Posted in Boredom, Rants

at wit’s end


Nakakainis ang mga taong mahirap umintindi. Walang common sense.

Gusto pa yatang isasahin ang mga letra o bagalan ang pagsasalita para maunawaaan.

Gusto pa yatang gamitan ng tagalog-english dictionary para isa-isang malaman ang ibig sabihin ng bawat salita.

Gusto pa yatang lagyan ng numero from one to ten para lang maging malinaw ang lahat.

Gusto pa yatang i-highlight ang mga salitang mahahalaga para malinaw na walang ibig sabihin ang ilang salita at ng malaman na kung ano talaga ang punto ng usapan.

Kung minsan nakakainis ka na talaga!

Pasalamat ka kahit alam mong usok na ilong ko sa galit napagttyagaan kitang unawain!

Pasalamat ka kahit alam mong sasabog na ang utak ko sa kakaunawa sa iyo nakukuha ko pa ring isa-isahing ipaliwanag sa iyo ang mga pangyayari!

Pasalamat ka kahit na kung minsan hirap na akong paikut-ikutin ang mga paliwanag ko maintidihan mo lang napapairal ko pa rin ang pasensya!

Pasalamat ka kahit ubos na ang pasensiya ko at kung minsan gusto na kitang itaboy ay hindi ko pa rin magawa dahil importante ka sa akin!

16 thoughts on “at wit’s end

  1. tenk u😀 ay di ba ako? sori😀

    kung cno man yun, dpt nga ma22 na xa magpa salamat dahil kahit na ubod na ng mahal ang mga bilihin ngaun lalo na ang pasenxa ay di ka pa din nagkukulang nun sa kanya🙂

    Rhapsody: hehehehehe… pareho yata kami dapat magpasalamat sa isa’t isa… nataon lang na na ganyan ang na-feel ko nung ginawa ko yan…

  2. cool lang rhapsody.. evrything will be alright kung d man ngyon, it will come na maging okay you ulit..

    Rhapsody: okei na, cool na cool na paminsan minsan lang hot. ;D

  3. hey hey hey! slow down sis ko!

    …hmmm, bakit ba parang gusto mo nang patayiny ang taong yan? easy lng ate ganda! naccra ang byuti ntn jan e.

    …musta kna? misses u na po, salamat sa pag daan mo palagi…dami ko kcng home exams e, lapit na kc ako grad dami nang projects…huhuhu sometimes, i just posted sa blog tapos nun di na ako nakaka bloghop…xnxa na!

    take care sis! wag nang magalit!

    Rhapsody: tingin ko nga super duper busy ka noh… advance congrats sa iyo ha…

  4. cool ka lang mylene. alam kong naiinis ka na, pero pilit mo pa rin tinitiis ang mga nangyayari. bilib ako sa pasensya mo..

    sorry na ha. pramis papakabait na ako..

    ay! hindi pala ako yan! nyahahaha!

    Rhapsody: hahaha makulit ka talaga…

  5. …cool ka lang..at least dito talaga mapapatunayan ang gasgas na kasabihang “patience is a virtue”…hehehe

    Rhapsody: sana pala madami akong biniling pasensya para kakainin ko na lang everytime na feel ko eh mauubos na

  6. musta na sis mainit pa ba ang uLo naTin?

    Sana may magsabi din sakin gaya ng sinabi mo don sa huling Linya…

    kaka touched po🙂

    Rhapsody: ay ganun.. ako ayoko kasi itataboy na pero di lang magawa eh… heheh,,, sabagay salita ko lang yan, di ko naman tlga magagawang itaboy siya eh

  7. bakit sis? kamag-anak ba yan ni lah? nyahahahaha!!

    kapag nainis ka ulet, iwan mo na! hahahaha!! remember… ang wringkles… mahal magpa botox sige ka!😀

    Rhapsody: ahahahah kaya nga smile na lang ako at pinapahaba lalo ang pasensya.

  8. And you’ll deal with more people like that as you move around the world.

    And one day you might be the same by dint of too much partying or something.

    Take it easy, what comes around goes around.

    Rhapsody: misunderstanding lang ito heheheh

  9. hi rhap,

    keepp kooool !! take a breath and enjoy life.

    whether, you take it or leave it –life is always GOOOD!

    ciao,
    meds w.

    Rhapsody: hi meds! na-miss kita😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s