Posted in About me, KaPamilya, KaPuso at KaBerks

larawang kupas


Habang ako ay pasilip silip sa kung ano bang latest sa friendster ng mga friends ko. Merong dalawang litratong nakapukaw sa aking paningin. Lumang litrato na kasama ko ang mga kaibigan at dating ka-trabaho sa Pinas.

Natawa lang ako kasi malaki na pala talaga ang ipinagbago ko physically. Natural naman na madagdagan ang timbang at magkaroon tayo ng improvement (naks! Nag-improve daw!) Pero iba pa rin pala kapag nakikita mo ang luma mong larawan. Madali kasing maikukumpara sa bagong mga litrato.

Ibang-iba na ako ngayon. Hindi kagaya nung dati na maputi ako, ngayon parang hindi na eh. Hindi rin gaya ng dati na sobrang payat ko. Nasaan na ngayon ang mga taong nagkukumpara sa akin kay palito? Oo na kitang kita naman ebidensya na mukha lang akong tikling noon. Sige nga tignan nyo ako ngayon baka hindi nyo na ako makilala. Heheh. Kasi naman may baby fats na rin ako. Akala nyo ha. Pero mga two weeks ago, pansin ko pumayat na uli ako… yun ay sa tingin ko lang naman ewan ko sa mata ng iba.

Sa tantya ko, mahigit limang taon na ang nakakalipas nung kunan ang picture na yan. Hindi ko na talaga matandaan ang eksaktong taon. Basta ang alam ko panahon pa ng kopong kopong yang mga picture sa pinakataas. Kuha sa bahay ng isang ka-trabahong lalaki na ang napangasawa ay classmate kong babae nung grade and hi-school. Dinalaw namin siya nung nakapanganak siya. Ang laki na ngayon nyang si baby Kei, may graduation picture na nga siya nung kindergarten syempre.

Parang naisip ko tuloy gumawa ng scrapbook. Kaya lang wala na akong time sa paggawa pa ng mga ganyang bagay. Bukod sa palipat lipat na kami ng bahay eh ung mga lumang pictures ko pa nasa Pinas. Di bale kapag nagka-anak na ako siya na lang ang gagawan ko ng scrapbook.

9 thoughts on “larawang kupas

  1. gustong gusto ko rin magscrapbook…. pwede naman simulan mo kung anong meron ka ngayon… wala naman akong masabi tungkol sa weight kasi hanggang ngayon payat pa rin ako.. hehehe

    Rhapsody: mabuti ka pa walang problema sa weight…. cguro kung ndi ako nag-Dubai payatot pa rin ako๐Ÿ˜‰ sana nga makapagscrapbook ako… mahilig tlga ako sa mga ganyang bagay eh hehehe… kaso wala lang talaga akong time๐Ÿ˜€

  2. minsan masarap magreminisce.
    sa pamamagitan ng piktyurs..
    nakuu..madali lang gumawa ng scrapbuk..

    ayos lang yan..mas masaya ang maging chubby๐Ÿ™‚
    masarap lumamon ng lumamon e, kaso kahit anong gawin kong lamon
    payatitot pa din ako,

    salamat po sa pagdaan sa blog ko..
    tenkyuu tenkyuu๐Ÿ™‚

    Rhapsody: sobra sarap talaga lumamon hahahaah.. pero kelangan ko na rin ng control… hirap pala huminga kapag sobrang dami ng laman ng tyan at ndi natutunawan heheeheh….. lam mo dati katulad mo rin ako, payatot kahit sobra sa takaw.

  3. Ahehe, sa tingin ko nga, hindi pa uso digital camera dyan sa first 2 pix?
    Yung kuha ng film lang? Nakow… ako mas maraming ganyan! ๐Ÿ˜†

    Una kong pinagkatitigan yung BABY sa unang litrato (ninang ka?), memya ko na basahin yung linked post tungkol sa “baby fats.”

    Inisa-isa ko yung pikyurs mo dine… hindi ka naman ganuon kataba.
    Sige nga, puntahan ko yung “baby fats.” ๐Ÿ™„

    Rhapsody: mahal pa ang digicam that time kaya talagang pag nagrecopy eh manghihiram pa ng negative heheheh… tapos iiscan pa para maipasok sa pyuter hahaha…

    ndi nga po ako Ninang eh, bisitang pandangal lang kami jan hehehehe, salamat naman po sa pagsasabing hindi naman ako ‘ganun’ kataba๐Ÿ˜€

  4. …hehehe, old school na pix ah.=)
    …konti lang namana nag nadagdag sa timbang mo…actually halos lahat nagsisispaglakihan dito sa dubey.=)
    …uuy, nagiisip na ng scrap book para sa future anak.

    Rhapsody: hahahaha! nakakainis noh.. wala pa nga asawa kung anu-ano naiisip… hay naku nagbabawas na talga ko ng timbang para maging healthy naman ang katawan ko๐Ÿ˜€

  5. sister magdigi-scrap tayo! dali!!!! ako nagsisimula na.. nakakaaliw, medyo overwhelming nga lang sa simula.๐Ÿ˜‰

    Rhapsody: ang husay mo na talaga ngayon.. eh pano ba magdigi-scrap kapatid? mangmang na rin ako sa technology grabeh…:(

  6. hello sis…

    i miss being here, sobra!

    teka teka, ngaun ko lang nakita…hawig mo pla c Marian Rivera!๐Ÿ™‚

    hay naku! kahit ako, natatawa ako sa mga vintage pics ko… ang super payat ko lalo na nung pina-nganak ko ang Kirk Zeus ko…hay! para akong butot balat… pro ngaun? yatot prin ako…nyahaha, pro kahit konti nakita ko ang improvement… hehehe

    ang puti mo ha…

    musta ikaw?
    amishooo
    labsyu

    Rhapsody: sisssssssss namiss kita ng bonggang bongga… heheheh… ang swerte mo nga kasi ikaw ndi ka tlga tumataba noh.. sexy mom ka at parang ndi nga mom eh. parang ate ka lang ni baby Kirk. hawig ko daw kasi picture lang yan eh, sa personal ang layo hahahaha… pero wish ko lang din hahahaha!

  7. hi hello po. thanks sa pagvivit sa blog ko po.
    inad na po kita sa aking list.

    ako kaya kelan ako tataba? pero ok na din ito kasi kahit anung kainin ko kahit sandamukal pa eh hindi ako nagkakaron ng belbel. hehehe.

    Rhapsody: isa ka rin sa mga swerte… o madami lang alaga sa tyan heheheh joke lng po… salamat sa pag-add…:D link u up too ha?

  8. Bilis talaga ng panahon noh… pag kumpara ko nga din sarili ko from five years ago ibang iba talaga! Parang mas bumata ako ngayon? Chorva!!

    Rhapsody: hahahha! pero seryoso, bakit after high school and college, mas nagmumukha tayong tao? hahaha… la lang naisip ko lang. ;))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s