Posted in About me, Life, Random Tidbits, Tags & Memes

Tagzzzzz!


Halu! Hindi ako nakapasok kahapon hindi kasi ako nagising ng maaga. Kasalanan ng aking pillow dinaganan niya ang fone ko hindi ko tuloy narinig mag-alarm. Too late na rin ng ginising ako ng ka-roommate ko kasi matataranta lang ako at lalo akong male-late kaya naisipan kong mag-sakit sakitan na lang. ‘i’m having diarrhea‘ ‘yan ang drama ko kahapon. Kaya kagabi pinalitan ko na ang alarm sound ko. Yung tipong gising agad ako pag nag-alarm ganun din pati ibang natutulog pa.

Pagpasok ko tuloy kanina, pinagtatawanan ako ni MJ, ang aming finance manager. Natawa na lang siya lalo na ng sinabi kong ng dahil sa mga pina-take home nyang chicken from KFC kaya ako nagka-diarrhea. Lusot ang drama ko.

kaya ngayon ko lang masasagutan ang tag sa akin nina DJ Azrael at Funky Monkey Kiko.😉

My ABCD’s

AAge: u guess… anjan lang sa tabi-tabi sa baba..
BBand Listening To Right Now: Not a band.. just listening to Elliott’s Yamin’s Wait For You.
CCareer: Marketing staff, minsan receptionist, minsan IT staff, minsan fax & photocopier technician basta kung anong maisipan nila!
DDrink or Smoke: I can drink before but not smoke.
EEasiest Friends to Talk To: my bestfriend Jing-goy, Mumu, Grasya,
Chu, and mil.
GGummy Bears or Gummy Worms: I like both.
HHave a Boyfriend: Yep.
IIn love: What do u think?
JJunk Food You Like: Loacker din – tiramisu, kakao, I think lahat na. Bugles, Kinder chox, ang dami pa eh di ko na maisa-isa.
KKids: wala pa.. who knows 2 or 3 years from now meron na. kasal muna bago kids.
L Longest Ride Ever: From Cavite to Quezon province.. and back. Kapagod talaga.
NNames for Your Future Kids: Wala pa pero dapat ung malandi ang name ^_^
O One Wish You Have Now: good future ahead, happy lovelife..
P Phobias: ipis, ipis at ipis. Ung sobrang liit ok lang na-overcome ko na un, pero ung mejo malaki na susme maha-heart attack talaga ko.
QFavorite Quote: Life is not about waiting for the storm to pass, it is about learning to dance in the rain
R Reason/s To Smile: my family and good friends
S Sleeping Time: normally
10:30pm but sometimes 1am..
TTime You Woke Up: exactly 6:45am Sun-Thu, kahit anong oras Fri-Sat
UUnknown Fact About You: Childish kahit na dapat mag-mature na.
V Vegetable You Hate: Ampalaya. Ampait eh!
W Worst Habit: Katamaran.
XX-rays You’ve Had: Lungs
YYummy Food: Kuway teo Goreng, Nasi Goreng, Shrimp, Siopao, Siomai, Kwekwek, dami..
ZZodiac Sign: Capricorn

Seven Facts About Me

1. Wala akong pakialam kahit ma-misinterpret ng iba na maarte ako, pero honestly malaki ang TAKOT ko sa ipis at hindi arte yun. Di gaya ng iba na nababahuan lang sa ipis. Ako, talagang sobrang takot. Salamat nga at wala akong sakit sa puso dahil kung meron matagal ng sumalangit ang kaluluwa ko. Kahit nga picture ng ipis o commercial ng baygon sa TV hindi ko talagang matignan. Kaya alam na ng mga kapatid ko, kapag commercial ng baygon, titingin na sila sa akin tapos magtatawanan kasi nakapikit na ako o kaya nakatingin sa iba. Naasar din ako kasi naalala ko noon na ang Bench ay gumamit ng pambalot na malaking ipis ang naka-design, ano natatandaan n’yo pa ba un? Ako tandang tanda ko kasi un dahil muntik ko ng maibato ang binili ko nung ma-realize na ipis pala ang design ng pambalot na hawak hawak ko. Kaya kinuha na lang ni Mudra at pinagtawanan na naman ako. At nung tinakot naman ako ni Mudra at nilagay sa braso ko ang isang patay na ipis, sobrang naghysterical ako at nagkulong sa kwarto habang sigaw ng sigaw mag-isa kaya mabuti nga sa kanya, pinagalitan siya ni Pudra hahahahah.

2. Dahil sobra akong dependent sa Mudra ko, marami akong gawaing bahay na hindi alam at natutunan ko lang nung 26 years old na ako. Yan ung time na nasa disyerto na ako. Ang unang recipe ko ay sinangag, wala nga lang naglakas loob kumain nung sinabi kong sinangag un kasi ang akala nila champorado.

3. Ang ka-lololololololohan (ewan kung ilang henerasyon un) daw namin ay isang Chingkit. Kaya naman may pagka-chinita daw ako, pero di ko ma-feel kasi ang tingin ko maliit lang talaga ang mata ko at hindi singkit. Iba kasi ang mata ng singkit sa mata ko. Lagi nga akong tinatanong kung may lahi akong Chinese. Ang ibang Chinese naman napagkakamalan akong Chinese din or minsan Japanese.

4. Simula nung bata pa ako hanggang lumaki na. Hindi ako tumataba. Feeling ko lang na tumaba ako pero hindi naman daw pala. Kahit anong kainin ko at kahit na mag-pancit canton ako after dinner every night. Walang epekto. Payatot pa rin. At ang pangarap ko talaga ay tumaba. Natupad naman ngayon na wala ako sa Pinas, kaya lang mahirap din pala magbawas ng timbang.

5. Sobra akong mahiyain. Ni hindi nga ako nakikipag-usap sa seatmate ko lalo na kung lalaki. Hindi rin ako makatingin sa kanila. Marami ang nagsasabing suplada daw ako at sobrang tahimik. Pero kapag kaibigan ko madaldal naman ako. Ngayon may konting pagbabago na. Hindi na ako kagaya ng dati na talagang super mahiyain. At dahil sa pagiging mahiyain din hindi ako pumapayag na i-nominate para maging muse. Napilitan lang din ako mag-audition sa isang school pageant dahil tinakot ako ng substitute prof na ibabagsak ako, pero ako pa rin ang nasunod di ko na sinipot ang ilang auditions kaya simula nun dineadma na ako ng bading na prof namin. At nung Grade I naman kasi si mudra pa ang nagdedesisyon kaya go ako sa parade.

6. Hindi ako madaling ma-inlove. Un lang.

7. Ako din ang taong hindi showy at hindi rin nagsasabi kung gano ka-importate ang isang tao sa akin. Hindi rin ako ung tipong nagsasabi ng I love you sa mga parents, kapatid at bestfriends ko. Hindi rin ako malambing. Pero sweet pa rin ang tingin nila sa akin hehehe.. at syempre alam nila na love ko naman sila.

ito naman ang mga gusto kong i-tag kung gusto niyo rin at kung di kayo busy…

bh, Jomiwi, Ate KP (kahit alam kong deadma ka sa tags heheh), idotmatrix, and jojie!!!

20 thoughts on “Tagzzzzz!

  1. ABCS
    t- time you woke up

    …wait a minute, what time did you say you got out of bed today?

    A

    Rhapsody: i woke up this morning at 6:45am except yesterday..😉

  2. T:

    sometimes, the best laid plans get waylaid by too much partying the night before.

    Rhapsody: Partying???? Nah ah! Puyat lang.. insomnia na naman for 3 nights.

    Name the baby.. A? Hmmmnn.. I’ll think about it heheheh.. I want a unique name.
    I would love to dance anything in the rain, but I can’t dance… but i like to sing When We Dance by Steven Curtis Chapman in the rain.. 😉

  3. …hiyee!!…hehehe sa career! wala talagang saktong job description dito noh?:) kasi halos lahat sa atin ipapagawa…pang all around ang pagiging competent at maabilidad ng beauty natin e.;p

    Rhapsody: as in.. sinabi mo pah!!! hmpFFF mejo kulang kasi ang kaalaman magagaling magdaldal pero kulang sa gawa… heheheh

  4. what’s a kwekwek? are you sure that’s not a typo?

    Rhapsody: don’t know how to spell it but that’s really how it’s called.. it’s a hard boiled quail eggs, dipped in orange batter and deep-fried. Like fishball and squidball, it’s best to eat with a sweet & sour & spicy sauce.

    btw, it’s a street food😀

  5. so, that means you didn’t go to school in manila.

    Rhapsody: yup! my school is just 30minutes walk or 2 minutes ride from home. i choose to ride a jeep kasi parang ang layo talaga. hehehe

  6. well, 30 minutes is a long walk.

    FACTS 2
    this means that you were a spoiled brat?

    Rhapsody: no i’m not! hmmm.. maybe a little.. but.. u just said that 30 minutes is a long walk.. so why walk when u can ride and reach school early.. and fresh.. right?😉

  7. Sa wakas may nag-tagged sa kin! Pag-iisipan ko mabuti ‘to, hintay lang ng response ko k’se may migraine na naman ako..grrr…I can’t concentrate😦

    Rhapsody: naku yan ang pinaka-ayoko yang migraine na yan.. iniiyakan ko tlga at pinapahilot ko with vicks sa pudra ko..

  8. salamat sa pagdaan sa blog ko ha… ang mga eksyus slip ko din sa opis dati parating may halong joketime para lusot agad, hehe. sinangag na champorado? ano kaya hitsura nun? ako nga mag init lang ng tubig dati di ko pa magawa, wahhh…

    Rhapsody: salamat din sa pagdaan😉 nangitim ung sinangag dahil sa sobrang daming toyo na nilagay ko… naku, pareho pala tayo hahaha! at least nag-improve naman.. dami na din akong pa-cham hindi na champorado lang..😀

  9. nyahahahha!! sabi ko na nga ba at parang may tumatawag sa akin dito eh. hahahaha!! i know, i know! my utang pa ako sa yo. hahahahaha… lufet mo! eh kasi feeling ko ang mga tags na yan ay mga pambata lang eh. (arekupu!) o sige… give me time, ok? LOL!!! (taytayujan!)

    Rhapsody: HahahaH pambata po ba….? kaya nga tayo gagawa kasi bata pa tayo divah???

  10. ok na sana sagot mo na bata pa tayo (na kasama nga sana ako dun) kaso naman, pinopo-po mo naman akesh! nyahahhahaha!!!

    Rhapsody: nyahahaha.. uso naman ang paggamit ng ‘po’ ngayon kung nagpapa-cute eh. kaya.. nagpapa-cute lang ako mweheheheh!

  11. ay teka muning… alin ba ang naka-tag? yung A-Z or Seven facts about me? Don’t tell me pareho? 2-in-1? waaaaaaaaaaaaaa!!!!! ano ba gagawin ko? mwehehehehe… (halatang bobing sa mga tag eh!)

    Rhapsody: dalawa yan ate.. pero it’s up to u kung gusto mo kahit isa lang jan sa dalawang yan…😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s