Posted in E-mails & Quotes, Funny & Witty

my new cubicle

A Letter from the Management

Dear Staff:

Due to the projected increase workload in the coming months, the management has decided that it can no longer afford for you to take time out of your busy schedule and go to the restroom. Instead, to increase employee efficiency the company will shoulder the expense of remodelling your cubicle to accomodate restroom privileges. Thank you for your cooperation.

new office

Posted in E-mails & Quotes, News & Issues

An Appeal to OFWs

Just wanna share this forwarded email I got from my friend. Alam ko naman na marami-rami ring bloggers ang nasa iba’t ibang bansa at ang pagba-bloghop ay ginagawa ding libangan kapag tayo ay bored na bored na. Kaya naisipan kong i-share na lang ito.

This is in response of some OFW to this article posted in Inquirer.net earlier this month.

Mga mahal na kabayan,

Its about time we cut and or stop for a while (a day or two) the sending of remittance. For those with only remittance as the source of family sustenance, like me, I will have to consider some ways to provide my family back home some remedies while we are not sending for a day (equivalent to one month pay) at least But we must all do it so that the result would be a tremendous set back on the dollar remittance in our country.

Another alternative would be for all participating OFWs not to send money on certain dates so that we can see how far we can do it. If it becomes successful then we will wage another “ no sending remittance” scheme again on a particular date.

For example : ( Kailangan po dito ay sabay-sabay na di magpapadala, para malaki ang puwersa, di maaaring isa-isa) Kailangan pangkalahatan ito, pero ating paghandaang mabuti para pamilya natin di umasa).

Continue reading “An Appeal to OFWs”

Posted in Movies & TV Shows, Random Thoughts, Rants

What a day!

Bakit biglang nasira ang zipper ko? Bakit ngayon pa kung kailan manonood kami ng movie mamaya? No choice but to go back home and change my attire. Feel na feel ko pa naman ung japorms ko today. Actually office attire naman toh at hindi talaga japorms, pero feel ko lang na pormal-pormalan ako pag pumunta ng mall dibah.

just zip it up!!!

Nilagyan ko na ng pin pero nag-oopen pa rin kaya I look sooo stupid kasi hinihila ko pababa ang blouse ko pag naglalakad ako papuntang pantry at wash room. Mabuti na lang walang napapatiningin, si boss MJ lang. Di ko na lang siya tinitignan para wala ng tanung-tanong pa kung bakit pinapahaba ko ang blouse ko. Ang pahirap pa, madalas akong magpunta sa CR kasi lagi akong nawi-weewee kasi ang lamig. At dahil dyan, nauubos ang lakas ko sa pagpi-pin ulit para lang maisara ko, pero hindi pa rin naman totally sarado. Nangyari na rin ito sa isang pants ko before, ngayon eto na naman. Ilan na lang ang pants kong natitira. Am I still gaining weight? Hmmnn.. panahon na nga talaga yata para magbawas ng timbang. Continue reading “What a day!”

Posted in Language & Culture, Random Thoughts, Rants, Work & Work Hard

bilasa

 

Kapag may nagtanong sa akin kung saang bansa ako nanggaling, I’ll proudly say that I’m from the Philippines, with matching taas noo at kilay sabay smile.

Pero meron din palang iba na parang ikinahihiya ang pagka-Pilipino nila. Hindi ko alam kung ikinahihiya o itinatanggi o pareho lang naman yata yan eh. May bago kaming kasama sa opisina. Obviously he or she (not sure about the gender coz he is a guy sporting a shoulder length straight hair but acts & sounds a bit like a lady) is a Filipino. Kung magsalita siya ay Pinoy na Pinoy na parang may punto pa. Nakakapagtaka lang hindi niya pinapansin ang kapwa Pinoy nya na kasama niya sa iisang maliit na opisina. Siguro nahihiya dahil bago pa lang siya? Pero hindi eh, no signs of him/her of pagiging mahiyain plus he/she talks so much sa mga kasama naming ibang lahi pero sa kalahi niya hindi. The whole day maririnig mo siyang nakikipag-usap sa mga kasama naming ibang lahi. That person was hired as the manager of the Design department. We don’t want to think that he/she’s just too damn proud that he is a ‘manager’ but I wonder bakit wala siyang sariling office or a table, a chair & own PC to use until now.

 

Not a Pinoy huh!!!

Continue reading “bilasa”

Posted in Events & Occasions, Music & Lyrics, Showbiz & Celebrities, SoundTrip, Videos

Songbird at the Aviation Club

Tuesday night, we cancelled our plan of watching Asia’s songbird Regine Velasquez’ concert at the Aviation Club kasi daw ubos na ang ticket. Pero kahapon ng umaga nag-inquire ang friendship ko sa Box Office Me. Ayun may available pa naman palang ticket eh. Kaya go kami. Since ililibre niya naman daw ako kaya sinamahan ko na, kunwari pa akong aayaw-ayaw. Sa totoo lang kaya kami naubusan ng ticket dun sa isang shop ay dahil sa akin. Nakakahiya naman kasi kaya naisip ko na lang, huwag ng ipaalala sa kanya na may concert si Regine. Naisip kong by the time na maalala niya malamang ubos na ang ticket. Wagi na sana ako, ang hindi ko naman alam may box office me pala na puwedeng bilhan ng ticket. At pagdating namin sa Gate meron pa rin namang available na ticket. Un nga lang sold out na ang VVIP (front seating) ticket. Kaya kami nasa gilid ng stage un seat namin. Okay na din malapit lapit, madalas nga lang nakatagilid ang Songbird, sabagay paminsan minsan naman humaharap at kumakaway din sa amin. Syempre nagtipon-tipon na naman ang mga kababayan na ang iba ang nanggaling pa ng Abu Dhabi at Sharjah.

Hindi ko naman masyadong favorite si Songbird pero bilib na bilib ako talaga sa pagkanta niya lalo pa at napanood ko na din siya kumanta ng live. Hindi rin naman pala malapad ang katawan niya unlike sa tv kapag napapanood ko siya. Madami siyang kinantang emo songs. Magaganda ang mga original songs niya pero ang pinakanagustuhan ko ay nang kinanta niya ang Unwritten ni Natasha Bedingfield.

Continue reading “Songbird at the Aviation Club”

Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, RoadTrip & Gimix

Trip to Al Ain

Masyadong late na ang entry na ito. Pero huli man daw at magaling, ipo-post ko pa din. 😀 Pictures lang naman kasi ang gusto kong i-share. Di ba nga nagkaroon ng holiday at 3 days un (yeheeeey!). Pero iisang emirate lang ang napuntahan namin. At iyon ay ang Al Ain.

Pangatlong beses ko na rin itong pagpasyal sa Al Ain, pero wala pa rin akong kasawa-sawa kahit na pagod na pagod ako pag-uwi. At kung bakit ba naman sa tuwing pupunta kami sa Al Ain ay meron akong bisita, lam mo un girl?!! Dyahe! Kaya panay ang stop namin sa mga petrol stations.

‘Yung first two trips namin, maayos ang byahe walang ka-traffic traffic at marami ang tao. Pero nitong Sabado, nagulat kami. Sobra ang traffic at sobrang daming tao. At dun sa mga magagandang spot na dati naming pinupuntahan kagaya ng Jebel Hafeet at sa ibaba nito kung saan may hot spring na pwede mong ibabad ang paa mo. Aba hindi na kami makapasok dahil hindi na kumikilos ang mga sasakyan papasok. Kaya naman pala – punumpuno ang parking. Tuloy ‘yung iba ay nag-aatrasan na. Kung dati 8pm pa lang nakakabalik na kami ng Dubai. Nung Sabado naman mag-aalas dose na kami nakarating ng bahay. Pero masaya din naman kahit papaano, siguro next time na lang ulit kami mamasyal doon.

Share ko ang piktyurs kahit kadalasan mukha namin ang laman.

Continue reading “Trip to Al Ain”

Posted in Life, Rants

Ang peste sa buhay ko

 

dust-mitesSa maikling panahon pa lang ng pamamalagi ko sa bansang ito, napakarami ng mga pangyayari ang napagdaan ko. At isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang surot. Opo ang mga nakakadiring surot. Na-inspire lang ako dahil may nabasa akong article about dust-mites. At dahil sa nabasa kong iyan at sa nakita kong picture, parang bigla akong nanginig at nangiwi sabay sabing ‘Eeeeeeew!’ kasi naalala ko ang kahindik-hindik (OA na!) na karanasan sa piling ng mga pesteng surot.

Unang pagdating ko sa Dubai ay sa flat ako nakatira kasama ang mga bagong kakilala. Masarap matulog doon dahil sobrang lamig, maganda ang ventilation at malinis. Pero dahil sa namamahalan ako sa renta ay napilitan akong umalis. Dahil na rin sa pageengganyo ng ka-officemate ko kasama ko siyang lumipat sa isang bagong room. Sa pagkakataong ito ay sa isang villa na. Na-dismaya ako dahil parang squatter’s area na pagpasok mo sa gate ay napakaraming pinto pala. Bago kasi ako lumipat ay hindi ko na chineck kung magugustuhan ko ang room o hindi dahil tiwala ako na maayos naman iyon dahil iyon ang pagkakasabi ng ka-officemate ko. Kung sa labas akala mo ay isang malaking bahay, hindi pala. Pero wala na akong magagawa, bayad na ako at nagkompromiso na. Naisip ko bakit ba ako mag-iinarte eh gusto ko ngang makatipid eh. Pagpasok ng looban araw-araw ay nakatambay ang mga kapwa natin noyPI. Sanay din naman ako ng ganun na kahit nahihiya akong madaanan sa araw-araw ang mga kabayan nating nakahilerang nakatambay sa gilid ng mga pintong iyon, hindi na lang ako tumitingin. Sa kwarto ay napakainit din, dahil bukod sa luma na ang AC ay madalas pa itong masira. Sa isang buwan na pagtira ko doon ay ilang beses din naming pinalinis at pina-repair ang lumang AC na dahilan din ng pagbaha ng itim na tubig (putik na nga yata un) sa aming maliit na kwarto. Masungit din ang ibang Pinay na nag-ookupa sa kabilang mga partitions. Nakakapagtiis pa naman ako at kami ay nakikisama at tumitimbang na lang.

Pero ang hindi ko natiis ay ang pangangagat ng mga surot. Hindi na ako nakakatulog ng maayos. Kung mahimbing man ang pagtulog ko, asahan mong kinabukasan namumula sa kagat ang buong katawan ko. Naawa ako sa balat ko noon. Pati nga mukha ko hindi pinapatawad ng mga peste. Mangiyak ngiyak na ako dahil ang akala ko hindi na mawawala ang mga markang namula at nangitim dahil sa paulit ulit na pangangagat ng mga surot na iyan. Kaya nakatagal lang ako ng isang buwan sa kwartong iyon. Bukod pa kasi sa mga surot ay malayang namamasayal masyal ang mga maliliit na ipis kung saan-saan, kahit pa sa loob ng fridge. Mabuti na lang hindi lumalaki ang mga ipis na iyon dahil kung hindi matagal na akong inatake sa puso, makita ko palang sila. Continue reading “Ang peste sa buhay ko”

Posted in Events & Occasions, Rants, Religions & Beliefs

Holidays, Holydays

Pupunta si MJ sa Sharjah. Totoo na nga yata na lilipat na kami sa Sharjah. Haaaaayyy. Ayoko. Ayoko talaga!!!

Mazaya view outside

Mazaya Shopping Centre

Malapit na matapos ang Ramadan, hindi ko pa alam kung ilang araw ang holiday namin or kung papatak ba ito sa dalawang araw na off namin. Kahapon habang naghihintay ako ng sundo ko ng nakakairitang isang oras at kalahati, napansin ko na may dalawang palakad-lakad at nanghaharang ng ibang matipuhan nilang harangin. Parang nagkkwentuhan lang sila, tapos maya maya pi-picture-an nila yung taong naharang nila. Habang ako naman, inip na inip na talaga. Naiiyak na ako sa paghihintay parang gusto ko na talagang lumabas ng Mazaya Centre at maglakad patungong bus stop kahit pa ang init init sa labas.

 

Continue reading “Holidays, Holydays”

Posted in E-mails & Quotes, Random Tidbits

What happens if…

We still use our mobile phones when we are in Petrol stations?

Nothing. Well, at least for me.

In Petrol Stations, we notice that there are signs that you need to switch off mobile phones when you are on queue and filling up your tank. Most people pay no heed to that. I am also guilty of that. Whenever sayang needs to fill up the gas tank, we never even bothered to switch the phone off, though I’ve heard in the past that an explosion happened because of this. And these are what sayang sent me just this morning.

Continue reading “What happens if…”

Posted in Movies & TV Shows, News & Issues, Rants, Showbiz & Celebrities, Videos

What a desperate thing to say

Watching this scene from the hit American television series ‘Desperate Housewives’ gets in to my nerves. It was a slap in the face for every Filipino medical practitioners all over the world & medical schools in the Philippines.

How come we have lots of nurses and doctors in every part of the world especially in the US? Perhaps it was because of the diploma mills from Recto they are referring to. Either way, it is still unacceptable coz a medical diploma from the Philippines doesn’t mean inefficient medical practitioners. Every scriptwriter should carefully study his facts & fictions before creating his own theories. It was maybe he believes from the news he have seen about the fake diploma thing in the Philippines but the fact should still be considered. He put at stake the reputation of medical schools and professionals. One important thing he should learn is not to generalize people.

Does the producers & scriptwriter of the show ever know that Lily Maniquiz-Lara, a Filipina has been named one of the Best Nurse Leaders of the United States by winning the 2006 Advance for Nurses Journal’s Best Nurse Leader award?