Posted in Random Thoughts

Pwede’ng mag-like…?


Kagabi habang bored at walang magawa, hinanap ko dito sa aking bahay ang mga lumang litratong kasamang naglaho noong naglaho na ang Friendster. Ilan sa kinuha ko ay in-upload ko sa aking Facebook account. May mga mangilan-ngilang mabilis na nag-like, meron ding nag-comment, merong ilang kaibigang nag-PM pa. Isa sa kanila si ex-kapitbahay. Kapitbahay noong mga bata pa kami. ‘Di kami close. ‘Di ko nga rin alam ang name niya – nalaman ko lang nung naging friends kami sa FB.

Pinuri niya ang picture kong luma na. Tanong ng kung ano-ano lang. Saan nagta-trabaho. Gaano na katagal sa Dubai. Kung pwedeng maging magkaibigan kami. Heller! Friends naman na kami sa FB. Maya-maya natawa ako dahil nagpapaalam pa kung pu-pwede niyang i-like ang pictures ko. Abah eh of course naman, sino ba naman ako para magbawal sa pagla-like ng kung sino mang gustong mag-like? Napaka-suplada ko naman kung mag-aupload upload ako ng pictures tapos sabay lalagyan ko ng caption “No Likes, please!” Di naman naka-disable ang Like sa FB ko hehehe. Libre lang din naman ang pagla-like. Hindi rin ako macha-charge kung magla-like siya.

Ang dahilan ni ex-kapitbahay…

Baka daw may magalit. Baka daw may magtanong kung sino daw siya at bakit nagla-like. Asus, pasimple pa si ex-kapitbahay. If I know, type ako nun ahahaha! Kapal ko noh. Gusto lang malaman kung may jowa ako o wala. Paunti-unti ng tanong hanggang sa matanong niya kung single ako o hindi. Mejo natakot lang yata nun mejo natarayan ko ng konti hihih!

3 thoughts on “Pwede’ng mag-like…?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s