Posted in Bloopers, dubai adventures

chewing gum experience


Pauwi ng bahay kagabi. Sumakay ng tren. Busy sa BBM. Todo volume ang sounds. Ng biglang may lumapit…

Inspector: “Give me your tickets.”

Me: “Huh?!?”

Repeat 3x (parang kanta lang)

Takang taka lang ako. Di ko alam ano’ng pinaghihingi sa akin ng inspector. Finally iniba ang words.

Inspector: “You’re chewing gum.”

Me: Nanlaki ang mata at kinabahan. Biglang naalala bawal ngumuya at lumunok uminom sa tren.

Inspector: “Okay, we’ll get down the next stop.”

Me: Super disappointed na ang mukha

Paglabas ng Karama Station. Hiningi ang labour card ko. Tapos pinagbabayad ako ng 110 Dhs. Sabi ko wala akong ipapambayad. I-claim na lang daw ang card pag may pambayad na ako sa loob ng 40 days. Hmmmn. Tinawag niya ang isang lalaking hindi ko alam kung supervisor ba iyon. Nakatingin lang at bihirang magsalita. Panay naman ngiwi ng bibig ko. Kasi nga hindi ko matanggap na nangyayari sa akin ito LoL! Kelan pa ako nagbreak ng rules? Noon pa pero hindi naman ako nagpapahuli. Lumilipad kasi ang utak ko nung gabing iyon – kung saan saan napapadpad. Kaya hindi ko napapansin na ngumunguya nguya pala ako.

Sinabi kong may pambayad naman ako. Yun nga lang mauubusan naman ako ng pera. Ayaw talaga nung bulinggit na Inspector. Basta daw bumaba na kami para magbayad na ako sa office. Syempre susunod na lang ako. I have no choice kundi maglabas ng pera. Maya-maya yung isang lalaking Inspector, inabot pabalik ang card sa akin at sinabing huwag ko na lang uulitin next time. Hay ang bait niya! Mabuti pa siya. Thank God! Nakuha yata sa paawa face ko. Heheh!

Isa pang dapat ika-pasalamat ko: Nabawasan na ng isang oras ang oras ng trabaho ko. Anim na oras na lang akong magugutom at mauuhaw.

Lesson learned: Huwag ng mag-chewing gum kahit kailan =)

One thought on “chewing gum experience

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s