Posted in Animals, Pets

Valentines post


Dahil nung nakaraang araw lang ay Valentine’s Day. Tungkol sa mga nagmamahalan ito.

Nakakatuwa talaga silang panoorin. Madalas silang tambay sa aming balcony. Kami ay nasa 6th floor. Siguro dito sila sa balcony namin naging komportable. May inilagay kaming sobrang carpet sa balcony. Nang mga nakaraang araw napansin kong madalas nakatambay ang isa sa kanila. Sumunod na gabi andun pa rin siya at kahit pumunta kami doon ay hindi sila natitinag.. Unti unti ay nag-iipon na ng mga sanga sanga ang magjowang kalapati. Yes kalapati po sila. Yun naman pala buntis na siya.

Kaninang umaga Feb 15 habang kami ay nag-aalmusal, nakikita namin ang mag-asawang kalapati. Busy’ng busy ang lalaking kalapati sa pangunguha ng mga sanga-sanga. Habang ang babaeng kalapati ay nakaupo lang at hindi kumikilos kahit na kami ay sumisilip paminsan-minsan sa balcony. Hiyang hiya naman kaming istorbohin siya dun lol. Nakakaawa naman kasing itaboy dahil pakiramdam namin manganganak na siya. At hindi nga kami nagkakamali. Ilang  minuto lang biglang may lumabas na itlog sabay tayo niya at lipad. Ang lalaking kalapati naman ang pumuwesto at naglimlim sa itlog.

lovers

Pagbalik ng babaeng kalapati, wala ng tigil ang pag-alis at balik ng lalaking kalapati. Laging may tangay na kung ano-anong sanga. Nakakaawa naman siya, Im sure pagod na pagod na. Pero nakakabilib ha. Mabuti pa ang kalapati alagang alaga ang jowa niya. Mabuti pa ang mga kalapati nagmamahalan.

Mabuti pa ang birdie may lovelife. Bakit ako wala? LoL! San ko ba makikita yung para sa akin. Kagaya ng kalapati na totoo yung pagmamahal at pag-aalaga sa mahal niya. Hindi naman kalapati ang hanap ko ha. Syempre tao naman noh! LoL!

3 thoughts on “Valentines post

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s