Posted in Events & Occasions, Foods

pahabol thanks & hapi new year

sa aming Company na nag-aksayang magbigay ng birthday cake para sa birthday ko… actually ganun talaga dito kapag may nag-birthday may cake. at ngayon lang ako nabigyan ng cake kasi last year wala kaming pasok. Ung fiance ng boss ko siya ang naglagay ng icing sa mukha ko. Ang daya nga eh nung siya ang may birthday hindi siya nagpalagay ng icing – kasi nga masisira ang make-up niya. Pero kapag ibang babae ang may birthday naku dapat dumihan ang mukha. So siya nga ang naglagay sa mukha ko – aba naman dinukdok ba naman ung mukha ko. teka ano nga ba ibig sabihin ng dinukdok? Yan kasi ang word na biglang pumasok sa isip ko. Buti na lang ang boss namin sinabihan siyang ‘okei.. that’s enough!’

Nung nagpunta ako ng cr para maghilamos – happing-happy ang babaita – sorry daw at nasira niya ang foundation ko. Sagot ko naman – wala akong foundation. Paglabas ko ng CR akala ko nga mang-aasar pero bumawi din siya sa huli. Ang sabi niya…’See walang pinagbago ang look mo… walang nasayang na foundation. u still look pretty’ naks! ang plastik noh! hahahah… buti na lang kaming mga ka-officemate kong pinay ay di nag-aaksayang mag-make up or foundation. Pond’s loose powder lang pwede na, kaya always ready kung may batuhan ng icing hehehe… Ung fiance kasi ng boss namin, na siya na ngang magiging CEO kaya dapat Madam na ang tawag namin pero ang tawag namin sa kanya ay ‘Hi’ at hindi Madam dahil hindi na namin siya matawag sa pangalan niya kaya Hi na lang, ay sobrang kapal mag-make up. Once nakita namin siyang walang make-up nung bago palang siya sa company, ang sabi nga sa kanya ng receptionist naming Syrian mukha daw siyang patay. Nung time na un sikreto pang mag-jowa pala sila ng boss namin at siya ay naniniktik pa lang kung talagang nagta-trabaho kaming mga staff ng jowa niya, kaya nasasabi pa un ng receptionist sa kanya. Pero nung time na sabihin na nila na sila ay mag-jowa pala – unti-unti ng nag-alisan ang iba kasi nga hindi nila gusto si Madam. Ay tama na ngang kwento kay Madamba. Nakalimutan kong pasasalamat nga pala tong entry kong ito.

wallet pink kung pink 2nd cake

Salamat ulit kay M sa cake na binigay niya. At sa pink kikay shoes na gift niya rin sa akin. At isang red rose na hindi ko na na-picture-an kasi sobrang sakit ng ulo ko kagabi. Ang dami niyang gift noh. Kay roommate M na ginising pa ako kagabi para ibigay ang gift niyang wallet. Naalala ko tuloy na may tag sa akin si Malen sa wallet na tinanggihan kong gawin kasi nga coin purse lang ang madalas gamit ko. But since gift ito ng mabait kong roommate, gagamitin ko na ang cute wallet na ito. At gagawin ko din ang tag na iyan.

Pictures ng birthday ko sa company will be posted later… nasa cam kasi ng ka-officemate ko. šŸ˜€

eto na ung picture, yan na lang ang pangit nung iba eh heheheh…. at ulit… pahabol na thanks ulit sayoh M sa new year gifts mo sa akin, di ko na din iisa-isahin basta ang cute nung brown jacket tamang tama sa lamiging kagaya ko – kapag suot ko un feel na feel ko ang summer hehehe…

thanks din pala kay A sa ginawa niyang ito

.

Sandali New Year na pala bukas… hmmn.. san kaya ko magse-celebrate ng New Year? Sa bahay o sa Creek? Mga ka-berks in Dubai kita kita na lang kaya tayo sa Creek, may fireworks display dun. Kung gagala ka naman sa Global Village mamaya, i’m sure meron ding fireworks display dun like last year.

 

HAppY NeW YeAr EveRyoNe!!!

Posted in About me, Events & Occasions

it’s my day!

unang-una kong pasasalamatan si God – sa buhay na binigay niya kahit na muntik na nga akong hindi mabigyan ng buhay pero hindi niya hinayaang hindi ko makita ang mundo…

my parents and lola na malayo pa ang birthday ko ay nagsi-tawagan na sa akin at maya-maya daw tatawag ulit si mudra…

sa brothers ko na lagi kong kaaway nung magkakasama kami sa Pinas at hindi rin sweet kagaya ko…

sa mga friends ko in Pinas, Dubai at kung saan-saan pa at friends in blogosphere na nag-greet… thanks po sa inyong lahat…

sa mga friends, close friends, best friends at dear friends na sina Je, Ra, Ja, H, Q, B, at M na bumati ng maagang-maaga at before my holiday adventures pa… thank you thank you talaga… mwaahhh to all of you!

ang escada at maliliit na freebiessalamat Ra sa Escada Sentiment na napaka-memorable – salamat din kasi baka hindi na ako maka-discount ng dahil jan pero okei lang heheh. teka b-day gift ba yan o christmas gift? wala pa ring tatalo sa gift mo sa akin last year – Desert Safari trip!sony dsc-w55

salamat M sa digicam na advance b-day gift mo pala sa akin – siguro para makatipid ka noh kaya nung may sale mo binili… hehehe. At sa black bag na gift mo sa akin nung Christmas. Thanks din sa mga e-cards na ni-send mo. At sa cake na rin ibibigay mo mamaya.

i LoVe YoU All!!!

Eto pagsaluhan na lang natin ang maliit na cake na ito hehehe…

maninipis na slice lang po para lahat makakain heheh


Posted in About me, Love & Relationship, Tags & Memes

20 Q’s

Dhez tagged me. at ni Bananie rin pala heheh…. I need to do this now since I have nothing to blog about. HeeHee…

Rules

Remove 1 question from below, and add in your personal question. Make it a total of 20 questions, then tag 8 people in your list. List them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged. Whoever does the tag will have blessings from all.

Q & A

1. At what age do you wish to marry? At first I promised myself to get married at 21, then I realized I still need to experience working after college. Then I said I wish Iā€™ll be married by 24.. but no.. I think 25 is idealā€¦ okeiā€¦ 27ā€¦??? well I guess I should stop wishing and wondering when Iā€™ll finally settle down, Iā€™ll just get married when the right time comes.

2. What color do you like most? I like all colors especially pink, black, turquoise blue and moss green.

3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one? My life is worthless without you in my life. (hindi lang para sa bf yan ha ā€“ para sa family ko rin)

4. What kind of shoes fits your personality? Sandalyas hehehe ā€“ basta yung open at nakakahinga ang paa. Just like me ayoko ng kulong at masikip ang mundo.. gusto ko free ako at walang sumasakal. Heheheh.

5. Which part of your body you hate the most? My eyes. Madali kasing antukin, blurry vision pa.

6. When you encounter a sad moment, what would you do? Just like Dhez, I prefer to listen to music. Sad songs mellowed down my sentiments. Aside from soundtrip, masaya ding mag-roadtrip para makalimutan ang mga problema.

7. What are you afraid to lose the most? My family and best friends.

8. If you win $1 million, what would you do? Iā€™ll build or buy my own house and start a business.

9. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar? Iā€™m afraid of rejection so Iā€™d rather keep it to myself, observe from afar and wait till he notice me.

10. What do you always bring with you when you travel? My big bag full of trash hehehehā€¦ cam, fone, loose powder, perfume, hair comb, enough money and coin purse with my labour card of course.

11. What are the requirements that you wish from your other half? Looks is not an issue at all but he should have a good heart, honest, loves only me (selfish and jealous ako eh hehehe), sweet & thoughtful, cares for my family, and someone who can bear my bratty attitude at times and kakulitan in short dapat mahaba ang pasensiya.

12. Till now, what is the moment that you regret the most? Wala naman…

13. Which type of person do you hate the most? Mga chismosa who meant to offend or harm you.

14. What is your ambition? Have my own happy family in the near future.

15. What is the thing that will make you think he/she is bad? If he cheats on me or beat me upā€¦ di pwede sa akin yan!

16. Would you gladly accept it if faith doesnā€™t allow you to meet your better half and live alone as you grow old? If that is my destiny I would assume that itā€™s Godā€™s willā€¦ but before I quit I would do my best to search the guy for me.

17. What brand of toothbrush do you use? Colgate. But I still try different brands.

18. Name one of your body part your hubby or boyfriend tells you he adores? He said he loves all of me. Counted as one na rin ba ā€˜toh?

19. It would be 2008 in a few days, do you have a new yearā€™s resolution? I once prepared a list of my resolutions pero mahirap talagang sundin kaya wala na lang resolution heheh.

20. If your better half is cheating on you, will you forgive him or her? Nope. Once a cheater, always a cheater. Strict ako at ma-pride so I wouldnā€™t consider giving a second chance to a better half who cheated me.

Iā€™m tagging Vera, Sommer, Ice, and Missy. Apat na lang ang na-tag ko kasi pansin ko meron na din sila nito eh.

Posted in dubai adventures, Events & Occasions, Foods, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Places, Rants, RoadTrip & Gimix

holiday adventures

Super late ko na ito nai-post… mga adventures namin nung nakaraang eid holiday… isama ko na rin ang Christmas kahit hindi na kami nakapag-picture taking nung Pasko.

Tuesday ā€“ December 18
Hello Fujairah!

hmnkhor fakkan2parang beach park lang din sa khorĀ fakkan

house in UAQ

Sa wakas nakarating na din ako sa Fujairah. Although wala naman gaanong magagandang pasyalan doon ayos na rin. Siguro lang kung dumayo kami dun para mag-swimming mas okey kasi Iā€™m sure sobrang mag-eenjoy kami. Di nga ako napagod, kasi wala kaming ginawa kundi magpicture taking, kumain, magsight seeing, mag-chikahan at magpahinga.

Ang tatlong pictures sa itaas ay kuha sa Khor Fakkan beach – part daw iyan ng Sharjah pero halos katabi na rin ng Fujairah. Ang nasa ibaba naman po ay kuha sa UAQ. Hindi ko alam kung rest house lang ba iyan, nasa tabi lang ng beach nakatayo ang bahay na iyan.

Maaga kaming umalis ng Fujairah and we went straight naman to Umm Al Qwain. May nabibilhan kasi ng alak at mura pa ā€“ pero di naman kami nag-inuman. Bacardi lang iyon. Pero dahil mahina talaga ako sa alak kahit pa nga ilang porsiyento lang ang alcohol content madali akong mamula kahit na isang lagok lang ang inumin ko. At dahil nadala na akong sumuka (excuse lang po) nangako na ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako iinom, kung hindi naman maiiwasan, iinom ako ng kahit na konti lang, mga tatlong kutsara okey na.

Wednesday ā€“ December 19
JumeirahBeackPark Christmas Party!

First time ko lang din nakapasok dyan. Although madalas kami sa mga opelook at those ibons ang baba ng lipad noh! katuwa talaga!n beach. Iyang isang yan ay may entrance na 5dhs lang naman kaya pwede na rin. Maganda din pala sa loob ā€“ wala din kaming ginawa kundi ang umupo, maglakad, magpicture-taking at lumafang. Sinabit lang kami kasi parang kami na ang family nila heheheh. Actually Christmas Party iyon ng mga kapamilya ng katrabaho ni Kuya ā€“ Pinoys only. Grabe ang daming foods. Sa bahay pa lang namin ilang putahe na ang dinala namin courtesy of mag-asawang Ate & Kuya. Nagdala kami ng sweet & sour na malalaking isda (hindi ko alam kung anong tawag sa isda na iyon), big fish na pinrito din, kilawing tanigue, masarap na Chopseuy, at home made chicharon. Ng dumating ang iba lalong dumami ang foods ā€“ may humba na ang akala ko hipon un pala baboy ang humba, inihaw na pusit, shrimps, inihaw na isda, inihaw na baboy o liempo yata yun ewan ko basta masarap, may spaghetti, fruit salad, at kung anu-anong fruits. Kung meron pang ibang dumating na foods malamang hindi ko na napuna dahil busy ako sa pagkain. 2pm ba naman kami nagsimulang kumain hindi pa naman ako nagbreakfast, kaya wala kaming kibuan. Nang mabusog na kami ayun na rumampa na kami sa beach at nagpicture-taking matapos hulaan kung ung hunk na naka-red & green na trunks at ung isa pang hunk na naka-yellow & blue na trunks ay iisa o hindi. Pareho kasi sila ng katawan ā€“ ma-abs. At sa tuwing wala ung trunks na green & red andun naman ung yellow & blue. Ang gulo. Ang hula ko nga eh nagpapalit siya ng trunks hahahahah. Sayang di ko na-picture-anā€¦. ung foods!

yhen, marlyn, ate merlyn, moi and anne with a sexy momma sa tabimarlyn, me & ate merlyn ā€” gutom na kami nyan!me & my roommates againā€¦ absent ung isa naming kabahay!

Continue reading “holiday adventures”

Posted in Language & Culture, Rants

Buseeet!!!

natupad ang wish ko nabayaran na may internet na ulit sa office. tagal ko ding nawala. ung isang na-prepare ko to post ayun nakatambak pa. my plan is to post it after my long eid holidays but since even before that holiday nawalan na kami ng i-net connection ayun natengga na siya. Siguro i’ll post that entry kapag na-iready ko na din ang ibang photos.

ang saya ko na sana kasi ayos nga may free internet access na na ulit sa cafe office. mega-blog-hopping at iwan ng comments pa ako. tapos nung binalikan ko yung bahay ni dhez abah bakit ganun naka-apat na click na ako ng submit comment abah wala man lang akong makitang anino ng iniwan kong comment. pati na yung kay Ate Kengkz at sa kung saan-saang bahay na dinalaw ko. nakaka-buseeet talaga dibah. sinimulan kasi ang araw ko nung isang caller dito sa office eh. ang aga aga binuseeet ako. halos sigawan ko na siya sa phone kasi bawat tanong ko ang sagot niya… wala! buti nga kung salitang ‘wala’ at least may naisagot. kaso wala as in wala siyang imik sa kabilang linya. tumatawag siya dito para magtanong.. nung naintindihan ko na siya kasi nga mejo barokis siya, parang di makasalita ng english. tanungin ko kung sino hinahanap sagutin ba naman ako ng Hassan. sabi ko walang Hassan sa kumpanya namin. nung usisain ko siya ng usisain tungkol sa purpose ng call niya – dun ko lang nalaman na ang pangalan pala niya ay Hassan. sa haba ng paikot-ikot kong tanong sa kanya para maintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin, nalaman ko na nasa kanila pala ang gift na pinadala namin para sa iba. nagkamali daw kami ng pinagdalhan (ganun ang na-analyze kong ibig niyang sabihin). imbes na sa isang banko ay sa banko nila naipadala. kaya tinanong ko siya kung ano ang office number nila para matawagan muna siya bago namin pick-up-in ang gift na namali ng deliver, umabot ng 15minutes na paulit ulit akong nagHELLO kasi parang nawala na siya sa linya at paulit ulit din ako nagtanong kung ano ba ang number nila o ang mobile number niya na lang pero wala siyang mailabas na sagot sa bibig niya. nakakabuseet kasi pano kung marami ng tumawag eh nag-iisa palang ako kaninang umaga sa opisina. naisip kong baka hindi niya alam ang number ng office nila tsk.. tsk… tsk…. kaya nakaisip ako ng ibang option. tinanong ko kung pwedeng siya na lang ba o may pwede pang ibang hanapin at kung meron ibigay nya ang pangalan ng taong pwede naming hanapin para i-collect ulit ang gift… again.. katahimikan po… Hello na ako ng Hello at Hassan na ako ng Hassan. Eh si Hassan nawawala sa linya, pero naririnig kong may kinakausap siyang iba. Ang lakas na nga ng boses ko sa office namin sa kaka-HELLO! ni hindi makasagot ng oo kung siya na lang ba ang hahanapin o baka iwan niya kung kanino yung gift. hayyy!

matapos ang mahabang paghihintay ko ng bibigkasin niyang salita at ang paulit ulit kong pagtatanong at pag-hello at pagtawag sa pangalan niya natapos ang lahat sa sagot??? sinabi niyang… ‘i will call you back.’

hanggang ngayon, di pa rin siya tumatawag. ng dumating ang taong nagdeliver tinanong ko siya. sagot ba naman sa akin ‘he’s a stupid guy!’ kasi ba naman nasa iisang building lang daw iyong dalawang bank at ang tumawag sa akin ay gwadiya sa building na iyon. sana man lang iabot niya na lang sa kabilang banko dibah.

Posted in About me, Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life

Age is nothing but a number

Whether I like it or notā€¦ madadagdagan na naman ang edad koā€¦ ilang araw na lang at tatanda na naman ako. Noong nag-aaral pa ako lalo na nung elementary, naiingit talaga ako sa mga kaklase ko na ang birthday ay pasok sa school days. Kasi meron silang celebration sa room. Samantalang ako laging walang pasok pumapatak ang birthday ko. Wish ko nga nun na sana January ang birthday ko para din mas maaga.

Sa tuwing may nagtatanong kung kailan ang birthday ko ang laging tanong nila sa akinā€¦ ā€œBakit hindi Rizalina o Riza o Rizalyn ang pangalan mo?ā€ Basta anything na connected sa pangalan ni Rizal. Kasi un ngang araw na yun ang birthday ko. Naisip ko nga nun parang ang ganda nga sana kung sinunod ang pangalan ko sa kanya. Pero okey na din, sinunod din sa isang kilalang tao ang name ko. Yun nga lang kay Melanie Marquez. Kasalukuyan yatang sikat siya dahil sa Miss International.

Muntikan pa akong hindi mag-exist sa mundong ito. Kasi ang kwento nila sa akin, wala daw ako sa panahon. Isang taon lang ang pagitan namin ng Kuya ko at di pa nila ako kayang buhayin kung sakali. Kaya kahit na ginawa nila ang lahat para mailaglag ako, hindi sila nagtagumpay, malakas daw ang kapit ko. Kapag napag-uusapan namin yun sa bahay hindi ko maiwasang sumama ang loob o mangilid ang luha pero syempre di ko pinahahalata. Tawa pa ko ng tawa habang sinasabi na nung nasa loob pa ko ng tyan nakikita ko ang gamot na pampalaglag at iniiwasan ko. Syempre tawa na lang din sila ng tawa sa akin. Mabigat sa loob pero nagpapasalamat din ako kasi nabigyan ako ng chance na mabuhay sa mundong ibabaw hehehe.

Nagpapasalamat din sila dahil naging normal ako. Naawa sila lalo na nung makita nilang babae pala ang magandang baby heheh. Ang akala kasi nila lalabas akong may diperensya dahil sa kung anu-anong paraan ng paglalaglag ang ginawa nila sa akin. Nahirapan lang si mudra nung ipinanganak niya ako, halos ikamatay niya dahil muntik na siyang maubusan ng dugo. Sa bahay lang ako ipinanganak pero kinailangan siyang isugod sa ospital dahil hindi tumitigil ang pagdurugo niya.

Anyways, happy naman sila dahil walang naging masamang epekto sa akin ang mga sinubukan nilang gawin noon. And thankful din ako dahil hindi nga ako tuluyang sumuko sa tyan ng mudra ko. We owe everything to God.

May mga araw kung minsan pinagmamasdan nila ako lalo na ng aking pudra. Proud sila sa mga accomplishments ko (meron nga ba) at sa mga nagawa ko sa buhay ko. Masyado din nila akong pinangalagaan dahil ako ang kanilang kaisa-isang prinsesa. At di man ako ang tipo ng tao na nagsasabi ng ā€˜I love youā€™ sa mga importanteng tao sa buhay koā€¦ kasi di talaga kami sanay na magkakapatid, di kami sweet eh, mahiyain kami Heheh. Dito ko na lang sasabihin (malay mo mabasa nila)…

I love you mommy & daddy.

Ā 

26-Dec —> Pahabo lang po… Nakalimutan kong PASKO nga pala ng i-post ko ito, kaya greet ko lahat kayong lahat ng MERRY CHRISTMAS!!!

Ā 

Merry Christmas!!!
Posted in dubai adventures, Events & Occasions, Language & Culture, Religions & Beliefs, Work & Work Hard

inshallah

Napaka-konti na lang namin ngayon sa office. Apat na staff ang wala na dito. Merong nag-resign, may tinanggal, at may bigla na lang nawala. Ang masama dun isa mga nawala ay ang pinakamamahal (minsan) naming Finance Manager na si MJ. Di namin alam kung anong nangyari, siya ang pinaka-tatay naming tatlong Pinay dito sa office. Kung dati takot kami sa kanya, dumating na sa puntong close na kami sa kanya. Nabibiro-biro na namin siya. Minsan bigla ko na lang siyang tatawagan sa extension para magtanong.

Rhap: MJ are you giving our salary today?

MJ: Inshallah tomorrow ha.

Rhap: Huh? Why Inshallah?

Nagulat naman siya, dapat daw magtiwala ako. Alam kong alam niyo na ang ibig sabihin ng salitang ito.

Pronunciation: \in-shƤ-lƤ\

Etymology: Arabic in shā’ Allāh

Definition : if Allah wills : God willing

 

Nasanay na kaming tatlo na kapag ginagamit niya ang salitang ā€˜Inshallahā€™ ang nagiging kahulugan nito ay ā€˜maybe next weekā€™ or ā€˜not really sure whenā€™. Kaya nagulat din ako ng natanong ko siya kung bakit inshallah. Pinagsabihan niya ako na talagang kinabukasan daw makukuha na. Kinabukasan, wala naman. Heheh. Ngayong wala na siya mas kinakabahan ako. Kasi baka ma-delay lalo ang bigayan ng salary namin kasi nga wala kaming Accountant. Paā€™no na ā€˜yan busy pa naman ang boss namin sa pag-aayos sa Global Village dahil dito. Wish ko lang ma-perfect naman namin this time, yung walang reklamo yung client. Well, it seems my boss is happy today. Ewan ko dun kung bakit parang ang ganda ng mood niya huh.

Nalilihis na naman ang kwento ko. Basta un nga ang lungkot kasi kumokonti na naman kami. Ilang months na naman yan Iā€™m sure madami na namang staff, tapos konti ulit, tapos mawawala na naman. Remember that Pinoy Design Manager na nakwento ko before na ayaw makisalamuha sa kapwa Pinoy niya? Wala na rin siya. Hindi din nagtagal. Ang sabi niya lang may sakit ang father niya kaya uuwi muna siya sa Pinas but not exactly in Pinas. Ang gulo noh. San kaya yung sinasabi niya? Anyway, hindi naman siya kasama sa apat na nawala kasi baguhan lang din si kabayan dito pero isa o dalawang buwan lang yata ang tinagal niya. Maybe nakakita ng mas magandang offer or talagang may sakit ang father niya.

Si MJ ang mami-miss ko kasi siya yung lagi naming kinukulit sa sweldo, na kapag hindi niya binigay kanya-kanyang kaming tatlo nagda-drama. Pwedeng harap-harapan nagda-drama o nag-eemail kami para makapag-cash advance. Para lang maisip niya na hindi okey para sa amin ang ma-delay ang salary, lalo naā€™t nalalaman namin na tuwing delayed ang salary namin, siya solve na. As in nai-transfer niya na ang salary niya sa bank account niya. Ano nga naman habol namin, eh accountant siya syempre uunahin niya sarili niya. Kami maghihintay kung kailan niya feel. Minsan nakukunsyenya naman kapag inunahan na namin ng drama eksaktong araw ng bigayan ng sweldo talagang nakukuha namin. Pero ngayon eepekto kaya ang drama namin kay big boss? Hmmmn… bahala siya basta matuto silang makiramdam heheh. Wish ko sana hindi talaga ma-delay this month at sa mga susunod na buwan.. inshallah.

*****

Excited na ako sa mahabang holiday this week. Imagine 2 days lang akong papasok dahil sa Eid Al Adha. Sabi sa wiki:

Eid al-Adha (Arabic: Ų¹ŁŠŲÆ Ų§Ł„Ų£Ų¶Ų­Ł‰ ā€˜ÄŖd al-ā€™Aįøįø„ā) is a religious festival celebrated by Muslims worldwide as a commemoration of Ibrahim‘s (Abraham‘s) willingness to sacrifice his son Ismael for Allah.

Simula sa Tuesday isama pa ang Friday & Saturday day-off namin aabot ng limang araw din kaming bakasyon. Sana tinuloy-tuloy na hanggang Pasko. Heheh. Kawawa yung friend ko kasi Thursday lang sila walang pasok. Wag na i-count ang Friday kasi talagang day-off niya yun. Iisang araw lang ang holiday nila, samantalang lahat 3 days. Ang mga companies na may pasok kahit holiday dapat may overtime pay pero sila wala raw. Dapat mabasa niya ito.

Inshallah maging masaya ang holiday ng lahat. At ito ulit para sa mga Muslim friends ko. Nahalukay ko sa website ni Yasser Hassan. Di ko maintindihan yung nakasulat basta ang sabi sa website greeting card yan for Eid Al Adha. At least may effort akong mag-search for all my Muslim friends dibah. šŸ˜‰

adha_card

Posted in Events & Occasions, Language & Culture, Life, Religions & Beliefs, Tags & Memes

christmas tag

Malapit na talaga ang Paskoā€¦ 12 days na lang ba? Nalulungkot ako. Pero happy rin naman. Miss ko lang kasi ang family ko. At ang Pasko sa Pinas. Pati na rin ung makikita mo sa mga bahay-bahay na nagpapadamihan ng Christmas lights at pagandahan ng dekorasyon. Well meron din naman sa disyerto nyan ah. Punumpuno ng ilaw ung bahay. Un nga lang pa-isa-isa lang at anytime of the year pwede. Nga lang sign pala un na may wedding na nagaganap o may kakakasal lang sa bahay na iyon. Click niyo po yung picture na yan sa ibaba at ng makita ninyo ang pruweba na parang meron ding Christmas sa iilang bahay dito.

wedding house wedding house2

I took that foto early this year.. I think mga March. First time I saw a house like that, Christmas agad ang unang pumasok sa isip ko. At tuwing madadaan kami sa unang bahay na nakita kong punong puno ng Christmas lights, lagi kong sinasabi na iyon ay Christmas House. Hanggang ngayon tuwing makikita ko ang bahay na iyon kahit wala ng mga ilaw, un pa rin ang tawag ko.

Anyways, speaking of Christmas may tag sa akin si Vera.

Hereā€™s the drill:

  1. Make a paragraph next to the last paragraph in the tag is passed to you of ā€œWhat is Christmas to youā€ and put your name at the end of it linking back to your site, or the page that answered this tag.
  2. U can use a title that will suit your Christmas idea.
  3. Then tag as many as you can.

When I was a kid, Christmas for me is about new clothes, gifts, foods at syempre palakihan ng kita. You know what I mean hehehe. Malungkot nga ako lagi nun kasi ako lagi ang pinakamababa ang kinita. Naiinggit ako sa brother & cousins ko, kaya lang wala naman akong magagawa kasi wala nga yung mga ninong at ninang ko. Pero kahit na ganun masaya pa rin naman ako kasi I am spending my Christmas not only with my family, kundi kasama na rin ang mga relatives namin.

Ngayon na ako na ang ninang, syempre ako na ang pagkakakitaan hahaha pero ang sarap din ng feeling. Malayo pa lang ang pasko nakagawa na ako ng listahan ng mga inaanak ko. Weeks before Christmas I see to it na ready na ang gift ko sa kanila. Ngayong lumalaki na sila – moolah na ang kailangan kung hindi sinimangutan ako ng mga iyon hahahahaha. At dahil pareho kaming wala sa Pinas ni Pudra, malulungkot si mudra i’m sure pero magiging busy naman siya dahil ang asaynment niya ay mag-asikaso sa mga pangregalo sa mga inaanak namin ni Pudra.

Christmas for me is spending time with the ones you loveā€¦ at kapag malayo naman sa isaā€™t isa a simple card or a greeting would mean a lot. Gusto ko din yang nakikipagsabayan sa mga malls, feeling the Christmas rush ba heheh.

Gusto ko naman malaman kung ano ang Christmas para sa inyo Joyce, Misyel, and (ate?) Kengkay.

Posted in Events & Occasions

Gifts! Gifts! Gifts!

Pinag-isipan ko ng mga ilang araw ito kung susundin ko din ba o talagang uurong na lang ako. Kasalukuyan akong nasa pondahan ni Kiwipinay ng nabasa ko ang entry niya last Saturday. Gift-giving this Christmas para sa unang limang magko-comment sa post niyang iyon. Syempre natuwa ako. Makaka-receive ako ng gift from NZ kung sakaling pasok ako sa lima. Yahooo!!!

Kaso after kong magcomment, ni-review ko ang mga sagutan sa comments pati na rin ang mismong post binasa ko ulit. kailangan mo din palang gawin iyon. Magpost din sa sariling blog at ang unang lima ding magcomment ay bibigyan ko ng gift.

Mejo binawi-bawi ko pa. Sabi ko ayoko na lang sumali hahaha. Umiral na naman ang ka-kuriputan ko. Anyways, nag-suggest naman si KiwiPinay. Kaya ayun join na rin ako dito.

May konting pagkakaiba lang – slight lang naman. Basta eto po sa mga maliligaw na blogger na taga-UAE lang po. First five na mag-comment dito ay makakatanggap ng Xmas gift from me. Uulitin ko po, ung mga kapitbahayan ko lang dito sa tabi-tabi. Paumanhin muna sa ibang friends ko dito, di bale next year malamang may ganito ulit at nasa Pinas ako next Christmas kaya bawi na lang ako. Peace all!

At yun ay kung umabot nga ng lima… mukhang bilang ko lang ang mga kakilala kong blogger dito sa UAE eh. bwahahahaha! At mukhang busy mode sila ngayon baka mabasa pa nila ito next year. bwahahah! Pero ang hihintayin ko ay ang gift na matatanggap ko from NZ – baka nga padalahan ako ng gwapong Kiwi nyahahahaha!

Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life

hindi na ako praning

Happy ako kasi nakausap ko kahit sa email lang ang isa sa aking kaibigan. Mag-iisang taon na din yata nung huli kaming magkita. Mag-iisang taon na din na hindi kami nagchi-chikahan sa YM o sa email.

 

Sobrang napa-praning na naman nga ako ng matagal tagal na din kasi unusual na di man lang din siya tumawag o magtext sa akin. Kahit forwarded message lang wala rin, sabagay di na uso para sa amin ang mga text-messages na yan hindi kagaya nung nasa pinas na halos makumpleto ko yata at ng kapatid niya ang mga textbooks. Pero ang ibig kong sabihin ay yung sumagot man lang sa text ko o tumawag dahil naka-ilang tawag na ako na hindi niya sinasagot. Hmmn.. siguro nung time na un walang load? o kaya naman nagluluto o naglalaba o namamalantsa o nasa labas o hindi narinig mag-ring ang fone niya kaya hindi niya nasagot. Siguro nga… ayoko din naman siyang tanungin kung bakit nga ba.

 

Isa pang dahilan ng pagka-praning ko ay di siya sumasama sa invitation ko, sabagay may mas mahalagang bagay siyang pinagkaka-abalahan kesa ang sumama sa gala namin. At alam ko din naman na may pagka-tamad siya kung minsan gumala-gala, ilan din naman daw ang tinanggihan niyang invitation sabi ng isa pa naming friend. na-praning din ako nung na-obserbahan ko ng ilang beses na kapag nag-oonline ako ay nag-ooffline naman siya. Minsan nga sinubukan kong gamitin ang stealth sa kanya, permanently offline ako para sa kanya. Nag-oonline ako ng invisible mode palagi, kaya di mo mapapansin na nasa tabi-tabi lang ako… matagal ko ding napansin na naka-online siya. Nagdesisyon na akong magpakita.. pero wala pang isa’t kalahating minuto akong lumitaw, naglaho na siya. Nung minsan na nag-buzz ako biglang nag-offline na lang din siya. Nalungkot ako. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Kung bakit ganun. Napatanong na lang ako sa sarili kung mababawasan na naman ba ako ng kaibigan?

 

Iniisip ko nga minsan kung may konek ba ito sa isa naming napakalapit at napakabait na kaibigang (bespren kong) lalaki na nasa Pinas na ngayon ay hindi na nagpaparamdam o nag-ssms man lang sa akin? Parang friendster kasi yan eh may networking. Ang asawa ng kapatid ng kaibigan ko ay kaibigan din ng kaibigan naming lalaki. Mababait silang lahat (pati na rin ako xempre lolz) pero may dahilan kung bakit ganun ang nagyari sa aming dalawa (at siguro kahit sa iba pang friends). Galit daw kasi ang kaibigan kong lalaki. Galit sa sarili niya. Ako naman si praning, dahil naisip kong may konek nga siya at siya sa kaniya, naiisip kong posibleng un ang isa sa mga dahilan, kasi hindi naman ganun ang kaibigan kong babae dati sa akin eh. Malamang naikwento ng kapatid ng kaibigan kong lalaki. Ang gulo bah? Basta ako lang ang nakakaintindi nito lolz.

 

Kaya nga nagulat at masaya ako na mejo mahahaba ang sagutan namin sa email ni kaibigan babae kahapon. Nabanggit nya ang pangalan ng kaibigan naming lalaki at dun ako nagsimulang magtanong. Sa katangahan ko naman sa iba pala ako nag-reply. Matapos ang mahigit isa o dalawang oras naisip kong kay bespren ko pala ako nagreply. Kaya ayun ni-resend ko na lang ulit. pero hindi na siya nakapag-reply.

 

Tumawag ang isa pa naming kaibigan ni kaibigang babae na kasama niya sa bahay na kasama ko lang nitong nakaraang Huwebes. Nabanggit ko na minsan dadalaw ako sa kanila at gusto ko ay ung nandoon sila pareho. Sabi niya doon na lang daw ako matulog tutal wala naman daw pasok kinabukasan kung ganung araw ako pupunta. Nung tumawag siya kanina nabanggit niya nga daw sa kaibigan namin at sinabing oo nga daw pumunta ako sa kanila ngayong darating na Huwebes at dun matulog. Tamang-tama matagal ko na silang gustong pasyalan pero nahihirapan ako dahil walang sasakyan noon, pero ngayong meron ng maghahatid sana nga makapunta ako. Madami akong ichi-chika tungkol sa problema, sa trabaho at sa lovelife. Sana maikwento ko ng lahat para makahinga na ako ng maluwag.

 

Kagabi hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nag-offline message ako kay kaibigang lalaki na nasa Pinas. Nagtatanong ako at nangungumusta na din. Mga apat na linya lang iyon. Mas masaya ako sa nabasang kong email kaninang umaga galing sa kanya. Ang sabi niya:

 

Rhapsody ndi ako galit o nagtatampo syo… malabo mangyari un…. tska wala naman dahilan pra magalit o magtampo ako syo….. ingat ka palagi jan..

 

Anyway, wala po akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin kung ano man ang dahilan. Heheh.

 

Mabuti naman at nalaman ko mismo sa kanya. Kesa mapraning ako ng kaiisip. Si bespren ko kasi ang minsang nagbabalita ng tungkol sa mga bigat ng kalooban ng kaibigan naming lalaki. Pero si bespren, kahit na bespren ko siya hindi niya sinasabi ang buong impormasyon, isang beses lang niya nagawa iyon nung pinilit ko siyang i-copy/paste ang usapan nila. Nasaktan ako ng sobra para sa kaibigan naming lalaki. Si bespren wala din siyang magawa, nasasaktan lang din siya para sa kanya.

 

Kaya ngayon na nagkaroon kami ulit kahit ng konting usapan man lang sa email. Masaya talaga ako. Naisip ko kasing hanggang doon na lang siguro ang friendship namin, pero mukhang hindi naman. I miss my friends in Pinas kaya excited na talaga akong magbakasyon ng matagal doon. At sa ngayon malamang mababawasan na o tuluyan ng mawawala ang pagka-praning ko tungkol sa bagay na ito.

Posted in Blogsters, Events & Occasions, Tags & Memes

2007 Christmas Tree Blog Parade

Saktong sakto ang pag-tag ni Chuvaness Malen sa akin. Paano ba naman, last week nagpumu-pose na ako katabi niya at meron pa siyang solo ha. Kahapon lang in-upload ko na ā€˜toh sa aking friendster. Inuna ko siya kahit pa tanghali na ako nagising at kahit na ng mga oras na iyan ay di pa ko nakakaligo hehehe. Natuwa lang kasi ako ng nakita ko siya paglabas ko ng room, na-miss ko kasi siya last year. Sa labas ko lang siya palaging nakikita, ni wala man lang anino niya sa dating tinitirhan ko. Kaya dahil sa sobrang kasiyahan kahit na bubwit lang siya, picture-an ever kaming dalawa.

 

Happy Christmas Together

Merry Christmas!!!

solo pic niya…

christmas tree

 

Pasensiya na din kasi iyan lang ang nakayanan sa bahay kasi naman mahirap maglipat sa disyerto kaya sagabal lang ang malalaking Chrsitmas Tree at maraming ornaments. Pinalibutan lang siya ng Christmas lights at silver garland. Sinabitan din ng (kabayo ba ung isa o reindeer?) red, blue & gold christmas balls. Ang participation ko jan taga-lagay ng tali sa mga balls para naman maisabit nila. Sa ngayon ang belen na nasa gilid lang ay nakapwesto na sa ilalim ng Christmas tree. Ngayon ko lang na-realize habang tinitignan ko yung picture na bumagay pala sa theme ang table cloth. Ang cute namin dibah.

 

Gusto ko naman makita ang mga Christmas tree sa bahay ni KiwiPinay, Sommer, Idotmatrix, Ice, Dilan, Nalen, at Vera. Un lang naman ay kung meron din kayong Christmas tree inyong mga bahay at kung mejo sinisipag kayo sumali sa tag.

 

xmastree_parade.jpg

 

 

############ START COPY HERE ############

This is a first annual 2007 Christmas Tree Blog Parade meme created and conceptualized by OTWOMD of Bluepanjeet.Net The purpose of this meme is to enliven the Christmas spirit by showing to the world our very own Christmas trees. They say that it is on the Christmas tree that best describes how a person celebrates Christmas. So here are the rules:

  1. Copy the Logo of this meme (Download it on the sidebar and resize it that will best fit your blog or according to your desire) and post it on your entry.
  2. Take a photo of your Christmas tree inside your house. A whole shot is the most appropriate photo. And post it on your entry
  3. Tell something about your Christmas tree like who decorated it, what are the ornaments and accessories, or what is the theme and meaning of your Christmas tree this year.
  4. You can put any title on your meme but donā€™t forget to include this ā€œ2007 1st Christmas Tree Blog Paradeā€.
  5. Do the link train history. Put the link of your previous bloggers who tagged you and your own link, Example: Tag History: Bluepanjeet – ā€œyouā€ –

The link train will provide clue on ā€œwho tagged whoā€ and at the same time a reference of data for the creator of this meme.

On The feast of Three Kings on January (The official ending of the Christmas Season), Bluepanjeet.Net will launch a mini site that will feature all of the participantā€™s Christmas trees for 2007 with a link back to their site. That is why it is very vital that you maintain the link history so that your Christmas tree will be included in the Christmas tree blog parade of 2007 and will be a part of history.

So tag now, you only have one month to spread this meme.

My Christmas Tag History: BluepanjeetChuvaness ā€“ Rhapsody – ā€œYouā€ (Put your link here) –

############ END COPY HERE ############