Posted in Love & Relationship, Random Thoughts

Hindi ba talaga kayang kalimutan si first love?


Ma-mais ang title. :mrgreen:

Tumambay uli ako sa Dashboard. Punumpuno lang naman ng mga searches tungkol pa rin sa pagpapataba. Pero ang nang-agaw ng atensyon ko ay ang katanungang ginawa kong title ng entry’ng ito.

Hindi nga ba talaga kaya?

Sa tingin ko —

KAKAYANIN naman eh.

Yun nga lang it takes time to process all the grief, anger and sadness. Weh! Kasalukuyang nanjan ako sa katanungang yan eh. Very timely ba ang pagtambay ko sa dashboard? Talagang ako pa ang dapat tanungin? Parang di ko nga masagot ‘yan sa ngayon eh. Pero konting process na lang sa akin hopefully. I’ll get by without you! ‘Kala mo ha! Marami-rami na rin akong nailuha – iniipon pa uli lol!

Actually si papuch nga ang first serious relationship ko – unang pag-ibig. Nagkaro’n man ng jowa noon. Testing lang yun lol! Hindi nagtagal kasi nga testing lang. Masubukan lang kung ano’ng feeling ng may jowa ahaha!

Mabalik sa tanong ng searcher. Ang sagot ko – OO.

Kasi kung first love mo siya at totoong mahal mo. Super sakit naman talaga kung hindi rin naman kayo ang magkakatuluyan. Kung hindi na kayo nagkatuluyan, syempre lagi mo siyang maiisip. Lalo pa’t niloko ka at pinagpalit.

Pero ang pinakamasakit ay yung mahal niyo ang isa’t isa pero may mga tao at pangyayaring nagiging hadlang para hindi kayo magkatuluyan. Tapos eventually tatanggapin nyo na lang na wala – kahit first love kita magkalimutan na lang tayo. Kasi mahihirapan lang din naman tayo.

Ang sakit dibah. Sobra. Ginawa mo pa naman ang lahat para maging maayos ang lahat pero sa wala din pala mapupunta. Tapos wala na kayong communication kahit sa totoo lang gustong gusto mo siyang makausap uli.

Pero sabi nga ng iba possible namang makalimutan natin yung tao. Yung feelings. Pero yung memories laging nanjan yan hindi mawawala. Kahit saan nga ko lumingon puro memories niya nakikita ko. Hai ayoko na talaga!

Hindi lang naman si first love ang mahirap kalimutan. Kahit si second, third, fourth or kahit pang-ilan pa yan as long as minahal mo ng totoo – Mahirap talagang makalimutan. Ang gulo ko noh! Sabi ko OO possibleng makalimutan pero eto ngayon sinasabi kong mahirap makalimutan si first love. Ang masasabi ko lang – depende sa tao ‘yan. Kung paano natin tutulungan ang sarili nating kalimutan yung sakit.

Advise ni friendship sa ‘kin yan =). Help yourself daw hehe… Hmmnn hirap noh. Natutulala at napapaisip na lang ako. Minsan may regrets. Pero naiisip mo ring naging masaya ka din naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s