Posted in Love & Relationship, Random Thoughts

Pag Mahal Mo….


Life oh life! Love oh Love!

Pag depressed ka nga naman… babalik na naman ng WP – Eto na naman at magsusulat. Kahit wala namang inspirasyong magsulat. In fairness… nakatiis naman ako kahit papano. Ngayon lang yata unti-unti kong natatanggap na hindi palaging masaya ang life. Sobrang daming problema ang pinagdaaanan at nalusutan ko the past years na nawala ako sa blogosphere. Nawala na nga rin ang ibang site na noon ay araw araw kong binibisita. Nasa’n na kaya sila?

Hindi ko nga alam kung papano’ng isusulat ang mga nangyari the past year, siguro unti-unti na lang. Kahapon habang nabobored sa ofiz dahil walang magawa, naisipan kong tanggalin muli ang agiw ng aking blog. Natatawa ako dahil may naiwan pala sa draft. Ang kabaliwan at kadramahan ko. Sinulat nung kasalukuyang magulo ang isip – hanggang ngayon naman magulo pa rin ;P

Pag mahal mo ang isang tao at magkalayo kayo, bakit kulang ang araw ng hindi mo siya nakakausap?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit kaya mong saktan ang sarili mo kapag hindi mo gusto ang nangyayari?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit tinatanggap mo pa rin siya kahit masaktan ka pa niya?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit hindi mo kayang bumitaw sa kanya?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit nagagawa mo ang mga bagay na di mo ginagawa noon?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit handa mo siyang ipaglaban sa kahit na sino?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit willing kang maghintay kahit pakiramdam mo nagiging malabo na ang lahat?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit siya lang ang pinaniniwalaan mo kahit maraming nanggugulo sa inyo?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit kahit tapusin mo na ang lahat binabawi mo rin naman?

Pag may mahal kang isang tao, bakit nagiging komplikado ang dating napakagaang na sitwasyon?

Pag mahal mo ang isang tao, bakit kahit may iba namang magmamahal sa iyo na magiging magaan ang lahat siya pa rin ang pipiliin mo?

Kapag komplikado na ang relasyon at madaming hadlang, bakit siya pa rin ang pinipilit mong makasama habang buhay kahit may iba namang handang umalalay sa panghihina mo?

Break na po kami ni Papuch… Kinailangan ko ng sumuko at magdesisyong tapusin ang lahat. Kailangan ko’ng tanggapin na kahit ano’ng pilit namin pag talagang hindi kami – hindi kami. Maybe we’re not meant to be. And so I need to move on and start all over again. Hmmmn…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s