Posted in Language & Culture, Rants

Buseeet!!!


natupad ang wish ko nabayaran na may internet na ulit sa office. tagal ko ding nawala. ung isang na-prepare ko to post ayun nakatambak pa. my plan is to post it after my long eid holidays but since even before that holiday nawalan na kami ng i-net connection ayun natengga na siya. Siguro i’ll post that entry kapag na-iready ko na din ang ibang photos.

ang saya ko na sana kasi ayos nga may free internet access na na ulit sa cafe office. mega-blog-hopping at iwan ng comments pa ako. tapos nung binalikan ko yung bahay ni dhez abah bakit ganun naka-apat na click na ako ng submit comment abah wala man lang akong makitang anino ng iniwan kong comment. pati na yung kay Ate Kengkz at sa kung saan-saang bahay na dinalaw ko. nakaka-buseeet talaga dibah. sinimulan kasi ang araw ko nung isang caller dito sa office eh. ang aga aga binuseeet ako. halos sigawan ko na siya sa phone kasi bawat tanong ko ang sagot niya… wala! buti nga kung salitang ‘wala’ at least may naisagot. kaso wala as in wala siyang imik sa kabilang linya. tumatawag siya dito para magtanong.. nung naintindihan ko na siya kasi nga mejo barokis siya, parang di makasalita ng english. tanungin ko kung sino hinahanap sagutin ba naman ako ng Hassan. sabi ko walang Hassan sa kumpanya namin. nung usisain ko siya ng usisain tungkol sa purpose ng call niya – dun ko lang nalaman na ang pangalan pala niya ay Hassan. sa haba ng paikot-ikot kong tanong sa kanya para maintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin, nalaman ko na nasa kanila pala ang gift na pinadala namin para sa iba. nagkamali daw kami ng pinagdalhan (ganun ang na-analyze kong ibig niyang sabihin). imbes na sa isang banko ay sa banko nila naipadala. kaya tinanong ko siya kung ano ang office number nila para matawagan muna siya bago namin pick-up-in ang gift na namali ng deliver, umabot ng 15minutes na paulit ulit akong nagHELLO kasi parang nawala na siya sa linya at paulit ulit din ako nagtanong kung ano ba ang number nila o ang mobile number niya na lang pero wala siyang mailabas na sagot sa bibig niya. nakakabuseet kasi pano kung marami ng tumawag eh nag-iisa palang ako kaninang umaga sa opisina. naisip kong baka hindi niya alam ang number ng office nila tsk.. tsk… tsk…. kaya nakaisip ako ng ibang option. tinanong ko kung pwedeng siya na lang ba o may pwede pang ibang hanapin at kung meron ibigay nya ang pangalan ng taong pwede naming hanapin para i-collect ulit ang gift… again.. katahimikan po… Hello na ako ng Hello at Hassan na ako ng Hassan. Eh si Hassan nawawala sa linya, pero naririnig kong may kinakausap siyang iba. Ang lakas na nga ng boses ko sa office namin sa kaka-HELLO! ni hindi makasagot ng oo kung siya na lang ba ang hahanapin o baka iwan niya kung kanino yung gift. hayyy!

matapos ang mahabang paghihintay ko ng bibigkasin niyang salita at ang paulit ulit kong pagtatanong at pag-hello at pagtawag sa pangalan niya natapos ang lahat sa sagot??? sinabi niyang… ‘i will call you back.’

hanggang ngayon, di pa rin siya tumatawag. ng dumating ang taong nagdeliver tinanong ko siya. sagot ba naman sa akin ‘he’s a stupid guy!’ kasi ba naman nasa iisang building lang daw iyong dalawang bank at ang tumawag sa akin ay gwadiya sa building na iyon. sana man lang iabot niya na lang sa kabilang banko dibah.

4 thoughts on “Buseeet!!!

  1. i wish pumasok tong comment ko…. patience lang po tayo… wag na ma buseeeet.. Advance HAPPY BIRTHDAY!!!!

    Rhapsody: nagka-idea ako sa sinabi ni Jovi… nagcheck tuloy ako ng spam baka andun ang comment mo.. eto nga at na de-spam ko ang comment mo at ni sommer hehehe… buti na lang sinabi ni Jovi.. thank you sa greetings!!! hinahabaan ko na nga pasensya ko sa mga nakakausap ko. ganun lang naman pag baba ng fone lipas na rin hehehe

  2. Hi Mylene! Grabe naman ang usapan niyo ng Hassan guy na yan. Sumakit ba ulo mo?😀

    Anyways, I don’t know kung WP ang may problem or what pero kanina nakita kong nasa Spam list ko yung comment mo sa isang entry ko. Nagtaka ako kung bakit napunta siya sa spam so I de-spammed it. Buti na lang naligtas ko yung comment mo. So now I’m assuming na baka ganun din yung nangyari sa mga comments mo for Dhez and Keng…

    Rhapsody: ay ganun baka nga lahat ng iniwanan ko ng comment napunta sa spam huhuhu.. buti na lang napansin mo… hay nainis talaga ako kay Hassan hehehe… para kasi akong nagsasalita sa hangin heheheh

  3. di bale na, umabot ka pa rin kasi dito 26 ng disyembre e second christmas day. kaya, merry christmas!

    Rhapsody: lumabas po ba ang comment ko sa bahay mo??? ay ganun may 2nd christmas day pa heheheh. Merry Christmas din!

  4. hi, pumasok yung comments mo sa spam, hehe😀 pero oks na sya, pinitik ko palabas😀

    Rhapsody: bakit nga kaya ganun, sinasabotahe kaming mga taga-UAE sa pagko-comment hehehehe… buti na lang na-pitik mo agad😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s