Posted in dubai adventures, Language & Culture, Life, Random Thoughts, Religions & Beliefs, Work & Work Hard

Ramdam ko ang gutom ngayong Ramadan


Di ako masaya ngayong buwan ng Ramadan.😦

Paano ba naman, napakapangit ng sked ko! Pitong oras na pasok tapos walang breaktime!?! Ano ba namang buhay ito? Nagta-tarabaho para lang magutom? How depressing is that?!? LoL!

Mabuti sana kung noon pang time na nagda-diet ako. Kaso hindi na. Hindi ako nagda-diet. Nagpapadagdag na ako ng laman dahil pumayat ako ng sobra. Maigi pa noon sa dating kumpanya. Nakakakain kami pagkatapos maaga pa ako nakakauwi.

Pero dito hindi ko yata magawa iyon. Ang ginagawa ko nalang ay tuwing umaga pinupuno ko ng kanin at ulam ang tyan ko. Para maraming reserba. Hanggang hapon na iyan. First day ko ngayon sa trabaho ngayong Ramadan. Masusubukan kung makakaya ko. Isipin mo ang baon ko lang ay kapirasong pack ng M&M’s. Pamatid gutom daw kasi ang sweets. Hindi ko lang alam kung makaka-survive ba ako nito hanggang alas-singko.

Lahat kasi ng kasama ko sa opiz ay M ang relihiyon. Kaya kahit papa’no ni-rerespeto ko na ang tradition nila. Gumagawa na lang ako ng paraan paminsan.

Habang abala si B sa telepono, sumimple ako sa pantry at uminom. Mabuti wala dito si amo at si A, isa pang kasamahan ko. Patago akong sumubo ng isang pirasong M&M’s ng biglang kinausap ako ni B. Hindi tuloy ako makasagot, tumango tango na lang ako. Nagpaalam siya para lumabas dahil magdadasal na siya. Paglabas niya pinuno ko ng M&M’s ang bibig ko LoL!

Gusto kong kumain ng iba pang pagkain pero hindi ko naman magawa. Nakakalungkot naman. Wag na lang siguro ako mag-isip ng pagkain para naman hindi ako gutumin. Gusto ko ng hilahin ang araw ng matapos na ang pagka-gutom ko araw-araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s