Posted in Boredom, Life, Random Thoughts

daily routine


Ikaw na naman ang kaharap ko. Lagi na lang ganito. Nauubos ang oras ko sa maghapon na ‘pyuter ang kaharap at internet na lang ang laging pinagkakaabalahan. Pero nababagot na ako kasi wala na akong ibang magawa bukod pa sa mga nasabi ko.

–         Mag-oonline sa plurk ng ilang minuto, magla-logout.

–         Check ng FS, tingin ng updates, logout.

–         Tingin ng ibang accounts ko sa kung saan saang social networking sites, konting reply sa mga pwends, logout.

–         Check ng lahat ng emails ko… ang dami kong email id eh lol. Tapos logout uli.

–         Lagi namang may error ang YM bakit ganun? La-logout na nga lang, error pa ang aabutin.

–         Check ng wordpress, magbura ng busit na spam.  Iisipin kung paano ba maaayos ang engoticon na masyadong mataas kesa sa text. Sagwa tignan! Tapos logout.

Makikita ko na lang 5:46 PM na? WTF – Gabi na naman ng hindi ko namamalayan!?! Magpupunta na naman ako ng kusina at magiisip kung ano’ng iluluto, naks! Sa mga dati ko ng kakilala, wag n’yo akong pagtawanan dahil marunong na akong magluto(?!?) Hahaha! Wag n’yo lang akong titignan pag nagluluto. Hala kayo baka mako-conscious ako panigurado palpak ang kalalabasan nun.:mrgreen:

Pagkatapos ng dinner, internet na naman pero di na alam kung ano’ng ise-search. Kahit mga hindi ko sinusubaybayang tele-serye na malapit ng matapos, bigla ko na lang maiisipang panoorin. Wala lang pampalipas oras. Tapos pag tinamad na matutulog na pero hindi naman makatulog. Nung isang beses 8AM patulog pa lang ako. Buti nagimprove naman kagabi kaya siguro 2:30AM ako nakatulog pero kinailangan ko pang uminom ng gatas. Mabuti naman at umeepek na uli ang gatas sa insomnia ko.

Bukas ganito na naman, tapos walang tulugan na naman…

5 thoughts on “daily routine

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s