Posted in Health & Beauty

infection


First time ko maranasan ang mag-chill ng sobra. Yung kahit anong control mo, hindi mo pa rin mapigil ang panginginig ng buong katawan. Ang nasa isip ko giniginaw lang ako. I’m gasping for air sa tuwing akala ko napipigil ko na ang panginginig ng katawan. Pero mamaya eto na naman. Kapos na kapos na ako sa hininga at hinihingal na rin sa pagod. Nakahiga lang naman ako.

Narinig na ako ng mga kasama ko sa bahay. Mabuti na lang! Iniisip ko kasi kapag wala pang nagising sa kanila malamang maubusan na ako tuluyan ng hininga. Masikip na kasi ang dibdib ko nun sa hirap sa paghabol ng paghinga. Mataas daw ang lagnat ko. Humingi ako ng gamot. Pero hindi ko man lang maisubo. Pinainom ako ng tubig pero sobrang konti lang ang nainom ko. Natatapon lang kasi. Dinoble ni bespren ang blanket ko at pinatungan pa ako ng unan. Hanggang sa unti-unti ay natigil ang pagchichill ko. Mabuti na lang kahit malayo ako sa pamilya ay nanjan sila. Kung hindi malamang mas lalong hirap ang nadanas ko.

Lahat ng iyan ay dahil lang sa naging infection ng pagpapabunot ko ng ipin. Yes. Yun lang. Isang lingo mahigit din yata naging masama ang pakiramdam ko. Before and after pulling the tooth. Nung isang gabi ay nagchill din ako. Pero hindi kasing tindi ng naranasan ko ng gabing iyon. Nakakatakot pala kasi, OA man eh, totoong naisip kong mamamatay na yata ako. Ni hindi ko man lang alam paano sila gigisingin kasi ndi ko na kayang sumigaw o bumaba sa higaan ko para gisingin ang mga natutulog.

Sa ngayon I’m taking 2 anti biotics and  pain reliever. Naghihintay mapagaling ang infection bago ipacheck muli kung ano pa ang dapat gawin doon naman sa isang wisdom tooth kong nagpapasaway at nahihiyang lumabas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s