Posted in Boredom, Life, Work & Work Hard

should i stay or should i go


Ang saya ang bilis talaga ng araw. Thursday na naman – kaya ang ibig sabihin 2 days na pahinga na naman. 2 days na hindi mag-aalarm. 2 days na late ako magigising. pero 2 days din akong hindi makakasilip sa mga blogs. Ano na naman kaya ang gagawin ko sa 2 days na yan. May DVD nga palang pinahiram si Ate last Monday kaya siguro manonood na lang ako ng movie.

Ah naiinip na ako! Parang gusto ko ng mag-April or May 2008. Kasi ang ibig sabihin nun vacation ko na. Uuwi na ko ng Pinas. I’m planning na hindi muna bumalik ng Dubai. Gusto ko kasi ng mahabang vacation. Mga 8months or 1 year. Matagal na ba un? Tapos babalik din naman ako. Kaya lang ang ibig din sabihin niyan dapat mag-resign ako. Hindi naman pwedeng ganun katagal ang bakasyon eh. Ano ko sinuswerte? Kailangan ding ganyang katagal kasi i’m sure dahil kilalang kilala na namin ang boss namin, bibigyan ako ng ban nyan kapag nagresign ako. Kasi ganun siya sa lahat ng umaalis. Kaya dapat lang na hintayin kong ma-lift ang ban, although pwede rin naman bumalik ako agad at magwork while on visit visa. Basta marami pang issues na hindi ko na lang iisa-isahin pa dito at dahil sa mga issues na yan kaya naisipan kong imbes na tapusin ko ang contract ko, i’ve decided na rest nalang kaya muna ko sa Pinas saka ako babalik with a vengeance! hehehe joke lang. But i really hope na matuloy itong plano kong ito at hindi maunsiyami heheheh..

Isa pang dahilan kung bakit tatagal ako ng Pinas ay dahil kailangan ko ding hintayin si Pudra. I think September or October ang uwi niya ng Pinas. Dapat hintayin para kumpleto ang pamilya, di na kasi kami nagkita nung umalis ako noon. I’m sure miss na miss na nila ang pinakamaganda nilang anak. Syempre ako lang kaya ang babae kaya ako lang ang pinakamaganda dapat.😀

‘Yan talaga ang mga bagay na gumugulo sa utak ko lately kaya yata bumalik ang insomnia ko at inaabot ng 3:30am bago makatulog. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang maging desisyon ko

– ang magresign na para sa pagbabalik ko ng Dubai mas magandang company; or

– ang magbakasyon na lang ng one month at tapusin ang contract sa company’ng ito saka maghanap ng mas magandang company…

teka makapag-isip muna ng malalim-lalim……😉

10 thoughts on “should i stay or should i go

  1. Two questions I would ask myself before resigning:

    1. Do I have enough money to support myself for the length of time I will be out of work PLUS another 3 months in case I don’t find work in the time I thought I would?

    2. Am I confident I will be able to find a new job?

    If the answer is yes to both, then go for it!😀

    Thanks for visiting and leaving a comment on Your Love Coach. I hope you can swing by The Goddess In You as I’m sure you’ll enjoy exploring it, too! There is simply lots to do there.😀

    joy
    The Goddess In You

    Rhapsody: Hi po thanks for that!

    if i’m gonna ask my self that question.. let me see…. for the 1st question.. i’m actually planning of looking for a job while i’m in the Phils.. if i can i will work.. about the money.. hmmnn we’ll see..😉 and for the 2nd question.. i’m not sure if i can get a job in Phils, but if i come back to Dubai.. i think (crossing my fingers) i can get a new job.😀

  2. By the way, what does ‘sayang’ mean in Malay? So I can include it on the list of Terms of Endearment on Your Love Coach.

    joy
    The Goddess In You

    Rhapsody: According to wikipedia the term is used more generally as an expression of romantic affection.

    Anyway, he chose that coz it resembles that of tagalog word but with a completely different meaning which makes it somewhat strange kung may ibang makarinig. It means ‘love’ or ‘darling’. While another Malay word ‘cinta’ in its English translation is also ‘love’, he said that ‘sayang’ cannot be compared to ‘cinta’ since the term ‘sayang’ cannot be literally translated because of its deep meaning.

  3. hello sis…

    naku! hirap ng desicion na yan… and both are very risky but i agree sa sinabi ni “joy”

    for me, kung ako ang nasa position mo… kung mabait nman ang amo.. tapusin mo na lng ang contract mo saka ka lumipat ng company at kapag malapit na mag end ang contract mo saka ka mag bakasyon ng mahaba-haba dba?…

    pro nasa sayo prin ang last desicion.. kaya god luck!! sama ako sa pag uwi mo.. saktong sakto nman ako sa balikbayan box mo e…maliit lnga ko at magaan…hihihi– dadala ako ng mga chocolates…nyahahahah

    good day!

  4. Pati ako naguguluhan na din ahh… Kung sa tingin mo di naman ganun kaganda ang company mo, eh di resign kana lang then bakasyon sa atin ng mas matagal then balik ng Dubai at hopefully makakuha ka ng mas magandang company na mapagtatrabahuhan. Pero talaga bang madali kang makakabalik sa Dubai if ever na magresign ka? Kung sagot mo eh, “yup, oo, sigurado!” then go girl!

    Hayy parang ganun lang kadali para sa akin ah, hehe… Actually gusto ko lang naman talagang mag HI sayo😀

  5. hayeee!! thanks at na-windang din ang utak ng iba sa inyo..😀

    @Vera — nakakainip kasi kapag iniisip kong 2009 pa matatapos ang contract ko.. lalo na kapag iniisip kong bakit ako magtitiyaga kung maraming company na mas maganda ang offer lalo na sa may experience na sa bansa nila. hihi cge pag nagkasya ka sa box kasama ka hahaha… sure i’ll check ur post

    @Misyel — hmmm sa tingin ko.. mas madali na unlike nung first time; kasi mas madami na kong kakilala at may maghihintay na sa akin.. Hi di sayo hehehe😀

    @bh — i hope may bago kang kwento sa blog mo hehehe😉

    @Jojie — hahaha ayoko nga nun.. puro bakasyon na lang for the rest of my life hahahahah…

    @earthlotus — tenk yu.. i hope na wala nga kong pagsisihan..😉

  6. …hay naku, daming makakarelate sau, karamihan talaga yan ang problema, gustong magresign pero ang daming consequences. at least habang nagbabkasyon ka, magmuni muni ka na din kung aalis ka b o magaantay hanggang 2009.he3! goodluck!;p

    Rhapsody: hahahah alam ko naman alam mo kasi nasa iisang lugar lang kaya tayo dibah… kaya nga nagmumuni-muni ako… marami pang mangyayari kahit final na ang decision ko sa ngayon, ndi pa rin final.. ang gulo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s