Posted in dubai adventures, Events & Occasions, Language & Culture, Religions & Beliefs, Work & Work Hard

inshallah


Napaka-konti na lang namin ngayon sa office. Apat na staff ang wala na dito. Merong nag-resign, may tinanggal, at may bigla na lang nawala. Ang masama dun isa mga nawala ay ang pinakamamahal (minsan) naming Finance Manager na si MJ. Di namin alam kung anong nangyari, siya ang pinaka-tatay naming tatlong Pinay dito sa office. Kung dati takot kami sa kanya, dumating na sa puntong close na kami sa kanya. Nabibiro-biro na namin siya. Minsan bigla ko na lang siyang tatawagan sa extension para magtanong.

Rhap: MJ are you giving our salary today?

MJ: Inshallah tomorrow ha.

Rhap: Huh? Why Inshallah?

Nagulat naman siya, dapat daw magtiwala ako. Alam kong alam niyo na ang ibig sabihin ng salitang ito.

Pronunciation: \in-shä-lä\

Etymology: Arabic in shā’ Allāh

Definition : if Allah wills : God willing

 

Nasanay na kaming tatlo na kapag ginagamit niya ang salitang ‘Inshallah’ ang nagiging kahulugan nito ay ‘maybe next week’ or ‘not really sure when’. Kaya nagulat din ako ng natanong ko siya kung bakit inshallah. Pinagsabihan niya ako na talagang kinabukasan daw makukuha na. Kinabukasan, wala naman. Heheh. Ngayong wala na siya mas kinakabahan ako. Kasi baka ma-delay lalo ang bigayan ng salary namin kasi nga wala kaming Accountant. Pa’no na ‘yan busy pa naman ang boss namin sa pag-aayos sa Global Village dahil dito. Wish ko lang ma-perfect naman namin this time, yung walang reklamo yung client. Well, it seems my boss is happy today. Ewan ko dun kung bakit parang ang ganda ng mood niya huh.

Nalilihis na naman ang kwento ko. Basta un nga ang lungkot kasi kumokonti na naman kami. Ilang months na naman yan I’m sure madami na namang staff, tapos konti ulit, tapos mawawala na naman. Remember that Pinoy Design Manager na nakwento ko before na ayaw makisalamuha sa kapwa Pinoy niya? Wala na rin siya. Hindi din nagtagal. Ang sabi niya lang may sakit ang father niya kaya uuwi muna siya sa Pinas but not exactly in Pinas. Ang gulo noh. San kaya yung sinasabi niya? Anyway, hindi naman siya kasama sa apat na nawala kasi baguhan lang din si kabayan dito pero isa o dalawang buwan lang yata ang tinagal niya. Maybe nakakita ng mas magandang offer or talagang may sakit ang father niya.

Si MJ ang mami-miss ko kasi siya yung lagi naming kinukulit sa sweldo, na kapag hindi niya binigay kanya-kanyang kaming tatlo nagda-drama. Pwedeng harap-harapan nagda-drama o nag-eemail kami para makapag-cash advance. Para lang maisip niya na hindi okey para sa amin ang ma-delay ang salary, lalo na’t nalalaman namin na tuwing delayed ang salary namin, siya solve na. As in nai-transfer niya na ang salary niya sa bank account niya. Ano nga naman habol namin, eh accountant siya syempre uunahin niya sarili niya. Kami maghihintay kung kailan niya feel. Minsan nakukunsyenya naman kapag inunahan na namin ng drama eksaktong araw ng bigayan ng sweldo talagang nakukuha namin. Pero ngayon eepekto kaya ang drama namin kay big boss? Hmmmn… bahala siya basta matuto silang makiramdam heheh. Wish ko sana hindi talaga ma-delay this month at sa mga susunod na buwan.. inshallah.

*****

Excited na ako sa mahabang holiday this week. Imagine 2 days lang akong papasok dahil sa Eid Al Adha. Sabi sa wiki:

Eid al-Adha (Arabic: عيد الأضحى ‘Īd al-’Aḍḥā) is a religious festival celebrated by Muslims worldwide as a commemoration of Ibrahim‘s (Abraham‘s) willingness to sacrifice his son Ismael for Allah.

Simula sa Tuesday isama pa ang Friday & Saturday day-off namin aabot ng limang araw din kaming bakasyon. Sana tinuloy-tuloy na hanggang Pasko. Heheh. Kawawa yung friend ko kasi Thursday lang sila walang pasok. Wag na i-count ang Friday kasi talagang day-off niya yun. Iisang araw lang ang holiday nila, samantalang lahat 3 days. Ang mga companies na may pasok kahit holiday dapat may overtime pay pero sila wala raw. Dapat mabasa niya ito.

Inshallah maging masaya ang holiday ng lahat. At ito ulit para sa mga Muslim friends ko. Nahalukay ko sa website ni Yasser Hassan. Di ko maintindihan yung nakasulat basta ang sabi sa website greeting card yan for Eid Al Adha. At least may effort akong mag-search for all my Muslim friends dibah.😉

adha_card

11 thoughts on “inshallah

  1. happy vacation… anong ginagawa mo dyan kapag holiday? hirap din pala dyan ang appear disappear din pala ang mga tao.

    Rhapsody: yep parang christmas lights heheh… nagpupunta lang kami sa beach o kaya roadtrip o kaya pasyal sa ibang emirates, malling or sa bahay lang yan ang libangan namin kapag mahabang holiday hehe

  2. …w0w,informative! shuhada pa lang ang alam kong arabic e.
    …sarap nga, 5 days off tayo (kahit ngayon ko lang nalaman ang reason why!teehee!!). sarap magout of town.:p
    …ao ba ang field mo?

    Rhapsody: heheh ayan nadagadgan na ang alam mong arabic words😉 yup let’s go to.. FUJAIRAH weeeeh!!! marketing staff akech.

  3. *knock* *knock* tiga UAE ka pala! Familiar ako sa Eid Al Adha because I have a lot of muslim officemates here in Philadelphia.

    Rhapsody: ay akala ko po nasa Pinas lang ikaw hehehe… kasi nag-EB kayo nila Malen eh. thanks po sa pagbisita😀

  4. you be good.

    remember, that guy is coming to town to check if you’ve been good or bad.

    be good and you might get nice gifts like CDs and DVDs, books or chocolate candies.

    be bad, and you might get, well…lots of flowers, expensive jewelry, maybe even a car…

    happy new year.

    Rhapsody: now i think i should be bad…. heheheh joke lang!

  5. salamat at nalaman ko na din ang meaning ng inshallah😀 lagi ko naririnig yan sa ofw thread ng isang forum e kala ko kung ano na😀

    Rhapsody: hehehe ngayon pwede mo na din gamitin ang salitang yan😉

  6. A MERRY MERRY CHRISTMAS TO YOU SIS!

    greetings of love from me this christmas! and wishin u a wonderful new year!

    BLESS YOU SIS and UR FAMILY!

    LOVE,
    VERA

    Rhapsody: HI sis, pasensya na hindi pa ko nakakadalaw sa blog mo kasi walang internet sa office.. anyways, i wish you the same….!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s