Posted in Animals, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Pets

Roxy – Kwentong Aso


Gaya ng naisulat ko noon DITO – mahilig kami sa mga pups and doggies. Sila ang nakakapagpasaya sa amin. Napakagulo sa bahay kapag kalaro ang mga aso. Napagkamalan ngang may bata sa bahay at yun ang pinagkakaguluhan. Pinagtalunan pa ng mag-asawang kapitbahay kung aso o tao ang bine-baby talk namin ahaha!  Ang hindi nila alam mga aso lang pala ang kalaro. Later naman ay natuklasan nilang wala pang apo ang mga parents ko. Sadyang mababaw lang ang kaligayahan at tinuturing na tao ang mga aso.

Pag-uwi ng Pinas noong 2010, at last na-meet ko na rin ang mga bagong aso namin. Si DJ at Bugs. Sila ang mga doggies na pahapyaw kong nabanggit sa lumang entry. Sobrang close na kami ni DJ. Mahal niya naman ako, pero mahal niya rin akong tarayan! Sa sobrang inis niya sa akin nung minsan, tinalon niya ako at natumba ako – gasgas at pasa ang inabot ko. Pero lambing lang yun sa kanya. Daig ko pa ang binugbog ng jowa nun dahil araw araw puro pasa ang binti at braso ko dahil sa kanya.

Si Bugs, ang aming terrier doggy. Hindi ko alam kung ano ba talagang breed niya basta ang sabi ni mudra terrier daw si Bugsy boy. Masyado siyang galawgaw at mabigat. Kapag nilandi niya na ako hindi na ako gumagalaw dahil for sure matutumba lang ako sa sobrang lakas niya. Recently nagkasakit siya, don’t know kung ano’ng nangyari sa kanya. Basta na lang naging weak siya. Willing na nga kami to let go of him kasi nakakaawa na siyang tignan. Pero iba talaga si Bugs, palaban siya at hindi basta basta sumusuko. Kaya sa ngayon ay unti unting lumalakas na siya.

Si Alex, ang puppy na girl pero mukhang boy. Ampon lang siya dahil hindi mahilig sa doggy ang kapitbahay. Tahimik at madalas tulala. Siguro dahil sobrang baby pa siya. Hindi rin siya love ni DJ pero isinisiksik niya pa rin ang sarili niya, kahit sa akin. Kaya love ko na rin siya J

Si Roxy, ang cutest puppy. Anak siya ni DJ. Sobrang love ko siya dahil malambing at makulit. Araw-araw at gabi-gabi niya akong iniistorbo sa aking pag-iinternet. Hindi ako makapagconcentrate sa online activities ko dahil sa pagkagat niya sa binti o kaya sa pants ko. Kapag naman matutulog na ako, gusto niya nasa bed din siya. Kaya gabi-gabi katabi ko siyang matulog. Pwera lang nitong mga nakaraang gabi at ngayong gabi.

Kasi naman iniwan na kami ni Roxy😦

An hour ago… July 03 2011. Namatay na si Roxy. Sobrang lungkot naman. Kasi narinig ko pa ang pag-iyak niya at nakita ko pa siya hanggang mamatay. Grabe sabog ang luha ko dun. Mabuti pang tulog ako nun. Kung bakit kasi nagpuyat pa ako. Mami-miss ko si Roxy – kahit ilang buwan lang ang pinagsamahan namin. Akala ko hindi na ako mapapaiyak ng mga alagang aso. Pero hindi pa rin pala. Ayoko ng magkaro’n ng attachment sa mga puppies and doggies para hindi nakakasama ng loob pag iniwan nila ako😦

 

UPDATE: June 2012 — Waaah! Sumunod na din pala si Bugs😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s