Posted in Events & Occasions, Foods

pahabol thanks & hapi new year


sa aming Company na nag-aksayang magbigay ng birthday cake para sa birthday ko… actually ganun talaga dito kapag may nag-birthday may cake. at ngayon lang ako nabigyan ng cake kasi last year wala kaming pasok. Ung fiance ng boss ko siya ang naglagay ng icing sa mukha ko. Ang daya nga eh nung siya ang may birthday hindi siya nagpalagay ng icing – kasi nga masisira ang make-up niya. Pero kapag ibang babae ang may birthday naku dapat dumihan ang mukha. So siya nga ang naglagay sa mukha ko – aba naman dinukdok ba naman ung mukha ko. teka ano nga ba ibig sabihin ng dinukdok? Yan kasi ang word na biglang pumasok sa isip ko. Buti na lang ang boss namin sinabihan siyang ‘okei.. that’s enough!’

Nung nagpunta ako ng cr para maghilamos – happing-happy ang babaita – sorry daw at nasira niya ang foundation ko. Sagot ko naman – wala akong foundation. Paglabas ko ng CR akala ko nga mang-aasar pero bumawi din siya sa huli. Ang sabi niya…’See walang pinagbago ang look mo… walang nasayang na foundation. u still look pretty’ naks! ang plastik noh! hahahah… buti na lang kaming mga ka-officemate kong pinay ay di nag-aaksayang mag-make up or foundation. Pond’s loose powder lang pwede na, kaya always ready kung may batuhan ng icing hehehe… Ung fiance kasi ng boss namin, na siya na ngang magiging CEO kaya dapat Madam na ang tawag namin pero ang tawag namin sa kanya ay ‘Hi’ at hindi Madam dahil hindi na namin siya matawag sa pangalan niya kaya Hi na lang, ay sobrang kapal mag-make up. Once nakita namin siyang walang make-up nung bago palang siya sa company, ang sabi nga sa kanya ng receptionist naming Syrian mukha daw siyang patay. Nung time na un sikreto pang mag-jowa pala sila ng boss namin at siya ay naniniktik pa lang kung talagang nagta-trabaho kaming mga staff ng jowa niya, kaya nasasabi pa un ng receptionist sa kanya. Pero nung time na sabihin na nila na sila ay mag-jowa pala – unti-unti ng nag-alisan ang iba kasi nga hindi nila gusto si Madam. Ay tama na ngang kwento kay Madamba. Nakalimutan kong pasasalamat nga pala tong entry kong ito.

wallet pink kung pink 2nd cake

Salamat ulit kay M sa cake na binigay niya. At sa pink kikay shoes na gift niya rin sa akin. At isang red rose na hindi ko na na-picture-an kasi sobrang sakit ng ulo ko kagabi. Ang dami niyang gift noh. Kay roommate M na ginising pa ako kagabi para ibigay ang gift niyang wallet. Naalala ko tuloy na may tag sa akin si Malen sa wallet na tinanggihan kong gawin kasi nga coin purse lang ang madalas gamit ko. But since gift ito ng mabait kong roommate, gagamitin ko na ang cute wallet na ito. At gagawin ko din ang tag na iyan.

Pictures ng birthday ko sa company will be posted later… nasa cam kasi ng ka-officemate ko. 😀

eto na ung picture, yan na lang ang pangit nung iba eh heheheh…. at ulit… pahabol na thanks ulit sayoh M sa new year gifts mo sa akin, di ko na din iisa-isahin basta ang cute nung brown jacket tamang tama sa lamiging kagaya ko – kapag suot ko un feel na feel ko ang summer hehehe…

thanks din pala kay A sa ginawa niyang ito

.

Sandali New Year na pala bukas… hmmn.. san kaya ko magse-celebrate ng New Year? Sa bahay o sa Creek? Mga ka-berks in Dubai kita kita na lang kaya tayo sa Creek, may fireworks display dun. Kung gagala ka naman sa Global Village mamaya, i’m sure meron ding fireworks display dun like last year.

 

HAppY NeW YeAr EveRyoNe!!!

9 thoughts on “pahabol thanks & hapi new year

  1. …uy sakto hindi pa ko nakakapunta sa creek o global village!! malay mo magkabanggaan pa tayo later!:p
    …happy new year!!!:p

    Rhapsody: happy new year din!!! cge bungguang braso na lang tayo! punta ka na sa mga lugar na yan, time for u to enjoy the holiday na kasi mukhang last na to’.. tapos tagal na ulit ang holidayssss…

  2. naks! walang katapusang regalo! yang cake na yan ang gusto ko! ayaw ko nung isa! alang lasa! nyahhahahaha!!!

    Happy New Year, gandaaaaaa!!!!!! regalo koooooooo!!!

    Rhapsody: tawa naman ako ng tawa sayoh ateng hehehe.. oo nga naman walang lasa ung isang cake ahihihihi… cge slice ka na jan at kuha ng isang cherry wahahaha…

    Happy New Year din….. ganung kalaking camel po ba ang gusto mong iregalo ko sayo? Hehehehe… hope na happy ang talaga ang New Year mo!!!! wabyu!

  3. hapi hapi new yr mis byutipul! di ko makalimutan face mo kc kahawig mo frend q, prehas kau malamlam mata, parang ang sarap ma2log😳😀

    Rhapsody: thanks happy new year also…. talaga hehe lagi nga ko sleepy cguro ganun din siya dahil siguro sa mata😀

  4. Uy Happy New Year at belated Happy Birthday!! Pasensiya na at na-late sa pagbati, may cake pa ba?🙂

    Rhapsody: meron pa sa ref pinagtira kita hehehe sana di pa sira😉 salamat at happy new year din 2 u & ur family!

  5. WOW! TLGANG PULANG-PULA KA SIS… TLGANG BLOOMING NA BLOOMING KA…SARAP NMAN NG CAKE MO..MAY NATIRA PBA JAN?..HIHIH PENGE NMAN…HAHAHAHA

    HAPPY HAPPY BIRTHDAY SIS!

    Rhapsody: hehehe.. nakakahiya nakalimutan kong di pala dapat ako nagpula kasi birthday ko hehehe… may tinira rin ako sayoh hehehe😀 TY!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s