Posted in Language & Culture, Random Thoughts, Rants, Work & Work Hard

bilasa


 

Kapag may nagtanong sa akin kung saang bansa ako nanggaling, I’ll proudly say that I’m from the Philippines, with matching taas noo at kilay sabay smile.

Pero meron din palang iba na parang ikinahihiya ang pagka-Pilipino nila. Hindi ko alam kung ikinahihiya o itinatanggi o pareho lang naman yata yan eh. May bago kaming kasama sa opisina. Obviously he or she (not sure about the gender coz he is a guy sporting a shoulder length straight hair but acts & sounds a bit like a lady) is a Filipino. Kung magsalita siya ay Pinoy na Pinoy na parang may punto pa. Nakakapagtaka lang hindi niya pinapansin ang kapwa Pinoy nya na kasama niya sa iisang maliit na opisina. Siguro nahihiya dahil bago pa lang siya? Pero hindi eh, no signs of him/her of pagiging mahiyain plus he/she talks so much sa mga kasama naming ibang lahi pero sa kalahi niya hindi. The whole day maririnig mo siyang nakikipag-usap sa mga kasama naming ibang lahi. That person was hired as the manager of the Design department. We don’t want to think that he/she’s just too damn proud that he is a ‘manager’ but I wonder bakit wala siyang sariling office or a table, a chair & own PC to use until now.

 

Not a Pinoy huh!!!

Minsan narinig na lang namin siya na kausap ang isa sa mga Manager namin. Tinanong siya nito kung saan ba siyang bansa nagmula. Sinabi niya naman sa tonong mula malakas na boses hanggang sa halos ibulong niya na ng ang salitang ‘Philippines’ na ang dapat niyang banggitin. Pero may kasunod pa: ‘It’s (Philippines) just for my passport, I’m actually a mixed race.’ Hindi niya na nabanggit kung ano pang ibang breed lahi niya. Sabi ng mga ibang lahing designers ganun din daw ang sinabi sa kanila, pero hindi din nabanggit kung ano pang ibang race niya. Kung ang tatay o nanay pero ang buong pangalan niya ay tunog na tunog Pinoy din naman. Ang nakakaimbyerna lang ay ang sabihin pa niyang: ‘I don’t talk that much to Filipinos, I only socialize with Japanese or French guys.’ Kaka-highblood naturingang Pilipino pero bakit siya ganun?

Lumipas ang ilang linggo, kibitkibitan lang kami ng balikat. Kung ayaw niya palang makipag-socialize eh di manahimik na lang kaming mga kabayan niya dito dibah. Pero kung minsan hindi rin naman namin maiwasang mag-smile sa kanya kapag nagkakatinginan or kapag may tanong siya na dapat naming sagutin. Pero take note nag-iingles pa rin ang mokong kahit na halata ang punto niyang parang bisaya yata. Basta parang ganun ang punto kahit pa english ang salita niya, hindi ba kung kalahi mo yan halata mo at alam mo rin kung purong Tagalog ba siya, o Bisaya, Ilonggo, Kapampangan o ano pa man.

Pero kakaiba talaga si Kabayan. Last week’s lunchtime, Kahit na iinvite mo siyang kumain na, dahil may free food kami every Thursday, hindi siya tuminag. Nang dumating ang big boss namin at tinanong siya kung bakit hindi pa siya kumakain, ang sagot niya: ‘Coz since I’m new here I don’t know what is that for? (amp! food kaya un eh di kakainin) Nobody’s telling me what to do.. And I’m waiting for them (kami ‘yun na nasa labas ng Sales Dept office) nobody’s inviting me.’ Naririnig namin un sa aming pwesto, pero napaka-unethical naman kung makikisingit kami at sasagot pa. At ng tanungin siya ng big boss kung bakit nga ba hindi siya nakikipag-usap sa mga kapwa Pinoy niya, in fairness ang sabi pa ng boss namin na mababait naman daw kami. Ang sagot niya: ‘I’m new in this company, they suppose to welcome me.. and most of the time they’re just turning their back on me’ something like that, at eto pa: ‘I don’t socialize with Filipinos..’ parang inasar siya ng boss namin at sinabing.. ‘Ahh coz you have a Spanish blood.’ Tinanong siya ng amo ko kung sino sa amin ang ayaw sa mapapangasawa niya, hindi siya nakapagsalita kaagad at ang nasabi lang: ‘Anyway I can understand whatever they are saying.’ Patay! Kadalasan pa naman kapag may pinapagawa ang mapapangasawa ng boss namin panay ang reklamo at panlalait ng kasama ko. Kaya nga sabi ko na lang.. hinay hinay na lang. Kailangan naming matuto ng ibang language na hindi maiintindihan ng aming kabayan.

Still wondering.. bakit may Pinoy na kagaya niya? I mean I wouldn’t mind kung ayaw niya talagang makipag-socialize sa mga kabayan niya maybe he has issues, pero yung kung anu-ano pa ang mga sasabihin niya.. bahala na nga siya. Basta ako, may sariling mundo sa office.😀

May kasabihan nga tayo:

Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang amoy ng mabahong isda.

 

16 thoughts on “bilasa

  1. you meet all kinds

    for whatever it’s worth, I’m proud of you.

    Rhapsody: Tenkyu!😀 Can u understand my language? if not, well the entry is about a new officemate who’s not proud of being a Filipino

  2. you’re an architectural firm?
    design-build?

    or building contractor?
    multi-disciplines maybe?

    Rhapsody: an exhibition contractor.. so it’s just for Exhibition. we don’t have a website yet but u can check our competitors site (heheh no choice).. it’s domeexhibitions dot com so u’ll get an idea what’s our services..

  3. Hi Rhapsody….hay naku Tita marami ding ganyan dito sa kinalalagyan ko….siguro mga ka tribo yan ni MF ng manila standard….

    Rhapsody: halu po! tama.. baka nga alagad nya un! heheh.. ewan ko kakaiba sila!

  4. Sobra naman yung officemate mo! Pero tingin ko pa-bida lang yan sa una, tingnan mo pagtagal-tagal lalandi na rin yan. Pero kung hindi talaga nagbago, dedmahin niyo na lang, kunwari masamang hangin na lang siya pag nadaanan niyo! Hehe!

    Rhapsody: sana nga ganun lang kasi kung hindi.. wala lang.. wala naman magagawa kung ganun talaga. isipin ko na lang Japanese siya hehe😀

  5. he’s not friendly to you?

    Rhapsody: Not in his personality to be friendly with Pinoys. Remember.. he said he don’t socialize with people like us. Filipino. But he sometimes smile naman. so okei lang.

  6. I’ll bet , the next time you decide to wear a dress at work, he’ll be all over you.

    Rhapsody: Thank u!😀 but u don’t know what ur saying.. he is a ‘she’..

  7. Ay marami ganyan dito sa States. Kapag tinanong ko pa kung “are you filipino?” eh bigla ako sisimangutan tapos tataasan ng kilay at sasabihin na “I am nut a pilipino” eh obvious naman…lol*

    Rhapsody: natawa ko sa ‘nut’ ah😀 just an hour ago, kung anu-ano na nman ang pangmamaliit na nasabi niya against Pinoys..’

  8. nakakainis minsan yung ganun. marami rin kse ganyan dito. usually very snobbish talaga pero meron rin iba na friendly and down to earth. kadalasan, mas mayayabang pa yung bagong dating dito kesa sa mga dito na lumaki.

    Rhapsody: normal na pala tong ganitong mga tao? nakakainis na nakakalungkot.. lalo na kung puro pangit ang ipagsasabi mo tungkol sa pinagmulan mo.

  9. Pingback: inshallah «

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s