q’s with a’s

This tag was passed on to me by Dale. I guess na-bored ang sister Dale kaya nanguha ng tag sa Friendster. Heheh. Gusto kong i-tag dito si Sommer, Repah, and Salve. Pakipasa na lang daw po sa iba. Salamat!

1. Three names you go by: (Hmmm… cge ung obyus na name ko na lang dito)

  • mylene (or enelym)
  • my
  • rhapsody (lolz!)

2. Three things you are wearing right now

  • the same simple attire I’m wearing here!
  • engagement ring and other accessories
  • my bulging tummy (di ako buntis ha, wag un di pa pwede un heheh)

3. Five things you can’t live without:

  • mobile phone
  • concealer
  • money
  • a real friend or bf by my side
  • foods

4. Whats your favorite cake?

  • anything with chocolate or mocha

You must answer every question TRUTHFULLY!

1. Are you currently in a relationship? Aiwa!

2. Have you ever been given a rose? opchors!

3. What is your all-time favorite romance movie? The Wedding Singer – I love Robbie and Julia!

4. Have you ever been in love? yeep!

5. Do you believe that everyone has a soul-mate? maybe…

6. What’s/Who is your current problem? too much to state every details here… :D

7. Have you ever had your heart broken? Maybe. Pero hindi connected sa lovelife. Diba pwede namang ma-broken hearted sa mga problema. :D

8. Your thoughts of online or long distance relationship? It won’t work unless you two are married. Although marami pa rin ang nagkakahiwalay na mag-asawa coz the other one is working overseas, pero hindi rin naman lahat.

9. Have you ever seen a friend as more than a friend? Nope. But yeah once… and he’s my bf now.

10. Do you believe in the statement “once a cheater always a cheater”? Sometimes… pero may right naman ang lahat na magbago… at ituwid ang maling nagawa niya na.

11. How many kids do you want to have? one or two lang din, di ko yata kaya kapag mas marami pa jan.

12. What is/are your favorite color(s)? pink, green, black, blue, yellow!

13. Do you believe you only love once? Not really. Maybe. We’ll see… heheh may balak pa yata ako maghanap ng iba. Di na oi! What I’m trying to say is.. di ko alam kung nagmahal ba ako before… parang di naman, lovelife lang kaya ang tanong na ito…? malamang!

14. Are you and your ex friends? May ex ba ‘ko? Parang wala naman eh!

15. Imagine you’re 40, you have kids & your spouse just died, would you get re-married? No way! I’m already 40. I think the best thing to do is to concentrate on my kids on how I can support their studies or kung may mga asawa na, tutulungan ko na lang sila to take care of their family especially my grandchildren.

16. At what age did you start liking the opposite sex? Landitay na daw ako nung bata pa ako. I think 6 or 7 years old, may crush na daw akong teenager na kapitbahay namin. Nagpa-kiss pa nga daw ako ng cheek ko dun sa cute naming kapitbahay tapos sinabihan ko daw ang mudra ko na huwag akong isusumbong sa lola ko.

17. what song do u want to be played at your wedding? Ang dami eh, saka ko na pipiliin kapag malapit na yung kasal hehehe. Pero baka gusto niyong i-check ito at ito. Anjan kasi yung naisip kong ilan sa mga trip kong wedding songs. Although napakarami ko pang naiisip na kanta para sa kasal ko, pero iyan pa lang ang nakayanan ko.

18. Do you like anyone right now? Aside from him and my family? Wala na.

seven to ten

Seven Weird things ABOUT ME

 

Salve tagged me this one. These are the rules:

  • Link to the person that tagged you and post the rules on your blog.
  • Share seven (7) random and/or weird facts about yourself.
  • Tag seven random people at the end of your post, and include links to their blogs.
  • Let each person know they have been tagged by leaving a notification on their blog.

01. Napapasigaw o naeexcite whenever I hear a song na super favorite ko pa noon pang highshool.

02. Masyado akong nega to the point na hindi pa man nangyayari iniisip ko na ung posibleng mangyari at dapat ay negative. Kaya nga magbabago na ako.

03. Ako at ang bestfriend ko ay mahilig mag-usap about our panaginip as if totoong nangyari.

04. Mahilig akong magdrawing ng kahit ano basta wag lang lalaki. Maybe bcoz im a manhater ba before? Pero pag kinakailangan nagagawa ko naman.

05. Madaldal ako sa iilang tao pero sa karamihan sobrang tahimik, kaya may mga nagugulat kapag nagsalita ako.

06. Hindi ko basta basta tinatapon ang mga papel at kung anu-anong bagay kahit pa basura na lang ang mga iyon. Feeling ko kasi kapag ginawa ko iyon ay parang gusto ko na ring itapon at kalimutan ang nakaraan. Hehehe.

07. I love cats and dogs na para na akong baliw kapag kinakausap ko sila na parang tao lang sila.

TEN QUESTIONS…

About what we love and what we hate. This meme’s from Vera.

1. I love to eat:yummy foods – ung mga pampataba heheh
2. I hate to eat:
ampalaya rin
3. I love to go:to places I’ve never been
4. I hate to go: in places na maraming tambay at lasing
5. I love it when:I can make my family happy with little things I do
6. I hate it when:I’m having problems and feeling so low
7. I love to see: what the future has for me
8. I hate to see:
the face of that lady here controlling everything
9. I love to hear: nice music
10. I hate to hear:
them running out of reasons why until now we’re not blah blah blah

Now I want to hear from these people, kung ndi po kayo busy… :D

Reyna Elena, Malen, Jojie and Kengkay.

it’s my day!

unang-una kong pasasalamatan si God – sa buhay na binigay niya kahit na muntik na nga akong hindi mabigyan ng buhay pero hindi niya hinayaang hindi ko makita ang mundo…

my parents and lola na malayo pa ang birthday ko ay nagsi-tawagan na sa akin at maya-maya daw tatawag ulit si mudra…

sa brothers ko na lagi kong kaaway nung magkakasama kami sa Pinas at hindi rin sweet kagaya ko…

sa mga friends ko in Pinas, Dubai at kung saan-saan pa at friends in blogosphere na nag-greet… thanks po sa inyong lahat…

sa mga friends, close friends, best friends at dear friends na sina Je, Ra, Ja, H, Q, B, at M na bumati ng maagang-maaga at before my holiday adventures pa… thank you thank you talaga… mwaahhh to all of you!

ang escada at maliliit na freebiessalamat Ra sa Escada Sentiment na napaka-memorable – salamat din kasi baka hindi na ako maka-discount ng dahil jan pero okei lang heheh. teka b-day gift ba yan o christmas gift? wala pa ring tatalo sa gift mo sa akin last year – Desert Safari trip!sony dsc-w55

salamat M sa digicam na advance b-day gift mo pala sa akin – siguro para makatipid ka noh kaya nung may sale mo binili… hehehe. At sa black bag na gift mo sa akin nung Christmas. Thanks din sa mga e-cards na ni-send mo. At sa cake na rin ibibigay mo mamaya.

i LoVe YoU All!!!

Eto pagsaluhan na lang natin ang maliit na cake na ito hehehe…

maninipis na slice lang po para lahat makakain heheh


20 Q’s

Dhez tagged me. at ni Bananie rin pala heheh…. I need to do this now since I have nothing to blog about. HeeHee…

Rules

Remove 1 question from below, and add in your personal question. Make it a total of 20 questions, then tag 8 people in your list. List them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged. Whoever does the tag will have blessings from all.

Q & A

1. At what age do you wish to marry? At first I promised myself to get married at 21, then I realized I still need to experience working after college. Then I said I wish I’ll be married by 24.. but no.. I think 25 is ideal… okei… 27…??? well I guess I should stop wishing and wondering when I’ll finally settle down, I’ll just get married when the right time comes.

2. What color do you like most? I like all colors especially pink, black, turquoise blue and moss green.

3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one? My life is worthless without you in my life. (hindi lang para sa bf yan ha – para sa family ko rin)

4. What kind of shoes fits your personality? Sandalyas hehehe – basta yung open at nakakahinga ang paa. Just like me ayoko ng kulong at masikip ang mundo.. gusto ko free ako at walang sumasakal. Heheheh.

5. Which part of your body you hate the most? My eyes. Madali kasing antukin, blurry vision pa.

6. When you encounter a sad moment, what would you do? Just like Dhez, I prefer to listen to music. Sad songs mellowed down my sentiments. Aside from soundtrip, masaya ding mag-roadtrip para makalimutan ang mga problema.

7. What are you afraid to lose the most? My family and best friends.

8. If you win $1 million, what would you do? I’ll build or buy my own house and start a business.

9. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar? I’m afraid of rejection so I’d rather keep it to myself, observe from afar and wait till he notice me.

10. What do you always bring with you when you travel? My big bag full of trash heheheh… cam, fone, loose powder, perfume, hair comb, enough money and coin purse with my labour card of course.

11. What are the requirements that you wish from your other half? Looks is not an issue at all but he should have a good heart, honest, loves only me (selfish and jealous ako eh hehehe), sweet & thoughtful, cares for my family, and someone who can bear my bratty attitude at times and kakulitan in short dapat mahaba ang pasensiya.

12. Till now, what is the moment that you regret the most? Wala naman…

13. Which type of person do you hate the most? Mga chismosa who meant to offend or harm you.

14. What is your ambition? Have my own happy family in the near future.

15. What is the thing that will make you think he/she is bad? If he cheats on me or beat me up… di pwede sa akin yan!

16. Would you gladly accept it if faith doesn’t allow you to meet your better half and live alone as you grow old? If that is my destiny I would assume that it’s God’s will… but before I quit I would do my best to search the guy for me.

17. What brand of toothbrush do you use? Colgate. But I still try different brands.

18. Name one of your body part your hubby or boyfriend tells you he adores? He said he loves all of me. Counted as one na rin ba ‘toh?

19. It would be 2008 in a few days, do you have a new year’s resolution? I once prepared a list of my resolutions pero mahirap talagang sundin kaya wala na lang resolution heheh.

20. If your better half is cheating on you, will you forgive him or her? Nope. Once a cheater, always a cheater. Strict ako at ma-pride so I wouldn’t consider giving a second chance to a better half who cheated me.

I’m tagging Vera, Sommer, Ice, and Missy. Apat na lang ang na-tag ko kasi pansin ko meron na din sila nito eh.

Age is nothing but a number

Whether I like it or not… madadagdagan na naman ang edad ko… ilang araw na lang at tatanda na naman ako. Noong nag-aaral pa ako lalo na nung elementary, naiingit talaga ako sa mga kaklase ko na ang birthday ay pasok sa school days. Kasi meron silang celebration sa room. Samantalang ako laging walang pasok pumapatak ang birthday ko. Wish ko nga nun na sana January ang birthday ko para din mas maaga.

Sa tuwing may nagtatanong kung kailan ang birthday ko ang laging tanong nila sa akin… “Bakit hindi Rizalina o Riza o Rizalyn ang pangalan mo?” Basta anything na connected sa pangalan ni Rizal. Kasi un ngang araw na yun ang birthday ko. Naisip ko nga nun parang ang ganda nga sana kung sinunod ang pangalan ko sa kanya. Pero okey na din, sinunod din sa isang kilalang tao ang name ko. Yun nga lang kay Melanie Marquez. Kasalukuyan yatang sikat siya dahil sa Miss International.

Muntikan pa akong hindi mag-exist sa mundong ito. Kasi ang kwento nila sa akin, wala daw ako sa panahon. Isang taon lang ang pagitan namin ng Kuya ko at di pa nila ako kayang buhayin kung sakali. Kaya kahit na ginawa nila ang lahat para mailaglag ako, hindi sila nagtagumpay, malakas daw ang kapit ko. Kapag napag-uusapan namin yun sa bahay hindi ko maiwasang sumama ang loob o mangilid ang luha pero syempre di ko pinahahalata. Tawa pa ko ng tawa habang sinasabi na nung nasa loob pa ko ng tyan nakikita ko ang gamot na pampalaglag at iniiwasan ko. Syempre tawa na lang din sila ng tawa sa akin. Mabigat sa loob pero nagpapasalamat din ako kasi nabigyan ako ng chance na mabuhay sa mundong ibabaw hehehe.

Nagpapasalamat din sila dahil naging normal ako. Naawa sila lalo na nung makita nilang babae pala ang magandang baby heheh. Ang akala kasi nila lalabas akong may diperensya dahil sa kung anu-anong paraan ng paglalaglag ang ginawa nila sa akin. Nahirapan lang si mudra nung ipinanganak niya ako, halos ikamatay niya dahil muntik na siyang maubusan ng dugo. Sa bahay lang ako ipinanganak pero kinailangan siyang isugod sa ospital dahil hindi tumitigil ang pagdurugo niya.

Anyways, happy naman sila dahil walang naging masamang epekto sa akin ang mga sinubukan nilang gawin noon. And thankful din ako dahil hindi nga ako tuluyang sumuko sa tyan ng mudra ko. We owe everything to God.

May mga araw kung minsan pinagmamasdan nila ako lalo na ng aking pudra. Proud sila sa mga accomplishments ko (meron nga ba) at sa mga nagawa ko sa buhay ko. Masyado din nila akong pinangalagaan dahil ako ang kanilang kaisa-isang prinsesa. At di man ako ang tipo ng tao na nagsasabi ng ‘I love you’ sa mga importanteng tao sa buhay ko… kasi di talaga kami sanay na magkakapatid, di kami sweet eh, mahiyain kami Heheh. Dito ko na lang sasabihin (malay mo mabasa nila)…

I love you mommy & daddy.

 

26-Dec —> Pahabo lang po… Nakalimutan kong PASKO nga pala ng i-post ko ito, kaya greet ko lahat kayong lahat ng MERRY CHRISTMAS!!!

 

Merry Christmas!!!

Adik din ako

A tag from my kapitbahay Dhez. The instruction is to write down <as in HANDWRITTEN daw> the three things I’m addicted to. K, here it goes:

writing it!

 

aaaayy!!! nalimutan ko isulat sa board ang TV!!!

 

Tv & Music

TV. Kapag naumpisahan ko ng panoorin ang isang drama series or soap opera, nahuhumaling na ako parang ayaw ko ng ma-miss kahit isang epino. 1sode… although napakaimposible na wala akong ma-miss. Jologs man pakinggan pero dahil Channel 7 kami dahil sa orbit kami nagsubscribe, more or less alam niyo na ang mga sinusubaybayan ko. Iilan lang naman at hindi lahat ng un. Mga dalawa lang naman kasi natapos na pala yung isa ng hindi ko namamalayan isama pa ang Eat Bulaga. Music. Can’t live without it. Hindi matatapos ang isang araw ng hindi ako kumakanta o nagha-hum. I think eto na ang best way para mawala ang stress, sakit ng ulo at ka-badtripan ko.

 

BlogHopping

Obyusly, kung saan saan na ako nangapitbahay at nakisilip kung ano meron sa bahay nila. Nakakapagpawala ng pagka-bored sa maghapong pag-upo.

 

Picture-Picture!

Mula bata hanggang sa ngayon wala akong sawa sa kaka-picture. Puro na lang picture. Ang dno. 3ami ng album na naluma na at nabasa pa dahil pinasok ng baha ang dating bahay namin. Mabuti na lang dahil sa dami ng album, marami pa ring na-save. Sa ngayon na hindi na kailangan ang film para lang makapag-smile at ma-capture ang mga moments di ko naman mapa-print o mailagay sa album o mai-burn ang mga ka-piktyuran ko ngayon. Di ko na pinag-aaksayahan pa pero siguro gagawin ko din minsan. Sayang nga lang kung hindi kasi mabubura at maitatapon ko na lang ang mga yun. Kahit na natambakan na ako nito, picture picture pa rin tayo.

I’m tagging Salve, Ice, Idotmatrix and Vera.

tags galore

These are the memes na naipon na sa aking baul last week. Ginawa ko na kasi baka makalimutan ko pa. Pero thanks sa pag-alala niyo sa akin. Pero ung kay Azrael pasensiya na muna mejo hindi ko pa kayang gawin eh. Gusto kong gawin kapag may asawa na ako… although alam ko na kahit naman pang mag-jowa pwede naman gawin un. Mag-inarte bah? Pending un for 1 year ha or who knows when… heheheh. Basta gagawin ko na lang bigla un. wehehehe.. nuff explaining!!!

I got this tag from Salve. Yan na sis sabay pa ha. :D Gusto ko i-tag sina sommer, dhez at joanjoyce.

Why I Blog?

1. How long have you been blogging?

Two years ago I have registered myself to blogger pero ako ung tipong madaling makalimutan ang password or username. I think May this year ako nag-start ulit ng bago sa blogger, pero dahil feeling ko masyadong personal ang mga entries ko na iilan lang naman in-abadona ko na. Nagsimula ulit ako ng bago at dito nga sa WordPress last August. Kaya baguhan lang talaga ako sa mundo ng blogging.

2. What inspired you to start a blog and who are your mentors?

Dahil ako rin ay isang inggitera (joke!) kaya kung anong bagong pakulo, join lang ako ng join sabay ide-delete din naman ang account. Ang brother ko ay matagal ng may (dalawang) blog na parang hindi niya na naa-update ngayon dahil sobrang busy sa work. Madalas niya akong kinukulit na silipin ko daw ang link na lagi niyang inilalagay sa ibaba ng emails nila sa akin na dinedeadma ko naman pero nasilip ko na rin. At ang kanyang mabait at matalinong girlfriend (na di ko pwedeng tawaging Ate kasi mas bata siya sa akin) din ay may blog na nakaka-inspire naman kasi masipag magblog at interesting ang mga entries. Pero hanggang ngayon hindi nila alam na may blog na rin ako… wag kayo maingay ha. Di kaso ako nagpaparamdam sa blog nila. Isa pang naka-inspire sa akin ay si Ate. Na-intriga ako sa buhay niya kaya pinagtyagaan kong basahin. Hanggang sa nahilig akong mag-bloghop. Sa totoo lang na-inspire ako sa lahat ng bloggers, simple man o bonggacious ang content at design, english o tagalog, pinoy man o hindi. At siyempre para meron akong outlet sa pagka-bored at homesickness na nararamdaman ko.

3. Are you trying to make money online, or just doing it for fun?

Nope. This is all just for fun. In the future, maybe I will try that.

4. Tell me 3 things you LOVE about being online.

Searching online helps me get informed in anything I want to know. I enjoy reading the funny and exciting life of other bloggers. Lastly, like everyone else, I can express myself freely here.

5. Tell me 3 things you STRUGGLE within the online world.

Sometimes I can’t load a widget which maybe is not supported by WP. I can’t focus at work. Stress after a whole day of sitting and reading blogs.

Continue reading

yet another tag

If we have things or person we can’t let go.. syempre meron ding mga bagay na gusto nating i-let go. At yan na nga ang tag ni Vera sis sa akin for today. Mukhang hobby natin ngayon ang pag-sagot sa mga memes huh. ;)

Hmmmn… 3 things I want to let go (?) kasi minsan kahit na gusto natin we can’t easily get rid off some things. Pero kung meron man eto ang mga un.

i want to let go of these…

pagiging paranoid at negative — minsan mas nauuna pa kong mag-isip ng kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa akin.

Nung college ako madalas kong nadadaanan ang mga babaeng nakatambay sa kanto, tumitigil sila sa pagkukuwentuhan at parang nagbubulungan kapag dumadaan ako, pagkalampas ko sabay may tatawa. Nakakainis pero dahil mahaba ang pasensya ko sa mga taong hindi ko kakilala dine-deadma ko na lang. Pero iniisip ko pa rin kung ako kaya ang pinagtatawanan nila? Kasi ako lang naman ung dumaan. Tuwing mapapadaan ako dun hindi ko sila tinitignan dahil nakayuko ako lagi pag may tao akong madadaanan pero hindi talaga ako kumportable, wala namang ibang madadaanan. Praning talaga ako. Pero napatunayan ko din na hindi ako nagkakamali na pinag-uusapan nila ako. Kasi nakipagkilala pala sila sa aking lola dear at sinumbong na suplada daw ako. Sinabi naman sa akin ng lola ko un. Pero hindi ko naman sila kilala at hindi naman sila tumitingin noon na tinitignan ko kung may kahit isang titingin, mag-smile sana ako. Kaya naisip ko wala naman silang pakialam, eh di yuko na lang. Ang haba ng explanation ko.

maikli ang pasensya at madaling ma-depress – sabi ko nga kapag hindi ko naman kakilala or hindi masyadong ka-close, i can hold my temper. Pero kapag close friend, bestfriend, or kapatid ko… maikli lang talaga ang pasensiya ko. Madali akong magalit o mainis kapag hindi ko nagustuhan ung ginawa.

Kapag naman may problema, ewan ko ba bakit nade-depress kaagad ako. Ung feeling ko hindi ko/namin maso-solve kaagad. Kailangan pang paliwanagan ako para lang huwag ko ng isipin. Mabuti naman madalas naso-solve din naman.

pagiging masyadong ma-pride — kapag may pinagtalunan kami, ako dapat ang laging tama. kapag sinabi nyang ako ang mali, deadma ka na sa akin. nature na yata ng ibang babae toh…

Un lang! Pero sana mabago at totally mawala na sa sistema ko yang mga ganyang ugali.

nga pala, wala muna kong iistorbohin ;) kaya i’m not tagging anyone.

I Won’t Ever Ever Ever Let You Go!

Got tagged by sis Vera. Instruction was to list down 3 things I won’t let go of. Not that tough! ;)

I won’t ever let go of my Faith in God. Though at times trials come my way and question why do I need to face such difficulties, i still pray and keep my faith in Him that He would guide & help me at all times.

My FamilyHaNg on! & Bestfriends. They are truly hard to let go. Without them I won’t be happy in life. I may have all the material things I can afford to buy, but at the end of the day… family & bestfriend ko pa rin ang hahanapin ko. To share them everything. They are the only people I can trust and will love me kahit na away-awayin ko pa bestfren ko sila. i Luv my family. i Luv my bestfriend. Thanks for being with me kahit na I’m here, (dibale ilang buwan na lang hihi..) and for not getting tired listening to me especially sa mga kakulitan ko. ;)

Finally, I can’t let go of someone who’s been there for me. Saw me cry and laugh. I was so shy then, though i’m not saying a word just staring at you & listening.. matiyaga ka.. that was almost 2 years ago. You even thought i was a little mute! Now i believe that I can fall in love to some one I thought I won’t ever like… Hahah! I can’t let go of… The One. TeeHee. ^_^ Matrix ang dating. Basta sayang! Sayang nga, siya na un. diba Dr. Joy? That’s why I’m tagging you! And also Trish, I wanna see the 3 things you both can’t ever let go.

Tagzzzzz!

Halu! Hindi ako nakapasok kahapon hindi kasi ako nagising ng maaga. Kasalanan ng aking pillow dinaganan niya ang fone ko hindi ko tuloy narinig mag-alarm. Too late na rin ng ginising ako ng ka-roommate ko kasi matataranta lang ako at lalo akong male-late kaya naisipan kong mag-sakit sakitan na lang. ‘i’m having diarrhea‘ ‘yan ang drama ko kahapon. Kaya kagabi pinalitan ko na ang alarm sound ko. Yung tipong gising agad ako pag nag-alarm ganun din pati ibang natutulog pa.

Pagpasok ko tuloy kanina, pinagtatawanan ako ni MJ, ang aming finance manager. Natawa na lang siya lalo na ng sinabi kong ng dahil sa mga pina-take home nyang chicken from KFC kaya ako nagka-diarrhea. Lusot ang drama ko.

kaya ngayon ko lang masasagutan ang tag sa akin nina DJ Azrael at Funky Monkey Kiko. ;)

My ABCD’s

AAge: u guess… anjan lang sa tabi-tabi sa baba..
BBand Listening To Right Now: Not a band.. just listening to Elliott’s Yamin’s Wait For You.
CCareer: Marketing staff, minsan receptionist, minsan IT staff, minsan fax & photocopier technician basta kung anong maisipan nila!
DDrink or Smoke: I can drink before but not smoke.
EEasiest Friends to Talk To: my bestfriend Jing-goy, Mumu, Grasya,
Chu, and mil.
GGummy Bears or Gummy Worms: I like both.
HHave a Boyfriend: Yep.
IIn love: What do u think?
J- Junk Food You Like: Loacker din – tiramisu, kakao, I think lahat na. Bugles, Kinder chox, ang dami pa eh di ko na maisa-isa.
KKids: wala pa.. who knows 2 or 3 years from now meron na. kasal muna bago kids.
L - Longest Ride Ever: From Cavite to Quezon province.. and back. Kapagod talaga.
NNames for Your Future Kids: Wala pa pero dapat ung malandi ang name ^_^
O - One Wish You Have Now: good future ahead, happy lovelife..
P - Phobias: ipis, ipis at ipis. Ung sobrang liit ok lang na-overcome ko na un, pero ung mejo malaki na susme maha-heart attack talaga ko.
QFavorite Quote: Life is not about waiting for the storm to pass, it is about learning to dance in the rain
R - Reason/s To Smile: my family and good friends
S - Sleeping Time: normally
10:30pm but sometimes 1am..
TTime You Woke Up: exactly 6:45am Sun-Thu, kahit anong oras Fri-Sat
UUnknown Fact About You: Childish kahit na dapat mag-mature na.
V - Vegetable You Hate: Ampalaya. Ampait eh!
W - Worst Habit: Katamaran.
XX-rays You’ve Had: Lungs
YYummy Food: Kuway teo Goreng, Nasi Goreng, Shrimp, Siopao, Siomai, Kwekwek, dami..
ZZodiac Sign: Capricorn

Seven Facts About Me

1. Wala akong pakialam kahit ma-misinterpret ng iba na maarte ako, pero honestly malaki ang TAKOT ko sa ipis at hindi arte yun. Di gaya ng iba na nababahuan lang sa ipis. Ako, talagang sobrang takot. Salamat nga at wala akong sakit sa puso dahil kung meron matagal ng sumalangit ang kaluluwa ko. Kahit nga picture ng ipis o commercial ng baygon sa TV hindi ko talagang matignan. Kaya alam na ng mga kapatid ko, kapag commercial ng baygon, titingin na sila sa akin tapos magtatawanan kasi nakapikit na ako o kaya nakatingin sa iba. Naasar din ako kasi naalala ko noon na ang Bench ay gumamit ng pambalot na malaking ipis ang naka-design, ano natatandaan n’yo pa ba un? Ako tandang tanda ko kasi un dahil muntik ko ng maibato ang binili ko nung ma-realize na ipis pala ang design ng pambalot na hawak hawak ko. Kaya kinuha na lang ni Mudra at pinagtawanan na naman ako. At nung tinakot naman ako ni Mudra at nilagay sa braso ko ang isang patay na ipis, sobrang naghysterical ako at nagkulong sa kwarto habang sigaw ng sigaw mag-isa kaya mabuti nga sa kanya, pinagalitan siya ni Pudra hahahahah.

2. Dahil sobra akong dependent sa Mudra ko, marami akong gawaing bahay na hindi alam at natutunan ko lang nung 26 years old na ako. Yan ung time na nasa disyerto na ako. Ang unang recipe ko ay sinangag, wala nga lang naglakas loob kumain nung sinabi kong sinangag un kasi ang akala nila champorado.

3. Ang ka-lololololololohan (ewan kung ilang henerasyon un) daw namin ay isang Chingkit. Kaya naman may pagka-chinita daw ako, pero di ko ma-feel kasi ang tingin ko maliit lang talaga ang mata ko at hindi singkit. Iba kasi ang mata ng singkit sa mata ko. Lagi nga akong tinatanong kung may lahi akong Chinese. Ang ibang Chinese naman napagkakamalan akong Chinese din or minsan Japanese.

4. Simula nung bata pa ako hanggang lumaki na. Hindi ako tumataba. Feeling ko lang na tumaba ako pero hindi naman daw pala. Kahit anong kainin ko at kahit na mag-pancit canton ako after dinner every night. Walang epekto. Payatot pa rin. At ang pangarap ko talaga ay tumaba. Natupad naman ngayon na wala ako sa Pinas, kaya lang mahirap din pala magbawas ng timbang.

5. Sobra akong mahiyain. Ni hindi nga ako nakikipag-usap sa seatmate ko lalo na kung lalaki. Hindi rin ako makatingin sa kanila. Marami ang nagsasabing suplada daw ako at sobrang tahimik. Pero kapag kaibigan ko madaldal naman ako. Ngayon may konting pagbabago na. Hindi na ako kagaya ng dati na talagang super mahiyain. At dahil sa pagiging mahiyain din hindi ako pumapayag na i-nominate para maging muse. Napilitan lang din ako mag-audition sa isang school pageant dahil tinakot ako ng substitute prof na ibabagsak ako, pero ako pa rin ang nasunod di ko na sinipot ang ilang auditions kaya simula nun dineadma na ako ng bading na prof namin. At nung Grade I naman kasi si mudra pa ang nagdedesisyon kaya go ako sa parade.

6. Hindi ako madaling ma-inlove. Un lang.

7. Ako din ang taong hindi showy at hindi rin nagsasabi kung gano ka-importate ang isang tao sa akin. Hindi rin ako ung tipong nagsasabi ng I love you sa mga parents, kapatid at bestfriends ko. Hindi rin ako malambing. Pero sweet pa rin ang tingin nila sa akin hehehe.. at syempre alam nila na love ko naman sila.

ito naman ang mga gusto kong i-tag kung gusto niyo rin at kung di kayo busy…

bh, Jomiwi, Ate KP (kahit alam kong deadma ka sa tags heheh), idotmatrix, and jojie!!!