Posted in dubai adventures, Life, Places, Work & Work Hard

Sa Wakas!


Sampung araw na lang iiwan ko na ang kumpanyang pinagsilbihan ko ng tatlong taon. Yehey!

Parang kailan lang nung tinawagan ako ng kumpanyang pinapasukan ko. Akay ko pa ang fren ko dahil sa takot na maligaw sa bansang bago pa lang sa paningin ko. Parang kailan lang nung paikot ikot ako sa Karama. Naliligaw at masuka suka sa mga pagkaing bago lang sa pang-amoy ko. Parang kailan lang nung bumalik ako sa Sheikh Zayed para sa final interview sa kumpanyang ito at takot na takot sa bastos na Ehipto’ng ayaw lumubay sa akin.

Parang kailan lang lumalaki at lumiliit ang pamilya ng kumpanyang ito. May mga nakakasundo at meron ding hindi. May katrabahong pasaway, merong tahimik. May mukhang model, merong parang taga-Zuhoor (cafeteria un!). Parang kailang lang ng natanggap si babaita sa aming kumpanya. Kalaunan naging gelpren ni boss. Kalaunan pa umiiyak na ako ng dahil sa kamalditahan niya. ( Prenship kuno na kami ngayon :D )

Parang kailan lang nung nangarap akong layasan na ang kumpanyang ito. Inip na inip na ako at gusto ng umuwi ng Pinas. Maraming nagsasabing magtiis nalang daw muna ako na sinunod ko naman. Parang kailan lang nung nagdesisyon akong huwag na lang magbakasyon dahil alam ko namang hindi ganung kadali kung sa kumpanyang ito ka nagtatrabaho. Parang kailan lang ng marealize kong madali lang naman pala tumakbo ang oras at kinabukasan paggising ko tapos na ang kontrata ko kaya magtiis-tiis lang.

Parang kailan lang din nung palipat lipat kami ng bahay. Umalis sa tinitirhan dahil nagmahal ang bayad, o di kaya naman maraming surot, o kaya may kabayan na iba ang pag-uugali, o kaya naman ay na-baladiya. Ang daming pangyayari. Ibang-iba nung nasa Pinas ako na stress-free at mala-prinsesa kung asikasuhin ng magulang.

Napagod ako sa tatlong taong ni hindi man lang ako nakapagbakasyon. Gusto ko munang magpahinga. Hindi ibig sabihin na gusto ko’ng magbuhay prinsesa. Gusto ko lang muna talagang umuwi ng Pinas at magrelax relax. May plano naman pero ayaw ko munang pag-usapan dahil hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Que sera sera.

Malungkot ako dahil nasanay na ako sa routine ng aking Buhay Dubai. Pero mas lamang ang SAYA dahil malapit ko na ulit makita ang pamilya at prens ko lalong lalo na ang Pinas! WooHoo!!!

One thought on “Sa Wakas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s