Posted in About me, Tags & Memes

yet another tag


If we have things or person we can’t let go.. syempre meron ding mga bagay na gusto nating i-let go. At yan na nga ang tag ni Vera sis sa akin for today. Mukhang hobby natin ngayon ang pag-sagot sa mga memes huh.😉

Hmmmn… 3 things I want to let go (?) kasi minsan kahit na gusto natin we can’t easily get rid off some things. Pero kung meron man eto ang mga un.

i want to let go of these…

pagiging paranoid at negative — minsan mas nauuna pa kong mag-isip ng kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa akin.

Nung college ako madalas kong nadadaanan ang mga babaeng nakatambay sa kanto, tumitigil sila sa pagkukuwentuhan at parang nagbubulungan kapag dumadaan ako, pagkalampas ko sabay may tatawa. Nakakainis pero dahil mahaba ang pasensya ko sa mga taong hindi ko kakilala dine-deadma ko na lang. Pero iniisip ko pa rin kung ako kaya ang pinagtatawanan nila? Kasi ako lang naman ung dumaan. Tuwing mapapadaan ako dun hindi ko sila tinitignan dahil nakayuko ako lagi pag may tao akong madadaanan pero hindi talaga ako kumportable, wala namang ibang madadaanan. Praning talaga ako. Pero napatunayan ko din na hindi ako nagkakamali na pinag-uusapan nila ako. Kasi nakipagkilala pala sila sa aking lola dear at sinumbong na suplada daw ako. Sinabi naman sa akin ng lola ko un. Pero hindi ko naman sila kilala at hindi naman sila tumitingin noon na tinitignan ko kung may kahit isang titingin, mag-smile sana ako. Kaya naisip ko wala naman silang pakialam, eh di yuko na lang. Ang haba ng explanation ko.

maikli ang pasensya at madaling ma-depress — sabi ko nga kapag hindi ko naman kakilala or hindi masyadong ka-close, i can hold my temper. Pero kapag close friend, bestfriend, or kapatid ko… maikli lang talaga ang pasensiya ko. Madali akong magalit o mainis kapag hindi ko nagustuhan ung ginawa.

Kapag naman may problema, ewan ko ba bakit nade-depress kaagad ako. Ung feeling ko hindi ko/namin maso-solve kaagad. Kailangan pang paliwanagan ako para lang huwag ko ng isipin. Mabuti naman madalas naso-solve din naman.

pagiging masyadong ma-pride — kapag may pinagtalunan kami, ako dapat ang laging tama. kapag sinabi nyang ako ang mali, deadma ka na sa akin. nature na yata ng ibang babae toh…

Un lang! Pero sana mabago at totally mawala na sa sistema ko yang mga ganyang ugali.

nga pala, wala muna kong iistorbohin😉 kaya i’m not tagging anyone.

3 thoughts on “yet another tag

  1. yang one two at three mo pareho tayo.. pero ngayong umikot ikot na ako sa mundong ibabaw at naging nanay e nag iba na rin ang paningin ko sa buhay…

    Rhapsody: ganun nga din po ako cguro pag mommy na din ako… kelan kaya un???

  2. daming tag ngaun sis ano? pati ako ang daming naka pending…nyahahahaha

    naku po, mukhang 80% same tau ng characteristic… medyo sumpungin at ma-pride… hihihi

    happy monday sis…

    Rhapsody: eh di ang dami mo palang assignment ha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s