Posted in Uncategorized

Minalas o Susuwertihin?


Ang alam ko ang malas ko ngayong araw na ito.

Paalis na lang kasi ako ng bahay para pumasok sa office, hindi ko pa mahanap ang NOL card (train and bus) ko. Nagmamadali pa naman ako dahil dadaan pa ako ng bank para magdeposit ng cheque na kailangang mai-deposit before 9:00 AM. Ang alam ko nilabas ko ng bag iyon dahil magpapalit ako ng gagamiting bag. Pero nung paalis na ako nawala na ang card. Binaligtad ko na ang dalawang bag. Sinilip ko na ang ilalim ng sofa. Tinignan ang bed ko. Pero wala talaga!!!😦

Paano ako papasok? Magta-taxi? Sayang naman dahil maraming ikot pa ang gagawin nun. Bibili ng bagong card? Pero abala lang iyon at mauubos lalo ang oras ko. Ang ginawa ko na lang. Naglakad ako. 15-20 minutes kayang lakarin papasok. Magtatagal lang ako dahil pupunta pa ‘ko ng bank. 8:35 na ata ako nakaalis ng bahay. At sakto 8:59 AM naideposito ko ang cheke!

Pero may konting abala habang papunta ako ng banko. Mabagal akong naglalakad dahil hinahanap ko ang deposit slip at cheke. Maya maya naramdam ko na lang may something na bumagsak sa braso ko. Eeewness! Nakakainis naman talaga! May ipot ng kalapati sa braso ko! (Sorry sa mga kumakain) Mabuti na lang may wet wipes akong dala, kung hindi paano na lang ano ang ipampupunas ko dun LoL! Pero ang dala kong wet wipes ay…. basta secret! Bawal sabihin.  Nakakahiya lol! Talaga namang it’s my day, today!

Swerte daw yung maiputan, sabi nila. Pero hindi ko pa maisip ang swerte dahil nanghihinayang ako sa nawawalang bus card na pangkalahating buwan ko pa sanang magagamit. :( 

Napaka-careless ko naman!

Teka, nasaan na kaya ang swerte ko?

One thought on “Minalas o Susuwertihin?

  1. Hello there,

    I am from a digital agency Peach Interactive. We have a client who would love to have you to write about them in a blog post. Could you let me know how much you charge for that? Also if you charge for banner advertisements too!

    Look forward to hear from you🙂

    Regards,
    Marcus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s