Posted in dubai adventures, Life, RoadTrip & Gimix

Lashing

Ang plano lang naman ay mag-dinner. Sa isang bar? Hmmmn alam mo na kung ano’ng meron kung sa bar magdi-dinner. Syempre may alak. Tinanong ako ng friend ni friend kung ano’ng drinks ang gusto ko. Syempre sinabi ko iced tea. Tinawanan lang ako at napilitan naman akong um-oo sa white wine. Matapos magpakabusog, inom ng inom. Hindi namin namalayan naka-apat na bote na pala ng wine.

Masarap kung sa masarap. Lasang beer sa una. Hindi matapang. Si ate laging pinupuno ang baso namin.

Ganun pala ang epekto nun. Hindi ko lang naman kinaya ang sarili ko. Nakailang suka. Natagalan makauwi dahil pinapahupa pa ang tama. Pero hindi talaga mawala wala. Ang ending – akayan ang nangyari. O ako lang ang inakay. Hehehe. Continue reading “Lashing”

Advertisements
Posted in Animals, dubai adventures, Life, Places, RoadTrip & Gimix, Showbiz & Celebrities

atlantis & dubai mall escapade

Dalawang sunod na week na paggala sa dalawang magkaibang attraction/destination sa Dubai. Ganito lang naman kasi buhay sa ibang bansa o kahit pa nga sa sariling bansa. Gala ever at picture taking ang libangan. Lalo na’t kung may bagong bukas na pasyalan. Gaya na lang nitong dalawang ito:

Gala #1: ATLANTIS , the Palm

Sa Official Grand Opening nito this coming Thursday maraming sikat na celebrities daw ang pupunta. Sarap sanang makipagbunuang braso este makipagbungguang siko sa kanila. Di naman ako patay na patay sa mga celebrities pero parang ang sarap makiusyoso at manood kung hindi lang sobrang mahal eh I’m sure present ako jan. May world’s largest fireworks display daw na mangyayari. Tapos may private concern pa ang tita kong si Kylie Minogue. Invited lang lang din naman sina Lindsay Lohan, Oprah Winfrey, Michael Jordan, Gerald Butler, Lily Allen, model na si Petra Nemcova, Janet Jackson and Jermaine Dupri at syempre hindi mawawala si Robert de Niro kasi nga may resto siya dun eh. Marami pang ibang nakalimutan ko na nga lang, itinapon ko na kasi ung newspaper matapos kong tignan ang mga pictures nila. OO sa sobrang sayted ko di ko na binasa tinignan ko lang pictures. Naiinggit tuloy ako dun sa mga nananalo sa radio station ng tickets to Kylie concert, plus Aquaventure pass at kung anu-ano pa. Ang kaso naman di naman ako nagjo-join na kinakabahan kasi ako baka matalo lang ako heheheh.

ang liit lang noh
ang liit lang noh

Hindi naman talaga yan ang topic kasi hindi naman ako makakagala sa mismong araw na iyan, of course kailangang magbayad kasi para maki-join sa kanila. Ang iwewento ko lang eh gumala nga kami jan sa labas lang nyan at pumasok dun lang sa lobby. Tapos nagtingin tingin ng mga fishy fishy sa aquarium. La lang nakikigulo lang sa mga namamasyal lang din at nagkukuhanan ng pictures.

Continue reading “atlantis & dubai mall escapade”

Posted in dubai adventures, E-mails & Quotes, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, RoadTrip & Gimix

Sand and Stone

I feel like sharing this email I got from my bestfriend. Na-inspire kasi ako.

Two friends were walking through the desert.
During some point of the journey, they had an argument;
And one friend slapped the other one in the face.

The one who got slapped was hurt,
But without saying anything, wrote in the sand:

Today my best friend slapped me in the face.

searching for the stone in the Safari

They kept on walking until they found an oasis,
Where they decided to take a bath
The one who had been slapped got stuck in the mire
And started drowning, but the friend saved him.

After he recovered from the near drowning,
He wrote on a stone:

Today my best friend saved my life.

The friend who had slapped and saved his best friend asked him,

‘After I hurt you, you wrote in the sand and now,
you write on a stone, why?’

The friend replied:

‘When someone hurts us we should write it down in sand,
where winds of forgiveness can erase it away.
But, when someone does something good for us,
We must engrave it in stone where no wind can ever erase it.’

Learn to write your hurts in the sand and to carve your benefits in stone.

They say it takes a minute to find a special person,
An hour to appreciate them, a day to love them,
But then an entire life to forget them.

Anywei, ang picture na nasa itaas ay isa sa mga gala ko (Desert Safari trip) the day before my birthday (Dec2006).

Posted in dubai adventures, Events & Occasions, Foods, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Places, Rants, RoadTrip & Gimix

holiday adventures

Super late ko na ito nai-post… mga adventures namin nung nakaraang eid holiday… isama ko na rin ang Christmas kahit hindi na kami nakapag-picture taking nung Pasko.

Tuesday – December 18
Hello Fujairah!

hmnkhor fakkan2parang beach park lang din sa khor fakkan

house in UAQ

Sa wakas nakarating na din ako sa Fujairah. Although wala naman gaanong magagandang pasyalan doon ayos na rin. Siguro lang kung dumayo kami dun para mag-swimming mas okey kasi I’m sure sobrang mag-eenjoy kami. Di nga ako napagod, kasi wala kaming ginawa kundi magpicture taking, kumain, magsight seeing, mag-chikahan at magpahinga.

Ang tatlong pictures sa itaas ay kuha sa Khor Fakkan beach – part daw iyan ng Sharjah pero halos katabi na rin ng Fujairah. Ang nasa ibaba naman po ay kuha sa UAQ. Hindi ko alam kung rest house lang ba iyan, nasa tabi lang ng beach nakatayo ang bahay na iyan.

Maaga kaming umalis ng Fujairah and we went straight naman to Umm Al Qwain. May nabibilhan kasi ng alak at mura pa – pero di naman kami nag-inuman. Bacardi lang iyon. Pero dahil mahina talaga ako sa alak kahit pa nga ilang porsiyento lang ang alcohol content madali akong mamula kahit na isang lagok lang ang inumin ko. At dahil nadala na akong sumuka (excuse lang po) nangako na ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako iinom, kung hindi naman maiiwasan, iinom ako ng kahit na konti lang, mga tatlong kutsara okey na.

Wednesday – December 19
JumeirahBeackPark Christmas Party!

First time ko lang din nakapasok dyan. Although madalas kami sa mga opelook at those ibons ang baba ng lipad noh! katuwa talaga!n beach. Iyang isang yan ay may entrance na 5dhs lang naman kaya pwede na rin. Maganda din pala sa loob – wala din kaming ginawa kundi ang umupo, maglakad, magpicture-taking at lumafang. Sinabit lang kami kasi parang kami na ang family nila heheheh. Actually Christmas Party iyon ng mga kapamilya ng katrabaho ni Kuya – Pinoys only. Grabe ang daming foods. Sa bahay pa lang namin ilang putahe na ang dinala namin courtesy of mag-asawang Ate & Kuya. Nagdala kami ng sweet & sour na malalaking isda (hindi ko alam kung anong tawag sa isda na iyon), big fish na pinrito din, kilawing tanigue, masarap na Chopseuy, at home made chicharon. Ng dumating ang iba lalong dumami ang foods – may humba na ang akala ko hipon un pala baboy ang humba, inihaw na pusit, shrimps, inihaw na isda, inihaw na baboy o liempo yata yun ewan ko basta masarap, may spaghetti, fruit salad, at kung anu-anong fruits. Kung meron pang ibang dumating na foods malamang hindi ko na napuna dahil busy ako sa pagkain. 2pm ba naman kami nagsimulang kumain hindi pa naman ako nagbreakfast, kaya wala kaming kibuan. Nang mabusog na kami ayun na rumampa na kami sa beach at nagpicture-taking matapos hulaan kung ung hunk na naka-red & green na trunks at ung isa pang hunk na naka-yellow & blue na trunks ay iisa o hindi. Pareho kasi sila ng katawan – ma-abs. At sa tuwing wala ung trunks na green & red andun naman ung yellow & blue. Ang gulo. Ang hula ko nga eh nagpapalit siya ng trunks hahahahah. Sayang di ko na-picture-an…. ung foods!

yhen, marlyn, ate merlyn, moi and anne with a sexy momma sa tabimarlyn, me & ate merlyn — gutom na kami nyan!me & my roommates again… absent ung isa naming kabahay!

Continue reading “holiday adventures”

Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, RoadTrip & Gimix

Trip to Al Ain

Masyadong late na ang entry na ito. Pero huli man daw at magaling, ipo-post ko pa din. 😀 Pictures lang naman kasi ang gusto kong i-share. Di ba nga nagkaroon ng holiday at 3 days un (yeheeeey!). Pero iisang emirate lang ang napuntahan namin. At iyon ay ang Al Ain.

Pangatlong beses ko na rin itong pagpasyal sa Al Ain, pero wala pa rin akong kasawa-sawa kahit na pagod na pagod ako pag-uwi. At kung bakit ba naman sa tuwing pupunta kami sa Al Ain ay meron akong bisita, lam mo un girl?!! Dyahe! Kaya panay ang stop namin sa mga petrol stations.

‘Yung first two trips namin, maayos ang byahe walang ka-traffic traffic at marami ang tao. Pero nitong Sabado, nagulat kami. Sobra ang traffic at sobrang daming tao. At dun sa mga magagandang spot na dati naming pinupuntahan kagaya ng Jebel Hafeet at sa ibaba nito kung saan may hot spring na pwede mong ibabad ang paa mo. Aba hindi na kami makapasok dahil hindi na kumikilos ang mga sasakyan papasok. Kaya naman pala – punumpuno ang parking. Tuloy ‘yung iba ay nag-aatrasan na. Kung dati 8pm pa lang nakakabalik na kami ng Dubai. Nung Sabado naman mag-aalas dose na kami nakarating ng bahay. Pero masaya din naman kahit papaano, siguro next time na lang ulit kami mamasyal doon.

Share ko ang piktyurs kahit kadalasan mukha namin ang laman.

Continue reading “Trip to Al Ain”

Posted in Events & Occasions, Life, RoadTrip & Gimix, Work & Work Hard

it’s GITEX week!!!

I had fun yet tiring day yesterday. It’s Gitex ’07 kaya marami ang nangangati ang paa para bumisita sa DWTC Exhibition Hall at sa Airport Expo. GITEX is an Information Technology Exhibition held annually in Dubai. Sa Trade Center ka dapat bumisita kung gusto mong makita ang mga latest & upcoming gadgets and electronics like mobile phones, PDA, MP4, Plasma TV, Digicam, pati na rin ang mga computerized time clocks at mga surveillance camera. At kung gusto mo namang magshopping at a lower price, pupunta lang sa Airport Expo, un nga lang parehong may bayad ang Entrance. Kaya pwede na rin bumisita na lang sa mga showrooms ng participating companies kung hindi naman ganung kadami ang bibilhin mo.

Kapag Gitex kasi dito, syempre excited ang mga shopping addicts. The other day pumunta kami sa showroom ng isang Exhibitor sa Gitex at dun na lang kami bumili para naman wala ng entrance fee. Ganun din naman iisang piraso lang ang bibilhin namin. Nakabili nga kami ng Sony Digicam. Mura na sa 899dhs na presyo nito ngayon compared sa 1200+ nitong price before Gitex at may free hair dryer pa. Happy talaga ko kasi last Gitex ko pa planong bumili ng digicam na hindi ko nabili dahil I’m broke at that time. Teka magkano na nga ba ang ganitong digicam sa Pinas. Saan kaya mas mura?

Anyway, yesterday naghalfday ako. Kasi sabi niya ‘yung kakilala niya daw may visitor’s pass. Sinuot ko ang ID ng friend nya at pagpasok sa loob, hinubad ko na din para maibalik niya ang ID. Pagpasok ko pinasuot na lang sa kin ang ID lace na walang ID. Mabuti na lang pala may blazer ako kahit papa’no naitago ko na talagang walang ID ang lace ko.

Continue reading “it’s GITEX week!!!”

Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, RoadTrip & Gimix

Weekend gala

Balik office na naman after two days na pahinga. Parang laging kulang ang two days na off.. haayy.. pero maswerte pa rin ako dahil ang mga ka-roommates ko ay isang araw lang ang pahinga. Ung isa naman halfday ng Thursday, tapos Friday off nya. Lamang pa rin ako sa pahinga. Un nga lang lagi din naman kasi akong umaalis ng hapon kapag off ko. Nakakabaliw din na nasa bahay lang maghapon, lalong lalo na kung Saturday, dahil ako lang maiiwan mag-isa.

Nung Friday nagpunta kami ng IBN Battuta Mall. Parang first time ko nakapunta dun, sabagay first time nga. Kasi nung pinaka-first time eh nag-cr lang ako sa China Court at hinintay ang asawa ng pinsan ko para kunin ang padala ng mudra ko. Tapos sibat na din ako. Hindi talaga ako naglakad-lakad o nagwindow shopping man lang. Pero last Friday, dun kami nagpunta. Lakad lakad lang muna, tingin tingin, pero ang target ko dun makabili ng mga tig-10dhs na blouse sa Terranova. Pero malas talaga ako, kasi wala akong nakitang tig-10dhs puro mga 35 pataas. Kaya hindi na ko bumili kasi naman bakit ‘yung mga ka-officemate ko at ka-roommate ko. Happyng happy sila tapos talagang ang dami nilang biniling blouse sa ganung presyo lang, samantalang ako ni isa walang nakita. Kakainis. Dismayado tuloy ako. Kaya ikot ikot muna ko. Sinuwerte din kahit papano kasi pagpunta ko sa River Island, may nakita kong tig-12dhs lang. Sinukat ko muna ok na din, since mainit talaga masarap syang isuot, kaya binayaran ko na. Pagdating ko ng counter naglabas ako ng 100dhs. HInihingi sa kin syempre ung mas mababa lang. Sabi ng cashier, 10dhs daw. Nagulat ako un pala 9dhs lang ang sisingilin nya. Aus. Mangunguha pa sana ‘ko ng iba pa kaso lang ang lalaki ng size eh. Size 6 lang ako samantalang ang mga natitira dun ay size 8 hanggang 20. Parang daster na ang dating sa ‘kin nun.

Continue reading “Weekend gala”

Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Random Thoughts, RoadTrip & Gimix

Muni – Muni

ithot.jpg

Parang may malaking thought bubble akong nakikita sa ulunan ko sa may bandang kaliwa. Dami ko kasing iniisip at mga tanong na nagkakapatong patong na yata. Aha! Meron nga! Ayan basahin ang nasa utak ko..

->> May sweldo na kaya tomorrow? Sana meron na ng mabili na ang dapat mabili. At mabayaran ang dapat bayaran.

->> Malapit na ulit mag-Ramadan. Nakupo, dapat every Thursday magluluto na naman ako sa umaga for my packed lunch, kasi walang ipoprovide na free lunch sa opisina kasi nga fasting na naman sila eh.

->> Excited na ako sa planong swimming sa Dreamland Aqua Park. Magbe-bathing suit ba? Keri ko ba hahaha.

->> Magagalit kaya siya? Basta.

->> Sasama kaya si friendship? Nakabili na ng ticket si friendship2 para sa aming lahat kaya sana makasama silang dalawa.

->> Kaya lang bakit kaya hindi pa rin nagrereply or nag-ko-callback man lang? Baka busy pa sa work. Napanginipan ko pa naman siya kagabi. Binigyan niya ako ng cute belt na parang isang malaking bracelet na may jewels pero belt nga siya.

->> Malapit ng dumating si Ate. Ang asawa ni Kuya. Mabait kaya siya? Sana hindi siya masungit. Half-tukayo pa naman kami.

 

->> I’m craving for chocolates kaya bumili ako kagabi pero ubos na, and i’m still craving for more.

->> Ang init dito! Sana mag-winter na.

Posted in Events & Occasions, Life, News & Issues, Rants, RoadTrip & Gimix, Work & Work Hard

Ng dahil sa cake…

Today there is another celebration.

I think tomorrow (Friday) is MJ & A’s (the boss’ fiancée) birthday. But we had an early celebration today since there’s no work tomorrow. And since it’s Thursday, there is a regular lunch in the office. Again, we had KFC meal. Plus we have 2 cakes today.

We never thought that we will hear something from the big boss (BB). That is about the cake that we had taken home. He’s not saying it directly to us but he is trying to hit us with his words. As if naman we’re guilty, we just obeyed MJ. He should’ve thought of that! Ang cheap ng amo nmin noh. Cake lang nagkakagon na. Bulls**t sya! We didn’t plan to have our portion of the cake anyway. But the thing is, he should not make us feel that way. First, we are ladies who he’s bulls******g. Second, it’s just a cake!!! Ganito kasi ung sinabi nya eh, nung una sabi nya: (English yan ah) “Ok kung sino pa ung wala kumuha na kasi ndi pwedeng pag-serve-an ko pa kayong lahat”, then my colleague says that she saw BB counted all of the staff so he would know kung ilan ang hatian.. pretty sure we’re not counted malalaman mo mamaya kung bakit {Coz we’ve had enough nga naman eh dibah at etoh pa.. }…

And we went back to our table.. this is what we heard next: “OB, keep this cake now for the two guys.” Two guys – un ung Account Managers namin na wala pa nasa labas pa kasi may appointment sa client.

My goodness tlga! Ang cheapangga ng lolo BB nmin. Siguro mahirap lang siya nung bata pa sya kaya cake lang eh issue na sa kanila. Bilihan ko kaya toh sila sa Pat’s Bakery or Jhon-Riz Bakeshop (hahah). Imagine ha, whenever there are celebrations & we have cake (lagi nman cake lang eh nataon lang Thursday ngayon kaya may KFC kami). I just noticed na kapag ganitong cake party, my colleague was always in-charge of dividing the cake… So bakit ngayon si BB?

Next thing is, we always gets our share first coz kami ang laging una nyang tinatawag to get foods since we’re girls. Pero kanina inuna kung sino-sino at ang mga lalaki. Isa pa, nakita ng colleague ko talagang ndi kami nakasama sa bilang ng hatian. Nakita nya daw sa fridge (kasi nga pinatago na ng hinayupak na amo nmin ung cake dibah) na talagang dalawang slice lang ang nakatabi. See how shallow our boss is..???

And his OB-slash-houseboy-slash-driver-slash-photographer-slash-chuchung sumbungero-slash-aso-slash-ALIPIN.. naku.. nakakainis talaga, etong OB na toh kasi may personal na galit sa ‘min eh. Nagsimula nung kumuha kami ng sweldo. Labas ang totoong ugali ng OB na ‘yan. Hay kung alam nyo lang. Mabibwisit din kayo sa OB na toh.

Posted in Events & Occasions, Life, Rants, RoadTrip & Gimix, Work & Work Hard

Piece of Cake!!!


cake01.jpgcake021.jpg

[Ung title – ayan narinig ko lang yan sa isang colleague ko. Pinaririnig lang namin sa mga kasama naming mabababaw ang pag-uutak!]

I am just bored to write yesterday, that’s why ngayon lang ulit ako mag-uupdate. We had fun at Hard Rock. Picture taking kami. Then there’s also an Australian band performing that night. I had rib-eyed steak and ice tea na ndi ko naman naubos kasi sa soup pa lang mejo nabusog na ‘ko. After the dinner, we decided na uwi na kami since MJ (finance manager) already asked our OfficeBoy (OB) to drop us (3 girls).

We waited for him (OB) pero mukhang abah nag-eenjoy sa pag-inom at billiards. My colleague called him up, but told her that we should wait for him til he finished playing billiards. We waited but it felt like hell waiting outside the Hard Rock coz it’s summer and humid is there. Ang lagkit na namin. I called him up and he said the same thing he said to my colleague. We kill the time by just taking more pictures.

By the way, we had the cake & drinks-in-can, since MJ told us to just take those foods home coz they all (staff) left after dinner – though the boys are upstairs playing billiards & drinking. One staff of Hard Rock which happens to be the sister of one of my colleague divided the cake into four – each of us having our portion of the cake. Since MJ told us to just take the cake with us and nobody would bring that cake to office and it’s also late.

Still, we waited for OB but we are losing patience and my colleague had also contacted her hubby to just pick us up. I, on the other hand, sent a message to MJ telling him about OB. To cut the long story short, we decided to ride with my colleague’s husband and he was scolded on the phone with MJ & our big boss.

The next day, we never thought that an issue will come out of that cake we took home. OB went to Hard Rock to get the cake, staff from Hard Rock are calling because of that. MJ just explained it to the big boss and ask my colleague to call Hard Rock and ask for apology. In the afternoon, one arrogant designer asked my colleagues about the cake & said that we’ve had enough, which makes us of course irritated. Kaya ayun nagkukuwentuhan kami about what happened, pinapatamaan siya. And the boys would talk in their language which we can’t understand, laughing and all. ang babaw tlga nila. We didn’t stop also until we got tired.

Problema kasi kay OB ndi nya ginagawa ung responsibilty nya, like to take charge of cleaning our mess in Hard Rock, i mean ung cakes & drinks, dapat inuna nya muna un pinasok nya sa kotse or binilin sa staff ng Hard Rock, instead inuna nya ung pagha-happy happy nya.

Hay naku. Kain na nga lang ako ng cake.

Posted in RoadTrip & Gimix, Work & Work Hard

Hard Rockin’

Last Aug. 02 anniversary ng company namin. Last year on the very day we celebrated it. But this year mejo late celebration ang drama namin. Meron kasing mejo gustong magpaka-KJ ndi yata pwede last Thursday. So tomorrow night na po un. Sa Hard Rock daw kami ayun nagpa-reserve na kami at nag-order na kami ng foods namin, may cake pa nga na inorder din sa French Bakery eh. I’m not sure kung anong flavor sana chocolate or mocca. Last year din binalak na din pero may nagkuripot na amo ewan kung bakit ndi natuloy kaya akala namin drawing na naman toh.. pero mukhang tuloy na tuloy na.

Mamaya pupunta pa pala kami sa Sharjah Airport. Ihahatid ang friendship ni Popeye (sino toh?.. basta!!!). Mamaya naman dadating na ung isa pang room mate namin from Pinas. Sana lang mabait din siya. Promise kasi ang hirap makisama eh. Ok lang kung talagang magagaling makisama sila at mababait. So far kasi wala naman akong problema sa 2 room mates ko, sana ung dadating bait din noh.

To GD – Happy Anniversary!!!