Posted in Boredom, dubai adventures, Random Thoughts, Work & Work Hard

Parang nasa microwave lang…

August 5. Uwian. Alas kwatro ng hapon.

Aba naman! Sobrang init! Si ateng nakasabay ko sa paghihintay ng bus hindi matiis na kausapin ako para lang sabihing napakainit. Paano ba naman, damang dama mo talaga sa balat, lalo na sa mukha – ang hapdi ng init sa Dubai! Kababasa ko nga lang ang news na kahapon pala ay 47-48 degrees ang temperature.

August 6. Umaga.

Mabuti na lang today, kahit mainit pa rin hindi naman ganung katindi. Sa palagay ko nasa 41 degrees lang ngayon. Continue reading “Parang nasa microwave lang…”

Advertisements
Posted in Boredom, Life, Random Thoughts

daily routine

Ikaw na naman ang kaharap ko. Lagi na lang ganito. Nauubos ang oras ko sa maghapon na ‘pyuter ang kaharap at internet na lang ang laging pinagkakaabalahan. Pero nababagot na ako kasi wala na akong ibang magawa bukod pa sa mga nasabi ko.

–         Mag-oonline sa plurk ng ilang minuto, magla-logout.

–         Check ng FS, tingin ng updates, logout.

–         Tingin ng ibang accounts ko sa kung saan saang social networking sites, konting reply sa mga pwends, logout.

–         Check ng lahat ng emails ko… ang dami kong email id eh lol. Tapos logout uli.

–         Lagi namang may error ang YM bakit ganun? La-logout na nga lang, error pa ang aabutin.

–         Check ng wordpress, magbura ng busit na spam.  Iisipin kung paano ba maaayos ang engoticon na masyadong mataas kesa sa text. Sagwa tignan! Tapos logout.

Makikita ko na lang 5:46 PM na? WTF – Gabi na naman Continue reading “daily routine”

Posted in Boredom, Random Thoughts

Insomniac

Hay buhay! Bakit naman ganito?

Nung isang beses lang nagrereklamo ako kung bakit ang aga aga kong magising. Ngayon naman magrereklamo na naman ako. Bakit na naman? Eh kasi naman pa-late ng pa-late na ang gising ko. Nung isang araw 10:00AM, pwede pa… Sumunod na araw, 10:30AM pwede pa rin.

Yung mga sumunod pang araw, 12:30NN. Pagkatapos kanina 1:15PM. Grabeh. Ibang klase kahit iwang bukas o patay ang ilaw sa room walang epekto, hindi ako nagigising. Eh bakit ako tanghali nagigising? Kasi naman hindi ako makatulog. Kung minsan paikot-ikot lang ako sa higaan. Kung minsan naman papasyal pasyal ako sa room at cr. Hanggang sa tignan ko ang oras 4:30AM na pala. Minsan naririnig ko na ang pag-uumpisa ng Salah, ang ibig sabihin lang nun ay alas-singko na ng umaga at gising pa rin ako… waaaaaaaaaaaaaah! Continue reading “Insomniac”

Posted in Boredom, dubai adventures, Work & Work Hard

walang title pero meron

Beauty rest na naman ako ngayon. Paano kasi wala na namang pasok. Ang dahilan daw ay ‘sifting’ o baka ang ibig nyang sabihin ‘shifting’. Saan kaya? Totoo na kaya ito? Actually, noon pa ‘yang kaplanuhang ‘yan na hindi naman natutuloy. Whoaw! Would you believe noong 2007 pa pala ako nagblog about paglilipat ng office?

Last month sinabihan kaming ‘wag na muna magsesend ng office location map kahit kanino dahil lilipat na daw kami ng location. Hindi na sa Sharjah na original na plano. This time sa Al Qouz na! Waaaah! Ayoko rin dun bukod sa madadagdagan ang oras ng pagbibyahe papunta dun, palagi pang traffic papunta at pauwi. Isa pang kinakatakot ko halos karamihan dun ay warehouse, madalas may sunog. Imagine nasunugan na nga kami ng warehouse noon sa Al Qouz. Kaya sana joke lang ang sinasabing maglilipat daw ngayon kaya walang pasok.

Actually last week kasi 2 days din kaming walang pasok. Ewan ko ba sa trip ng mga boss namin pagkatapos sabihan ba namang nasasayang daw ang pasweldo nila sa aming lahat dahil dalawang araw na nga kaming walang pasok tapos maaga pa daw kami umuuwi. Since pumasok ang taon na ito, inabisuhan niya kaming hanggang 4:30PM lang ang pasok namin kaya un ang sinusunod namin. Hindi naman namin kasalanan kung umuwi man kami ng maaga or dalawang araw kaming ndi pumasok. Masunurin lang naman kami kaya sinusunod namin kung ano ang gusto niya. Pero syempre masaya kaming umuuwi ng maaga hahahah.

Ang point lang pala nya dun ay para sabihing dapat magstay na kami until 6PM. Ang isang kaopisina ko ang kausap nya tungkol dun dahil mejo nagkaasaran yata si opismeyt at babaita. Naguusap sila pero sarcastic daw ang mga tono ng paguusap nila. Hanggang sa sinabing sayang naman daw ang binabayad nila para sa amin kung ganun kami kaaga umuwi. So sabi niya ok stay kami til 6PM.

Kung makikita nyo lang ang office namin sa ngayon. Kung noon ay maganda at comfortable. Ngayon puro alikabok, walang carpet, kalat kalat na mga gamit, ndi tapos ang pagcocover ng ceiling, walang mga ilaw, gumagana ang AC pero ndi ramdam ang lamig. Irerenovate daw kais dahil gusto ni babaita ay puro glass lahat ang door at walls. Pero simula december sinira na nila ang opiz until now wala pa rin nagagawa kaya parang ang bigat sa pakiramdam tuwing papasok ng opiz bukod sa mainit na pangit at madumi pa. Don’t know kung ano’ng naisipan niya, tapos ngayon lilipat daw.

Since matagal tagal na rin kaming mejo nagkakasundo ni babaita, ako ang pumapel dahil gusto ng magsiuwi ng mga kasama ko. Tinawagan ko siya para iremind siya kunwari sa request ko. Mabait naman siya makipagusap hindi gaya nung umaga cguro nakapagpalamig na. Kaya dinugtungan ko na ng… “Babaita, pwede na ba kaming umuwi?” Syempre inglis un tanong at di pwede gamitin ang term na gurrrrl, CEO siya davah! Ask naman siya kung madilim na ba sa office, syempre sagot ako ng oo. In fairness, madilim na talaga lalo pa’t pinagbababa na namin mga blinds eh di lalong dumilim hahahaha… So aun sabi niya kung madilim na daw ok daw umuwi na kami. Pero kami lang tatlong babae ang pinayagan niya, ang mga lalaki hanggang 6PM pa dahil mga babae lang naman daw ang takot sa dilim. Pa-cute na naman ang madam, pero okies friends kami kasi ndi niya ko kinontra dun hahaha. Wawa naman mga boys, ayaw nga kong paniwalaan eh pero dare ko silang tawagan nila si babaita ayaw naman nila. Mga duwag talaga mga un.

Ok, nonsense na naman wento ko. Bored kasi ko sa bahay ako na naman kasi mag-isa kaya feeling ko kinukwentuhan ko lang friendship ko now kahit wala ako kakwentuhan. Asar naman kasi mga friends ko puro offline at busy huhuhu.

Posted in Boredom, Funny & Witty, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Random Thoughts

seryosong usapan

Ikaw ngayon ang bida pugak! Dapat mo rin akong pasalamatan dahil itinago ko pa rin ang tunay mong identity. Masaklap nga namang makita pa nila sa friendster ang mga litrato ng isang taong ipinanganak sa isang napakabangong lugar (o bagay o basta ano nga ba un? Lolz)


2nd: woist.. gising
2nd: hahaha
2nd: tara mag negosyo na lng
2nd: haha
2nd: gusto ko na nga lang magnegosyo sa pinas eh
2nd: taz work
2nd: diba
2nd: gusto ko magkaron ng comp shop
ako: oo pero wla naman pampuhunan
ako: un ang masaklap dun
2nd: un nga lang
2nd: gusto ko nga sabhin sa mama
2nd: mag retire na sya sa work eh
2nd: pra un makukuha nya
2nd: pang puhunan
2nd: hehhe
2nd: kaso wawa din naman mama ko
2nd: wla nang libangan
ako: oo nga kaw tlaga hayaan mo na sya noh
2nd: hahaa
ako: at ska pera niya un hayaan mo siya magdecide kung ano gagawin niya dun if bibigay sa yo o sa utol mo at kung para sa utol mo un tanggapin mo ang masaklap na katotohanang ndi ka mahal ng nanay mo dahil ampon ka lang bwahahahaha
2nd: :((
2nd: =))
2nd: <— H**** C****** II
2nd: H**** C****** II <— the 2nd
2nd: H**** C****** II <— JR
2nd: HAHAHAHAH
ako: explain explain ka pa
2nd: whaaa
2nd: hahahaha
2nd: empre
2nd: hehehe
ako: guilty ka noh takot ka hahaha
2nd: hahaha
2nd: nde 22o na pinulot lang ako sa tae ng kalabaw
2nd: :((
ako: totoo un.. langaw nga ang pumulot sa iyo eh kaso ang bigat mo kaya nabagsak ka nasalo ka lang ng tumatayong nanay mo ngayon
ako: lolz
2nd: nyaaa….
2nd: gnun ba un kaya marami pa rin langaw na sumusunod sken ngayon
2nd: :-S
2nd: hahaha
ako: ayun at least nasagot na ang misteryong bumabalot sa pagkatao mo
ako: ang mga langaw pilit ka pa ring gustong hatakin sa mundo nila
2nd: o nga noh
ako: pero dahil mas malaki ka na mas lalong di na kaya ng powers nila
2nd: kaya pala may kaligayahan sa aking puso pag nakakakita ng FUFU
2nd: =))
ako: hindi kaya ikaw din ang nangangamoy noon sa school ninyo nung elementary ka
ako: kasi mas malakas pa ang kapit ng amoy noong kabataan mo pa? pero habang tumatagal unti unti daw nababawasan ang tindi ng amoy ng pinanggalingan mo
2nd: ahhh…
2nd: ganun pala un
ako: yes my plend
2nd: kaya pala dati kala ko palagi ako nakakatapak ng fufu
2nd: hahahaha
ako: oo at ndi mo alam ikaw pala ung nangangamoy
2nd: ako pala un 😕
ako: mabuti ndi ka natapakan ng mga tao noon
ako: heheheh
2nd: =))
2nd: haha
2nd: kse naman naisip ko pa magnegosyo
2nd: ayan 2loy nalaman ko ang masaklap at mabahong katotohanan

Posted in Boredom, Health & Beauty, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Random Thoughts, Work & Work Hard

The week that was…

I had my hair cut the other week. Sumasakit na kasi ulo eh. Tapos parang hate ko na ang sobrang haba na buhok. Feeling ko para na akong bruha at super init pa. Isang taon ring walang gupit un kaya humaba. Mejo mabagal pa nga ang paghaba ng buhok ko. Sa isang taong walang gupit kahit man lang konting trim eh hindi man lang umabot hanggang tuhod buhok ko, o kahit sa pwet. Hays. Noon pa naman gusto ko talaga ng super habang hair. Mahirap lang i-maintain kapag super haba ng hair lalo na’t nagiging pasaway na kung minsan ang buhok. Pero parang lately kasi biglang naisipan kong paigsiin buhok ko. Gusto ko sana ung maikling hindi lalagpas ng balikat. Pero wag na takot ako kasi baka mag-fly away.

Lagpas balikat pa rin naman ang buhok ko. Pero kapansin-pansin pa rin na umigsi. Dalawang boss ko ang nakapuna. Ang among lalaki na nagsisimula ng magkwento ng pangyayari para sa ipagagawa niyang sulat para sa akin, biglang natigilan at napatingin sa akin. Maya maya nagtanong kung binago ko daw ba ang buhok ko. Tumango ako at nag-smile. Maganda daw at nagmukha akong prospesyonal. Toinkzzzzz! Kung pwede lang mambatok ng boss ginawa ko na talaga. Walang wenta kasi eh namuri pero pang-asar. Sana ang sinabi niya, lalong na-enhance ang byuti ko at mas naging super duper professional looking lalo ako, kamukha ng isang Manager ng isang kumpanya.

V’s birthday celebration Thursday night. She’s my bestie’s cousin and a good friend of mine. Naging close lang yata kami dito sa Dubai – kahit tatlong beses pa lang kami nagkikita dito. One – when we took her out on a road trip at magpapicture picture siya. Second – when we scheduled spending time out together, eat out at magchikahan. Third – that night, nung birthday niya. Sabi ko ayokong uminom pero pinainom nila ako, bakit sila ganun? Mabuti na lang patikim tikim lang ako ng pulang kabayo, Nung tinatamaan na ako ng sipa tanggi na talaga ako ng tanggi. Hanggang sa humupa na ang namumula kong mukha at buong katawan.

Palpak na naman ang proyekto nila! Di na ako magkkwento ng mahaba tungkol dito. Isa kasi itong kasiraan para sa kanila na taon taon nilang sinasadya. Wonder why di sila marunong mahiya? Anyways…

Posted in Boredom, Rants

bad trip na naman

Wala na naman ako sa mood ngayong araw na ito. Kanina ko pa nga gustong umuwi pero ano naman ang idadahilan ko. Saka mahihirapan lang akong umuwi ang init pa naman. Ayokong maluto ng buhay sa tindi ng init sa labas.

Umagang-umaga inaway ko si papuch. Hindi naman sa inaway talaga sinabi ko lang kung bakit ako naasar sa kanya kahapon. at least okay na kami alam niya  na yung kinakasama ng loob ko kahapon.

Tinatamad na akong pumasok ng maaga tuwing umaga. Kasi may azar na design manager na masyadong demanding at matanong. Kaya nagpa-late ako kahit na alam kong mahigpit na ngayon pagdating sa mga lates and absences. Sumama muna ako kay papuch dun sa meeting niya. Hinintay ko lang siya sa sasakyan. Pagkatapos niyang imeet ang kliyente saka niya ako hinatid. Nakarating ako 20 minutes before 10am.

Naba-badtrip ako sa mga kasama ko. Di ko maintindihan kung bakit may pagka-selfish sila. Sarili lang nila ang iniisip nila. Two weeks ago pa ung pagka-selfish na natuklasan ko sa mga email email na no choice kaya naipasa nila sa akin. At dun ko nadiskubre na sarili lang nila ang concern nila. Ni hindi man lang nga ako pinagsabihan na dapat gumawa rin ako ng ganun kasi pare-pareho lang naman kami ng dapat na gawin. Pero wala naman akong naging reaksyon dun. In fact ayoko ngang magbigay ng ibang kahulugan tungkol dun. Yung mga kaibigan ko lang na pinagpasahan ko ng email ang pumuna kung bakit ganun. Sagot ko lang sa kanila: ewan ko . Ngayong araw na ito di ko rin alam kung bakit all of a sudden di nila ako kinikibo. Wala akong maisip na clue. Or dahil ba badtrip din sila sa amo namin? Pero bakit pati ako di pinapansin? O baka naman dahil late ako at hindi ako ang nagbukas ng opis? Ayoko na isipin yan gagawa na lang ako ng sarili kong mundo. Ayokong ma-paranoid. Basta lang sana wag naman akong dinadamay kung badtrip sila sa management. Mahirap ding ikwento pa kung ano ang kinakasama ko ng loob sa kanila ngayong araw na ito, pero huwag na lang. Kung un ang gusto nila magkanya-kanya ok fine magsama sila, mag-isa ako. Nagugulo lang utak ko kasi last week lang ok naman. At kilala ko silang dalawa kapag asar sila sa isang tao di nila papansinin o kung di maiiwasan na may mga konting tanong about work, cold ang treatment at cold nga ang treatment nila sa akin today. And I’m wondering kung ano ang ginawa ko… Ayoko na mag-isip ng masama para hindi naman ako masyadong makunsumi. Basta I’ll be here in the office pretending I am alone in this department… hehehe… Kung bakit ba naman kasi hindi na pumasok yung Kenyan eh sana siya ang kahit papa’no kausap ko paminsan-minsan.

Dahil sa mga ganitong ka-badtripan at worries ngayong araw na ito pakiramdam ko magkakasakit ako. Sana wag akong lagnatin, sana antok lang ito.

Posted in Boredom, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Love & Relationship

hay tag-init na nga!

Unti-unti ko ng nararamdaman ang init ng summer. Gosh! Wala ng hangin. Kung mahanginan man ako feeling ko init pa rin ang binubuga ng hangin. Sigurado ako ilang linggo o buwan na lang para na namang iniinit lang ako sa microwave o nakasalang na ako sa lutuan at niluluto na ako ng buhay. Malamang ilang beses na namang sasakit ang ulo ko at pagpapawisan ako ng sobra. Mas masrap yung mag-stay lang sa loob ng bahay o sa office. Kahapon lang sobra sa sakit ang ulo ko. Nabigla yata ako sa init paglabas ko ng bahay nung umaga. Kaya hanggang pag-uwi ko ng bahay sobrang sakit ng ulo ko. Mabuti na lang may mga kasama akong naghanda ng hapunan, mabuti na lang din at may papuch na taga-masahe at taga-lagay ng tiger balm sa ulo, batok, at balikat ko. Pagdating ko kasi sa bahay kumain lang ako ng cake at grapes pagkatapos ay nahiga na. Di na ako makabangon sa sobrang bigat ng ulo ko. Ginising lang nila ako nung oras na ng hapunan. Pagkatapos kong kumain diretso higa na naman ako, umuwi na rin si papuch sa bahay niya nung natapos niyang panoorin ang movie na pinapanood niya.

Ako naman diretsong natulog na. Nagising ako ng umaga na sarap na ng feeling kasi sobrang kumpleto talaga ang tulog ko at nakapahinga ng maayos. Nung lumabas na ako kaninang umaga para pumunta sa bus stop kung saan ako dinadaan ng frienship ko, nagulat ako kasi andun na si friendship ang aga niya ha. Tapos pagbukas ko ng kotse niya may pasalubong ako galing Pinas yey! Mga tarts at pili at meron ding cute na bag at slippers na parehong gawa sa abaca. Yey! Bigay daw ng mudra niya. Ang sweet naman ng mudra niya ni hindi nga ako kilala nun eh nababanggit lang nya ako. Paano naman kung makita ni papuch ung bag at slippers ko? Malamang magtatanong kung saan galing yun. At di naman ako sanay magsinungaling lalo na sa mga loved ones ko hehehe… Sana naman di siya magjelly jelly noh. Parang naririnig ko na kasi ang magiging reaksyon niya eh. Kapag sinabi kong galing sa mudra ni ano… ang sagot nun… Bakit? Para saan? Parang minsan kahit alam niyang friendship ever lang talaga kami ni friendship parang nagjelly jelly pa rin siya. Nag-aalala nga ako kasi itong si friendship magbabakasyon na ulit 2nd week of May ibig sabihin magko-commute na naman ako. Tag-init pa naman. Si papuch kasi di pa naaasikaso yung kotse sa kumpanya nila. Okey lang naman na magcommute ako kaya lang kapag ganitong sobra na ang init na may kasama pang humid parang di ko kaya.

Posted in Boredom, dubai adventures, Life, Work & Work Hard

set me free

Nasa utak ko palagi yan simula ng nawalan na ako ng gana magtrabaho sa kumpanyang ito.

Mga ilang araw pa lang ako nakapagdesisyon na hindi ko na muna iisipin ang problema. Normal naman kasi yan. We all have problems to bear. Ayoko na mag-isip ng problema para hindi ko ma-feel na naiinip na ako sa bagal ng oras. Kahit na parang mas mabilis talaga ang takbo ng oras sa disyerto. Ang saya saya ko talaga ng mga ilang araw. Hindi ako nabo-bored sa company. Kasi ilang araw na lang May na. Ilang araw na lang sweldo na. Ilang araw na lang may possibility na makuha ko na ang hinihintay ko. Tapos magagawa ko na ang gusto ko. Hmmn sana nga mangyari na yung hinihintay kong mangyari. Ang tagal kong hinintay toh. Inabot ako ng 2 years sa company sa kakahintay ng tamang panahon. Ganyan kahaba ang pasensya ko. Lagi kong tinatatak sa isip ko ang mga salitang: ‘Patience is a virtue.Yang ilang araw na paghihintay na lang kasi ang nagmomotivate sa akin na ngitian na lang ang lahat. Nakakatuwa rin kasi magaling na ang ilong ko. As in wala ng dugo.

Continue reading “set me free”

Posted in Boredom, Rants

at wit’s end

Nakakainis ang mga taong mahirap umintindi. Walang common sense.

Gusto pa yatang isasahin ang mga letra o bagalan ang pagsasalita para maunawaaan.

Gusto pa yatang gamitan ng tagalog-english dictionary para isa-isang malaman ang ibig sabihin ng bawat salita.

Gusto pa yatang lagyan ng numero from one to ten para lang maging malinaw ang lahat.

Gusto pa yatang i-highlight ang mga salitang mahahalaga para malinaw na walang ibig sabihin ang ilang salita at ng malaman na kung ano talaga ang punto ng usapan.

Kung minsan nakakainis ka na talaga!

Pasalamat ka kahit alam mong usok na ilong ko sa galit napagttyagaan kitang unawain!

Pasalamat ka kahit alam mong sasabog na ang utak ko sa kakaunawa sa iyo nakukuha ko pa ring isa-isahing ipaliwanag sa iyo ang mga pangyayari!

Pasalamat ka kahit na kung minsan hirap na akong paikut-ikutin ang mga paliwanag ko maintidihan mo lang napapairal ko pa rin ang pasensya!

Pasalamat ka kahit ubos na ang pasensiya ko at kung minsan gusto na kitang itaboy ay hindi ko pa rin magawa dahil importante ka sa akin!

Posted in Boredom, Foods, Health & Beauty

masubukan kaya

Nakakainip talaga ngayong araw kaya nga heto na naman po at magbablog na naman. Tinatamad naman akong mag-call-a-friend, tamad ding magchat ngayon. Dami kong naiisip wala naman akong mai-blog na makabuluhan. Ganun talaga ako sa sobrang daming pumapasok sa isip, kapag maguumpisang magtype, kamote na.

Isa lang ang masasabi ko ngayong oras na nagta-type ako nitong mga letrang ito. Ang sakit ng tyan ko. Hindi ko alam kung najejebs ba ako o dahil punung-puno na ng tubig yung tyan ko. Tama nga si Azrael, castor oil nga daw ang maigi. Yun din kasi ang sinabi ni MJ, ung finance manager namin. Kinumusta niya kasi ako sa pantry kanina, binibigyan pa nga ako ng parang arabic bread na kulay brown. Pero syempre iniwan ko lang dun sa pantry at kinain ko ang lunch kong croissant smoked turkey with emmental cheese. YuM!

Pero nung nakita niya, pinagpayuhan ako na tigil-tigilan ko na daw ang pagkain ng mga ganung pagkain. Mas makakabuti daw kung kakain ako ng mga veggies and brown bread. At sa huwebes uminom ng konting castor oil para daw mailabas lahat lahat. Hmmmn, parang gusto ko tuloy subukan kasi pinapahirapan pa rin ako ng sakit eh. As in ouch talaga! Kaya nga konti lang ang kinakain ko for 3-days at di ako nagra-rice ay para hindi din ako makaramdam ng pagdumi (pasintabi lang sa mga kumakain) pero habang ayaw mong dumumi dun naman parang tukso na madalas maramdaman ang tawag ng kubetsy. Pahirap, nasusuka na ako sa itsura ng cr!

eat good food?!

Kailangan ko na ba talagang iwasan ang pagkain ng masasarap at magtyaga sa mga gulay at prutas. Naku paano na yan kawawa naman ako. Kailangan din ang exercise pero wala talaga akong oras sa ganyan. Susubukan ko na lang.

Posted in Boredom

60 wpm

how fast r u?

Nakita ko lang po ito sa isang blog habang nagba-bloghop ako. Nakalimutan ko lang yung blogsite nya na dahil sa dami ng binuksan kong blog sa entrecard. Nainggit ako kaya nakai-gaya na lang, gusto ko lang masiguro kung ga’no kabilis ba ako mag-type.

Kung minsan diba kapag nag-aapply ka ng encoder or secretary tinatanong nila ang typing speed mo. At least ngayon alam ko na. Pero ang bilis ng pagtipa kasi nag-iba iba din naman depende sa mood ng tao. Kapag masaya at feeling masipag ka, parang ang bilis bilis mong magtype. Kapag naman kinakabahan ka, tensyonado or galit, kahit pa ang bilis mong magtype mali-mali naman ang maita-type mo. Kapag naman tinatamad ka at feeling pagod na pagod o inaantok, napakabagal mo namang tumipa ng keys.

Di tulad sa panahon noon, sa ngayon ang mga kabataan kahit na mismong mga batang hindi pa nag-uumpisang mag-aral ay marurunong ng gumamit ng computer. Nag-aral ako sa isang public school simula elementary hanggang hayskul. Nung hayskul kami ang mga may pribilehiyo lang na gumamit ng computer sa school ay ang mga 3rd at 4th year students na kabilang sa section 1 at 2. Hindi ko alam kung paano ba ang ginagawang sistema sa school namin noon dahil biglang napunta kaming mga babaeng nagmula sa mejo mataas na section sa pinakamababang section nung nag-3rd year kami. Muntik na kaming magsipag-transfer sa mataas-taas na section dahil nakakahiya na pangalawa kami sa pinakamababang section. Pinagpayuhan lang kami ng prof namin na hindi daw sa section nakikita ‘yun kundi sa grades at sa mga natutunan namin. Kaya nag-stay kami, nung 4th year na kami ang laki ng hinakbang pataas at napunta kami sa pinakagitnang section. Halimbawa, kung 30 ang section nasa 15 na kami. Mababa pa rin pero parang pare-pareho lang din siguro kami ng naisip na wala sa section iyon kundi nasa utak at matututunan namin.

In short, hindi kami nagkaroon ng pribililehiyong makagamit ng computer sa school. Daig tayo ng mga mga kabataan ngayon na elementary pa lang kabibilis na magsitype at alam na ang pasikot-sikot hindi lang sa paggamit ng computer kundi pati na rin sa pag-aassemble at pag-troubleshoot mapa-software o hardware ang problema.

Nagsimula lang akong makahawak ng computer nung nag-college na ako. Working student ako sa school at na-assign ako sa High School Guidance Office. Ako ang tatayong assistant ng Guidance Counselor at isa sa mga dapat kong matutunan ay ang pagta-type sa computer. Nakakahiya nung una pero dahil mababait naman ang mga kasama kong working students din sa guidance counselor, tinuruan nila ako at hinayaang magtype ng kung anu-ano. Tuldok system pa yun at hirap na hirap akong hanapin ang comma, apostrophe, at kung anu-ano pa. Imagine nyo Wordstar pa ang gamit ko nun para sa mga forms na pinapa-type sa akin kahit na may Word na, di ba mas mahirap dahil hindi mo ma-visualize kung ano ba ang hitsura ng tina-type ko. Pero nakaraos din naman at nakakatuwa dahil maraming nagsasabi na ang bilis ko naman daw magtype. Pero depende din sa gamay mong keyboard un kung minsan. Kapag matigas ang keys, parang gusto kong ibato yung keyboard heheh kasi bukod sa mali-mali na ang lumalabas eh tumatagal pa ang ginagawa.

That’s it for today… kung gusto niyo malaman kung gaano kabilis ang mga kamay ninyo subukan lang po ang link na iyan: Speedtest

Posted in Boredom, News & Issues

Dalawin niyo naman ako dito

Hi friends! Bisita kaya kayo dito at magsign-up? Tamang tama ito sa mga dollar-spokening ang entry haha. Hindi naman kailangang ingles talaga ang blog basta ang ipapasok mong entry sa kanila ay ingles, pasok na yun! At bagay din ito sa mga gusto ng super traffic sa kanya-kanyang blogs. All you need to do is magpunta at magsign-up daw dito.

 

http://mylene001.qassia.com/

 

 

Pag na-click na ang link na iyan, sign-up ka lang at i-add ang iyong website/s. Mag-add ng tinatawag na Intel na pwedeng manggaling sa sariling blogsite mo. Asahan mo ang dagsang backlinks/traffic sa bahay mo. Dibah ang saya! Kung gusto mong malaman kung ano yang Intel na yan andun dun ipapaliwanag sa iyo, punta ka nalang jan.

Ni-try ko nga eh at nag-add ng isang entry na nagmula sa post ko. Tignan ko lang kung ano bang mapapala ko sa pagsa-sign-up dito. Ganito kasi ako kapag walang magawa sa opis, kung saan saan nagsasign-up. Andami ko na nga dating sinalihang network community na halos lahat ngayon ay naka-block na dito sa disyerto. Friendster na lang ang natitira kaya nga napa-blog na ako para may mapagkaablahan naman ako.

Yun lang po. See you there!