Posted in Events & Occasions, Rants, Religions & Beliefs

Holidays, Holydays


Pupunta si MJ sa Sharjah. Totoo na nga yata na lilipat na kami sa Sharjah. Haaaaayyy. Ayoko. Ayoko talaga!!!

Mazaya view outside

Mazaya Shopping Centre

Malapit na matapos ang Ramadan, hindi ko pa alam kung ilang araw ang holiday namin or kung papatak ba ito sa dalawang araw na off namin. Kahapon habang naghihintay ako ng sundo ko ng nakakairitang isang oras at kalahati, napansin ko na may dalawang palakad-lakad at nanghaharang ng ibang matipuhan nilang harangin. Parang nagkkwentuhan lang sila, tapos maya maya pi-picture-an nila yung taong naharang nila. Habang ako naman, inip na inip na talaga. Naiiyak na ako sa paghihintay parang gusto ko na talagang lumabas ng Mazaya Centre at maglakad patungong bus stop kahit pa ang init init sa labas.

Β 

Mazaya Centre

Dahil sa wala na yatang mapagpilian ang dalawang nanghaharang, nilapitan ako sa kinauupuan ko. Doon sa bandang kanan ako nakaupo. Hindi ko pa naintindihan ang una nilang sinabi dahil umiiyak nga ang isip ko sa sobrang pagkainip. Nang ibinigay nila ang business card. Ayun dun ko lang naintindihan, staff pala sila ng Express4me tabloid. Ang isa ay Arabong reporter na parang hindi naman dahil yung babaeng photographer ang minsang nagtatanong sa akin, at ang isa ay babaeng Briton na photographer. Tinanong lang nila ako ng konting bagay tungkol sa darating na Holiday. Kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko sa holiday. Ganun lang. At picture-picture. Ewan ko kung kelan ang publish nun.

Naguluhan lang ako kasi in most newspapers, ang sabi 2 days lang ang holiday after ng Eid. Pero bakit ang sinabi sa akin ng staff ng Express4me ay 3 days? Ang dami pa naman naming balak na puntahan pero kung 2 days, at Friday-Saturday lang ang holiday. Malamang isa lang ang pwede naming mapuntahan. At kung tama ang taga-Express4me, ang saya din kasi bakasyon grande.

Para sa mga Muslim friends ko ito..

especially to Muj’s family, Arshadh & family, MJ, sayang’s boss & family, my sweet Thai friend Neeny & Pinoy husband Rio, and my Muslim colleagues

 

Happy Eid!!!

 

13 thoughts on “Holidays, Holydays

  1. makikidaan po….kung sa Thursday ma declare na last day of Ramadan, Friday ang unang araw ng EID kaya 2 days lang ang holidays…pero kung Friday ang maging last day ng Ramadan, Saturday ang magiging unang araw ng EID kaya magiging 3 days ang holidays……

    Rhapsody: Tenkyu po sa pagdaan. Oo nga daw po pero nakakalito pa rin. Mamaya (Thursday eve) daw po malalaman sa paglabas ng buwan… Jan po ba sa Kuwait mazaya?

  2. Mazaya ziguro magshop sa Mazaya shopping center ano? pero nakakabwisit nga ang maghintay ng matagal… enjoy your holidays po… holiday din dito sa Firday kaya its a long weekend din sa Pinas… makakapagpahingaπŸ˜€

    Rhapsody: Actually hindi naman po ganon kazaya magshopping sa Mazaya kasi ang konti ng boutique.. heheh.. Enjoy din po kayo…

  3. hi rhapsody, thanks for droppingby at my blog, balik ka ha…
    dito sa pinas 1 day lang, sa october 19 ang holiday sa buong bansa…πŸ™‚

    Rhapsody: Hi po! tanx din sa pagdaan dito!πŸ˜€

  4. happy Eid…

    muslim ang Tto ko where ako nakatira ngaun and nag tratrabaho…πŸ™‚

    wat du u mean lilipat ang boss mo?… pati ba ikaw sasama?…

    happy wednesday…

    ps: thnx for the hugs… muah!

    Rhapsody: Happy Eid na din po sa tito mo..
    Lilipat daw po kami ng office, from Dubai magiging Sharjah, kaya ang hirap po kung sakali..

    PS: OK na po ba ikaw???πŸ™‚

  5. diba kafatid bukas ang tapos ng ramadan?

    Rhapsody: sis, kapag daw lumabas ang buwan mamayang gabi, it means end ng Ramadan pag hindi kinabukasan (Saturday).. kaya mamayang gabi pa daw dito malalaman.

  6. Hi Rhapsody….masaya rin dito sa Q8..marami ring malls and leisure parks na mapapasyalan pag weekends and holidays, pero siguro mas masaya riyan dahil may mga kinahihiligan ang mga pinoy na available riyan (legally) samantalang dito patago….

    Happy Eid holidays….enjoy and thanks sa pagpapadaan…

    Rhapsody: like alak at bars?πŸ˜‰

  7. Hi again Rhapsody…..yup and “boy-ba” meat too….

    Rhapsody: ahh.. ang mamoy hahaha.. in most supermarkets wala din po pero may mga supermarkets na talagang nagbebenta sila naka-separate lang.. eh di mizz mo na po ang mamoy..

    di bale po iwas heart attack heheh

  8. Yeah, confirm how many days you really have to do what you want to do. That way you can enjoy it to the hilt!πŸ™‚

    Please spread the word about the first and only Pinoy radio show in the UK called Usapang Pinoy. The pilot show is on the 27th of October at 10pm Manila time. Anyone in the world can go to http://www.futureradio.co.uk and click on LISTEN ONLINE and participate. You can send me instant messages which I will read on air! And I also need Pinoy music to play on the show. I only have a very limited number of songs, so please help if you can.

    I already emailed and sent snail mail to record companies in the Philippines – no response.

    joy
    Your Love Coach

    Rhapsody: That’s great! I will forward it to my friends and will try to contribute songs. Congrats and more power!!!πŸ˜€

  9. hello ‘neng! musta ka na? mukhang mapapalayo ka na nga. di bale, basta’t may internet at uloy ang blogging. basta, parati kang mag-iingat. nasira phone line ko kaya matagal akong nawala. almost 2wks at tipong di alam ng technician paano ayusin. pero oks na. balik blogging na ulet.πŸ™‚

    teka lang ha? ano yang nabasa ko kay arabongpinoy na thanks sa pagdaan? may blog ba yang mamang yan? paki share nga at mukhang mayroon akong di alam?πŸ˜€

    Rhapsody: di pa pa kami lumilipat.. hoping & praying pa rin. kaya naman pala walang update ang blog mo ate akala ko super duper busy ang beauty mo heheh..

    si arabong pinoy, naku mukhang wala po siyang blog eh heheh..

  10. Hi Rhapsody….hindi naman masyadong nami-miss kasi may regular akong supplier dito, patago nga lang

    Rhapsody: Ahhh aun naman pala.. nga po pala, may blogsite po ba kayo? Ask din kasi si Ate Kiwi dahil nagthanks ka daw sa pagdaan ko sa bahay mo.. pero ang nakasulat pala ‘pagpapadaan’…πŸ˜€

  11. Hi Rhapsody….ala akong blogsite eh…..lately lang naman kasi ako natutong makidaan at makitambay…..regular akong visitor ni
    Ate kiwi mo at talagang doon lang ako tumatambay…kaso two weeks na walang update…nainip…. so sinubukan kung bisitahin yong mga naka link doon and isa itong blogsite mo sa mga nagustuhan ko…..

    Thanks again sa pagpapadaan at pagpapatambay

    Rhapsody: no problem basta po ikaw. wow thanks naman po at nagustuhan mo kahit wala pong kwenta ang mga entries ko.πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s