Posted in dubai adventures, Random Thoughts, Rants

Mayo ( ‘rdoma )

Mayo (māy- ó) – refers to someone who acts like she owns your whole being…

goodbye Mayo!

Iba-iba talaga ang ugali ng tao. Lalo na sa ibang bansa kung saan iba-iba din ang makakasama mo sa iisang bahay. Akala ko nakatagpo na ako noon ng isang kabayang tumatalo ng sariling kabayan. Hindi pa pala grabe iyon. Dahil may mas nakatagpo pa akong mas grabe. Una pa lang, kakaiba na ang ugaling pinakita niya. Hindi siya ung tipong friendly kabayan. Laging busangot si mukha at titig ng masama. Konting galaw mo may sinasabi o di kaya bumubulong bulong ng ibang dialect. Swerte niya Tagalog at English lang ang alam naming salita. Akala mo laging may eleksyon, post ng kung ano-ano sa bawat sulok ng bahay. Reklamo dito, reklamo doon. Parang hindi niya alam kung papa’nong ngumiti at tumawa.

Nung isang araw nagwala ang dambuhalang babae. Nagkasagutan sila ng kasama namin sa bahay. Continue reading “Mayo ( ‘rdoma )”

Posted in Bloopers, dubai adventures

chewing gum experience

Pauwi ng bahay kagabi. Sumakay ng tren. Busy sa BBM. Todo volume ang sounds. Ng biglang may lumapit…

Inspector: “Give me your tickets.”

Me: “Huh?!?”

Repeat 3x (parang kanta lang)

Takang taka lang ako. Di ko alam ano’ng pinaghihingi sa akin ng inspector. Finally iniba ang words.

Inspector: “You’re chewing gum.”

Me: Nanlaki ang mata at kinabahan. Biglang naalala bawal ngumuya at lumunok uminom sa tren.

Inspector: “Okay, we’ll get down the next stop.”

Me: Super disappointed na ang mukha

Paglabas ng Karama Station. Hiningi ang labour card ko. Tapos pinagbabayad ako ng 110 Dhs. Sabi ko wala akong ipapambayad. I-claim na lang daw ang card pag may pambayad na ako sa loob ng 40 days. Hmmmn. Tinawag niya ang isang lalaking hindi ko alam kung supervisor ba iyon. Nakatingin lang at bihirang magsalita. Continue reading “chewing gum experience”

Posted in dubai adventures, Language & Culture, Life, Random Thoughts, Religions & Beliefs, Work & Work Hard

Ramdam ko ang gutom ngayong Ramadan

Di ako masaya ngayong buwan ng Ramadan. 😦

Paano ba naman, napakapangit ng sked ko! Pitong oras na pasok tapos walang breaktime!?! Ano ba namang buhay ito? Nagta-tarabaho para lang magutom? How depressing is that?!? LoL!

Mabuti sana kung noon pang time na nagda-diet ako. Kaso hindi na. Hindi ako nagda-diet. Nagpapadagdag na ako ng laman dahil pumayat ako ng sobra. Maigi pa noon sa dating kumpanya. Nakakakain kami pagkatapos maaga pa ako nakakauwi.

Pero dito hindi ko yata magawa iyon. Ang ginagawa ko nalang ay tuwing umaga pinupuno ko ng kanin at ulam ang tyan ko. Para maraming reserba. Hanggang hapon na iyan. First day ko ngayon sa trabaho ngayong Ramadan. Masusubukan kung makakaya ko. Isipin mo ang baon ko lang ay kapirasong pack ng M&M’s. Pamatid gutom daw kasi ang sweets. Hindi ko lang alam kung makaka-survive ba ako nito hanggang alas-singko.

Lahat kasi ng kasama ko sa opiz ay M ang relihiyon. Kaya kahit papa’no ni-rerespeto ko na ang tradition nila. Gumagawa na lang ako ng paraan paminsan.

Habang abala si B sa telepono, Continue reading “Ramdam ko ang gutom ngayong Ramadan”

Posted in Love & Relationship, Random Thoughts

Hindi ba talaga kayang kalimutan si first love?

Ma-mais ang title. :mrgreen:

Tumambay uli ako sa Dashboard. Punumpuno lang naman ng mga searches tungkol pa rin sa pagpapataba. Pero ang nang-agaw ng atensyon ko ay ang katanungang ginawa kong title ng entry’ng ito.

Hindi nga ba talaga kaya?

Sa tingin ko —

KAKAYANIN naman eh.

Yun nga lang it takes time to process all the grief, anger and sadness. Weh! Kasalukuyang nanjan ako sa katanungang yan eh. Very timely ba ang pagtambay ko sa dashboard? Talagang ako pa Continue reading “Hindi ba talaga kayang kalimutan si first love?”

Posted in Love & Relationship, Random Thoughts

Pag Mahal Mo….

Life oh life! Love oh Love!

Pag depressed ka nga naman… babalik na naman ng WP – Eto na naman at magsusulat. Kahit wala namang inspirasyong magsulat. In fairness… nakatiis naman ako kahit papano. Ngayon lang yata unti-unti kong natatanggap na hindi palaging masaya ang life. Sobrang daming problema ang pinagdaaanan at nalusutan ko the past years na nawala ako sa blogosphere. Nawala na nga rin ang ibang site na noon ay araw araw kong binibisita. Nasa’n na kaya sila?

Hindi ko nga alam kung papano’ng isusulat ang mga nangyari the past year, siguro unti-unti na lang. Kahapon habang nabobored sa ofiz dahil walang magawa, naisipan kong tanggalin muli ang agiw ng aking blog. Natatawa ako dahil may naiwan pala sa draft. Ang kabaliwan at kadramahan ko. Sinulat nung kasalukuyang magulo ang isip – hanggang ngayon naman magulo pa rin ;P

Pag mahal mo ang isang tao at magkalayo kayo, bakit kulang ang araw ng hindi mo siya nakakausap? Continue reading “Pag Mahal Mo….”

Posted in Blogging, Uncategorized

Magba-blog o Hindi?

Magba-blog pa nga ba o hindi na….? Ano pa nga ba’ng ginagawa ko ngayon? Nagba-blog na!

Naawa na ako sa blog ko. Sa tuwing nalulungkot na lang ba ako. O di kaya naman ay nabo-bored saka ko lang siya naalala?

In fairness, mahabang panahon kong iniwan ito… mahabang panahon akong nagging malungkot at namroblema pero tiniis ko talagang hindi isulat iyon. Hindi naman kasi nakakatuwang makabasa ng puro na lang problema, di bah? Kaya minabuti kong lumayo muna pansamantagal sa blogosphere.

Pero eto ilang araw ko ng pinag-iisipang mag blog ng muli. Bahala na kung may magbasa pa o wala na. Ang mahalaga may pagsusulatan pa rin ako. Nakakatuwang hindi ko ni-delete ang blog na ito kahit papano may babalikan ako. At nakakatuwa rin na buhay na buhay ang isa kong entry at patuloy pa rin ang comments at questions na natatanggap. Pasensya na lang at hindi ko na masagot. 🙂

Posted in Animals, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Pets

Roxy – Kwentong Aso

Gaya ng naisulat ko noon DITO – mahilig kami sa mga pups and doggies. Sila ang nakakapagpasaya sa amin. Napakagulo sa bahay kapag kalaro ang mga aso. Napagkamalan ngang may bata sa bahay at yun ang pinagkakaguluhan. Pinagtalunan pa ng mag-asawang kapitbahay kung aso o tao ang bine-baby talk namin ahaha!  Ang hindi nila alam mga aso lang pala ang kalaro. Later naman ay natuklasan nilang wala pang apo ang mga parents ko. Sadyang mababaw lang ang kaligayahan at tinuturing na tao ang mga aso.

Pag-uwi ng Pinas noong 2010, at last na-meet ko na rin ang mga bagong aso namin. Si DJ at Bugs. Sila ang mga doggies na pahapyaw kong nabanggit sa lumang entry. Sobrang close na kami ni DJ. Mahal niya naman ako, pero mahal niya rin akong tarayan! Sa sobrang inis niya sa akin nung minsan, tinalon niya ako at natumba ako – gasgas at pasa ang inabot ko. Pero lambing lang yun sa kanya. Daig ko pa ang binugbog ng jowa nun dahil araw araw puro pasa ang binti at braso ko dahil sa kanya.

Si Bugs, ang aming terrier doggy. Hindi ko alam kung ano ba talagang breed niya basta ang sabi ni mudra terrier daw si Bugsy boy. Masyado siyang galawgaw at mabigat. Kapag nilandi niya na ako hindi na ako gumagalaw dahil for sure matutumba lang ako sa sobrang lakas niya. Recently nagkasakit siya, don’t know kung ano’ng nangyari sa kanya. Basta na lang naging weak siya. Willing na nga kami to let go of him kasi nakakaawa na siyang tignan. Pero iba talaga si Bugs, palaban siya at hindi basta basta sumusuko. Kaya sa ngayon ay unti unting lumalakas na siya.

Si Alex, ang puppy na girl pero mukhang boy. Ampon lang siya dahil hindi mahilig sa doggy ang kapitbahay. Tahimik at madalas tulala. Siguro dahil sobrang baby pa siya. Hindi rin siya love ni DJ pero isinisiksik niya pa rin ang sarili niya, kahit sa akin. Kaya love ko na rin siya J

Si Roxy, ang cutest puppy. Anak siya ni DJ. Sobrang love ko siya dahil malambing at makulit. Araw-araw at gabi-gabi niya akong iniistorbo sa aking pag-iinternet. Hindi ako makapagconcentrate sa online activities ko dahil sa pagkagat niya sa binti o kaya sa pants ko. Kapag naman matutulog na ako, gusto niya nasa bed din siya. Kaya gabi-gabi katabi ko siyang matulog. Pwera lang nitong mga nakaraang gabi at ngayong gabi.

Kasi naman iniwan na kami ni Roxy 😦 Continue reading “Roxy – Kwentong Aso”

Posted in Blogging

I can’t say goodbye to blogging…

Totoo nga yata talagang…” Once you blog, you can’t stop!” 😀 Kahit wala naman ding saysay ang ibablog. Kasi eto na naman ako at gusto’ng magblog. One year ko ding sinara at pinilit kalimutan ito. Parang naririnig ko pa si Helen Reddy at Gary V habang kinakanta ang linyang…

♫♪♪♫ I can’t say goodbye to you…. No matter how I tried, you’re such a part of me… ♪♫♪♫  Kay tagal mo mang nawala, babalik ka rin, babalik ka riiiiin…♪♫♪♫♪

Haist, wala na yata akong masyado magawa sa Facebook kaya eto at nagbabalik na naman sa paminsan minsang pagbablog. Nabubusit lang ako dahil hindi ko mailagay ang google adsense sa dahilang hindi ko mapalitan ang address ko waaaah! Napaka-useless ng adsense ko!

Heinaku… wala pa ring tigil ang mga comments sa lumang entry ko about pagpapataba kaya naman lagi akong nareremind na may blog pala ako. I dunno know if may iba pang naliligaw dito sa aking bahay bukod sa mga gustong magpataba ^-^ Basta ako magbablog kahit wala ng audience heehee!!! I sooo missed this 😉

Posted in Uncategorized

buh-bye

Nagsimula akong magblog out of boredom sa disyerto. Nakitingin, nakitawa, nakiiyak at nakibasa ng buhay ng iba. Sobrang nawili at kulang ang araw kung ndi makagawa ng entry. Kung anu-ano’ng makabuluhan at walang kabuluhan ang laman ng aking munting blog 😀 Hanggang sa naging madalang na ang paga-updated dahil sa isang problemang naging dahilan kung bakit nawalan ako pansamantala ng ganang magsulat. Kung pinagpilitan ko, malamang puro hinanakit at galit ang laman.

Napakarami kong natutunan last year. Though I was not able to blog about it here, let me just say that everything is fine now. I am very happy, satisfied and proud of myself rin 😀 All thanks and praise to GOD. 😀

Sa ngayon, I’ve decided na iwan na ng tuluyan ang blog na ito. Ngunit hindi ko magawang ma-delete dahil naging part na ito ng buhay ko, naks! Malamang gumawa na lang ako ng panibagong blog. 😀 Kitakits sa kabila 😀

Posted in dubai adventures

Ice skating sa Disyerto

Kinalimutan ko muna sandali ang mga alalahanin kaya’t kasama ang ka-roommate nagpunta kami sa Dubai Mall para mag Ice skate. We don’t actually know how to skate, we never tried skating before as well. For us, it looks so easy to skate. Ang galing naman kasi ng mga nakikita ko noon sa araw araw dun sa Hyatt Regency Hotel. Gusto ko talagang i-try noon pero wala namang time at kasama. Kaya kanina sinamantala ang pag ice skate sa Dubai Ice Rink. Xempre pa’t excited kami. Pag-apak na pag-apak sa loob ng rink, aun na sabi ko labas na kaya kami. Heheh.

Hindi pala ganung kadali lalo na kung first time mong gagawin. As expected kapit lang kami sa gilid, ilang ulit ng muntikang matumba hanggang sa natumba na nga… kakatawa naman pareho pa naman kaming hindi marunong. Hmmm kung may gwapong trainor lang sana eh di inubos namin ang buong dalawang oras na un. Kaso wla eh kaya 15-minutes is enough. Sayang ang 50 dhs mabuti na lang at binigay lang ang pass na iyon ng friendship ko 😀

Posted in Life

I’m happy despite…

Yes, I dunno why I feel happy the past 2 days. Oh well, of course there is one reason pero di ko pa masabi sa ngayon. I know I shouldn’t celebrate just yet, ayokong maudlot. But still, I’m happy despite all the problems I’m still having. Yes, my life now is a bit complicated and down to its worst but it sure is gonna end very very soon. It doesn’t mean na lahat ng problema ko ay matatapos na, but I’m happy na nakakakita na ako ng liwanag for this one big problem I have been dealing with for almost a year now.

Still keeping my fingers crossed and praying that the next step I need to do wouldn’t be too hard to accomplish. May God help and guide me. I know this too shall pass.

Posted in Uncategorized

nonsense

Bakit nakalimutan ko bigla ang mga bagay na nasa isip ko kanina?

Okei.. sandali po iisipin ko lang… sandali muna… wait lang! lol! ampft! I swear ang dami talagang tanong sa isip ko kanina! Ganito ba talaga ‘pag confused, talaga naman lahat na lang nalilimutan ko! Tungkol sa “Pag-ibig” un eh..!

Kainis! Ganito yata talaga pag problemado sa buhay at pag-ibig naks! Me ganun? Noon ang saya saya tapos ngayon… parang ang labo labo na. Tama na munang emo toh! Next time na lang uli ‘pag maalala ko ung mga tanong sa isip ko 😀

Posted in Uncategorized

Disappointed

Pwede bang umiyak… 😦

Sad sad sad… disappointed about something. Kelan kaya ulit ako magiging happy and satisfied. Everything seems so slow and difficult. I wish God would give me more courage, patience, guidance and wisdom to understand all things.

Posted in Love & Relationship, Random Thoughts

4:01 PM

bakit palaging may hadlang?

o kaya naman problemang dumarating?
dapat nandito ka na…

pero ganun ba talaga?

ayan tuloy wala ka pa rin…
——

kung minsan gusto mo ng sumuko,

sa isang bagay na parang imposible naman.
pero kung iisipin mo naman – haist, parang ang hirap naman kayanin.

naiisip kong…

hindi yata talaga tayo para sa isa’t isa.
‘di ko naman kayang kalimutan ka na lang.

lagi ka kasing nariyan, ayaw ding bumitiw.
ayoko ding bitawan ka….

pero kung un ang makakabuti…

BAKIT HINDI…?

 

ang tanong… kakayanin ko din kaya?