Posted in dubai adventures, Health & Beauty

palengke queen


Last week we went to a Hypermarket in Al Barsha just to buy tilapia & crème caramel lang sana. Normally kapag nakakaramdam ako ng pagkatamad na maglakad lakad sa supermarket (which is palagi ko namang nararamdaman) siya na lang mag-isa ang bumibili. Pinapa-memorize ko muna sa kanya kung ano mga kailangang bilhin niya at kapag nalimutan niya tinatawagan niya na lang ako, habang ako naman ay nagrerelak at nagbabasa ng 7days sa sasakyan. But last Thursday parang feeling ko naman tamad akong umupo lang, kaya sabi ko sasama ako, gusto kong maglakad-lakad.

Ang supermarket ay nasa 2nd floor. Kaya kailangan mo pang maglakad ng konti papuntang escalator. Bago ako makaakyat ay may narinig akong tumatawag sa akin. “Miss! Miss!” Nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako na parang nagtatanong. Tanong niya, “Miss, filipina ka?” Sumagot ako ng oo. Ayun na… naghahanap daw sila ng isang babaeng makinis ang kutis (naks) para isali sa maliit nilang program. Pumunta lang daw ako sa itaas sa may customer service. Umakyat ako since yun din naman ang way papuntang supermarket. Nakita ko ang customer service, sa tabi nun ang maliit na stage na paggaganapan ng program nila. Nakaramdam ako ng hiya. ILang beses akong nagpalakad-lakad sa may tapat nun habang may kausap sa fone. Nagpunta din muna ko ng CR para i-check kung talagang makinis nga ba ang kutis at mukha ko. Kaya lang lagpak ako sa salamin. Nakikita ko pa ang bakas ng pimples ko na lumabas lang last week. Meron pa ngang maliliit sa noo ko na hindi pa rin nawawala. Sabi ko sa sarili ko nakakahiya naman baka puro foreigner ang kasali, magmukha akong katulong dun. Hindi pa naman ako naka-heels, tapos jeans lang at naka-green & yellow na t-shirt pa. Boyish ang porma ko that night. Litaw na litaw din na kulang ako sa height. Pero pinilit niya ako. Kaya sabi ko cge lapit lang ako dun. Inexplain nung bading na Pinoy sa akin. Sabi ko balik na lang ako, maggo-grocery pa ako eh. Sabi ko kay pakner ayoko na sumali. Siya naman ung pilit ng pilit sa akin. Kukuhanan niya daw ako ng picture, sumali na daw ako. Sabi ko ayoko talaga kasi hiya talaga ako. Maya-maya habang nag-iikot ikot at nagtitingin ng mga bibilhin. May lumapit na naman sa akin na Pilipina. Isa din siya sa naghahanap ng mga babae. Ayun na naman at naghahanap nga daw sila ng babaeng may glowing skin (naks na naman) kaya sali na daw ako at ieexplain niya kaya pinutol ko na sabi ko alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Inilista niya ang name ko agad at magkita na lang daw kami mamaya. Ilang beses ko din siyang nakita at pinagsasabihan pa akong maglipstick daw ako, kaso wala akong lipstick. Kaya sabi ko wag na lang pwede na tong hitsura ko. Naks sasali na daw ako hahaha.

Natapos akong maggrocery at un na din, pinaupo na kami. Hanggang sa mag-umpisa ang program. Nakita kong may mga kasaling bata kaya sabi ko okei lang. pero habang nagsisimula ung program, hindi na nila isinali ang mga bagets. Binigyan kami ng flowers at gift na ang laman ay 2 bottle of Yardley deodorant spray. Hay akala ko pa nman produkto ng Olay ang ibibigay deo lang pala … Sumali pa naman ako para makalibre ng Olay products waaaah! Mabango naman ang aking… hmpfffffff!!!

Umupo lang naman kami sa stage ng tatlo pang mga babaeng nahatak din nila para sumali. Puro Pakistani sila. At ako ang pinaka-maganda este matanda sa kanila. Kung naisip ko lang na magsisinungaling sila sa age nila sana sinabi ko 18 pa lang ako. Kaya pala tawa sila ng tawa, aba ung dalawa 23 lang daw at ung isa 24 lang daw. Syempre honest ako kahit pa madaming nanonood nun, kaya sinabi ko kung ilang taon na talaga ako.

Simple lang pala ang gagawin, parang nag-guest lang kami sa isang talk show at sasagutin ang tanong nila kung ano ang ginagawa namin para mapanatiling smooth & glowing ang skin (feeling model). Naks feeling ko ako si lucy torres ah… at ang criteria para manalong Face of the Night ay ang mag-SMS sa… actually hindi nagregister sa isip ko kung papano at kung anong number mo isesend ang boto. Isang dahilan, dadalawa lang kami na nagpunta dun at isa pa, pareho pang walang load hahahaha.. kaya sabi ko sa sarili ko… “wala na kong pakialam dito.. pwede bang umeskapo na? heheheh…”

At ang nanalo ng Face of the Night ay si Mamu Maria… ung nasa tabi ko na naka-orange. Na-picture-an din namin ung baby boy niya ang ganda ng mata. In fairness maganda si Mamu kahit mom na ang ganda pa ng makeup niya pati ang lipgloss niya. Pretty. Diyan nagtatapos ang attempt kong maging Hypermarket (palengke???) beauty queen…

Pictures of the search for Palengke Queen

the search

17 thoughts on “palengke queen

  1. …uuy, celebrity ka na, paautograph!hehehehe!
    …olay baby ka din? effective noh? hirap talaga ng tumatanda.:p

    Rhapsody: hindi.. gusto ko lang i-try ung olay kasi kung saka-sakali free pero nagkamali pala ako… eskinol baby ako hahahaha

  2. oi oi… I LOVE YOU RHAPSODY!!!! (sigaw ng taga hanga mo from Canada).. pa-autograph nman oh….hihihi

    ito ba ay co-insidence lng sa tagged ko sau?.. o tlgang patunay na ito na maganda at sexy ka… mantakin mo makinis pa ang kutis! tlgang hinakut mo na ang award sis… hihihi (jokies) but, indeed ur beautiful! promiz! walang lokohan! kasangga tau sa kagandahan e…nyahahaha

    ingats palagi..

    … baka sa sunod sa international beauty contest na kita makikita ha?… ipaalam mo agad skn, para tulungan kitang humakot ng txt votes…baka sa sunod wala nnman kaung load ng pakner mo…hijuiih

    labsyo!

    Rhapsody: wahaha masyadong mataas na pangarap na ung international hahaha tama na ung palengke-slash-talipapa contest hahah.. coincidence nga noh di pa nagsabay… pero di talaga ko sexy eh… maitsura lang hehe.. oo na nga pretty na tayo wahahaha.. wala ulit sana kumontra😉

  3. anong hndi sexy…nakita ko kaya ang mga big pose mo sa friendster, at panalo sis! hihihi
    … bakit may komontra ba na maganada at sexy taung dalawa?… cno at ma upakan nga…lol

    xmas is coming!🙂

    happy holiday!

    Rhapsody: wahahah akala mo lang un pero may (**baby**) fats ako hihihi! happy holidays din… 3 days akong mawawala dahil bukod sa day off may one day holiday pa na kasunod

  4. Ang ganda ng lola mo, biruin mo mamamalengke lang hinatak na para sa patimpalak. Pano na kaya kung sa party ang punta? Celeb na talaga ang dating, hehe..

    Rhapsody: wala lang cguro silang ibang mahatak.. kaya ung latak lang na gaya ko ang nahatak nila hahaha

  5. you gotta love a girl who joins a beauty pageant wearing a green t-shirt and dungerees.

    reminds me of a song by Loggins and Messina (and this one’s for you Rhapsody):

    “love the girl who holds the world
    in a paper cup, and drink it up
    love her and she’ll bring you luck
    and if you find she helps your mind
    better take her home…”

    somebody needs to take you home

    Rhapsody: whooow… thanks! i love that one… danny’s song right?

  6. you sure know your music

    just don’t let me catch you in a “Hooter’s” pageant. (not that I don’t think you’d qualify)

    Rhapsody: excuse me????? yeah am not… nuff of that.

  7. NYahahahahhaaaa! Kikay ka talaga bru! Tawa ako ng tawa sa entry mo na to..juzmiyo! Aba meron ka pala ambition na maging model! Lol deodorant! Ang importante, you had a great time! Kita mo na, all smile ka pa pic lol…sayang..i was rootin’ for u to win though. Mebbe neks time? lol! Teka, tawa ulit ako! mwahhahahaaa!

    Rhapsody: waaah asar noh…! sana man lang ung deo na ginagamit ko ang prize hehehe… oo nag-iisa lang yang naka-smile kaya yan lang ang malaki.. if u notice super liit nung iba saka ung iba di ko na sinama, kasi obyus na bored na bored na ko hahaha

  8. Anshoray! Wala akong masabi! Hahaha…kabog kami ni Jojitah!! Hahahaha

    Rhapsody: di naman… ika nga nila ‘marami pa akong kakaining bigas’ bago ko marating ang pedestal na kinalalagyan ninyo nyahahahaha

  9. waaawwww — idol na kita. ako olay din gusto ko…

    Rhapsody: di pa ko nakakatry ng olay. sponsor kasi nila un eh. eskinol pa lang tlga. pero i want to try takot lang me baka nakakapimples eh..

  10. naks! nde na kita ma-reach sister!!! galeng!!! dapat yung mga pinoy na naghatak sa yo ay bumoto in favor sa yo para kaw ang nanalo! di mo sinabi eh! sana bumoto din ako sa yo. kaw sana nanalo! hmmmppp!!

    bruks! ako kunin mong manager ha?

    Rhapsody: wahahah un ay kung ma-discover tayo hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s