Posted in dubai adventures, Life, RoadTrip & Gimix

Lashing


Ang plano lang naman ay mag-dinner. Sa isang bar? Hmmmn alam mo na kung ano’ng meron kung sa bar magdi-dinner. Syempre may alak. Tinanong ako ng friend ni friend kung ano’ng drinks ang gusto ko. Syempre sinabi ko iced tea. Tinawanan lang ako at napilitan naman akong um-oo sa white wine. Matapos magpakabusog, inom ng inom. Hindi namin namalayan naka-apat na bote na pala ng wine.

Masarap kung sa masarap. Lasang beer sa una. Hindi matapang. Si ate laging pinupuno ang baso namin.

Ganun pala ang epekto nun. Hindi ko lang naman kinaya ang sarili ko. Nakailang suka. Natagalan makauwi dahil pinapahupa pa ang tama. Pero hindi talaga mawala wala. Ang ending – akayan ang nangyari. O ako lang ang inakay. Hehehe.

Kaya hinding hindi ko na uulitin ang magpakalango. Nakakahiya talaga na ilang beses akong sumuka. Iinom inom hindi naman pala kaya ang sarili. First time itong nangyari. Dati-rati naman alam ko kung kelan ako dapat magpahinga ng inom – kung kelan ako pwedeng uminom na ulit. Pero nung gabing iyon pagkatapos ng mga ilang lagok ay naka ilang ulit straight ang pag-inom ko ng wine.

Ayan tuloy, sobrang panlalambot, antok at kalasingan ang naranasan ko. Hindi ko naman inakalang may ganung tama pala iyon. Kamuntikan pang hindi makauwi. Avah, ayaw kaming pasakayin ng taxi. Halata yatang lasing ako LoL! Promise ko sa sarili ko next time hindi na talaga mauulit iyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s