na talaga pa-renew sa company namin kesa naman po umuwi ako sa Pinas ng walang kasunod na work, feel ko mas ayos yata ung uuwi ako ng Pinas tapos may babalikan akong work sa ibang kumpanya. Ayos un! HeheheH.

O cge na nga, ayoko na lang umasa at isipin masyado ung interview. Basta kung ano’ng maging result – yun na yun!

Posted in dubai adventures, Uncategorized

box

Nakakatuwa! Hindi ko inakalang mapupuno ko kaagad ung medium box na inorder ko para makapagpa-cargo ako sa Pinas. Kelan nga ba yung unang nagpa-cargo ako? April yata un at May nga nakarating. Dahil sea cargo lang po iyon eh kaya isang buwan din bago makarating hehehe. Natatakot ako magpa-air cargo baka naman gaanong kabigat na ung ipapadala ko hindi ko naman mabayaran ang charge hehehe. Unang beses akong nagpa-cargo sa loob ng dalawang taon ko sa Dubai. Ano ba yan hehehe… Pero nasundan ko din naman agad. Samantalang yung iba after four or six months nagpapa-cargo na. Parang napaka-walang kwenta ko nga eh hehehe. Pero si mudra ko naman, sabi niya huwag na daw ako magpadala ng mga kung anu-ano, tama na daw yung nagpapadala ako ng pera sa kanila. Yung mga friendlyfriends ko naman dito sabi nila, nasasabi lang daw un ng parents. Pero once na matanggap daw nila un matutuwa sila. Kaya un nga after ng ikalawang taon sa Dubai nagtry akong magpadala. Small box lang. Halos karamihan ng laman pa lumang damit ko na di na magkasya sa akin. Pero meron ding mga pasalubong sa kanila. Pero majority talaga ng padala ko nun lumang damit hehehe.. Abah naman nung natanggap nila, tuwang tuwa nga. Di rin nila inexpect kasi di ako nag-abiso, nasurprise nalang sila na may package na dumating para sa kanila.

Ngayon sila mas magugulat kasi mejo lumaki ung box. At lahat ng laman nun ay para lang talaga sa kanila.  Ngayon ilo-load yun kaya sana matanggap after exactly one month. Masusurprise na naman un sila malamang. Ang nakakatuwa pa, namumroblema ako nung Wednesday kasi ndi ko pa rin napupuno ung box, tapos biglang bigla napuno ko agad nung Friday. Kaya ung ilang hindi na kinayang isama sa box ipapadala ko nalang sa kaibigan kong magbabakasyon this month sa Pinas. Buti na lang! Kung hindi matatambak lang un kasi baka matagalan na ulit akong makapagpa cargo heheheh.

Sino jan gusto magpa-cargo? Ung dalawang friend ko kasi na kasama ko din sa haus sa isang cargo company sila nagta-trabaho. Mababait un mga un tapos smooth na smooth pa ang dating ng bagahe ninyo sa inyong pamilya back home!

Nung Friday namasyal-masyal kami at napadpad sa Festival City. Syempre pa dumaan kami sa IKEA at hindi na naman naiwasang magpicture picture… Ayan ang ibang pix kasama ng mga friends ko at ni modhesh na ang favorite color ay yellow…

nagmukha akong ghost dahil sa ilaw na yan!

Posted in Uncategorized

creepy but sad

Di ba pahapyaw kong nakwento yung tungkol sa opismeyt ko na umuwi ng Pinas dahil namatay ang tatay niya. Na-feel talaga namin yung lungkot at panghihinayang niya na di siya nakauwi habang buhay pa ang tatay niya. Sobra yung iyak niya pagkatapos niyang ibaba ang fone para kumustahin sana ang pamilya niya.

Nung umaga ng araw na yun bago niya malamang patay na ang father niya. Ang daming blankong messages sa kanya galing sa number ng tatay niya. Tawa nga kami ng tawa kasi yung anak nya palaging pinakikialaman ang celfone ng tatay niya. Madalas walang nakalagay, blankong text lang sa tinetext nila sa Chikka Account ni opismeyt. Kung minsan naman ang laman lang ng message ay 12345678910. Aksayo sa load pero natatawa na lang kami. Ngayon nalaman niya naman na nung araw na iyon na namatay ang tatay niya. Lahat pati mga anak ni opismeyt ay nasa hospital dahil nga inatake na at namatay ang tatay niya. Halos mangiyak ngiyak ako dahil nangingilabot din ako na parang ayokong marinig nung nalaman namin na yung celfone ng tatay niya nasa bahay lang nila at naiwan. Kakakilabot talaga kasi ang dami niyang messages na nareceive sa chikka. Kaya nga siya napilitang bumili ng card at tumawag sa Pinas kasi kinabahan siya sa dami ng blank messages na nareceive niya. Ako naman tinawanan ko lang siya nun dahil ang nasa isip ko nga anak niya lang un.

Gumawa ng paraan ang tatay niya na ma-inform sa kanya yung nangyari. Sa kanilang tatlong magkakapatid na nandito sa Dubai, siya ang kauna-unahang nakaalam. Siya ang pilit na pinapauwi muna ng tatay niya dahil mahigit dalawang taon na siyang di nakakauwi sa Pinas dahil nga ayaw siyang payagan dito sa company kasi siya nga ang inaasahan sa halos lahat ng work. Kaya sobrang iyak at guilty siya dahil hindi niya man lang nakita na buhay pa ang tatay niya. Haayy kakaiyak talaga.

Posted in E-mails & Quotes, Uncategorized

Katrina

A friend forwarded a mail just this morning. Akala ko naman isa na namang spam at mga panloloko na kailangang i-forward mo lang para ma-spread. Iko-close ko na sana at ide-delete. Pero umiral ang pagka-usyusera ko kaya binasa ko muna ang mga email conversation sa baba. Hanggang sa naging interesado na rin akong buksan ang naka-attach. Nakita ko din ang link papunta sa website. This is my way of helping the kid, spread ko na lang dito sa blogosphere. Kung interesado kayong tumulong sa mga batang nangangailangan pakibasa na lang po sa baba o paki-open ang link:

http://www.katrina.heavenmind.com/

Pasensya na friends kung magiging magulo ang font face & size kasi nga po nika-copy & paste ko lang. Tamad na mag-edit baka bigla dumating big boss maha-hang na naman ang pagba-blog ko…

Dear Friends and Relatives,

As you all know that our daughter Katrina Rambongga badly needs a Cochlear Implant as soon as possible, the unit alone is very expensive and this does not include the doctor and the hospital fees. As parents we have to do what ever it takes for her to have this implant and for her to hear and speak…. as they say ” HEAR KATRINA AND KATRINA HEARS “….We have started a fund raising program for our daughter, we know that this will take time and lots of effort, specially for my wife who is now taking care all of these alone…..

What we have here are TEDDY BEARS which we are selling for….Php 150.00 for the small ones and Php 300.00 for the big ones. The funds that will be generated from this will be added to the cost for our daughters Cochlear Implant….

(Sorry I can’t paste the image of the teddies here, ayaw lumabas eh..LOLZ)

You may also forward this message to your friends so that they may “HEAR KATRINA “.

If interested you may contact:

my wife Karen Rambongga at cp 09295416625 or email her at karen_rambongga@yahoo.com

or me John Rambongga at cp 09285020316 or email me at john_rambongga@yahoo.com

Again thank for all your help and God Bless….

Ito naman po ang nabasa ko sa email. Galing sa mom ni Katrina:

Katrina is 2 years old turning 3 on Friday June 13. She also have congenital heart disease , pulmonic stenosis, kasi I had a german Measles nung 2 months akong pregnant sa kanya, kaya, yan ang effect sa kanya, blessing pa rin kasi hindi siya blind. usually blind din. for the first year , iyong heart niya ang concern, supposedly ioopen surgery siya when she reach 1 year old , pero by God’s miracle hindi na severe ang situation niya so no need for operation, when she reach  2 years old hindi ko na puwede i ignore ang situation niya for being deaf and mute, nagkaroon ako ng denial stage, na baka delayed speech lang siya but my greatest fear was confirmed Oct 2007 , nag lumabas result ng hearing test, then I thought kaya ng hearing aid but then again, another 2 hearing test occurs, Ctscan and MRI showed may defect sa ears niya. i had 5 to 6 doctors consolted 2 specialist, cochlear implant talaga advised nila, so go for the gold, to hook or by crooked

anything just to hear her say MAMA, and para Malaman niya man lang Katrina name niya, that’s it. kung makakapag open lang sana ako ng website http://havenmind.com everything is there , tapos may video pa siya sa YOU TUBE, connected dun, Yan ang story namin. sa Saturday nga lalabas kami sa kapwa ko, mahal ko  channel 7 6:00 am dito.

MAY GOD BLESS EVERYONE. MAY KATRINA HEAR THE WORLD.