Posted in Boredom, Random Thoughts

Insomniac


Hay buhay! Bakit naman ganito?

Nung isang beses lang nagrereklamo ako kung bakit ang aga aga kong magising. Ngayon naman magrereklamo na naman ako. Bakit na naman? Eh kasi naman pa-late ng pa-late na ang gising ko. Nung isang araw 10:00AM, pwede pa… Sumunod na araw, 10:30AM pwede pa rin.

Yung mga sumunod pang araw, 12:30NN. Pagkatapos kanina 1:15PM. Grabeh. Ibang klase kahit iwang bukas o patay ang ilaw sa room walang epekto, hindi ako nagigising. Eh bakit ako tanghali nagigising? Kasi naman hindi ako makatulog. Kung minsan paikot-ikot lang ako sa higaan. Kung minsan naman papasyal pasyal ako sa room at cr. Hanggang sa tignan ko ang oras 4:30AM na pala. Minsan naririnig ko na ang pag-uumpisa ng Salah, ang ibig sabihin lang nun ay alas-singko na ng umaga at gising pa rin ako… waaaaaaaaaaaaaah!

Ngayon 12:15MN pero buhay na buhay na naman ang mata ko. Walang ka-antukang nararamdaman ang mga mata ko. Pati ang pagkain ko iba iba tuloy ang oras. Kanina nag-almusal ako ng 1:30PM, tanghalian ng 3:30PM (no choice dahil walang kasabay si A maglunch buti masarap ulam namin yehey!) Tapos ang dinner ay 9PM. Kanina pa ako nagba-browse pero parang wala na akong alam na gawin sa internet. Wala ng ma-browse nakakasawa na. Wala ng maka-chat dahil tinatamad din ako kung minsan. Mas madalas nawawalan na rin ako ng inspirasyon mag-blog pero ndi ko rin maiwan-iwanan. Gusto ko lang namang bumalik sa normal ang oras ng pagtulog at paggising ko. O di kaya naman, ito ay isa lang training dahil malapit na daw akong umuwi ng PINAS?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s