Posted in dubai adventures, Rants

Sablay!


Sa mga taga-Dubai na mahilig makinig ng radio on ur way going to the office or pauwi. Ano pinakikinggan nyo’ng radio station? Ako kasi virgin radio. Oops… na-libre plugging pa ah… Like ko kasi kahit papano updated din ang music.

Every morning naririnig ko ang contest nilang ‘the phrase that pays’. 2,500 dirhams ang magiging premyo masabi mo lang ang linyang dapat mong sabihin. Game kami since wala namang mawawala, hala ni-register ko ang number ko. Every morning talagang wish namin ng colleague ni papuch ko na sana kami naman ang matawag ng manalo din ng 2500.

Kaninang umaga, pinoy ang tinawagan sumablay siya dahil ‘hello’ ang pinambungad na sagot niya. Sayang! Sobrang kaming nanghinayang. Wish wish na naman kami ni colleague ni papuch na sana kami din tawagan sa ganung oras na umaga para alam namin kung tinatawagan kami.

12:30 kasalukuyang may letter na pinagagawa ang amo ko. May tumatawag sa akin landline. Iniisip ko kung eto na ba un? o baka naman hindi. Baka kliyente at mapahiya naman ako. Bulong pa ako ng “sino kaya ito?“ hanggang sa sinagot ko ang fone at sinabi kong “hello!

Sumunod na pangyayari, laking panghihinayang ko dahil iyon na un chance eh pinakawalan ko pa. Na-realize ko din na di pala live ang pagtawag nila. Recorded pala kaya kahit sa umaga ako tawagan late ko rin pala maririnig. Sayang talaga! Ayoko na isipin na andun na ung chance nawala pa. Pera na naging bato pa! Hays! 2,500 na un bawi na sa pinambili ko ng lufftuff nung Friday! Iniisip ko pa naman kaninang umaga na sana ako matawagan para mabawi ko ung pinambili ko nun! Sayang! I’m so engot!

Ang mga ka-officemate ko naman upon learning my ka-engotan nagsi-register at practice ng practice ng required phrase para manalo ng 2,500. What a lucky yet unlucky person I am…

7 thoughts on “Sablay!

  1. …whaaaa!!! kaw din nagaantay nyan? hindi ako registered jan pero isang housemate ko talagang hindi sya ngahehello sumagot ng phone baka nga naman kasi virgin radio yun….kasehodang kliyente tumatawag sa kanya.
    sayang naman yun bakla..2500!!!
    …hmmm, makapagregister nga din!!!=)

    Rhapsody: sobrang sayang tlaga pero nakapag-move on na ko. pinapagpray ko na kahit man lang si papuch o youngBro ko naman ang matawagan at manalo ng 2500. narinig ko pa nga sa website nila ang katangahan ko, sana kasi ganun din motto gaya ng sa friend mo, lang paki kahit ndi virgin radio ang tumatawag! i sooooo hate myself!😦

  2. eh sister ano po ba ang linyang dapat sabihin???…hehehe

    Rhapsody: ten hits in a row! virgin radio!

    lolz! eh pano kung kliyente??? kakahiya dibah! pero kakalungkot din kaso hindi ako nanalo… huhuhuh

  3. BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!! BOMBO RADYO!!!!!! ANG POGI MO KA-TOTOY TALASTAS……… GANYAN DAPAT PRA 2500 AGAD………

    Rhapsody: alangya ka henry! lolz! di ko na naabutan yang totoy talastas na yan.

  4. kung nanjan ako.. walang kliye-kliyente! pera yan!! woohoo!! pwede ko namang sabihin sa client na practicing my english churva.. hihihi

    Rhapsody: haissssssssttt! oo na! pera nga un, sana un ang inisip ko ng mga panahong iyon. ngayon hirap na hirap tuloy ako sa pagdadasal na sana tawagan uli ako.😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s