Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life

hindi na ako praning


Happy ako kasi nakausap ko kahit sa email lang ang isa sa aking kaibigan. Mag-iisang taon na din yata nung huli kaming magkita. Mag-iisang taon na din na hindi kami nagchi-chikahan sa YM o sa email.

 

Sobrang napa-praning na naman nga ako ng matagal tagal na din kasi unusual na di man lang din siya tumawag o magtext sa akin. Kahit forwarded message lang wala rin, sabagay di na uso para sa amin ang mga text-messages na yan hindi kagaya nung nasa pinas na halos makumpleto ko yata at ng kapatid niya ang mga textbooks. Pero ang ibig kong sabihin ay yung sumagot man lang sa text ko o tumawag dahil naka-ilang tawag na ako na hindi niya sinasagot. Hmmn.. siguro nung time na un walang load? o kaya naman nagluluto o naglalaba o namamalantsa o nasa labas o hindi narinig mag-ring ang fone niya kaya hindi niya nasagot. Siguro nga… ayoko din naman siyang tanungin kung bakit nga ba.

 

Isa pang dahilan ng pagka-praning ko ay di siya sumasama sa invitation ko, sabagay may mas mahalagang bagay siyang pinagkaka-abalahan kesa ang sumama sa gala namin. At alam ko din naman na may pagka-tamad siya kung minsan gumala-gala, ilan din naman daw ang tinanggihan niyang invitation sabi ng isa pa naming friend. na-praning din ako nung na-obserbahan ko ng ilang beses na kapag nag-oonline ako ay nag-ooffline naman siya. Minsan nga sinubukan kong gamitin ang stealth sa kanya, permanently offline ako para sa kanya. Nag-oonline ako ng invisible mode palagi, kaya di mo mapapansin na nasa tabi-tabi lang ako… matagal ko ding napansin na naka-online siya. Nagdesisyon na akong magpakita.. pero wala pang isa’t kalahating minuto akong lumitaw, naglaho na siya. Nung minsan na nag-buzz ako biglang nag-offline na lang din siya. Nalungkot ako. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Kung bakit ganun. Napatanong na lang ako sa sarili kung mababawasan na naman ba ako ng kaibigan?

 

Iniisip ko nga minsan kung may konek ba ito sa isa naming napakalapit at napakabait na kaibigang (bespren kong) lalaki na nasa Pinas na ngayon ay hindi na nagpaparamdam o nag-ssms man lang sa akin? Parang friendster kasi yan eh may networking. Ang asawa ng kapatid ng kaibigan ko ay kaibigan din ng kaibigan naming lalaki. Mababait silang lahat (pati na rin ako xempre lolz) pero may dahilan kung bakit ganun ang nagyari sa aming dalawa (at siguro kahit sa iba pang friends). Galit daw kasi ang kaibigan kong lalaki. Galit sa sarili niya. Ako naman si praning, dahil naisip kong may konek nga siya at siya sa kaniya, naiisip kong posibleng un ang isa sa mga dahilan, kasi hindi naman ganun ang kaibigan kong babae dati sa akin eh. Malamang naikwento ng kapatid ng kaibigan kong lalaki. Ang gulo bah? Basta ako lang ang nakakaintindi nito lolz.

 

Kaya nga nagulat at masaya ako na mejo mahahaba ang sagutan namin sa email ni kaibigan babae kahapon. Nabanggit nya ang pangalan ng kaibigan naming lalaki at dun ako nagsimulang magtanong. Sa katangahan ko naman sa iba pala ako nag-reply. Matapos ang mahigit isa o dalawang oras naisip kong kay bespren ko pala ako nagreply. Kaya ayun ni-resend ko na lang ulit. pero hindi na siya nakapag-reply.

 

Tumawag ang isa pa naming kaibigan ni kaibigang babae na kasama niya sa bahay na kasama ko lang nitong nakaraang Huwebes. Nabanggit ko na minsan dadalaw ako sa kanila at gusto ko ay ung nandoon sila pareho. Sabi niya doon na lang daw ako matulog tutal wala naman daw pasok kinabukasan kung ganung araw ako pupunta. Nung tumawag siya kanina nabanggit niya nga daw sa kaibigan namin at sinabing oo nga daw pumunta ako sa kanila ngayong darating na Huwebes at dun matulog. Tamang-tama matagal ko na silang gustong pasyalan pero nahihirapan ako dahil walang sasakyan noon, pero ngayong meron ng maghahatid sana nga makapunta ako. Madami akong ichi-chika tungkol sa problema, sa trabaho at sa lovelife. Sana maikwento ko ng lahat para makahinga na ako ng maluwag.

 

Kagabi hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nag-offline message ako kay kaibigang lalaki na nasa Pinas. Nagtatanong ako at nangungumusta na din. Mga apat na linya lang iyon. Mas masaya ako sa nabasang kong email kaninang umaga galing sa kanya. Ang sabi niya:

 

Rhapsody ndi ako galit o nagtatampo syo… malabo mangyari un…. tska wala naman dahilan pra magalit o magtampo ako syo….. ingat ka palagi jan..

 

Anyway, wala po akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin kung ano man ang dahilan. Heheh.

 

Mabuti naman at nalaman ko mismo sa kanya. Kesa mapraning ako ng kaiisip. Si bespren ko kasi ang minsang nagbabalita ng tungkol sa mga bigat ng kalooban ng kaibigan naming lalaki. Pero si bespren, kahit na bespren ko siya hindi niya sinasabi ang buong impormasyon, isang beses lang niya nagawa iyon nung pinilit ko siyang i-copy/paste ang usapan nila. Nasaktan ako ng sobra para sa kaibigan naming lalaki. Si bespren wala din siyang magawa, nasasaktan lang din siya para sa kanya.

 

Kaya ngayon na nagkaroon kami ulit kahit ng konting usapan man lang sa email. Masaya talaga ako. Naisip ko kasing hanggang doon na lang siguro ang friendship namin, pero mukhang hindi naman. I miss my friends in Pinas kaya excited na talaga akong magbakasyon ng matagal doon. At sa ngayon malamang mababawasan na o tuluyan ng mawawala ang pagka-praning ko tungkol sa bagay na ito.

10 thoughts on “hindi na ako praning

  1. mabuti na lang at may blog nakakawala ng pagka homesick jan hehe bigla ko tuloy namiss mga friends kong nag abroad din hehe ingats jan sis🙂

    Rhapsody: sarap magkita-kita ulit dibah.. miss ko na lahat ng mga kalokohan namin hehhe

  2. ay ano ba yan sis! pareha taung na prapraning kpag nagkikita-kita sa online ang mga dating prends… at nakaka miss tlga ung mga kagagahan na pinanggagawa with prends…hahahayyyssss….

    musta na sis ko?.. hndi ko prin nagawa ang tagged mo….sori tlga!

    have a great day!

    Rhapsody: nope.. praning as in paranoid ako kung may tampo ba sa akin ung isa kong friend o wala… pero ang nami-miss ko din ung mga gala namin… heheh okies lang ipon mo muna ung tag mo…

  3. minsan kailangan lang talaga ng konting kalabit para malaman kung anong balita e… pero kakamiss talaga ang mga kaibigan lalo na kapag asa malayo ano? tama si joanjoyce, at least may internet🙂

    Rhapsody: yeap.. buti nga may internet eheheh kung anu man ang problema kahit malayo naayos din

  4. have you done any Christmas shopping?

    Rhapsody: i already hand over to my relative here my gift for my family & friends in Phils… but till now he’s still here he suppose to go for a vacation last week… hope it’ll reach them before new year at least…😀

  5. I think that happens to most of us… Kahit ako ganyan din minsan. Naiitatanong ko rin sa sarili ko kung praning nga ba ako…🙂 I’m glad ok na kayo nung guy friend mo…

    Btw, Mylene Girl, sorry ngayon lang ako nakapag comment dito…🙂

    Rhapsody: walang problema sa mga comment comment na yan hehehe… yeah im also glad pero mas masaya siguro kung personal para ramdam na wala talagang problema… thanks sa pagsilip

  6. Minsan talaga nakakapraning lalo na’t malayo kayo sa isa’t-isa. Di mo maiwasang hindi magisip ng kung anu-ano.

    Rhapsody: may dahilan din ang pagka-paranoid ko pero un nga mas malala kapag malalayo kami sa isa’t isa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s