Posted in Blogging, Tags & Memes

Blogging and Awards


Aaminin ko na. Ilang beses ko na talagang kinatamaran ang magpatuloy ng pagba-blog. Parang ayaw ko na kasing magkwento ng mga pang-araw araw na karanasan ko. Parang gusto ko na ng privacy sa buhay ko. Kahit na alam ko namang bibihira lang ang naliligaw at nakakabasa nito, ayaw ko pa ring isang araw ay matuklasan ng iba na meron pala akong talaan sa mundo ng internet. At paano kung magkataong extra pa sila, at baka sila pa ang bidang kontrabida lolz. Sila ang bida dahil tungkol sa kanila pero kontrabida pa rin sila dahil mas bida ako, syempre akin ang blog na ito😀

Pero gusto ko lang linawin na kahit naging kontrabida sila minsan sa kwento ko, hindi naman ibig sabihin nun ay sila na ang pinakamasamang nakilala ko sa buong buhay ko. Dala lang iyon siguro ng tampo ko nung mga panahon na iyon. Pero syempre sino ba naman ako para hindi kalimutan ang mga pangyayaring iyon. Malay ko ba kung may buwanang daloy (lolz) lang pala siya nung mga panahong iyon kaya naging kontrabida siya sa buhay ko.

Kahit madalas kong binalak na isara na ang talaang ito, hindi ko talaga magawa. Dahil minsan sa buhay ng kalungkutan (drama ‘toh! haha!) sa abroad at pagkabagot sa opisina dahil walang ginagawa sa buong araw, ito ang naging instrumento para gumaan ang loob ko at mapasaya sa pamamagitan ng pagbisita sa mga blogs ng iba. Nandirito pa rin ako para patuloy na ishare gaano man kaganda o kapangit, kasaya o kalungkot ang mga pangyayari sa paligid ko. i Lurve blogging!😀

Pasok na ba ito kenjie para sa Neno’s blog Award? HeHeh!

The aims of Neno’s Blog Award:

neno-award

    • As a dedication for those who love blogging activity and love to encourage friendships through blogging.
    • To seek the reasons why we all love blogging!
    • Put the award in one post as soon as you receive it
    • Don’t forget to mention the person who gives you the award.
    • Answer the award’s question by writing the reason why you love blogging.
    • Tag and distribute the award to as many people as you like.
    • Don’t forget to notify the award receivers and put their links in your post.

nagbabaga-award

Napakatagal ko ng hindi masyadong nakakapag-bloghop, patawad talaga hehehe. Sobrang naging busy-busyhan lang talaga ako. Meron akong favorite na i-tag ang kaso lang eh mukhang busy-busyhan din ang byuti haha. Pero ipapasa ko pa rin ang award na ito para sa kanila: Vera at Jojie!

Huh! Meron pang isa Ginoong kenjie?😀 Ang dami ko pang nakikita ha pero ito na lang ang isa ko pang tatangayin tamang tama sa painit ng klima sa disyerto, ang Nagbabagang Blog Award😀

Pahabol pa pala. Gusto ko nga palang i-congratulate si Mr. & Mrs. Thoughtkoto sa pagiging successful ng PEBA. Fresh na fresh pa rin sa isip ko at hindi pa rin makapaniwalang ako ay 10th honor sa nakaraang Search. At super eksayted na ako sa PEBA 2009, namimili na ako ng mga OFW Blogs na pwede kong i-nominate. Goodluck!

2 thoughts on “Blogging and Awards

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s