Posted in Rants, Work & Work Hard

comMISSION still impossible


Rant na naman ba ito? Hay! Ayoko na sana mangunsumi pero may mga pangyayari talagang nakakakunsumi. Di ko naman sobrang sineseryoso na gaya nung mga nakaraang buwan na halos ika-depress ko na yata. Sa ngayon hinahayaan ko na. Ayokong ma-stress heheh.

Nung magsabog yata ng sama ng ugali at kakuriputan nasalo lahat ni MadamCEO. Nung tinanggap namin ang trabahong ito (at wala pa siya nun dito at di pa ganoong kapangit ang kumpanya) 1percent ang komisyon na inoffer sa amin sa bawat kliyenteng magoyo namin. Ganun din nung na-increase-an ako last year (na-increse-an pala ako last year di ko naramdaman ngayon ko lang naalala kung di ko pa hinalukay mga email dati hahaha), nakasulat na naman iyon na isang porsyento for every succesful pitch given na magbayad daw agad ang mga nagpagoyong kliyente. Kung nabasa ninyo yung quote ko dati na commission impossible eh hanggang ngayon impossible pa rin kasi hindi naman nabigay eh. Kaya hanggang ngayon di ako nagsusulat tungkol sa komisyon na naging konsumisyon nga. Alangya hahaha.

Simula last week nag-eemail na ang dalawa kong colleague para i-followup ang komisyon. Ilang araw lumipas bago sumagot si babaita. Tignan daw ang comments sa in-attach wala naman in-attach. Ilang beses ni-follow up hanggang sa sumagot din kaninang umaga na may miscommunication at mali daw ang method ng pagka-calculate ng komisyon namin.

Eto yung isang linya nya: “therefore I would like to clear that the marketing department earn 1% commission on EVERY confirm project’s 25% company margin as per the company policies“ Ano pa kaya makukuha namin… barya? Ibig niya kasi sabihin kapag naka-confirm kami ang komisyon namin ay kukunin lang sa 25% nung total cost. Total cost of the project into 25% into 1% equals barya barya. Liit na liit pa naman kami sa 1% eh ano pa kaya ngayon. Nagtatawanan na nga lang kaming tatlo sa kakuriputan, kaganidan at kasamaan ng babaeng un eh. Pasalamat pa nga kami may makukuha kami dibah. Kaso lang yung ibang kliyente hindi niya naman isinama sa listahan, yun nga rin ang isa sa mga tinanong ko nung sumagot ako sa email niya. Pero di pa siya sumasagot sa email namin. At syempre ipinaglalaban namin ang sinabi na isang porsyento dapat. Kung anu man ang kalabasan okei lang kahit papano may komisyon kesa sa wala. Ang nakakahinayang ay yung sa isa kong opismeyt, imbes na maka-limang libong dirham siya sa komisyon eh nauwi sa isang libo mahigit na lang. Ako imbes na almost 2,000 dirhams eh naging 600dhs na lang huhuhu. Ang isa naman dapat ay mahigit isang libo nung nakita namin ang computation ni madamceo 260dhs na lang bwahaha!

Naantala ang pagsusulat ko dito dahil habang ginagawa ko pala ito, may narereceive na pala akong email galing sa kanya. At hindi ko talaga alam kung may galit sa akin ang babaitang ceo na yan dahil halos pare-pareho kaming tatlo ng email, iisang thought kumbaga. Ang sagot sa email nila: ‘I will discuss it later.” Samantalang ang sa akin eto:

I DO NOT APPRECIATE YOUR COMMENTS BELOW AS ALWAYS PLEASE THINK TWICE WHILE YOU ADDRESS AN EMAIL OR LETTER REPLY TO ME! (as in with exclamation ffffoint!)

(Looking forward for the immediate release of the commission and your prompt reply regarding the matter.)

Ayan nga at ni-copy paste and color it red pa niya yung huling linya ko. Ano ba masama dun? Nasaktan ba ego niya sa salitang immediate? Hello? From Feb 2006 until now un pa rin ang followup namin. At kung may na-come up man silang decision about the percentage of our commission, we are totally not informed. May sinasabi pa siyang as per company policies eh wala naman nun ah. Offer letter kaya saka yung letter sa akin nung binigyan ako ng increment where the 1% commission was stated clearly isend ko kaya sa kanya? Di ko nga alam kung bakit ako lang pinag-iinitan ng babaeng yan eh. Di rin naman siya ganun kabait sa dalawa pero mild ang pagiging devil niya kumbaga eh pa-traydor pero sa akin halos lahat na yata ng email ko sa kanya di niya nagustuhan. Bastos ba ung tono ng minarkahan nyang pula? Honestly pikon na ako sa kababawan ng utak babaeng yan!

5 thoughts on “comMISSION still impossible

  1. ipaglaban! hehe.. pareho rin pala tayong may nakukuha nga but 1% lang naman na sana sa amin eh 2% of the overall revenue of the company divided by sa number of employees. ayun barya nga lang at di mo ramdam tuwing end of the month. but at least merong “barya” at somehow I am thankful for that kahit papano meron akong nakatabing pambayad ng internet bill, bili ng phone card at tfc bill buwan bwan hehehe..

    marami ding ka-unfair-an sa pasahod dito sa amin, di ko lang ma-post sa blog ko.😀

    Rhapsody: sis banana alam mo tanggap ko naman if un tlga ang press release sa umpisa eh. pero ndi eh nilagay pa sa offer at pati sa interview at ganun tlga nakukuha ng mga naunang empleyado. katagal di na naibibigay un na pala ang inabot ko na di na naibibigay pero di ko pa alam that time kasi nga baguhan pa lang ako nun. ill be thankful kung magkano lang ang ibigay ang di ko lang matanggap ay ung ginagawa kaming tanga nung babaeng un. simula ng dumating siya lalong pumangit ang sistema.

  2. kapag talagang may kumisyon, dapat may kumisyon. kung nailagay mo na sa papel yung mga muni muni mo kay babaita at until now e kunsumisyon ang bigay sa yo, sa tingin kailangan mo ng pangalawang hakbang; dun sa mas bossing ni babaita. kasi you deserve the kumisyon dahil kasama nga yon sa papel na hawak mo at sempre, dahil nag trabaho ka, di ba? good luck, kaya mo yan

    Rhapsody: ang problema siya ang mapapangasawa ng big boss namin. at lahat hinahawakan at kinokontrol niya na. di na rin nakikialam at wala na rin compassion ang big bossing sa amin unlike before. palagay ko nako-control na din ng mangkukulam ang utak ng boss namin.

    palagay ko nga ngayong umaga ipapatawag ako sa opisina at ipapakausap kay big bossing, ganun ginawa niya dati nung di ko rin siya tinigilan sa kaka-email kahit pa pikon na siya sa email ko. ang nakakapagtaka lang, wala namang dapat ikagalit sa email ko pero nabibigyan niya ng negative meaning ang mga salitang ginagamit ko sa email sa knya.

  3. naku kapatid, yung komisyon ko sa unang kumpanya ko sa pag bebenta ng mga tubong gawa sa china na ginagawan namin ng papeles ng european made, aba, hanggang nayun hindi ko na nakuha sa amo ko…naka alis na ako’t lahat sa kumpanya… Ang mga walanghiya di ba?

    Anong lahi ni babaita? Isumbong mo sa Ministry of Labor… indi nila sinusunod ang napagkasunduan base sa kontrata o job offer na pinirmahan nyo. Kapag ayaw pa rin…

    Ako yung dati kong amo, sinumbong ko sa baladiya…ahihihi… kasi nga namemeke kami dun di ba? naka generate ako ng 125,000 sales na binayaran ng cash kasi new customer yun…usapan 5% commission sa net sales… eh ang puhunan lang naman nya dun umabot sa 15,000…isipin mo kung gaano kalaki tubo nya di ba? dapat me 5000 akong makukuha sa kanya… hmp!

    Rhapsody: uy talaga? ano na nangyari dun sa dati mong boss? Pana ung babaitang mapapangasawa ng amo ko eh. patutyal lagi un saka ako lagi nakikitaan ng mali. Parang may galit sa akin kasi dati sinasagot sagot ko siya kahit na CEO siya. Eh maldita kasi siya kaya maldita din ako sa knya pero ngayon wala na ko ginagawang kamalditahan sa knya pero maldita pa rin siya sa akin.

    ska lam mo wla naman sa company policy un sinasabi niya; kung may bago man di nya kami ininform. nasa offer letter pa nga na 1% commission eh pero wala sa contract. may habol pa ba dun?

  4. …grabe naman yang ceo nyo. kupaloid pala e. pero bakit nga parang mas demonyita sya sayo? insecure sa beauty mo lola.nyahahha!
    bakit nga kaya di mo isumbong sa ceeaydee? ganun halos gawain mga kakilala ko…(mga pinapapasok pag holiday o walang OT pay) lalo na sayo na di makatarungan ang ginagawa…at least me nakukuha ka pang commission…ako sana maisipang bigyan commission, di naman sila makakbenta pag wala tulon ko ah. hmmm, makapagdemand nga.charot!!

    Rhapsody: di nya ko type eh la ko magagawa dun. pero sana magpaka-propesyunal siya diba, kung di nya me type makita at makausap sibakin niya na ko para pareho kaming maligaya.

    isusumbong ko tlga bigyan mo lang ako ng number ng ceeaydee hahaha… wala pa nga kami nakukuhang komisyon til now eh inaasahan na makuha pa lang na inabot na ng ten years di pa rin binibigay. magmarketing ka sis para may komisyon.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s