Posted in Boredom, Life, Work & Work Hard

should i stay or should i go

Ang saya ang bilis talaga ng araw. Thursday na naman – kaya ang ibig sabihin 2 days na pahinga na naman. 2 days na hindi mag-aalarm. 2 days na late ako magigising. pero 2 days din akong hindi makakasilip sa mga blogs. Ano na naman kaya ang gagawin ko sa 2 days na yan. May DVD nga palang pinahiram si Ate last Monday kaya siguro manonood na lang ako ng movie.

Ah naiinip na ako! Parang gusto ko ng mag-April or May 2008. Kasi ang ibig sabihin nun vacation ko na. Uuwi na ko ng Pinas. I’m planning na hindi muna bumalik ng Dubai. Gusto ko kasi ng mahabang vacation. Mga 8months or 1 year. Matagal na ba un? Tapos babalik din naman ako. Kaya lang ang ibig din sabihin niyan dapat mag-resign ako. Hindi naman pwedeng ganun katagal ang bakasyon eh. Ano ko sinuswerte? Kailangan ding ganyang katagal kasi i’m sure dahil kilalang kilala na namin ang boss namin, bibigyan ako ng ban nyan kapag nagresign ako. Kasi ganun siya sa lahat ng umaalis. Kaya dapat lang na hintayin kong ma-lift ang ban, although pwede rin naman bumalik ako agad at magwork while on visit visa. Basta marami pang issues na hindi ko na lang iisa-isahin pa dito at dahil sa mga issues na yan kaya naisipan kong imbes na tapusin ko ang contract ko, i’ve decided na rest nalang kaya muna ko sa Pinas saka ako babalik with a vengeance! hehehe joke lang. But i really hope na matuloy itong plano kong ito at hindi maunsiyami heheheh..

Isa pang dahilan kung bakit tatagal ako ng Pinas ay dahil kailangan ko ding hintayin si Pudra. I think September or October ang uwi niya ng Pinas. Dapat hintayin para kumpleto ang pamilya, di na kasi kami nagkita nung umalis ako noon. I’m sure miss na miss na nila ang pinakamaganda nilang anak. Syempre ako lang kaya ang babae kaya ako lang ang pinakamaganda dapat. πŸ˜€

‘Yan talaga ang mga bagay na gumugulo sa utak ko lately kaya yata bumalik ang insomnia ko at inaabot ng 3:30am bago makatulog. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang maging desisyon ko

– ang magresign na para sa pagbabalik ko ng Dubai mas magandang company; or

– ang magbakasyon na lang ng one month at tapusin ang contract sa company’ng ito saka maghanap ng mas magandang company…

teka makapag-isip muna ng malalim-lalim…… πŸ˜‰