Posted in About me, Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life

Age is nothing but a number


Whether I like it or not… madadagdagan na naman ang edad ko… ilang araw na lang at tatanda na naman ako. Noong nag-aaral pa ako lalo na nung elementary, naiingit talaga ako sa mga kaklase ko na ang birthday ay pasok sa school days. Kasi meron silang celebration sa room. Samantalang ako laging walang pasok pumapatak ang birthday ko. Wish ko nga nun na sana January ang birthday ko para din mas maaga.

Sa tuwing may nagtatanong kung kailan ang birthday ko ang laging tanong nila sa akin… “Bakit hindi Rizalina o Riza o Rizalyn ang pangalan mo?” Basta anything na connected sa pangalan ni Rizal. Kasi un ngang araw na yun ang birthday ko. Naisip ko nga nun parang ang ganda nga sana kung sinunod ang pangalan ko sa kanya. Pero okey na din, sinunod din sa isang kilalang tao ang name ko. Yun nga lang kay Melanie Marquez. Kasalukuyan yatang sikat siya dahil sa Miss International.

Muntikan pa akong hindi mag-exist sa mundong ito. Kasi ang kwento nila sa akin, wala daw ako sa panahon. Isang taon lang ang pagitan namin ng Kuya ko at di pa nila ako kayang buhayin kung sakali. Kaya kahit na ginawa nila ang lahat para mailaglag ako, hindi sila nagtagumpay, malakas daw ang kapit ko. Kapag napag-uusapan namin yun sa bahay hindi ko maiwasang sumama ang loob o mangilid ang luha pero syempre di ko pinahahalata. Tawa pa ko ng tawa habang sinasabi na nung nasa loob pa ko ng tyan nakikita ko ang gamot na pampalaglag at iniiwasan ko. Syempre tawa na lang din sila ng tawa sa akin. Mabigat sa loob pero nagpapasalamat din ako kasi nabigyan ako ng chance na mabuhay sa mundong ibabaw hehehe.

Nagpapasalamat din sila dahil naging normal ako. Naawa sila lalo na nung makita nilang babae pala ang magandang baby heheh. Ang akala kasi nila lalabas akong may diperensya dahil sa kung anu-anong paraan ng paglalaglag ang ginawa nila sa akin. Nahirapan lang si mudra nung ipinanganak niya ako, halos ikamatay niya dahil muntik na siyang maubusan ng dugo. Sa bahay lang ako ipinanganak pero kinailangan siyang isugod sa ospital dahil hindi tumitigil ang pagdurugo niya.

Anyways, happy naman sila dahil walang naging masamang epekto sa akin ang mga sinubukan nilang gawin noon. And thankful din ako dahil hindi nga ako tuluyang sumuko sa tyan ng mudra ko. We owe everything to God.

May mga araw kung minsan pinagmamasdan nila ako lalo na ng aking pudra. Proud sila sa mga accomplishments ko (meron nga ba) at sa mga nagawa ko sa buhay ko. Masyado din nila akong pinangalagaan dahil ako ang kanilang kaisa-isang prinsesa. At di man ako ang tipo ng tao na nagsasabi ng ‘I love you’ sa mga importanteng tao sa buhay ko… kasi di talaga kami sanay na magkakapatid, di kami sweet eh, mahiyain kami Heheh. Dito ko na lang sasabihin (malay mo mabasa nila)…

I love you mommy & daddy.

 

26-Dec —> Pahabo lang po… Nakalimutan kong PASKO nga pala ng i-post ko ito, kaya greet ko lahat kayong lahat ng MERRY CHRISTMAS!!!

 

Merry Christmas!!!

10 thoughts on “Age is nothing but a number

  1. ako na ang unang babati sau ng HAPPY HAPPY BIRTHDAY! HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO YOU SIS!

    …at kahit ano pa ang pinagdaanan mo nung unang panahon, hndi na un mahalaga…and mahalaga ngaun! another year has been given to you…di ko lng alam kung ilang taon kna…hihihi- am sure ur mudra and pudra have no regrets having u in their family…the only regrets they felt is ung ginawa nila sau nung nasa tiyan ka plng ni mudra mo..kc ganun din ako…muntik ko nang i-give up ang anak ko c Kirk…pro katulad mo siya sis malakas ang kapit nya…at ngaun malusog na malusog…katulad mo!… ang pag dating mo sa buhay ng parents mo are really a blessing!

    …naku! marami pla taung mga bloggers na December…ako rin kakacelebrate ko lng ng bday ko last saturday December 22…hihihi

    …on ur birthday wish u good health and more blessings to come… bless you sis!

    love,
    vera

    Rhapsody: thanks!!! see mabuti din at anjan may Kirk ka ngayon dibah… kung hindi sad ka kasi wala kang inspiration… for me wala na rin un,,, im happy kasi they are very loving parents!😀

  2. …hala, kagulat naman kwento mo.😦 good thing wala masama nangyari sayo, at buti na lang malakas ka kumapit.:p
    …merry christmas, happy beerday at prosperous new year mylene!!!…

    Rhapsody: natural na naiisip ng parents na gawin ang bagay na ito pag di sila ready & im glad na di ako natuluyang bumigay hehehe… thanks sa greetings! merry christmas & a wonderful new year to you & jmj!!!!😀

  3. Babati rin ng Merry Christmas kahit na-late ng konti!🙂
    Pero bawi naman ako, Advance Happy Birthday!!!!

    God Bless!

    Rhapsody: hehehe.. salamat kiko!!! belated merry christmas ulit at babawi din ako.. advance happy new year!

  4. Happy Birthday sis Rizalina hehehehe.. keri mo naman yan kahit yan ang ipangalan sayo😛 at si pudra baka chinecheck nya kung kulang kulang ka e kumpleto kaya proud ang mga parents devah😉

    PS: sis ano ibig sabihin ng sadik?😀

    tenchuuuuu hapi birthday ulet :hugs:

    Rhapsody: tenchu din sis…. heheh buti nga di ako kulang kulang hehehe… hmmm di na happy na ako sa name ko hehehe… teka anong sadik? baka adiks hehehe

  5. Pingback: it’s my day! «

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s