Posted in Boredom, Rants

bad trip na naman


Wala na naman ako sa mood ngayong araw na ito. Kanina ko pa nga gustong umuwi pero ano naman ang idadahilan ko. Saka mahihirapan lang akong umuwi ang init pa naman. Ayokong maluto ng buhay sa tindi ng init sa labas.

Umagang-umaga inaway ko si papuch. Hindi naman sa inaway talaga sinabi ko lang kung bakit ako naasar sa kanya kahapon. at least okay na kami alam niya  na yung kinakasama ng loob ko kahapon.

Tinatamad na akong pumasok ng maaga tuwing umaga. Kasi may azar na design manager na masyadong demanding at matanong. Kaya nagpa-late ako kahit na alam kong mahigpit na ngayon pagdating sa mga lates and absences. Sumama muna ako kay papuch dun sa meeting niya. Hinintay ko lang siya sa sasakyan. Pagkatapos niyang imeet ang kliyente saka niya ako hinatid. Nakarating ako 20 minutes before 10am.

Naba-badtrip ako sa mga kasama ko. Di ko maintindihan kung bakit may pagka-selfish sila. Sarili lang nila ang iniisip nila. Two weeks ago pa ung pagka-selfish na natuklasan ko sa mga email email na no choice kaya naipasa nila sa akin. At dun ko nadiskubre na sarili lang nila ang concern nila. Ni hindi man lang nga ako pinagsabihan na dapat gumawa rin ako ng ganun kasi pare-pareho lang naman kami ng dapat na gawin. Pero wala naman akong naging reaksyon dun. In fact ayoko ngang magbigay ng ibang kahulugan tungkol dun. Yung mga kaibigan ko lang na pinagpasahan ko ng email ang pumuna kung bakit ganun. Sagot ko lang sa kanila: ewan ko . Ngayong araw na ito di ko rin alam kung bakit all of a sudden di nila ako kinikibo. Wala akong maisip na clue. Or dahil ba badtrip din sila sa amo namin? Pero bakit pati ako di pinapansin? O baka naman dahil late ako at hindi ako ang nagbukas ng opis? Ayoko na isipin yan gagawa na lang ako ng sarili kong mundo. Ayokong ma-paranoid. Basta lang sana wag naman akong dinadamay kung badtrip sila sa management. Mahirap ding ikwento pa kung ano ang kinakasama ko ng loob sa kanila ngayong araw na ito, pero huwag na lang. Kung un ang gusto nila magkanya-kanya ok fine magsama sila, mag-isa ako. Nagugulo lang utak ko kasi last week lang ok naman. At kilala ko silang dalawa kapag asar sila sa isang tao di nila papansinin o kung di maiiwasan na may mga konting tanong about work, cold ang treatment at cold nga ang treatment nila sa akin today. And I’m wondering kung ano ang ginawa ko… Ayoko na mag-isip ng masama para hindi naman ako masyadong makunsumi. Basta I’ll be here in the office pretending I am alone in this department… hehehe… Kung bakit ba naman kasi hindi na pumasok yung Kenyan eh sana siya ang kahit papa’no kausap ko paminsan-minsan.

Dahil sa mga ganitong ka-badtripan at worries ngayong araw na ito pakiramdam ko magkakasakit ako. Sana wag akong lagnatin, sana antok lang ito.

8 thoughts on “bad trip na naman

  1. pwede bang huwag ng magtrabaho? parang source of stress talaga ang trabaho. tara mag-strike tayo! lol!

    Rhapsody: kung pwede lang tlga noh! kaya lang di tayo pinanganak na may gold spoon sa bibig hehehe… cge samahan mo ako magstrike ha sasamahan din kita jan😀

  2. alam mo minsan ka badtrip din ang pumasok sa office, tapos ganyan pa ang makakasama mo.. hindi ka nag iisa rhapsody.. normal talaga sa trabaho ang maka experience ng ganyan ka badtripan.. naaalala mo ba yung crab mentality? gnun lng yun..

    kung ano man prob mo sa trabaho, ay sana masolusyonan na yan.. hay.. kaya nga nag babalak na talaga ako lumipat eh.. ingat ka.:)

    Rhapsody: nagbabalak ka na rin? ako makuha ko lang tlga ang mga dapat kong makuha… ipapasa ko agad ang loveletter na prinepare ko na nung january pa lang hehehehe…. sana in the future maging opismeyts tayo hehehe…😀

  3. alam mo minsan mas okay pa na magtrabaho ka na ikaw lang ang pinoy, kasi madalas pag maraming pinoy at mga babae hindi maiiwasan ang intrigahan chenelin…buti na lang ako at mag isa kung babae dito sa section namin, puro pinoy man kasamahan ko at least kapag inangasan ako mas aangasan ko na lang sila kahit pa chief engineer sila ahahaha… babae ako eh, previlege ko yung magtaray…

    hamo na sila kapatid, isipin mo na lang na mga panget sila…

    Rhapsody: alam mo nakakapraning nga eh.. ngayong araw na ito balik sa dati, ung kinukwentuhan ako, pinapansin ako. ung ganung tipo, kaya iniisip ko ano nga kaya nagawa ko kahapon bakit iba ang treatment sa akin? prang naiisip ko dahil yata sa ndi ko nga pagdating ng maaga dahil ibig sabihin sila ang magbubukas ng opis. o dahil sa pagkasar tlga sa madamceo namin pero nadamay ako kaya ako di rin nila pinapansin, pero bakit ako lang noh.

    mas gusto ko din na mga lalaki ang ksma sa work kasi iti-treat ka nila ng maayos unlike kapag girls talaga may intrigahan. ndi na lang ako nakikipagsocialize today, kasi kahapon na-build ko na ung imaginary wall para ilayo ko ung sarili ko sa knila. hehehe. tanong, sagot na lang mas maganda cguro.

  4. mahirap nga ang sitwasyon mo. di kasi maganda pag may namumuong cold war sa workplace eh. pero hayaan mo na. baka tinopak lang ang mga yun at ginugudtaym ka lang. hehe.

    Rhapsody: okei na ngayon… cguro may topak sila nung araw na un kaya pati ako dinamay….

  5. mabuti naman at okay ka na. pero sa sunod, why not talk to them? kasi minsan akala natin tayo ang may sala, yun pala naman wala. mahirap nang ikot ng ikot ang utak mo sa mga ganyang bagay na pwede naman pagusapan, kung pwede nga🙂

    Rhapsody: baka maging issue pa po kasi kaya deadma na lang hehehe…

  6. hi rhap !! ooohhh. life is always GOOD! dont be carry out of your emotions. it will not help at all. tahts aprt of your daily routine in life, some times, we are all out in the good spirit, then sometimes comes the negative thoughts…

    take a breath, and enjoy life! everybodys, has own woooorrries and burdens.
    we are lucky we are still alive…. ahhhhaaa–hahhhh..LOL.

    all the best,
    meds

    Rhapsody: yup yup masyado akong ndadadala ng emosyon ko.. anyway ok ok na naman po ang mga nangyayari,…😀

    thanks sa pagsilip ulit😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s