Posted in dubai adventures

Decks


UPPER

Sobra kong hindi na-enjoy ang dhow cruise birthday celebration ng baby ng ex-opismeyt ko. (Oooops.. but I’m glad naman dahil invited ako kaya kahit may sakit join ako!) Yun palang kasi ang ikalawa o ikatlong araw na namamaga ang tonsils ko at sobrang ubo ako ng ubo. Pumwesto pa naman kami sa upper deck which is open air at mamahamugan ang baby (ako un! :D) dahil dun nila gusto para makapag-sight seeing ng maayos.

oops sensya i look sick!Wala naman akong ginawa sa buong cruise kundi ang magpakalango sa alak tubig. Inom daw kasi dapat ng inom ng tubig sabi nila. Dumaan ang waiter, syempre gusto ko ng pineapple juice. Sabi ng mama ko uminom daw ako ng fresh pineapple juice. Kaso nung iinumin ko na sana un juice, as in dikit na un lips ko sa baso. Bigla naman akong pinigilan ng mga kasama ko. Lalo lang daw magiging makati sa lalamunan un…. hay! So aun nagtyaga na lang ako sa tubig kahit masuka suka na ako. Hindi ko na rin halos maibuka ang bibig ko para makipagkwentuhan sa kanila. Pamasid masid lang ako, ang boring! Sa food isang putahe lang ang natikman ko, maglaway man ako sa ibang foods hindi ko naman magawang kumain ng kumain dahil hindi nga ako makalunok, pati cake hindi ako nakakain ang sarap pa namang tignan huhuhu! Feeling ko nga nangayayat talaga ko LoL! Happy 1st Birthday Baby Sayhan!!!

DOUBLE

pic01 pic02 pic03

Nakatatlong plate (angtakaw!) kaya kami ng chicken wings, legs, tiny pizza at spring rolls at tig-isang tiny burger lang.

Kagabi nagpunta naman kami ni papuch sa MuroojRotana @DoubleDeckerPub. Kain-Inom-Usap ganun lang. In fairness sarap ng timpla ng chicken… Finger foods lang naman at inom. Dahil hindi naman ako talaga inumera at kahit less alcohol content eh pulahin ako, nakaisa’t-one fourth (lol) lang ako’ng bacardi kasi naman may epekto ka’gad. Oo wla tlga ko kwenta sa inuman hanggang smirnoff at bacardi lang ako😉 Gone are the days na kahit ano’ng alak iinumin ko.

In fairness pansin ko, hindi sumakit ang lalamunan ko kagabi. Ang ubo hindi ganun katindi. Then tonight inoobserbahan ko, mejo may feeling pa rin ng paninigas sa throat kapag lumulunok pero hindi ko na kailangan ipikit mata ko para tiiisin un sakit malunok ko lang laway ko😀 Kaya bukas absent pa rin ako! Just hope na tuluyan ng mawala ito.

2 thoughts on “Decks

  1. sarap naman dyan! wahh..next time isama mo naman po ako. hehe

    Rhapsody: sure bakit hindi kuya (hehehe kinuya!) punta ka na dito bago ako umuwi ng Pinas😀

  2. hay sis, kapag ang tonsil ko ang namaga..for sure lalagnatin ako nito..tonsil ko ang weakest part ng katawan ko eh…

    magmumog ka lang ng maligamgam na tubig na may asin giginhawa pakiramdam mo:)

    Rhapsody: ngyari na nga sa akin dati un. pero this time, nalilito ako… kung tonsil ba o mga phlegm na di makalabas… kasi ok na ko eh biglang kagabi na naman hirap lumunok….

    ang hirap naman nyang sayo, un ang weakest part mo? para kang mama ko, wish ko nga na ndi ko makuha sa kanya un eh😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s