Posted in Life, Rants

Ang peste sa buhay ko


 

dust-mitesSa maikling panahon pa lang ng pamamalagi ko sa bansang ito, napakarami ng mga pangyayari ang napagdaan ko. At isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang surot. Opo ang mga nakakadiring surot. Na-inspire lang ako dahil may nabasa akong article about dust-mites. At dahil sa nabasa kong iyan at sa nakita kong picture, parang bigla akong nanginig at nangiwi sabay sabing ‘Eeeeeeew!’ kasi naalala ko ang kahindik-hindik (OA na!) na karanasan sa piling ng mga pesteng surot.

Unang pagdating ko sa Dubai ay sa flat ako nakatira kasama ang mga bagong kakilala. Masarap matulog doon dahil sobrang lamig, maganda ang ventilation at malinis. Pero dahil sa namamahalan ako sa renta ay napilitan akong umalis. Dahil na rin sa pageengganyo ng ka-officemate ko kasama ko siyang lumipat sa isang bagong room. Sa pagkakataong ito ay sa isang villa na. Na-dismaya ako dahil parang squatter’s area na pagpasok mo sa gate ay napakaraming pinto pala. Bago kasi ako lumipat ay hindi ko na chineck kung magugustuhan ko ang room o hindi dahil tiwala ako na maayos naman iyon dahil iyon ang pagkakasabi ng ka-officemate ko. Kung sa labas akala mo ay isang malaking bahay, hindi pala. Pero wala na akong magagawa, bayad na ako at nagkompromiso na. Naisip ko bakit ba ako mag-iinarte eh gusto ko ngang makatipid eh. Pagpasok ng looban araw-araw ay nakatambay ang mga kapwa natin noyPI. Sanay din naman ako ng ganun na kahit nahihiya akong madaanan sa araw-araw ang mga kabayan nating nakahilerang nakatambay sa gilid ng mga pintong iyon, hindi na lang ako tumitingin. Sa kwarto ay napakainit din, dahil bukod sa luma na ang AC ay madalas pa itong masira. Sa isang buwan na pagtira ko doon ay ilang beses din naming pinalinis at pina-repair ang lumang AC na dahilan din ng pagbaha ng itim na tubig (putik na nga yata un) sa aming maliit na kwarto. Masungit din ang ibang Pinay na nag-ookupa sa kabilang mga partitions. Nakakapagtiis pa naman ako at kami ay nakikisama at tumitimbang na lang.

Pero ang hindi ko natiis ay ang pangangagat ng mga surot. Hindi na ako nakakatulog ng maayos. Kung mahimbing man ang pagtulog ko, asahan mong kinabukasan namumula sa kagat ang buong katawan ko. Naawa ako sa balat ko noon. Pati nga mukha ko hindi pinapatawad ng mga peste. Mangiyak ngiyak na ako dahil ang akala ko hindi na mawawala ang mga markang namula at nangitim dahil sa paulit ulit na pangangagat ng mga surot na iyan. Kaya nakatagal lang ako ng isang buwan sa kwartong iyon. Bukod pa kasi sa mga surot ay malayang namamasayal masyal ang mga maliliit na ipis kung saan-saan, kahit pa sa loob ng fridge. Mabuti na lang hindi lumalaki ang mga ipis na iyon dahil kung hindi matagal na akong inatake sa puso, makita ko palang sila.

Dito ko rin napatunayan na parang mahal ako ng mga surot. Paborito nila akong kagat-kagatin. Hindi ko alam kung dahil ba matamis ang dugo ko o may galit lang talaga sila sa akin. Kasi ako lang ang kinakagat ng mga pesteng surot eh. Ang kasama ko sa room dine-deadma lang siya ng surot. At nung nakitulog ako sa kabilang room na kaofficemate ko din, nagsimulang magkaroon ng surot sa higaan niya. Kung dati rati daw ay hindi siya kinakagat, nagbago na nung nakihiga ako ng mga tatlong oras lang. Tatlong oras lang kahit ang plano ko sana ay magdamag kasi mas matindi ang mga kagat nila na halos maiyak na ako sa nakita kong kagat nila sa buong katawan ko. Kaya napilitan akong bumalik na lang sa higaan ko dahil mas grabe ang naranasan ko sa higaan niya.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit marami sa mga bahay dito sa Dubai ito ang problema, (hindi naman lahat). Bakit naman sa Pinas parang hindi naging problema ang bed bugs o dust-mites. Ang alam ko lang merong surot o pulgas ng dahil sa mga aso pero hindi nagiging problema sa pagtulog.

Mabuti na lang ngayon maayos na ang tinitirhan ko. Masarap lagi ang tulog. Malinis, malamig at higit sa lahat walang surot. Feeling ko talagang bed of roses na hindi na bed of surot.

11 thoughts on “Ang peste sa buhay ko

  1. hi…

    eeww! nakita ko pa lng ang image na nasa heading ng post mo e, na iimagine ko na ang mga peste sa buhay mo nung nasa dating tinitirahan mo… kahit cgro ako hndi ako makakatiis no… yakiiiisss talga…– buti na lng at lumipat ka at naging maau na ang pag tulog mo…cgro kung tau ang magkasama sa iisang kwarto…cgurado ako ang peste ng buhay mo…nyhahaha jokies lng…🙂

    have a nice day!

    ps: thnx for the comment!

    Rhapsody: Hello! mabuti na nga lang tlga sis kundi baka puro itim-itim na ang balat ko hihihi. saka na-paranoid din ako kasi konting may gumapang lang noon sa balat ko akala ko surot na🙂 .. ikaw peste? eh ang bait bait mo eh. heheh😀

  2. Good for you! Glad to know you’re sleeping snugly these days. Did you know that sleep deprivation causes insanity?😀

    joy
    Your Love Coach

    Rhapsody: HiHiHi.. I think so I’ve been through that.. coz those times even at little things I get easily irritated.

  3. bigla ako nangati after readin ur post. haha. ive never been bitten by those cruel little pests, pero sobra siguro sakit and kati mga kagat nila noh. remember, sleep tight and don’t let the bed bugs bite you no more!😉

    Rhapsody: as in sinabi mo pa! kaya nga feeling ko noon kawawang kawawa ako kasi ako lang ang kinakagat nila😀 thanks.. yup i won’t ever let them even touch me😉

  4. Hindi ko naranasan yung surot diyan pero yung ipis na sinasabi mo naku! Andami din dun sa naging accomodation namin noon sa work ko diyan. Ang tindi rin nila kasi kahit ilang araw na sa loob ng fridge nabubuhay pa rin talaga sila.

    Buti na lang nakalipat ka na ng tirahan, kundi malamang pinapapak ka pa rin ng mga surot
    na yan.

    Rhapsody: korak kahit maginaw sa fridge nabubuhay pala sila😀

  5. LoL natawa ako sa entry mo. I am not laughin’ because of your horrific experience (nakikiramay ako!) sa surot pero the way you wrote it, dun ako natawa k’se na-imagine ko sarili ko hahhaha. Hindi pa ko nakagat ng surot dahil kung meron mag-try na kagatin ako…I am gonna bite ’em back! Kaya di ako naniniwala sa kasabihan na “Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”. Ang sa kin naman, “pag binato ka ng bato, batuhin mo ng bakal”. Bakit? Sayang yung tinapay ‘no. Maldita talaga! LoL!

    Rhapsody: Haha Apir tayo sis! Mejo malditahin din ako, mabait sa umpisa lalo na kung sincere ang kabaitan, pero pag inumpisahan ako, siya pa rin ang tatapos heheh. basta mabait na maldita ako. un lang.😀

    pahabol: sis, kagatin mo na sila wag lang ang surot.. eeewww!!! hehehehe

  6. ayy!!grabeh naman ung nexperiece mo!!
    daig mo pa ung mga taong walang matulugan.,.,kc cla kahit sa kalsada lng natutulog wala naman surot!!hehehehe
    nakakatuwa naman to!!
    kaya mlaking lesson na saiyo to!wag masyadong magtitipid kng ang kapalit naman ay hirap..,.,
    take cre i reli2 enjoy this one.,.,.,.

  7. haiy…grabe naman ung mga surot na un..tlagang favorite ka nlang kagat kagatin..buti nlang at umaliz kah dun kz kung hindi bka nag kazakit kah dahil zah mga kagat nila…grabe honestly first tym cung nag basa ng blog na gan2 pero tlagang na enjoy cuh 2…zna maz dumami pa ung mga blog moh…
    take care alweiz…

    tenchu naman at na-enjoy mo april… click mo lang ang home para mapunta ka sa mas latest.. lately nga lang nauubusan na ko ng sasabihin. but xempre kahit ilang beses kong itigil eh ndi ko pa rin nakakalimutang balik balikan ang aking blog.

    ang mga surot until now yata favorite ako, kahit nasa office ako parang may bigla na lang nangangagat… awsss.. i hate them!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s